logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter Six

"Aray ko!"
Daing ko nang bumangon ako sa aking pagkakahiga. Binuksan ko ang bintana at saka tumingin sa labas. Ang lakas ng ulan dahil tag-ulan na naman. Binalot ng lamig ang buong kuwarto ko kaya naman napayakap ako sa aking sarili.
Ilang beses akong bumahing kaya naman ay mabilis akong kumuha ng tissue at saka suminga. Hays! Mukhang magkakaroon pa yata ako ng sipon nito. Naulanan kasi ako kahapon habang naglilinis ng kulungan. Nabasa rin ang likuran ko. Hindi pa naman ako nakapagbihis kaagad dahil naglinis pa ako sa labas ng bahay. Kinuha ko ang kaldero para makapagsaing na at makapag almusal na rin.
"Putang*na!"
Hindi ko mapigilang mapamura dahil bigla na lamang lumitaw sa harapan ko si Fiona. Nakaupo siya sa tabi ng mesa sa kanan ko malapit sa akin. Kinilabutan ako bigla.
"Mukhang hindi maayos ang pakiramdam mo. Ayos ka lang ba? Sinisipon ka yata?"
Hindi ko siya pinansin. Tinalikuran ko siya saka binuksan ang refrigerator upang mamili ng puwede kong ulamin. Bahala siya diyan. Hindi ko alam kung bakit nagpakita na naman siyang muli gayong wala naman akong planong tulungan siya.
"Sana nakapag-isip ka na. Sana matulungan mo ako Mark," wika niya sa malungkot na tono ng boses.
"Hindi ko alam," tipid na sagot ko habang patuloy pa rin sa aking ginagawa.
"Alam kong ikaw lang ang makakatulong sa akin. Nararamdaman ko iyon. Ikaw ang magpapatahimik sa kaluluwa ko."
"Buti ka pa alam mo, ako kasi hindi." Niilagay ko na sa plato ang pinirito kong hotdog. Ito na lang kasi ang naisipan kong ulamin. Siguro bukas o mamaya ay bibili na lamang ako ng lutong ulam.
Nagsimula na akong kumain. Kita ko sa gilid ng aking mga mata na nakatingin siya sa akin. Nagpatuloy lang ako sa pagkain kahit na nakaramdam ako nang pagkailang. Hindi kasi ako sanay na tinitingnan habang kumakain. Kapag ganoon kasi ay para bang nabubusog ako o nawawalan nang ganang kumain.
"Putek na 'yan nakaiilang kumain!" sabi ko sa aking isipan at saka tumigil sa pagkain. Kinuha ko ang baso at pagkatapos ay nagsalin ako ng tubig at uminom.
"Gusto mo bang kumain?" bigla kong naitanong sa kaniya.
Ngumitis siya. "Hindi ko na magagawang kumain dahil isa na akong multo. Bakit bigla mong naitanong?" sabi niya at saka bahagyang natawa.
Natahimik ako sabay kamot sa ulo. Nagpatuloy ako sa pagkain.
"Bobo mo Mark bat mo sya tinanong ng ganoon? Tanga-tanga!' sabi ko sa aking isipan. Tila gusto kong sapukin ang aking sarili.
Hinihingal-hingal ako habang dala-dala ang mga pagkain ng mga manok. Binuhat ko kasi ang limang sakong pagkain nila. Sinalinan ko na ang lagayan nila ng pagkain. Mabilis naman nila itong pinagtutuka.
"Ang galing mong mag-alaga. Talagang inaalagaan mo sila nang maayos hindi tulad ng mga taong unang nag-alaga sa kanila. Hindi man lang nila ginagawa ng maayos ang trabaho nila kaya napapabayaan ang mga manok."
Naglakad na ako palabas ng kulungan. Kinuha ko ang walis tingting at dustpan para walinisin ang mga nagkalat na dumi ng mga manok at saka inilagay ito sa lupa pagkatapos tinabunan ko ito. Kumuha ako ng isang baldeng tubig para diligan ang mga tinanim kong talong, kamatis at bayabas. Naisipan ko kasing taniman ang bakanteng lupa dito tutal wala namang nakatanim dito ng sa ganun kapag lumaki ang ito maaari ko itong mapakinabangan.
"Pawisan ka na. Punasan mo ang pawis mo dahil mahirap matuyuan ng pawis,"saabi niya mula sa aking likuran nang nakangiti. Napaatras ako bigla. Bakit ba siya nakasunod sa akin?
Sumalubong ang kilay ko. "Ano ba? Huwag ka ngang masyadong dikit sa akin. At saka huwag ka nga ring basta-basta na lang lumitaw sa harapan ko. Nagugulat ako sa iyo eh!" Iritadong sabi ko sa kaniya sabay kuha ng panyo sa aking bulsa pagtapos pinunasan ko ang pawis ko sa mukha. Inilagay ko ang panyo ko sa aking likuran.
Naramdaman ko na lamang na para bang biglang gumalaw ang panyong nasa likuram ko. Pagkahawak ko para akong makahawak ng malamig na kamay. Napabitaw ako bigla.
"Pasensiya na. Inayos ko lang 'yong pagkakalagay ng panyo mo sa likuran," wika niya at pagkatapos ay bahagyang lumayo sa akin. Napailing na lang ako sabay lakad papalayo sa kaniya habang patungo sa bahay.
Isang buwan na ang nakakalipas ng tumira ako dito. Napadadalas ang pagpapakita sa akin ni Fiona. Hindi naman siya nangugulo sa akin. Lagi lang siyang nakamasid sa mga ginagawa ko. Kapag nakaupo ako sa sofa, nakaupo lang siya sa kabila at saka nakatingin sa akin. Kapag kumain ako ganon din ang ginagawa niya at kahit nag papakain ako ng mga manok, nakasunod siya sa akin. Nakamasid sa ginagawa ko na akala mo may bantay ako na kaluluwa na bawat galaw ko nandoon siya. Mabuti na lang kapag matutulog na ako sa gabi wala na siya. Hindi siya nagpapakita sa akin.
"Kuya Mark! Puwede mo ba kaming samahan ni kuya papuntang SM? Nuod tayo ng sine kuya at pagkatapos ay kain po tayo. Baka kasi naiinip ka na diyan sa bahay mo dahil puro manok lang ako kasama mo," sabi ni Lea.
Nagpunta ako sa kanila upang iabot ang perang napagbentahan ko ng manok kanina. Naabutan ko silang kumain pa.
"Ayos lang naman sa akin walang problema. Kailan ba?"
"Mamayang tanghali kuya. Punta ka na lang po rito. Hintayin ka namin," sabi ni Leo nang nakangiti.
Tumango ako."Sige salamat. Uuwi na muna ako. Mag-aasikaso lang ako saglit at saka pakainin ko lang iyong mga manok at pagkatapos ay punta na ako rito."
"Sige po kuya."
Tumango at saka naglakad na palabas ng bahay nila. Nginitian ko si Mang Lito na kasalukuyang may kinakalikot sa sasakyan. Siguro may inaayos siyang nasira dito.
Naging maayos naman ang pamamasyal naming tatlo. Maganda rin ang palabas na napanuod namin sa sinehan. Pagkatapos naming manuod ay kumain kami at nagulat ako sa lakas kumain ng dalawa. Hindi ko akalain na malakas pala silang kumain dahil hindi naman sila mataba. Medyo payat pa nga silang dalawa. Kada lakad namin tapos may madadaanan kaming may mga pagkain ay bibili sila. Nakailang tanggi na nga ako dahil sumasakit na ang tiyan ko sa kakain. Parang madudumi na ako sa dami ng kinain ko.
"Salamat sa inyong magkapatid. Nag-enjoy ako ng sobra kasama kayo," sabi ko nang makababa kami ng sasakyan. Ipinasok ko sa kanilang bahay ang mga pinamili nilang damit. Namili rin ako ng akin dahil iilan lang ang mga damit ko at pambaba.
"Kami rin kuya nag-enjoy lalo na doon sa Tom's World! Ang galing mo pa lang mag-basketball kuya? High score ka doon! Next time dun ulit tayo ah?" Nakangiting sabi ni Leo.
Nag-basketball kasi kaming dalawa at ipinakita ko ang galing ko sa pagbabasketball. Kapag may time kasi ako naglalaro ako sa court kasama ang mga kaibigan ko at ang pinsan kong dalawa no'ng nandoon pa ako kila tita Maria.
"Oo ba sa susunod na lang ulit. Oh sige uuwi na ako gabi na rin kasi."
"Sige po kuya sa susunod na lang ulit!" Kumaway silang dalawa sa akin at ganoon din ako bago tumalikod at saka nagsimulang naglakad papalayo.
"Hays salamat nakauwi rin" saad ko nang makatapat ako sa may pinto. Kinuha ko ang susi mula sa aking bulsa at saka binuksan ang pinto.
Tumambad sa akin ai Fiona na nakaupo sa sofa. Medyo nagulat man ay naglakad ako palapit sa lamesa at saka nilapag ang mga dala ko.
"San ka galing?" taong niya sa akin.
Napatingin ako sa kaniya. Nadako ang mata ko sa gilid niya. May larawan doon sa tabi niya, hindi ganun kalinaw sa mga mata ko kaya nilapitan ko ito.
Larawan iyon nila tita Alma kasama sina Leo, Lea at isang babae na sa tingin ko si ate Liza na anak niya na nasa Canada. May punit ang larawan sa bandang kanan ni tita Alma na parang may kasama pa sila sa larawang iyon ngunit pinunit lang.
"Bakit may larawan ka nila tita Alma? Saan mo ito nakuha?" Kunot-noong tanong ko sa kaniya.
Akmang kukunin ko na sana ito nang bigla itong lumipad palabas ng pinto pagkatapos no'n naglahong bigla si Fiona. Lumabas ako ng pinto para sakaling makita siya at iyong larawang nilipad ngunit wala na ito. Nagtaka ako dahil sa biglang niyang paglaho.
Anong mayroon at bakit bigla na lang siyang naglaho? Bakit may larawan siya nila tita at mga anak nito?

Comentário do Livro (81)

  • avatar
    Wilfredo Saonoy

    Excited Ako matapos Ang story

    11d

      0
  • avatar
    De leonJohn edmarl

    nice

    16d

      0
  • avatar
    CastilloJohn Joseph

    this is beautiful story

    19d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes