logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Kabanata Six

LUMIPAS ang mga araw ngunit wala pa rin akong naririnig kay Amang Raul dahilan para mapabuntong-hininga ako nang malalim.
“Mukhang nagkamali ata ako sa pagkakakilala kay Don Raul.” At muli akong napabuntong-hininga nang malalim.
“Mukhang ang lalim ng iyong iniisip, Binibini,” saad ni Lita na biglang sumulpot sa aking tabi.
“Well, I'm not going to refute it, Lita,” ani ko at napangalumbaba sa aking pagkakaupo sa ilalim ng malaking puno ng acacia.
Napakamot ng ulo si Lita sa labis na pagkalito. “Kahit anong gawin ko, Binibini, hindi ko talaga labis na maunawaan ang inyong sinasabi,” wika ni Lita na bakas pa rin ang pagkalito sa kanyang mukha.
Napatayo ako sa aking pagkakaupo at pinagpagpag ang suot kong saya. Nakaramdam na ako ng panlalagkit ng katawan kung kaya napag-isipan kong maligo.
“Lita, gusto kong maligo,” wika ko kay Lita at nagsimulang maglakad pabalik sa mansyon ngunit sa aming paglalakad may nakita akong kumikinang sa hindi kalayuan dahilan para mabilis akong mapalingon kay Lita.
“Lita, may batis ba rito?” tanong ko.
“Meron po, Binibini,” sagot ni Lita.
Nanlaki ang aking mga mata at gumuhit ang malawak na ngiti sa aking labi at mabilis kong hinawakan ang kanyang kamay at hinatak siya patakbo patungong batis.
“Binibini, ‘wag kayong tumakbo ng matulin at baka kayo’y masaktan,” paalala ni Lita.
Ngunit hindi ko siya pinakinggan at patuloy pa rin sa pagtakbo papuntang batis. Walang mapaglagyan ang tuwa sa aking nararamdaman. Matapos ang ilang taon na puro stress ang pumasok sa katawan ko ngayon lang ako mag-e-enjoy at malalayo sa stress. Nakaka-refresh ang panahon na ‘to kahit sobrang outdated pero mas dama ko rito ang relaxation dagdag pa na bumata ang katawan ko ng ilang taon. Ang gusto ko pa sa panahon na ito ay I can now breathe freely! It's totally cool to not be wearing a bra! I despise wearing bras, particularly when I'm on duty in surgery and have to face my patients every day for rounds. Having these healthy breasts is not a positive thing. Hirap ng nga makahinga nagiging sentro pa ng attention I get a lot of stares, particularly when I'm dressed in scrubs. Mas malaki pa ang nakukuhang espayo ng dibdib ko na tela dahil sa laki kaya nagiging fit ang scrubs sa akin kahit na hindi naman ako mataba. Hindi kaya apo ako sa kadulu-duluhan nitong si Helena? I don't know pero maliban sa pagkakahawig namin ay walang duda na halos magkasukat ang dibdib na meron siya at ako.
“Shocks! Ano ba 'tong iniisip ko! Imposible naman na maging magkadugo kami halos isang daang taon mahigit rin ang layo ng linya ng salinlahi namin kung sakali. Pero p'wdeng maging magkadugo kami o p'wedeng hindi. Ay ano ba? Kung ano-ano na ang naisip ko dahil sa dibdib na 'to!” singhal ko sa aking utak.
About the fact that it is a little unsettling ang pagkakaroon ng malaking dibdib ay wala na akong magagawa at nand’yan na ‘yan pero I’m very much grateful na binalik ako sa nakaraan dahil dito lang ako nakalayo sa stress at nakaramdam ng relaxation.
Lumawak ang aking mga ngiti nang tuluyan ko ng makita ang malawak at malinaw na batis. Napa-wow ako sa labis na pagka-amaze sa ganda ng batis. Tila bumalik ako sa aking kabataan noong magkasama pa kami ni Lola Linda at sabay kaming pumupunta sa batis para maligo. Sa sobrang excitement ay mabilis kong hinubad ang aking baro at saya at tanging camisole na lang ang natira ay ang manipis na shorts na suot at mabilis akong lumusong sa batis.
“Halika rito, Lita! Samahan mo akong maligo!” masayang kong aya sa kanya sa pagitan ng aking mga halakhak.
Hindi maipaliwanag ang mukha ni Lita nang sandaling iyon. Alam kong gulat na naman siya sa aking ginawa ngunit, “Sorry, Lita, this is me, and I used to enjoy going nuts about little things.”
“Binibini, ano ang inyong ginagawa?” napasinghap na tanong ni Lita ngunit hindi ko pinansin ang kanyang tanong imbes muli ko siyang inaya na samahan ako sa paliligo.
“Lita, halika samahan mo na ako rito!” Muli kong aya at sinubukan kong mag-floating. Luckily, marunong pa rin ako kahit na hindi na ako nakakapag-beach or kahit pool. Nagpalutang-lutang ako sa tubig na labis na nakakagaan ng pakiramdam dahil na rin sa sariwang hangin at sa lamig na meron ang tubig.
“Maging maingat kayo sainyong pagkilos. Hindi gan’yan ang gawain ng isang binibini, Binibining Helena,” pagbibigay punto ni Lita na halatang nadidismaya sa aking mga kinikilos.
“Wala naman nakakakita, Lita. Tayo lang naman ang narito,” pagrarason kong sabi.
“Kahit na, Binibini, mahalagang tatandaan niyo na ang binibining tulad niyo ay kailangan kumilos ng mabini at desente. Labis na madidismaya si Doña Celestina kapag kayo ay nakitang gan’yan,” wika ni Lita.
“Lita, tayo lang ang narito kaya hindi rin ito malalaman ni Ina kung hindi mo sasabihin, ‘di ba?” nangisi kong sabi. “Isang munting lihim lang natin ‘to, Lita.” Sabay kindat kay Lita.
Napasiphayong napasapo sa kanyang noo si Lita. “Naku binibini, ika’y labis na napakasutil.”
Napatawa na lang ako sa sinabi ni Lita. Well, I won’t deny it. Kahit si Lola Linda ay nangungunsume noong bata pa ako.
“Maiwan muna kita, Binibini, ikukuha ko lamang kayo ng pantapis. Babalik din po ako,” paalam ni Lita.
“Babalik ka, ha?” paninigurong sabi ko.
“Opo, Binibini. Saglit lamang ako,” paninigurong sagot ni Lita.
“Sige!” At nagsimula nang maglakad si Lita pabalik ng mansyon. Nagpatuloy naman ako sa paglutang hanggang sa nakarating ako sa mas malamig na bahagi ng batis dahilan para mapapikit ako sa labis na sarap. Naramdaman ko rin ang unti-unting lumalalim ang tubig dahilan para mas lumawak ang ngiti sa aking labi at sumisid ako kailaliman niya. Nakaka-amaze na wala man lang akong makitang dumi o kalat sa ilalim ng tubig. Labis pa nga talagang napakalinis ng kapaligiran noon kumpara sa ngayon. Nagpatuloy ako sa paglangoy at matapos ang ilang minuto ng pagsisid ay unti-unti akong umahon sa ibabaw ng tubig.
“A!” Malakas kong pagbuga dahil sa tuwa. Napatingin ako sa paligid na napapalibutan ng malalaking puno.
“Napakalaki naman pala talaga ng hacienda ng mga Montecielo halos kasing laki na ng residential house ni Dr. Smith sa L.A.”
Muli akong sumisid pailalim at nagpasirku-sirku sa tubig. Sobrang nakakaaliw at nakagagaan ng pakiramdam ang paglangoy lalopa’t ang lamig ng tubig. Ilang beses pa ako naglaro sa ilalim ng tubig hanggang sa nakaramdam na ako nang kakapusin na ako ng hangin ay umahon na ako. Ngunit laking gulat ko ng sa bigla kong pag-ahon ay may bumungad sa aking harapan na isang matipunong pangangatawan ng isang binata dahilan para manlaki ang aking mga mata at mapasigaw.
“Sino ka? Ba’t ka narito?” Sunod-sunod kong tanong sa binatang nasa aking harapan na halatang gulat din sa nangyari. Nakatingin lang ito sa akin at ilang segundo rin niya akong napagmasdan bago makolekta ang kanyang huwisyo at mabilis na tumalikod sa akin.
“Patawad sa pagiging mapangahas ng aking mga mata, Binibini,” paghingi niya ng despensa na siyang ikinakunot ng noo ko.
“Anong pinagsasabi mo? Sino ka? Anong ginagawa mo rito?” tanong kong muli sa kanya.
Napayuko ito at tila hindi mapalagay sa kanyang kinakatayuan.
“Sino ka? Bakit hindi mo ako harapin? Kinakausap kita,” anas kong saad.
Ngunit nanatili itong uneasy at tila hindi mabuo ang mga salita na gusto niyang sabihin sa akin.
“Naririnig mo ba ako? Bakit hindi ka humarap?” ani ko na nagsisimula na akong mainis sa kanya.
Nakita ko ang pagtaas ng kanyang mga balikat na tila humugot ng isang malalim ng hininga para sa kanyang sasabihin.
“Binibini, patawad ngunit hindi ko magagawang humarap sa inyo,” panimula niyang sagot.
Teka, parang pamilyar ang boses niya. Saan ko ba ‘yon narinig? Ngunit mabilis kong ikinumpas ang aking sarili. Hindi ito oras para isipin kung saan ko narinig ang boses niya ang kailangan kong gawin ay komprontahin ang lalaking ‘yan! Kung kaya huminga ako nang malalim bago nagsalita, “At bakit naman?” tanong ko na may bahid ng pagtataray.
“Isang malaking kapahangasan at pambabastos sainyong puri kung ako’y titingin sainyo ng gan’yan ang inyong katayuan,” aniya.
“Anong pinag— ”
Naputol ang aking sasabihin at nanlaki ang aking mga mata nang makita ang aking itsura na kitang-kita at bakat na bakat ang utong ko sa aking basang camisole. Mabilis kong inilubog ang aking katawan sa tubig at hiyang-hiya sa katangahang aking ginawa.
“Huwag na huwag kang lilingon kun’di tutusukin ko ang mga mata mo!” pagbabanta ko sa binata.
Ako lang ba o talagang nakita ng dalawa kong mata na umangat ang kanyang mga balikat na tila napatawa.
“Anong tinatawa-tawa mo riyan?” hagsik kong tanong.
Muli itong napatawa ngunit mabilis niyang pinigilan ang kanyang pagtawa at ikinumpas ang sarili.
“Wala, Binibini,” sagot niya.
“Wala? Tumawa ka at narinig ko ‘yon!” inis kong saad.
Tumikhim siya at akmang haharap ngunit muli niyang ibinalik ang kanyang posisyon sa pagkakatalikod sa akin.
“Patawad, binibini sa aking magaspang na kilos. Hindi ko nais na ika’y bastusin ngunit natuwa lamang ako sainyong katapangan,” pagtatapat niya.
“Isang malaking katuwaan na lang ba sa panahong ito ang pagiging matapang at ipagtanggol ng isang babae na tulad ko ang kanyang sarili sa isang masamang tao?” nakataas na kilay kong tanong na may bahid ng pagkainis.
“Hindi, Binibini, hindi iyon ang nais kong iparating. Ang akin lamang ay nakabibighani at nakamamangha ang inyong katapangang ipinakita para sa isang tulad niyo na binibini,” paliwanag niya.
Napapalatak ako sa kanyang mga sinabi. “Kahit sino ipagtatanggol ang kanyang sarili lalo na sa sitwasyon na ganito,” mahina kong bulong. Ngunit biglang sumagi sa isip ko kung bakit narito ang lalaking ito.
“Sandali, sino ka at paano ka nakapasok dito? Pagmamay-ari ito ng mga Montecielo, manggagawa ka ba ng pamilya namin?” tanong ko.
Biglang napalingon ang binata na may kunot sa kanyang noo.
“Pagmamay-ari ng mga Montecielo?” gulat at nagtatakang tanong ng binata.
Buti na lang nakalubog pa rin ang katawan ko sa tubig at least hindi ako expose na expose sa kanya. Pero laking gulat ko nang magkasalubong ang parehong gulat naming mga mukha.
“Joaquin?”
“Binibining Helena?”
Sabay naming banggit sa aming mga pangalan. Pero ang labis kong ikinagulat ay paano niya nalaman ang aking pangalan? Sa pagkakatanda ko ay hindi ko sinabi ang pangalan ko sa kanya.
“Patawad, Binibini. Hindi ko sinasadya na mapalingon sa inyo.” Sabay muling napatalikod si Joaquin sa akin na hiyang-hiya sa kanyang ginawa.
“Teka, naguguluhan ako. Paano ka nakapasok dito? Manggagawa ka ba rito? Saka paano mo nalaman ang pangalan ko? Sa pagkakaalala ko, hindi ko sinabi sa ‘yo ang pangalan ko.” Sunod-sunod na tanong at litanya ko sa kanya.
“Paumanhin, Binibini, ngunit maaari mo bang suotin pansamantala ang damit na ito? Hindi kasi magandang tignan ang ganito ng kalagayan natin,” saad ni Joaquin na puno ng pagkailang.
“’E, paano ka?” tanong ko.
“Susuotin ko na lamang iyong dati kong damit, Binibini. Mas kailangan niyo ang masusuot,” tugon niya.
“Huwag na sagutin mo na lamang mga katanungan,” pag-i-insist ko.
“Pasens’ya na, Binibini, ngunit hindi ako komportable sa ating sitwasyon.” Buong linaw na saad ni Joaquin kung kaya wala akong nagawa kun’di ang suotin ang kanyang damit. Akmang magbibihis na ako nang biglang magsalita si Joaquin.
“Maiwan ko muna kayo, Binibini, nang makapagpalit ka ng inyong damit,” aniya at akmang hahakbang na nang mabilis ko itong pinigilan.
“Sandali! Huwag kang aalis!” pigil kong sigaw sa kanya.
“Ngunit— ”
“Huwag kang aalis. Hindi pa tayo tapos, baka takasan mo lang ako. Tumalikod ka lang at huwag ma huwag kang haharap kung ayaw mong tuluyang ng mabulag!” marahas kong pagbabanta sa kanya.
“Hindi naman ako tatakas, binibini— ”
Muli kong pinutol ang kanyang sasabihin. “Kahit na! Diyan ka lang sa kinatatyuan mo at ‘wag kang aalis!” ani ko at dali-daling dinampot ang damit niya na nasa malaking bato. Mabilis kong sinuot ang parang long sleeve na pang-itaas niyang damit at tinignan ko ang aking sarili kung medyo okay na kaysa kanina.
Hindi ko alam na ganito ako kaliit na aabutin knee length ang long sleeve ni Joaquin sa akin. O sadyang napakababa ko?
Nang makita ko na medyo okay na ay saka ko siya sinabihang humarap. “Ngayon, sagutin mo na ang lahat ng tanong ko,” wika ko sa kanya ng humarap siya sa akin pero… Shit! Hindi ako makapag-concentrate dahil naagaw ng matipuno niyang pangangatawan ang mga mata ko. Ngunit, mabilis kong ikinumpas ang sarili ko, hindi ito oras para sa gan’yang bagay. Magsasalita na muli ako nang bigla siyang mapatalikod muli. Ano na namang problema niya?
“Binibini, ba’t iyan lamang ang inyong suot?” gulat na tanong ni Joaquin.
“Ano pa ba ang gusto mong suotin ko? ‘E, ito lang naman ang meron kang damit,” kunot-noo kong sabi.
Sa totoo lang hindi ko na alam kung ano pa ba ang gusto niyang suotin ko. Ito lang naman ang meron siya at pantalon. ‘Wag niyang sabihin pati patalon niya susuotin ko pa? Mukha na nga akong bata na nilamon sa long sleeves niya tapos susuotin ko pa pantalon niya? Ano ako? Scarecrow? Isang magandang scarecrow na hindi magawang makapanakot kahit isang uwak?
“Binibini, kung maaari lamang ay suotin niyo ang pantalon na iyan. Alam kong isa kang magandang binibini ngunit ayaw ko na isipin niyo na ikaw ay aking pinagnanasahan kahit na ikaw ay labis na kabigha-bighani.” Tahasang saad ni Joaquin dahilan para mabigla ako sa kanyang mga sinabi.
Would this imply that he likes me?
Nanlaki ang aking mga mata sa naisip ng aking utak dahilan para masapal ko ang aking sarili upang magising sa halusinasyon na ginagawa ng aking isipan. Helen, you need to get your act together! You're no longer a child, but behave accordingly. 32 ka na! 32! So stop drooling over him like you're 18!
“But I am, sa panahon na ito,” mahina kong usal.
Napapikit ako at huminga nang malalim bago muli magsimulang magsalita. “Masyadong napapatagal na ang usaping ito, sabihin mo bakit ka narito? Paano mo nalaman ang pangalan ko?” seryosong tanong ko.
“Hindi ko alam kung ano ang nasa iyong isipan, Binibining Helena, ngunit wala akong masamang intensyon sa inyo. Base sa inyong kilos ay kailangan ko iyon linawin sainyo na ang lupain na ito ay hindi na sakop ng inyong pamilya. At tungkol naman sainyong pangalan ay nalaman ko ito dahil sa panyo mong ginamit sa akin nang linisin mo ang aking mga sugat noong huli nating pagkikita,” malumanay na paliwanag ni Joaquin.
Parang kinain ako ng kahihiyan dahil sa inasal ko. Did I just suspect him of being a bad guy without any evidence? Napasapo ako sa aking noo dahil sa aking ginawa.
“I’m sor— ” Pasens’ya na sa aking inasal. Kung nasaktan ka sa aking sinabi, pasens’ya hindi ko gusto na iyon ang maramdaman mo. Pasens’ya na sa pagiging arogante ko,” sinserong paghingi ko ng tawad kay Joaquin.
“Hindi mo kailangang humingi ng patawad, Binibini, alam ko naman kung bakit mo naisip iyon pero wala iyon lahat para sa akin. Ang labis kong iniisip ay ang pagtanaw ng utang na loob sa inyo. Sa kabila ng pagiging alipin at unang beses nating pagkikita ay hindi ka nagdalawang isip na tulungan ako at labis ko ‘yon ipinagpapasalamat. Maraming salamat, Binibining Helena,” sabi niya na labis na nagpapasalamat.
“Maliit lang na bagay iyon, Joaquin. Ikinagagalak kong matulungan ka o kahit na sinong tao pa ang nangangailangan ng tulong lalo na tungkol sa medisina,” wika ko.
“Hindi lang basta maliit na bagay iyon, Binibining Helena. Pang habang-buhay kong magiging utang na loob iyon saiyo,” aniya at biglang napayuko. “Nakalulungkot man makita na wala man lang tumulong sa amin ng aking pamilya sa kabila ng ginawa namin sa taong bayan,” muli niyang itinaas ang kanyang ulo at tila may pinagmamasdan ito sa malayo. “Hindi ko sila masisi, alam ko na ayaw lang nila madamay sa gulo ng pamilya ko na maging pati ang pamilya nila ay madamay.” At biglang humarap ito nang pikit-matang nakangiti. “Kaya labis akong nagpapasalamat sa ‘yo dahil kahit hindi kita natulungan noon ay nagawa mo pa rin akong tulungan. Kahit papaano ay nalaman ko na may mabuti pa ring tao sa kabila ng mapaglaro at masamang mundo na ‘to. Maraming salamat, Binibini,” nakangiting sabi ni Joaquin sabay talikod.
“Mauna na ako, Binibining Helena, paalam.” Sabay lakad papalayo.
Pinagmasdan ko siya maglakad papalayo at tinawag ko ang kanyang pangalan.
“Joaquin! Magkita tayo sa aking kaarawan!” sigaw ko ngunit hindi siya lumingon kung kaya nilagay ko ang aking mga palad sa gilid ng aking bibig at muling sumigaw ng, “Hihintayin kita, Joaquin!”

Comentário do Livro (33)

  • avatar
    Errol Jade Amante

    it's was a great

    02/08

      0
  • avatar
    Anthony Arnaldo

    TNC

    25/07

      0
  • avatar
    Carin Sarino

    nice

    06/06

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes