logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Kabanata Five

“BINIBINI, oras na po ng hapunan!” tawag sa akin ni Lita sabay katok sa aking pintuan. “Bini— ”
Malaking mga ngiti ang gumuhit sa aking labi at mabilis akong lumabas ng k’warto at patakbong pumunta sa hapag-kainan kung nasaan na nakaupo na sina Don Raul at Doña Celestina.
“Don Raul! Doña Celesti—este ama! Ina!” masaya kong tawag sa kanila.
Napatawa nang malakas si Don Raul sa akin. “Ano ba ‘yon, anak? Anong meron para malagyan ng masayang ngiti ang iyong mukha?” tanong ni Ama sa akin.
Naupo ako saka masayang humarap kay Ama. “Ama, maaari mo po ba akong bilhan ng gamit sa pang-gagamot?” masaya kong sabi. I know it's a shame that I've asked Helena's father to buy medical equipment for me despite the fact that I'm not her biological daughter. It always irritates my ego if I recall what those obnoxious Guardia Civil did to Joaquin. I realize Joaquin isn't the only one who has been mistreated; there are also others who are afraid to strike back because they are afraid of turning their lives into cold corpses if they do. But I will take advantage of this chance to support Joaquin and those in need of medical care. This was the one thing I could do and was good at. Taking care of patients and relieving them of their illnesses and suffering has been the only thing I've done over the past 8 years, but for the time being, this will suffice before I figure out how to return to the present.
Gulat ang gumuhit sa mukha nina Don Raul at Doña Celestina sa aking sinabi.
“Anak, ano bang pinagsasabi mo?” tanong ni Doña Celestina.
“Gusto ko po manggamot ina. Pansin ko po walang manggagamot sa ating bayan kaya bakit hindi na lamang ako?” nakangiti kong saad kay sa kanilang dalawa.
“Anak, alam mo naman na hindi iyan gawain ng mga babae. Tungkulin iyan ng mga kalalakihan at sila lamang ang may kakayahan sa gan’yang uri ng agham at tayong mga kababaihan ang siyang tagapamahala ng buong kabahayan at ng pamilya hindi ang— ”
Nakaramdam ako ng diskriminasyon sa sinabi ni Doña Celestina kung kaya mabilis ko siyang pinutol sa kanyang sinasabi. “Pero ina, gusto ko po manggamot,” pamimilit kong sabi. “Hindi naman po porke’t hindi na nag-aaral ang mga kababaihan sa panahon na ito ay hindi na sila matuto ng tulad sa mga natututunan ng mga kalalakihan, Ina. Hindi naman po pinagbabawal sa atin ang pag-aaral ng tulad kina ama, sadyang nakasanayan niyo lang po na ang mga babae ay sa bahay lamang sa mga nagdaang henerasyon. Paano na lamang pala ako, Ina? Paano po ang mga tulad ko na gustong matuto at lumawak ang kaalaman sa napakaraming bagay? Ipagpapasantabi na lamang po ba dahil sa nakasanayang kaugalian na ang babae ay tanging sa loob lang ng bahay?” nagpoprotesta kong tanong.
Gumuhit ang hindi maipaliwanag na reaksyon sa mga mukha nina Don Raul at Doña Celestina matapos ang lahat ng aking mga sinabi. Did I went overboard, again? Pinagmasdan ko ang kanilang mga mukha at isang malakas na halakhak ang kumawala sa bibig ni Don Ra dahilan para sabay kaming mapalingon ni Doña Celestina.
“Naku, anak! Ako’y labis mong minamangha ng iyong mga pananaw at nalalaman,” ani Don Raul.
“Is that a yes? Ay este, pumapayag na po ba kayo, Ama? Bibilhan niyo na po ako ng mga kagamitan sa panggagamot?” masaya at hindi makapaniwalang tanong ko.
“Ito ba ang dahilan kung bakit sumusulat ka kay Jose?” tanong ni Don Raul.
Ha? Sino si Jose? Walang naik’wento si Lita tungkol sa Jose ‘yan! Hinanap ng mga mata ko si Lita ngunit wala siya roon. Lita nasaan ka ba? Ngayon kita kailangan! Napapikit ako ng aking mga mata at mabilis na humugot ng lakas ng loob mabilis na sinagot ang tanong ni Don Raul. “Opo, Ama.”
Napatawa ng kakaiba si Don Raul. “Akala ko pa naman ay nagkakamabutihan na kayo ni Jose,” aniya na tila bigo sa kanyang expectation.
Nanlaki ang aking mga mata sa sinabi ni Don Raul sabay iling kasabay ng pagwagayway ng aking mga kamay. “Naku, ama! Nagkakamali po kayo sa inyong iniisip. Wala po namamagitan sa aming dalawa ni Jose tanging ang kaalaman lang sa panggagamot ang aking pakay sa pakikipagpalitan ng sulat sa kanya,” mariing pagtatanggi ko.
Hindi naman siguro mali ang mga sinasabi ko, ‘di ba? Shit! Kailangan ko ‘tong panindigan para sa equipment na kailangan ko kailangan kong panindigan na ako talaga si Helena with conviction para hindi nila ako paghinalaan na hindi talaga ako ang anak nila na inaakala nila.
“So, ano ama? Bibilhan niyo na po ba ako?” paniniguradong tanong ko.
Tumawa si Don Raul at hinawakan ang aking kaliwang kamay. “Mukhang nasasanay ka na sa dayuhang lengguwahe, anak,” masayang puna niya. “Ngunit anak kapag nasa labas ka ng ating pamamahay ay siguraduhin mo na iiwasan mong gamitin iyan, para na rin sa sarili mong kaligtasan at sa ating pamilya,” paalala ni Ama.
Napahawak ako sa aking bibig. Shit! Nakapagsalita na naman ako ng English! At gumuhit ang pag-aalala sa aking mukha.
Pinisil ni Don Raul ang aking kamay. “Ayos lang ‘yan, anak. Nagkakamali rin tayo pero mas makabubuti pa rin ang mag-ingat.”
Tumango ako bilang pagsang-ayon. “Opo, Ama. Mag-iingat na po ako.”
Ngumiti si Don Raul sa akin. “Halina’t kumain habang mainit pa ang pagkain,” pag-aaya niya.
“Sandali lang, ama! Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko.”
Hinintay ko ang sagot ni Don Raul ngunit isang malakas na tawa naman ang kanyang ibinigay sa akin. ‘Yong totoo, Don Raul, nagiging clown na ba ako sa iyong paningin? Panay tawa mo sa tuwing nagtatanong ako sa iyo.
“Ama naman!”
“Helena, hindi ba’t masyadong mahal ang iyong hinihingi mo sa iyong ama? Tsaka hindi mo alam kung paano gamitin ang mga iyon,” ani Doña Celestina na may bahid ng pagtutol sa kanyang tinig.
Kung alam mo lang Doña Celestina, chicken na sa akin ang paggamit ng mga medical equipment. Internship, post grad internship, at 4 years residency sa tingin mo kaya hindi ko pa alam gamitin ang mga gan’yang gamit? If you only knew na hindi biro ng pagdodoktor kaya hindi ko naman sinayang ang mga taon na nag-aaral ako para matuto ako.
”Pero ina, napag-aaralan naman po ang lahat ng bagay kung gugustuhin natin. Hindi naman po masasayang ang mga iyon ina dahil makakatulong po ako sa taong may sakit o kaya sa may mga kapansanan. Marami po akong matutulungan, Ina. Lalo na ang mga kapos sa pera at walang maipanggamot,” pilit kong pangungumbinsi kay Doña Celestina.
“Alam ko naman, anak na hindi mo naman sasayangin ang pera ng iyong ama ngunit— ”
“Celestina,” awat ni Don Raul kay Doña Celestina. Kaya napatingin ito kay Don Raul na may mukha ng pagtutol. Ngumiti lang si Don Raul at hiniwakan ito sa kamay.
“Kumain na muna tayo, maaari ba?” saad ni Don Raul na sabay kaming tinignan ni Doña Celestina. “Hindi na masarap ang pagkain kapag malamig na.”
“Pero, ama…”
Ngumiti si Don Raul at pinisil ang aking kamay. “Kumain na muna tayo, anak. Labis na ang aking gutom,” pakiusap niya kung kaya napatango na lang ako at nagsimula ng kumain. Tahimik kaming kumain, hindi na rin ako nagsalita dahil alam kong hindi ni Don Raul matitiis si Helena. Napatingin muli ako kay Don Raul na patuloy pa rin sa pagkain. Hindi nga ba?
Matapos namin kumain ay umalis si Don Raul dahil sa may gagawin daw ito sa bayan samantala naman si Doña Celestina ay abala sa pamamahala ng kabahayan kaya ako na walang magawa ay napagpasyahan na libutin ang buong hacienda para na rin maging pamilyar sa pasikot-sikot dito. Halos malula ako sa laki ng hacienda nang libutin ko ito maraming mga tanim na kung saan ay iyon na ang nagsisilbing supply ng mga pangangailangan nila Don Raul.
“How fortunate is she? They would not go hungry even once a day because they have these resources!” anas ko sa aking sarili habang pinagmamasdan ang hekta-ektaryang taniman ng palay, mais at iba pang gulay maging ang mga namumungang niyog at mangga ay meron din sila. Andami! Halos lahat na ata ng nasa bahay-kubo ay maroon silang tanim maging ang local fruits na p’wede mabuhay sa Pilipinas ay meron sila.
Nagpatuloy ako sa pag-iikot hanggang sa nakarating ako sa isang shade na gawa sa nipa at may upuan na gawa sa kawayan na sa tingin ko ay pahingahan ng mga manggawa rito sa hacienda. Tumingin ako sa paligid at wala akong nakita na ni isang taong naroon kung kaya napagpasyahan kong humiga sa kawayang upuan.
“Aaa…” I let out a relieved sigh. Nakahinga ako nang maluwag ng maihiga ko ang aking likod at maipahinga ko ang aking mga binti buhat ng matinding paglalakad. Sa pagkakahiga ko ay nakita ko ang kulay asul na langit na napakaaliwalas. Summer na kung tutuusin ang buwan na ito pero parang hindi ramdam ang init dahil sa mga puno na nakapalibot. Kung nasa kasalukuyan siguro ako nasa harap na ako ng electric fan o kaya nasa mall ako para magpalamig. Kahit papaano ito ang maganda sa nakaraan hindi gaano pang ramdam ang init na to the point na masusunog na balat mo at para kang malulusaw sa tuwing lalabas ka ng bahay.
Without bothering anything else ay itinaas ko ang aking binti at ipinatong sa ibabaw ng tuhod ko sabay inilagay ang dalawa kong kamay sa ilalim ng aking ulo. Sabihin nating nakahiga ako habang naka- de quatro. If anyone saw me in this place, I'm sure Helena's reputation would be ruined, but I don't think someone would come here, so I stayed as is. Pansamantala lang naman, gusto ko lang ma-relax sabay pikit ng aking mga mata habang dinadama ang mahina pero nakakaginhawang ihip ng hangin.
“Darn! It makes me fall asleep,” wika ko sabay hikab hanggang sa unti-unting bumigat ang talukap ng aking mga mata hanggang sa hindi ko namalayan ay nakatulog na ako.
DINIG NA DINIG ko ang bawat kabog ng aking dibdib maging ang aking paghinga. Hindi ko alam kung saan ako pupunta ang alam ko lang walang humpay na pagtakbo paakyat ng hagdanan ang aking ginagawa na para bang walang katapusan. Hinihingal na ako pero patuloy ko pa rin binabagtas ang madilim na daan hanggang sa isang nakakasilaw na ilaw ang sumabog sa aking mga mata. At sumambulat sa aking tanawin ang hayop kong asawa ay si Dr. Mendez.
“I had no idea the wonderful Dr. Salvador had such a naughty side,” ani Dr. Mendez sabay hagikhik at naglakad ang daliri sa dibdib ng asawa kong taksil na tila may ginuguhit.
“I just do this to women I like,” wika ng aking asawa sabay kindat sa doktora.
Bakit kailangan ko pang masaksihan muli ang kababuhayan nilang dalawa? Bakit kailangan kong masaktan muli? Bakit kahit sa panaginip kailangan ko pang makita ang lahat ng ito? Bakit?
“Should I thank you, Dr. Salvador, for picking me out of all these unfortunate women?”” pilyang tanong ni Dr. Mendez na tila nag-e-enjoy pa sa kalandiang ginagawa nila.
“You should, and so should I,” aniya sabay halik mula sa doktora.
Sa pangalawang pagkakataon kahit na panaginip lang ito, mas ramdam ko ang sakit sa pagtataksil na ginawa nila sa akin. Mas ramdam ko at nakita ko ang walang takot na panloloko sa akin ng asawa ko at ng katrabaho ko sa akin.
“Bakit kailangan ko maranasan ang ganito?” tanong ko sa aking sarili.
Gaya ng ginawa ko noong una tahimik lang ako umalis sa lugar na kung nasaan sila. Tahimik na hagulgol lang ang aking ginawa ngunit hindi ito gaya ng nangyari noong una, walang tao na makakita sa akin kung kaya napatakbo ako habang humahagulgol. Wala akong makita kung madapa man ako dahil panaginip lang naman ito at hindi ako masasaktan. Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa biglang nahulog ako ng hindi ko alam kung saan ako babagsak. Muli, naging madilim ang paligid hanggang sa bumagsak ako sa tubig na napakalalim at may isang babae na pilit akong nilulunod.Pinilit kong kumampay pero patuloy niya akong nilulublob sa malalim na parte ng tubig.
“Akin lang si Joaquin! Akin lang!” naririnig kong sigaw niya.
Pilit kong inaalis ang kamay niya sa pagkakasakal sa aking leeg ngunit napakahigpit nito at plano niya talagang patayin ako.
“Kailangan mong mamatay para sumaya ako,” dinig kong sabi niya na tila umiiyak pero may galit sa kanyang tinig.
Sino ba siya? Pilit kong inanig ang kanyang mukha sa ilalim ng tubig pero hindi ko ito gaanong makita dahil sa magalaw ang tubig para lalo ma-distort ang image ng babae sa aking paningin.
“Mamatay ka na,” wika niya na tila nakikiusap. “Huwag mo ng agawin ang kaligayahan ko! Mamatay ka na, Helena!”
NAPABALIKWAS ako sa aking pagkakahiga at habol ang aking hininga.
“What was that?” tanong ko sa aking sarili na habol ang hininga.
May pumatay ba sa tunay na Helena? Sino ang babaeng ‘yon? Pinatay ba talaga si Helena? Kaya ba ako narito para alamin ang pagkamatay niya gaya sa mga k'wento ni Lola Linda? Ito ba ang misyon ko rito? Totoo ba ang lahat ng nakita ko? O…
“Gawa-gawa lang ng utak ko ang lahat ng iyon? Pero imposible, bakit parang totoong nangyari ang lahat ng iyon?” Napahawak ako sa aking dibdib ng muli kong naramdaman ang takot na naramdaman ko sa panaginip na iyon.
“Kung totoo ang lahat ng iyon, kailangan ko lang hanapin ang babaeng may gusto kay Joaquin at ipaubaya na lang ito sa kanya para hindi mamatay si Helena at makabalik na kami sa panahon kung saan kami nararapat. Case closed!” nakangiti kong saad. “Makakauwi na rin ako,” mahina kong bulong sa aking sarili na hindi nawawala ang ngiti sa aking mga labi.

Comentário do Livro (33)

  • avatar
    Errol Jade Amante

    it's was a great

    02/08

      0
  • avatar
    Anthony Arnaldo

    TNC

    25/07

      0
  • avatar
    Carin Sarino

    nice

    06/06

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes