logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter Five

"F-fiona?" Nauutal na sambit ko habang nakatingin sa kaniya. Ngumiti siya sa akin na siya namang nakapagbigay sa akin nang kilabot.
"Ako nga. Ako 'yong nasa larawan na hawak mo kanina. Pasensiya ka na pala dahil tinago ko ang cellphone mo para lang makita mo ang larawan kong iyon. Nagpapasalamat ako dahil nakita mo 'yon."
Napakamot ako sa ulo sabay yuko. Hindi ko na talaga alam kung matatagalan pa ba ang pagtira ko rito o hindi na. Hindi dahil sa natatakot ako kun'di dahil sa naiinis ako sa kanila. Lagi na lang talaga. Nakasasawa na ang makita ko ang mga katulad nila. Hindi ko alam kung bakit marami sa kanila ang kailangan pang manatili sa mundong ito. Bakit ba kasi kailangan pa nilang magpapansin?
"Pakialamerang multo ka pala. Puwede bang hayaan mo muna akong kumain at pag-isipan ang mga pinagsasabi mo? Hindi rin kasi madali 'yang hinihingi mo. Sa totoo lang hindi kayo nakatutuwa. Nakagugulo lang kayo sa buhay ko. Lagi na lang kayong nagpapakita sa akin! Nakasasawa na! Kailan ba matatahimik ang buhay ko?! Kailan niyo ba ako titigilan? Kailan ba kayo mawawala sa buhay ko?!" sigaw ko sa kaniya.
Lumungkot ang kaniyang mga mata. Pagkatapos ngumiti siya sa akin. Napalunok ako dahil naisip kong baka nasaktan siya sa ginawa kong pagsigaw sa kaniya.
"Pasensiya na kung naabala kita Mark. Sige hindi muna kita gagambalain. Pero sana pag isipan mo muna itong maigi. Alam kong hindi madali para sa iyo na tulungan ang isang kagaya ko. Pero sana matulungan mo ako. Gusto ko na rin talagang manahimik ang kaluluwa ko. Gusto ko nang makaalis sa mundong ito."
Pagkasabi niyang iyon ay para siyang puting usok na unti&unting naglalaho. Napaupo ako sa sahig sabay hawak sa aking ulo. Tila ba bigla akong nakonsensiya sa ginawa kong pagsigaw sa kaniya.
"Hay ewan!" saad ko sabay tayo.
Masyado akong naging masama sa kaniya. Kahit na isa na siyang kaluluwa alam kong may damdamin pa rin siya. Pero kahit na. Sa tingin ko naging tama naman ang ginawa ko para layuan na niya ako. Siguro tama lang talaga ang ginawa kong iyon para hindi niya ako gambalin pa.
ISANG LINGGO ANG LUMIPAS. Walang Fiona na nagparamdam sa akin. Naging tahimik lang ang presensiya ng bahay na ito isang linggo na simula nanf magpakita siya sa kin. May isang parte sa akin na gusto ko siyang makita ngunit nanaig sa akin na huwag na pala. Bakit at para saan pa 'di ba?
Mas mainam nang matahimik ang buhay ko ngayon. Wala akong iniintinding multo.
Kasalukuyan akong nakaupo sa sofa habang kinakalikot ang aking cellphone. Katatapos ko lang magpakain ng mga manok at linisin ang kulungan ng mga ito. Nadako ang mata ko sa dingding. Napatayo ako bigla nang maalala ko ang larawang isinuksok ko sa dingding sa pagitan ng plywood at kahoy.
Tumayo ako at saka kinuha ang larawang iyon. Pinagmasdan ko ito. Sa larawang ito tila ang saya-saya niya sa kuha niyang ito. Bigla kong naisip na itapon ito dahil wala rin naman itong magiging silbi sa akin ngunit tila may pumipigil sa akin na huwag ko itong gawin at itabi ko na lamang ang larawang hawak ko.
"Ay ewan! Nakakainis naman!" saad ko sabay pasok sa kuwarto.
Itinaas ko ang kutson saka inilagay sa ilalim nito ang larawan ni Fiona bago tuluyang lumabas ng kuwarto. Pupunta ako sa bahay ng dalawa kong pinsan. Bibisitahin ko sila kung ano na ba ang nangyayari sa dalawang 'yon.
"Kumusta naman ang pagtira mo roon sa manukan ni Maam Alma? Naging maayos naman ba?" tanong sa akin ni Mang Lito na siyang personal driver ni tita Alma.
Tumango ako kasabay nang pagngiti. "Opo maayos naman po. Tahimik at nakakagalaw po ako nang maayos doon. Hindi naman ganoon kahirap ang trabaho. Masaya nga po ako dahil nagkaroon ako ng sariling tirahan. Matagal ko na rin kasing gustong bumukod o manirahan mag-isa para mas matuto pa ako sa buhay."
"Mabuti naman kung ganoon. Sana magtuloy-tuloy na 'yan." Napalingon ako sa kaniya.
Kumunot ang noo ko. "Bakit po Mang Lito? Ano po bang mayroon sa bahay na iyon?"
Tila nagulat siya sa tanong ko at saka pilit na ngumiti bago kumamot sa kaniyang ulo. Alam niya kayang may multong nakatira roon? Alam niya kayang nanghihingi ito nang tulong? Na ito ang nagiging dahilan nang pag-alis ng mga tumitira roon?
"Wala naman. Kasi nga 'di ba, papalit-palit ang mga tumira diyan. Walang tumatagal ganoon," ani Mang Lito sabay tawa nang bahagya. Pinagmasdan ko siya saglit bago ako nag-iwas nang tingin.
"Oo nga po. Naikuwento nga po sa akin." sabi ko na lamang at saka pinagpatuloy ang aking ginagawa.
Kauuwi lang kasi namin ni Mang Lito galing sa palengke at mall. Namili kami nang makakain ng dalawang magkapatid at may mga pinabili rin silang kakailanganin nila sa eskuwelahan. Namili rin kami ng mga prutas para sa kanila. Napatingin ako kay Mang Lito na abala sa pagbaba ng mga pinamili namin.
Hindi ko alam kung siya ba ay may alam sa nakaraan ng bahay na iyon o 'di kaya alam niya bang may kaluluwang hindi matahimik doon? Gusto kong magtanong ngunit naisipan kong manahimik na lamang. Baka isipin niyang isa akong weirdo na tao dahil gusto kong mapag-usapan ang ganoong mga bagay. At hindi ko rin alam kung maniniwala ba siyang may nakatirang multo sa bahay na tinituluyan ko ngayon.
"Salamat kuya Mark at Mang Lito. Nabili niyo po lahat ng request namin ni kuya!" masayang sabi ni Lea habang sinisipat ang lahat nang nabili namin.
Tumango lang si Mang Lito at saka nagpaalam na dahil may gagawin pa siya sa kanila.
Nilapitan ko si Lea na abala sa pagdala ng mga pinamili namin patungo sa kaniyang kuwarto. "Lea! Tulungan na kitang dalhin ang mga gamit mo sa kuwarto mo."
Ngumiti siya. "Sige po kuya maraming salamat! Halika na!" saad niya at saka nagsimula na kaming umakyat ng hagdan.
Tatlong kuwarto ang nadaanan namin bago marating ang kuwarto ni Lea. Pagkapasok ko namangha ako sa laki ng kuwarto niya. Parang halos kasing-laki nito ang tinitirahan ko. Niliapag ko ang mga gamit niya na bitbit ko. Nilibot ko ang aking paningin sa kaniyang kwarto. Masasabi kong malinis siya at maayos sa mga gamit dahil nakasalansan ang mga ito mg maayos at walang kalat sa sahig. Nakatupi rin nang maayos ang kaniyang mga kumot at malinis ang kaniyang kama.
"Salamat kuya! Ingat ka po sa pag-uwi"
Nginitian ko siya. "Walang ano man. Ayos lang ba na maiwan na kita rito? Nasaan na ba si kuya Leo mo?"
"Pauwi na rin po iyon. Nagchat siya sa akin. Sabi niya may ginawa lang daw silang project sa bahay ng kaklase niya pero ngayon nasa byahe na raw po siya,"saad niya habang sinasalansan ang mga gamit niya. Napatango na lang ako.
"Sige alis na ako Lea sarado mo na lang ang bahay niyo. Ilock mo ang pinto."
"Opo kuya," pagkasabi niyang iyon ay isinara ko na ang pinto at saka tuluyang lumabas ng kaniyang silid.
Napadako ang tingin ko sa katabing silid ni Lea. Kanino kayang silid ito? Hindi kaya sa katulong nila dati? Siguro malawak din ito.
Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto ng silid ni Lea. Napatingin ako sa kaniya. Nangunot ang noo niya.
"Akala ko po umalis ka na kuya," sabi niya sabay tingin sa silid na kanina lang tinitingnan ko.
Napakamot ako sa akinh batok. "Hindi pa, paalis pa lang. Nga pala, kaninong silid "yan? Sa katulong niyo ba dati?" 'Di ko mapigiliang tanong. Napatingin siya sa akin na para bang nagulat siya sa tanong ko, na kahit ako rin nagtaka kung bakit naisipan kong itanong sa kaniya iyon.
Umiling siya. "Hindi po. Bakante lang po 'yan na pinagtatambakan ng mga gamit na hindi na namin kailangan. At saka hindi na 'yan binubuksan pa," sqbi niya sabay iwas nang tingin sa akin. Tumango-tango na lang ako.
"Sige aalis na talaga ko." Tinalikuran ko na siya at saka naglakad na pababa ng hagdan.
Ewan ko ba pero parang bigla akong na-curious sa kuwartong iyon. Hindi dahil sa naiingit ako sa lawak ng kuwarto ni Lea nang makita ko ito. Ewan ko ba ngunit 'di ko mapaliwanag ang nadarama ko nang makita ko ang kuwartong iyon. Tila ba may kung ano roon?
"Hays, ewan..." Nagkibit-balikat na lang ako habang naglalakad pauwi.

Comentário do Livro (81)

  • avatar
    Wilfredo Saonoy

    Excited Ako matapos Ang story

    11d

      0
  • avatar
    De leonJohn edmarl

    nice

    16d

      0
  • avatar
    CastilloJohn Joseph

    this is beautiful story

    19d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes