logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

5: Abducted

Malamig... Sobrang lamig.. 
Hindi ko alam kung nasa'n ako ngayon pero ang masasabi ko lang ay sobrag lamig at dilim sa lugar na ito... Para akong nasa ibang dimension.
Tiningnan ko ang paligid at wala halos akong makita kundi ang tatlong aircon na nakakabit sa dingding.
Limse! Kaya naman pala ang lamig.
Sino bang may ari nito? Baka gusto mo pang dagdagan ng aircon. Ang init pa, e!
Paano ako napunta rito? Ang huli kong naalala e papasok na sana ako sa isa sa mga cubicle ng cr at matapos no'n, bigla na lamang akong nakaramdam ng pagkahilo and after that, nandito na ako. Tiningnan ko naman ang buo kong katawan at napansin kong wala namang nagbago. Ni hindi nga ako nakagapos. So, anong ibig-sabihin nito?
Sinubukan kong tumayo ngunit hindi ko magawa dahil...
"YAAACK!!!" Bigla naman akong napasigaw nang mahawakan ang skirt ko.
At sino namang baliw ang nagdikit nito sa kama?!
Mas pipiliin ko pang igapos na lang ako kaysa naman sa lagyan ng napakalapot na pandikit itong skirt ko at i-glue sa bedsheet ng kama. NAKAKAINIS!!
Pero kabaliwan nga lang ng may-ari o kung sino man ang nagplano nito dahil sa pag-glue niya ng skirt ko sa kama. Hindi ba siya nag-iisip? Pwede kong hubarin ang skirt at tumakbo ako para makatakas ako. Ang babaw naman ng utak no'ng abductor.
Huhubarin ko na sana ito nang may biglang pumasok sa kwarto dahilan para mapatakip ako sa bunganga ko.
Narinig ko ang mga yabag ng paa niya na papalapit sa kinaroroonan ko hanggang sa makita ko na nga ang hitsura niya. Hindi lang nga masyadong malinaw dahil ang chandelier lang naman na nasa kisame ang nagbibigay liwanag sa sobrang laking silid na ito.
Matangkad siya at malaki ang katawan. Medyo maputi rin siya pero medyo lang naman.
Nagbaba siya ng isang tray na may lamang pagkain sa mesa na katabi ng kama na kinauupuan ko ngayon.
"Kumain ka na raw." Panimula niya at akmang aalis na sana siya nang bigla akong magsalita.
"Excuse me. Sino ka ba? Tsaka bakit ako nandito?" Tanong ko pero imbes na sumagot ay naglakad na lang papalayo.
Aba! Ini-snob ako ng mokong!
"Pareo lang kayo ni NERD!!!" Sigaw ko sa kanya nang maramdaman kong nakaalis na siya.
Kakainis! Akala mo kung si––
Grrrrrrr...Grrrrrr...
Gutom na ba ako? Napatingin ako sa pagkain na nasa mesa.
UGH!!! Hindi mo pwedeng kainin 'yan dahil baka mamaya may lason lang 'yan.
"Hoy! Kung sino ka mang baliw ka na nagplanong ipadukot ako, lumabas ka! Hindi ako natatakot sayo! Akala mo ba natatakot ako?! Hindi, noh! Matapang ako!" Sigaw ko sa kawalan kahit wala namang katotohanan.
Pero 'yong baliw totoo 'yon.
Maya-maya pa'y nakarinig muli ako ng mga yabag. Isang lalaking patpatin naman ang pumasok.
"Hoy ikaw! Baka liparin ka ng hangin! Malamig dito, noh!" Bulyaw ko sa kanya para naman lumakas-lakas ang loob ko kahit papaano.
Inilapag lang niya ang isang basong tubig sa lamesa.
"Sino ka ba? Ikaw ba 'yong mastermind?" Tanong ko pero gaya ng kanina, naglakad lang din siya papalayo na para bang walang naririnig.
"Mga snabero! Akala niyo naman kay gugwapo niyo! Hindi noh!"
Makalipas lamang ang ilang minuto, muli na namang kumalam ang sikmura ko kaya agad ko nang sinunggaban ang pagkain na nandito. 'Di bale nang malason at least hindi gutom.
"Hoy! Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko! Sino kang baliw ka na nagpadukot sa'kin? Wala ka na bang magawa sa buhay mo?"
"Meron naman. Kaya nga kita nagawang ipadukot, e."
Halos mapatalon naman ako sa gulat nang marinig ko ang sobrang pamilyar na tinig na iyon. Parang narinig ko na siya somewhere.
"S-sino ka?"
Hindi ko alam sa sarili ko pero bigla na lamang akong kinabahan na hindi ko naman naramdaman kanina.
May something ba?
"Hindi mo 'ko kilala?"
"Ah– h–hindi."
"Bakit ka nauutal?"
"H-Hindi!"
"Talaga?"
Ang cool ng boses niya na ewan. Basta sobrang pamilyar talaga. Parang kaboses niya si–-
"Correction, miss. It's not disease, but calories."
"Why?"
"Nice. 'Di ba dapat ako ang magtanong niyan sa'yo? Anong ginagawa mo rito?"
At..
"See you in hell..."
Halos matulala ako sa mga naalala ko. Hindi. Hindi 'to pwede.
"Ano? Kilala mo na ba ako?"
Halos matigilan ako sa mga naisip ko at isama mo na rin ang kakaiba at sobrang cool na boses ng lalaking ito.
Unti-unti siyang naglakad palapit sa may ilaw at laging gulat ko nang makatapak na siya sa tapat ng chandelier.
Siya nga...
"Ikaw nga...." Mahina kong sabi.
Naglakad naman siya palapit sa akin. Hindi ko naman magawang umatras dahil nakadikit nga ang skirt ko sa bedsheet. Pero buti na lamang ay huminto siya nang isang metro na lamang ang layo namin sa isa't isa.
"Ako nga." Pag-uulit niya sa aking sinabi.
"P-pero bakit?" Tanong ko sa sarili.
Ngumisi naman siya at tinanggal ang suot niyang salamin at saka tumitig ng diretso sa akin. Hindi ko alam pero parang may kakaiba sa mga titig niya. Kakaiba ang nga mata niya. Kakaiba siya.
"Tinatanong mo ako kung bakit?" Tugon niya. "Simple lang. Gusto ko lang magtanda ka."
"M-magtanda saan?"
Hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan kung bakit niya ako pinadukot. Sa pagkaka-alam ko, wala naman akong ginawang hindi maganda sa kanya. Sa totoo nga, siya pa ang namahiya. Pero kung may nagawa man ako sa kanya na hindi ko namamalayan, hindi naman siguro dahilan 'yon para gawin niya sa'kin 'to?
"Subukan mong isipin... Nang malaman mo." Sagot naman niya na para hang nasa isang quiz bee conpetiton kami para pahulaan sa akin ang mga nagawa ko.
"T-teka.. Sky hindi ko maintindihan. Wala naman akong nagawa para... Para ipadukot mo ako. W-wala naman akong nagawang masama, Sky. Kaya please, pwede bang pakawalan mo na ako?" Pagsusumamo ko kahit na alam ko naman na hindi niya ako papakawalan.
"Seriously? At sa tingin mo papakawalan kita ng gano'n-gano'n lang? Oh c'mon Hera, hindi ka na nasanay sa mga teleserye na ginampanan mo." Sagot naman niya.
"Pero wala tayo sa teleserye, Sky!" Napataas ang boses ko pero parang wala lang sa kanya iyon. "Nasa totoong buhay tayo.."
"Edi kung nasa totoong buhay tayo, isipin mo na nasa teleserye tayo."
"W-what?"
Naguguluhan na ako sa mga sinasabi niya dahil hanggang ngayon hindi niya pa rin nasasagot ang mga tanong ko.
Humakbang siya ng isa papalapit sa akin kaya naman bahaga akong napaatras kahit alam kong wala namang mangyayari.
"Natatandaan mo 'yong huli niyong teleserye ni Relzé?" Tanong niya habang ngumunguya ng chewing gum. "'yong... Celeste?"
May kung ano akong naramdaman sa sinabi niya pero hindi ko na lamang iyon pinansin.
"At bakit naman nadamay si Relzé dito?" Nanggagalaiti kong tugon.
"Isipin mo na nasa katauhan ka ng bida at nasa ilalim ka ng kapangyarihan ng kontrabida. Anong gagawin mo? Tatakas ka ba o lalaban ka?" Kumurba ang labi niya dahilan para makita ko na naman ang pamatay na ngiti niya.
"Sky hindi ako nakikipagbiruan sa'yo" Madiin kong ani.
"At sa tingin mo, biro 'tong ginagawa natin?"
"H-hindi ako makapaniwala na ganyan ka."
"O baka mali lang ang pagkakakilala mo sa akin?"
"Baka nga."
Umatras siya at tinalikuran ako. Pero bago pa siya mawala sa paningin ko, muli kong ibinuka ang aking bibig upang siya'y tano'ngin.
"Hanggang kailan ako dito Sky?"
He paused then answered without looking at me. "We'll see. And please stop calling me Sky because... I'm not Sky."
I'm not Sky.
I'm not Sky.
I'm not Sky.
Halos gabi-gabi kong naaalala ang tatlong huling salitang sinabi sa akin ni... Nerd. Hindi ko alam kung dapat ko pa ba siyang tawaging Sky o hindi na. Balik nerd na lang ba?
Hindi naman pala gano'n kasama ang nangyayari sa akin ngayon 'di tulad ng na-i-isip ko na gagawin nila sa akin. Karaniwan kasi 'di ba ginagapos tapos pinapahirapan. Ako hindi. Dito lang ako sa loob ng kwarto habang tinitiis ang sobrang lamig na paligid at isang beses lang akong dinadalhan ng pagkain ng mga tauhan ni nerd.
Isang beses, muli siyang pumasok sa kwarto at tiningnan lang ako.
Anong problema neto?
"Bakit? Anong gusto mo?"
"Ikaw."
Natulala naman ako sa sinabi niyang iyon. Nagbibiro ba siya? Alam kong maganda ako pero–-
"Ikaw." Pag-uulit niya sa sinabi "Ang gusto kong pahirapan. Kaya akin na 'yong kumot."
Agad niyang kinuha ang kumot na nakatakip sa akin dahilan para lamigin ako ng sobra. Pero bago pa siya makaalis, mabilis kong kinuha ang nakasuksok kong baril na binigay sa akin ni lolo at saka iyon itinutok sa kanya. Pero siyempre panakot lang 'yon.
Ngumiti naman siya sa akin na para bang hindi siya natakot. "Go. Shoot me." Pa-cool pa niyang sabi.
"H-hindi ka natatakot?" Utal kong tanong.
"E parang ikaw pa nga ang natatakot."
"Hindi ako natatakot!"
Sinubukan kong iputok ang baril sa gilid niya ngunit laking gulat ko nang walang lumabas na bala mula sa hawak ko.
"Tsk. Tsk. Tsk. C'mon, Hera. Sa tingin mo ba hindi ko naisip ang bagay na 'yan?" Dumukot siya ng bagay mula sa bulsa niya at nakita ko naman ang sira-sirang bala ng baril ko na ito.
Limse!
Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa akin habang ipinapakita sa akin ang nga sinira niyang bala. "These bullets... Are FAKE."
"A-ano?"
"Real bullets are much heavier than fake ones. And these fake bullets doesn't have leads. " Paliwanag niya pa.
Inihagis nya sa harapan ko ang mga bala na sinasabi niyang fake at saka ako tinalikuran.
"Saka hindi mo talaga maipagtatanggol ang sarili mo kahit totoo pa 'yan." Pahabol niya. "Dahil hindi ka nga marunong gumamit." Narinig ko pa ang unti niyang pagtawa sa huli niyang sinabi.
"Pwes humanda ka! Kapag natuto na ko no'n. Babalikan kita at papaputukin ko 'yang ulo mo at saka ko pagpipira-pirasuhin ang mga ugat ng utak mo!"
"Then do it. I'll wait." He said then winked at me.
Ako na naman ang naiwan sa sobrang lamig na dimension na ito. Hindi ko talaga alam kung may balak pa ba siyang pakawalan ako o wala na. Talagang patay na ako neto kung nagkataon man.
Noong gabing iyon, tumayo ako at naglakad papuntang pintuan. Kumuha ako ng five cents sa halamanan at saka iyon ipinasok sa butas ng knob at hindi nga ako nabigo dahil bumukas nga ito.
Dahan-dahan akong naglakad habang nakasukbit pa rin sa akin ang baril ko. Pero kamalas-malasan ko nga naman dahil nang malapit na ako sa pintuan ay saka naman ako nakatapak ng bote. Ano 'to? Patibong?
Agad akong nagpalinga-linga sa paligid ngunit laking tuwa ko naman nang wala akong nakitang tao. Mga tulog pa nga. Nagpatuloy ako sa paglakakad nang may bigla akong narinig na kaluskos kaya naman muli kong tiningnan ang likuran ko ngunit gaya ng kanina wala pa rin ako nakitang ta–-
"Looking for me?"
Halos mapatalon ako sa gulat nang may biglang magsalita sa harapan ko.
"P-paano ka napunta rito?" Gulat kong tanong
"Nagteleport." Pamimilosopo naman niya.
Muli siyang naglakad papalapit sa akin habang ako nama'y todo atras pa hanggang sa ma-corner ako. Iniharang niya ang kanan niyang kamay sa gilid ko upang hindi ako makatakas.
"Saka kahit hindi naman ako dumating, hindi ka pa rin makakatakas." Tugon niya at saka inilabas ang maliit na remote na nasa bulsa niya. "Everything that you can see is under my control... Including you."
Dahan-dahan siyang naglakad palayo habang nakatitig ng matalim sa akin.
Eto na ba 'yong sinasabi niyang See You In Hell?
Alam ko naman na wala akong magagawa dahil sa kanya na mismo nanggaling na kontrolado niya ang lahat kaya naman bumalik na lamang ako sa aking kwarto at pinilit na matulog kahit hindi ko kaya. Sobrang lamig naman kasi. Mas malamig pa ata ang lugar na ito kaysa sa Alaska.
Nagising ako na para bang nabawasan ang lamig sa paligid. Tiningnan ko ang orasan na nakasabit sa pader at doon ko nakita na mag-a-alas-dos na ng madaling araw. Bumangon ako at umupo sa kama. Hindi ko alam kung paano ako makakalabas dito. Gusto ko nang makauwi sa amin. Hindi ko na kaya pang manatili rito. Kahit papaano namimiss ko rin sina mommy... Si daddy.. Si Relzé, lalo na si Ralshé. Maya-naya pa'y tumulo na ang aking luha dahil sa lubhang pag-aalala at pag-iisp. Masyado na akong naguguluhan. Hindi ko na alam ang aking gagawin. Paano na ito? Paano na ako?
"Napakasama mo, Sky! Ilabas mo ako rito! Gusto ko nang makauwi! Ayoko na dito!"
Pinilit kong sumigaw ng sumigaw kahit na walang nakakarinig sa akin. Pinilit kong sumigaw kahit wala naman itong patutunguhan. Kahit alam ko na hindi naman niya ako pakikinggan. Hindi nga sumagi sa isip ko na ganyang klaseng tao pala siya. Isang napakasamang tao. Kasuklam-suklam. Kahiya-hiya.
"Sky! Kung naririnig mo man ako pwede ba paalisin mo na ako dito! Gusto ko nang makauwi! Sky!"
Kahit sinabi niya sa akin na–-
TININININININININININININININ~TINININININITININININININININ~
Nagulat ako sa biglaang pagring ng cellphone na nasa tabi ko. At kahit hindi ko alam kung kanino iyon, sinubukan ko pa rin iyong sagutin.
"H-hello?" Nanginginig kong ani.
"Hey there!"
Sa tono pa lamang ng pananalita niya'y alam ko na kung sino siya. Ibababa ko na sana ang cellphone ngunit bigla siyang nagsalita.
"I told you, don't call me Sky because I AM NOT SKY." He said then he hung up.
Akala ko naman–- Teka. Narinig niya lahat ng sinabi ko? Ibig-sabihin ba noon na nasa malapit lang siya kaya narinig niya lahat lahat?!
Paggising ko kinabukasan, agad akong nag'yongo sa pintuan at susubukan sanang buksan iyon ngunit kusa iyong bumus dahilan para tumama ang pinto sa aking noo. Napahawak naman ako dahil sa sakit.
"Sino kayo?" Biglaan kong tanong sa dalawang lalaking pumasok ngunit gaya ng dati, hindi rin nila ako sinagot.
"T-teka! Saan niyo ako dadalhin?" Usal ko nang maramdaman ko ang kanilang mga kamay na pumulupot sa aking braso.
Kinaladkad nila ako papunta sa isang kwarto na mas malaki kaysa sa kwarto kung saan ako nakakulong. Doon ay may isang lalaking halos matakpan na ang mata dahil sa haba ng bangs at halos matakpan na ang buong mukha dahil sa laki ng kanyang salamin.
"Ano na naman bang kailangan mo sa akin? Papakawalan mo na ba ako?" Tanong ko nang humarap siya sa amin.
Ibinaba naman niya ang kan'yanng paa mula sa pagkaka-dekwatro at saka tumayo. Pero mababawasan na sana ang kaba na narmdaman ko nang bigla niyang ilabas nag baril na kamukhang-kamukha ng baril na pag-aari ko.
"Huwag kang mag-alala. Hindi kita babarilin." Itinutok niya sa akin ang baril na hawak niya.
Halos hindi naman ako makagalaw sa aking kinatatayuan nang gawin niya iyon. Eto na nga ba ang aking Katapusan? Sana naman hindi dahil. Marami pa akong gustong gawin sa buhay ko at ayoko naman na mamatay ako sa ganitong paraan.
"Dalhin niyo na 'yan sa kung saan man siya nararapat." Utos niya sa mga tauhan niyang hindi marunong magsalita.
Nilagyan ako no'ng isa nilang kasamahan ng blinfold at saka nila ako muling kinaladkad papunta sa kung saan. Makalipas ang ilang minuto ng paghihintay, tinanggal na nila ang takip sa aking mata at laking gulat ko sa nakita. Nasaan ako?
Akala ko dadalhin nila ako sa isang kulungan na mas masikip at nakakadiri o kaya naman dadalhin nila ako sa isang bangin at saka ako itutulak. Akala ko talaga katapusan ko na. Pero hindi pa pala.
Nagulat ako dahil dinala nila ako sa isang malawak na lupain na walang ibang makikita kundi ang mga maiiksing damo na nagkalat sa paligid. Habang pinapanood ko ang mga ito, may isang lalaking kasing-tangkad ko ang lumapit sa akin dala ang isang gintong baril na hindi ko naman alam kung sa akin ba iyon o kay nerd. Wala naman akong ibang magawa kundi ang kunin na lang iyon dahil baka masapok pa ako ng mga ito.
"Ano naman kayang gagawin ko rito?" Bulong ko sa sarili.
Maya-maya pa'y naglagay sila ng isang board sa 'di kalayuan na may marka ng isang mata.
"Mayroon kang tatlong pagkakataon para matamaan mo ang gitna ng mata at kung hindi–-" iminuwestra niya ang kanyang kamay na parang baril at saka iyon pinaputok sa akin. "Bang!"
Kinilabutan naman ako sa sinabi niya. Kahit kailan hindi pa ako nakagamit nito dahil kadalasan puro libro, scripts, at cellphone lang ang hawak ko. Saka wala naman akong balak magpulis kaya walang dahilan para gumamit ako nito.
Pero ngayon... Kakaiba. Kakaiba ang lahat ng nangyayari sa akin.
Nasaan na ba sina mommy? Wala pa bang pulis na dumarating? Wala pa bang lumalabas na mga newspapers ang tungkol sa pagkawala ko? Wala pa ba?
"First attempt!" Sigaw noong isang nagbigay sa akin ng baril.
Nanginginig kong itinaas ang baril at tumingin doon sa target. Bumilang muna ako ng tatlo at saka ko hinila ang trigger nito.
BANG!
"Second attempt!"
Napapikit na lamang ako sa kinahinatnan ng ginawa ko. Bakit ba kasi kailangan eto pa ang gawin ko? Eto na ba ang requirements para makatakas ako dito? At kung eto man iyon, sigurado ako na hindi na ako makakauwi pa.
Muli kong itinaas ang baril at itinapat doon sa target. Pero hindi na gaya ng kanina, bumilang na akl ng lima bagk hataking muli ang trigger. At gaya rin ng kanina, hindi ko muling natamaan ang dapat mang tamaan.
Halos maiyak na ako rito dahil sa sitwasyon kong ito. Lord! Tulungan niyo naman ako! Ayoko pang mamatay! Marami pa po akong gustong gawin sa buhay ko! Please... Sana naman magpadala kayo ng anghel na gagabay sa aking kamay lara matamaan ang target. Lord!
"Third attempt!" Sigaw niyang muli.
Todo na ang panginginig ko nang itaas kong muli ang hawak ko dahil kahit anong oras ay pwede na akong mamatay kung hindi ko man iyon matatamaan. This time, sinipat kong mabuti ang target at nang pipindutin ko na ang trigger, mas minabuti ko nang ipikit ang aking mga mata upang kung anuman ang mangyari atlis hindi ako mismo ang makakasaksi.
BANG! BANG! BANG!
Iminulat ko ang aking mga mata at laking gulat ko sa nakita. Butas na ang pinakagitnang larte ng mata hudyat na nagawa ko na ang–- Teka. Sa pagkakaalam ko hindi ko pa nahahatak ang trigger. Paano nangyari na natamaan ang gitnang parte ng mata ng tatlong beses? Posible kayang–-
"Paano mo pagpipira-pirasuhin ang mga ugat ng utak ko kung mismong mata pa lang ay hindi mo na matamaan?" Nakilala ko agad ang boses na iyon dahil sa sobrang kakaiba nito kumpara sa iba.
Dahan-dahan akong lumingon sa aking likuran at hindi nga ako nagkamali. Siya nga. Siya nga ang gumawa noon.
Eto na ba ang angel na pinadala ni Lord?
"Anong ginagawa mo dito?" Madiin kong tanong sa kaniya.
"Is that how you say thank you? Well–you're welcome."
Kakaiba talaga....
"Ano bang–-" muli akong natigilan nang makita ang mga mata niya.
Hindi na naman niya suot ang salamin niya.
"Bakit ba sobrang kakaiba mo!?" Bulyaw ko sa kanya pero imbes na magtakip ng tenga, e nanatili lamang siya sa cool niyang aura.
Tila naman nabasa niya ang nasa isip ko kaya dinukot niya ang kanyang salamin mula sa kanyang bulsa at saka niya iyon muling isinuot dahilan para matakpan ang maganda niyang mga mata.
"Marami ka pang dapat matutunan." tugon niya.
Sinenyasan naman niya ang dalawa niyang tauhan at muli, binitbit na naman nila ako.
"Teka! Sa'n niyo 'ko dadalhin!?" Tanong ko pero wala man lang nangahas na magsalita.
Pinangunahan ni nerd ang daan patungo sa isang shooting range kung saan makikita ang sandamakmak na types ng targets at mga baril.
Sindikato kaya siya? Oh kaya isang assassin? O kaya naman isang rebelde? NPA gano'n?
Nilagyan nila ng bala ang aking baril at saka ako sinalpakan ng foam panel na parang headset na ewan. Basta ang alam ko lang doon, e sinusuot iyon ng mga nag-t-training sa shooting.
"Anong ibig-sabihin neto?" Alam ko naman na walang sasagot sa akin dahil mga snoberong unggoy nga ang lahat ng nandito. Basta gusto ko lang magsalita.
"Akala ko ba matalino ka pero parang ang slow mo ata." And for the first time may sumagot. May kayabangan nga lang.
"Mag-aaral ako kung paano bumaril?" This time, binulong ko na lang iyon dahil ayoko nang mapahiya pa.
"Exactly" tugon naman niya dahilan para iangat kong muli ang aking paningin sa nagsalita.
"Iwan niyo muna kami." Utos niya sa kanyang mga tauhan na agad naman nilang sinunod.
This time, kaming dalawa na lang ang nandito sa napakalaking shooting range na ito.
"Bakit mo sila pinaalis?" Mas nilakihan ko pa ang mata ko na ginagamit sa tuwing gumaganap ako ng kontrabida para naman matakot siya sa akin kahit kakaunti.
"Kasi gusto ko." Naglakad siya papalapit sa akin habang ako nama'y patuloy lang sa pag-atras. "Wag kang umatras. Hindi tayo makakapagsimula."
Nahinto naman ako ng sabihin niya iyon. Wala naman na akong ibang magawa kundi sundin na lang siya. Nagpatuloy lang siya sa paglapit sa akin hanggang sa magkadikit na kami. Kinuha niya ang aking dalawang kamay na nakahawak sa baril at saka niya iyon itinutok sa first target.
"Hindi porket nakikita mo na tapat na tapat na ang muzzle sa target, ipuputok mo na lang basta-basta." Panimula niya. "Remember the fishing rules in high school? Hindi lahat ng isda na nakikita mong nakatapat sa'yo, e huhulihin mo na dahil iba ang nakikita mo sa ibabaw ng tubig."
Hindi ko alam pero hindi ko na naman siyang gawing barahin sa mga paliwanag niya. Dahil ba ''yon sa kaba? O–- Hindi. Dapat ko siyang inisin ng inisin.
"Oh talaga?" Usal ko pero wala man lang siyang reaksyon doon.
"Pakiramdaman mong mabuti." Bulong niya na halos idikit na ang kanyang labk sa aking tainga sa sobrang lapit.
Inilihis niya ng unti ang aking mga kamay at itinaas ng bahagya.
"Now. Shoot."
BANG!
Laking gulat ko naman nang makitang swak na swak sa red ang balang ipinutok ko.
"Waaaaaaaaaaaaaa!!! Tumama! Sky tumama!" tuwang-tuwa kong sabi ag saka humarap sa kanya na ngayo'y pa-iling-iling na.
Aish! Umayos ka nga, Hera. Nakakahiya ka. Remeber, kaaway mo siya. Kinidnal ka niya kaya dapat wala kang ikatuwa.
"Oh ngayon ikaw naman." Aniya at lumayo ng kaunti sa akin. "Sundin mo lahat ng sinabi ko sa'yo."
Muli kong itinutok sa–-
BANG!
Ay Leche plan!
Bakit ko ba napindot agad?
Nakakahiya.
Itinutok ko for the third time ang baril at gaya ng sabi niya, nilihis ko nga ang baril at saka ko pinutok at HUWALA!
" Nasobrahan ata ang adjustment mo kaya ang layo ng tama."
Bakit ba unting galaw ko lang nagsasalita na siya samantalang sa classroom kahit magpatayan na ang mga kaklase ko e wala lang sa kanya?
Binaril ko lang ng binaril ang target hanggang sa umabot na kami sa tatlong oras at wala pa akong natatamaan kahit isa.
Natatawa na kang ako sa sarili ko dahil sa kahihiyang ginagawa ko.
ANG HIRAP NAMAN KASI! May adjust adjust pang nalalaman!
At sa huling pagkakataon, itinuon ko na ang aking buong atensyon sa aking ginagawa. Gaya ng nauna, tapat na tapat ang muzzle sa target ngunit pinakiramdaman ko iyong mabuti. Inilihis ko ng kaunti ang aking baril at ibinaba ng bahagya. 1...2... Muli kong ipinikit ang aking mata dahil ayoko nang makita pa ang kapalpakang gagawin ko bago ko hilahin ang trigger at–-
"Waaaaaaaaaaaa!!! S–-" buti na lamang ay napigilan ko ang aking tuwa dahil muli na naman akong mapapahiya.
Pero... Napigilan ko nga ba?
"Pwede mo na akong bitawan." Tugon niya habang nakalutang ang dalawa niyang kamay sa ere.
Unti-unti ko namang kinalas ang pagkakayakap ko sa kanya at saka bumalik sa aking pwesto. Iba talaga ang nagagawa ng sobrang kasiyahan. Pero masaya lang naman ako dahil nakabullseye ako, e. Kasi inimagine ko na siya 'yong target. Saka sanay talaga ako na mangyakap ng relatives kapag natutuwa ako.
Pero hindi mo siya kaanu-ano, Hera. Umayos ka nga.
"Tapos na. Nakatama na ako. Pwede na ba akong bumalik sa kwarto ko?"
What the–- bakit ba kwarto ang nasabi ko imbes na bahay?
"What's stopping you?" Tinuro niya ang bukas na pintuan sa likuran habang inaayos ang bridge ng eyeglasses niya.
Umatras naman ako at saka naglakad palabas ng shooting range. Wala talagang araw na hindi siya kakaiba. Totoong tao kaya siya? O baka robot? Siya kaya 'yong totoong Nam Shin? Kasi kung totoong tao siya dapat kanina niya pa nilalamon lahat ng mga sinasabi niya at humihingi ng tawad sa akin dahil sa mga pinaggagawa niya. Pero hindi, e. Mas pinili niyang isuka 'yong pride niya at pakapalin lalo 'yong mukha niya. Hindi ko na nga alam kung magagalit na ba ako sa kanya o masusuklam na.
Nakarating ako sa aking kwarto nang wala sa sarili. At gaya ng dati, malamig pa rin pero hindi nga kasinlamig noong una kong makarating dito.
Dinukot ko ang aking phone at sinubukang muling tawagan ang mga malalapit sa akin pero kahit ano talagang gawin ko, kahit umakyat pa ako sa pinakamataas na bahagi ng kwarto na ito, wala talaga akong masagap na signal. Meron kaya silang device na hindi nakakasagap ng signal? Wala naman siguro. Hindi naman yata siya ganoon kayaman para magkaroon ng ganoong device. Baka nga hiram lang 'tong lugar para may maipagmayabang siya sa akin na kaya niyang mangkidnap. Pa-impress ba.
TOK TOK TOK
Hindi ko gustong tumayo mula sa pagkakaupo dahil masyado akong napagod. Ni hindi nga ako makapag-isip ng plano kung paano ako makakatakas dito tapos tatayo pa ako at pagbubuksan ng pinto kung sino man ang kumakatok. Hayyssst. Bahala siya jan.
Maya-maya pa'y bumukas na ang pinto at pumasok mula sa labas ang isang lalaking biniyayaan ng katangkaran na may hawak na pagkain.
"May lason 'yan?" tanong ko sa kanya kahit alam kong hindi naman niya ako sasagutin.
Hindi mo ko sasagutin' di ba?
"Pag sinabi kong wala paniniwalaan mo ba ako?"
Wow! Kabastos naman nitong poste na 'to!
Lumabas na siya matapos niya akong barahin at siya na rin mismo ang nagsara ng pintuan. Alangan naman ako.
Napatingin ako sa pagkaing nasa mesa at kinuha ito. Hindi pa ako kumakain sinula kaninang umaga kaya medyo nagugutom na rin ako. At no choice naman ako kundi kainin na lamang ito. Bahala na kung may lason. Atlis tapos na rin ang paghihirap ko. Marami naman akong nagawang mabuti kaya alam ko sa sarili ko na hindi ako mapapaso.
Proud ka ghorl?
UGHH!!! Naiinis na rin ako minsan sa konsensiya ko dahil minsan kasi, hindi siya nakikisama sa akin. Kung ano lang ang naisip niyang sabihin, e 'yon talaga ang sasabihin niya.
Kinain ko na ang pagkain at isa lang ang masasabi ko.
I WANT MORE!
Pero hindi pwede. Hindi pwede dahil nag-di-diet ako at baka sabihin pa nila na sobrang takaw ko.
Hapon na nang makaramdam ako ng pag ka-bored dahil wala naman akong ginagawa. Wala namang signal dito para makipagchat sa relatives at tumawag sa mga pulis. Hindi ko rin naman ito nilalagyan ng games dahil masyado na akong matanda para sa mga ganoon. Wala rin naman akong saved bmvideos dito dahil kadalasan sa laptop ko sinesave ang lahat ng memories namin. Besides, wala na rin naman itong battery at wala namang charger dito kaya kahit anong gawin ko, wala na talaga 'tong halaga.
Tumayo ako at lumabas ng kwarto. Wala namang tao sa labas kaya madali lang para sa akin ang makalabas sa glass room. Palabas na sana ako nang may isang bagay ang nakapukaw ng aking atensyon. Isang crumpled paper. At bakit naman meron nitong ganito rito? Bakit hindi pa ito itapon sa basurahan? Hindi ko alam kung bakit big deal sa akin ang pagkakalukot ng papel kahit kadalasan naman sa mga nakikita kong ganito, e wala akong pakealam.
Lumapit ako sa mesa kung saan nandoon ang papel at kukunin na sana iyon nang may biglang nagsalita sa likuran ko.
"Privacy please." Sambit niya at mabilis na kinuha ang papel.

Comentário do Livro (19)

  • avatar
    DanaoJhon Ross

    good morning ako po si Jake at may kwento ako sainyo shdjejwjwnwwnsdffdhahabababababsbsbsbshebebsjsbsbrdid in a while so I can get it to you you can you can get you a while ago but I'm not sure if I can get it to you tomorrow morning ako po si Jake at the pak you can get it to you tomorrow morning ako na na na song is on my desk at may have been the same since we got in person or not interested anu manHAHA I mean I'm coming to get you can I come get it tomorrow and send me a pic please anversus

    21/07

      0
  • avatar
    PatricioJoan

    thank you so much

    07/06

      0
  • avatar
    Carin Sarino

    nice

    06/06

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes