logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Kabanata Three

GAYA ng sinabi ni Lita ay ngayon ang araw kung kailan ko kukunin ang k’wadernong ipinasadya ko kay Ginoong Huseng kaya nagpaalam ako kina Amang Don Raul at Inang Doña Celestina para pumunta ng bayan. Madali naman nila akong pinayagan ‘pagkat alam na nila na iyon din ang araw na pinag-usapan namin ng ginoo. Habang sakay ng kalesa ay pinagmasdan ko ang luntiang kapaligaran kung saan ang mga malalaking puno ang naroon at malawak na palayan na malayong-malayo sa nakasanayan kong lasangang puno ng mga gusali at sementadong bahay. Nakaka-refresh ng pakiramdam ang ganito ng tanawin.
Muli kong nilanghap ang sariwang hangin at napangiti. “Ang sarap naman manirahan dito. Lahat ng malalanghap at makakain ay sariwa.”
“Binibini talaga, parang hindi ka na nasanay,” nakangiting sambit ni Lita.
If you only knew, Lita. Ito ang unang beses na makakalahanghap ako ng sariwang hangin sa tanang buhay ko. Hindi na lamang ako umimik at pinagpatuloy ako pagmamasid sa aming dinaraanan. Anong lugar na kaya ito? Hindi ko pa ito napupuntahan, ata? Imposibleng malaman ko ang mga lugar na ‘to kung malaki na ang ipinagbago ng mga lugar sa nagdaang mga taon.
“Lita, nasaan na ba tayo? Saan ba tayo papatungo?” tanong ko.
“Patungo tayo, Binibini, sa plaza ng San Francisco de Malabon. Naroon ang tindahan ni Ginoong Huseng,” sagot ni Lita ng buong linaw.
“San Francisco de Malabon?” kunot-noo kong sabi.
“Opo, Binibini,” nakangiting sagot ni Lita.
Okay, we’re not getting to it. Tumawa na lang ako para hindi mahalata ang pagkawalang-alam ko sa kanyang mga sinasabi. Hindi na ako umimik at hinitay na lamang na makarating kami sa sinasabi niyang San Francisco de Malabon. Halos kainin na ako ng antok dahil sa masarap na ihip ng hangin at sa tagal din ng aming biyahe. Tumigil ang sinasakyan naming kalesa sa tapat ng isang malaking simbahan.
“Narito na tayo, Binibining Helena,” saad ni Lita at inalalayan niya ako sa aking pagbaba.
“Ito na ba ang San Francisco de Malabon na sinasabi mo, Lita?” paninigurong tanong ko.
Tumango si Lita. “Opo, Binibini.”
“E? For real?” bulalas kong sabi na mabilis na tinakpan ni Lita ang aking bibig.
General Trias Church na ‘to ngayon!
“Binibini, hinaan niyo po ang inyong boses,” mariing bulong ni Lita sa akin sabay alis ng kanyang kamay sa aking bibig. “Nagkalat ang mga guwardiya sibil, pagnagkataong narinig ka nila na nagsasalita ng dayuhang lenggwahe maari ka nilang arestuhin,” seryosong wika ni Lita na bahagyang iginala ang kanyang mga mata sa paligid.
“What? Bakit naman nila ako aarestuhin?” gulat at natataranta kong tanong kay Lita.
“Binibini, ang inyong boses,” muling paalala ni Lita.
Napatakip ako ng aking bibig. Shit! Pahamak naman itong bibig na ito! Nasanay na kasi akong sumigaw lalo na kapag nasa emergency situation ang patient ko. Kung hindi ko lalakasan ang boses ko ay hindi sila makakawala sa kaba nila lalo na pag nasa alanganing situation na ang patient as if it were a life-or-death case for them. They'll either survive or die on the freezing operating table. Huminga ako nang malalim para ikumpas ang aking sarili.
“Sige, ipagpatuloy mo, Lita, ang iyong sinasabi,” wika ko sa mabini at mahinang boses.
“Gaya ng sabi ko, Binibini, hindi ka maaaring magsalita ng dayuhang lenggwahe lalo na pag kayo ay nasa labas ng hacienda.”
“Bakit naman, Lita?”
“Ipapaliwanag ko, Binibini, ngunit kailangan na nating maglakad ng hindi tayo paghinalaan ng mga guwardiya sibil,” ani Lita at pinayungan ako. Humakbang siya pasulong kaya sumabay ako sa kanya. “Gaya po ng sinabi ko, mag-iingat po kayo sa inyong pananalita. Maaari ka nilang akusahan bilang isang rebelde o espiya dahil sa inyong paraan ng pagsasalita,” panimulang saad ni Lita. “Tulad ko po, hindi rin nila maintindihan na ang inyong sinasalita at maaring isipin nila na isa ‘yong sekretong mensahe na inyong hinuhudyat sa iba niyo pang rebelde kung kaya po pakiusap lamang kumilos kayo ayon sa inyong katayuan, Binibini,” paalala ni Lita.
Naningkit ang aking mga mata sa sinabi ni Lita. Grabe naman sila ang wild naman nilang mag-isip. Rebelde agad? Kailan pa gumamit ng salitang English ang mga rebelde? Sorry if I offended anybody, however, Islamic group lang ang makagawa ng mga pagrebelde at pagbabalak ng mga pag-aklas na ‘yan. Hindi sa pagmamaliit sa kanila karamihan sa mga tulad nila ay walang ganong sapat na kaalaman sa English hindi man ilan ngunit nabibilang lang sa daliri ang may alam na sumasali sa pagiging rebelde. Iyan ay kung sa panahon ko pero kung pag-uusapan ang panahon na ‘to napakaimposible. And I'm sorry, Lita; please bear with me. I lived in Los Angeles for a half-decade, but you can't fault me for speaking the way I used to. Matagal din akong hindi nakauwi sa Pilipinas kun’di sa mga librong pinapadala sa akin ni Lola Linda at kay Chyna maybe I’d totally forget how to speak in Tagalog.
Napabuntong-hininga ako at napaisip. Siguro nga kailangan ko ng matutunan kung paano ang tamang pagkilos at pananalita sa panahong ito lalopa’t hindi ko pa alam kung paano ako makababalik sa present. Hindi ko rin alam kung nasaan si Helena at kung bakit sa kinarami-rami ng taong maaaring ibalik sa panahon na ito ay ako pa. I don't know the answers to any of the questions that keep coming into my brain. It's just whys and hows, and it's really irritating. Sa lalim ng aking iniisip ay hindi ko namalayan na nakabunggo ako sa isang matigas na bagay dahilan para mawalan ako ng balanse at muntik nang matumba ngunit mabilis akong nasalo ng isang lalaki. Hindi ko maaninag ang kanyang mukha dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking mga mata.
“Ayos ka lang ba, Binibini?” tanong niya sa nakakaakit ng tinig.
Hindi ko magawang makasagot dahil sa labis na pagkahumaling ko sa kanyang tinig.
“Binibini?” Muling sambit niya at dahan-dahan akong itinayo at doon ko lamang lubos na nakita ang kanyang mukha.
“Binibini?”
Natauhan ako nang tawagin ako ni Lita. “Binibini, ayos ka lang ba?” tanong ni Lita.
Mabilis akong napalingon kay Lita. “Ayos lang ako, Lita.”
“Mabuti naman,” wika ng binata dahilan para maibalik ko ang aking tingin sa kanya. “Sa susunod, Binibini, mag-iingat ka saiyong paglalakad,” wika niya at isa-isang pinulot ang mga batong nagkalat sa daan. Akmang tutulungan ko sana ito nang bigla akong hatakin ni Lita papalayo sa binata at nakita kong mabilis na lumapit ang dalawang guwardiya sibil sa binata at kinompronta ito. Sasagot pa lamang sana ito nang hampasin ito ng dalawang guwardiya sibil ng hawak nilang rifle dahilan para mapahalik ito sa lupa. Napasinghap ako sa labis na pagkabigla at akmang tatakbo sana papalapit sa binata ngunit pinigilan ako ni Lita at pilit na inalayo sa lugar kung saan pinagsisipa at hampas ito ng dulo ng mga baril nila.
“Lita! Bitawan mo ko! Kailangan kong tulungan— ”
“Binibini!” pagtawag sa akin ni Lita sa aking atensyon at huminga ng malalim. “Binibini, huwag,” pakiusap ni Lita sabay iling.
Bigla akong nanlumo sa inasal ni Lita. Hahayaan niya lang talagang saktan ng mga taong iyan ang isang taong wala naman ginagawa sa kanilang masama? Anong mali ang nagawa niya? Wala naman, ‘di ba? Bakit siya pinaparusahan ng gan’yan? Naramdaman ko ang paghigpit ng pagkakahawak ni Lita sa aking kamay. Ibinalik ko ang aking mga tingin sa binatang patuloy pa rin na binubugbog ng mga guwardiya sibil hanggang sa dumugo ang pisngi niya maging ang mga labi niya. Hindi ko maatim ang kanilang ginagawa rito. Bakit hindi siya lumaban? Bakit hinahayaan niya lang na saktan siya ng mga baliw na guwardiya sibil?
“Ayusin mo ang trabaho mo, Señorito Joaquin!” sabay ngisi niya ng nakaiinsulto.
Señorito? Anong ginagawa ng isang anak nang may kapangyarihan para gawin ang mabigat na gawain na ginagawa niya at pagmalabisan ng mga guwardiya sibil na walang ginagawa kun’di ang yurakan ang kanyang pagkatao? Napakunot-noo ako sa aking narinig. Pinagmasdan ko ang kawawang binata na tinawag nilang Señorito Joaquin, walang imik ngunit binigyan niya ang dalawa ng matalim na mga tingin. Isang malakas na sipa ang ibinigay ng matabang guwardiya sibil sa mukha ni Señorito Joaquin dahilan para mapahiga ito sa daan.
“Anong tinitingin mo? Lalaban ka?” singhal niya sa binata. Hindi umimik ang binata at akmang babangon nang bigla siyang hinawakan sa buhok noong matangkad na guwardiya sibil at pinaluhod.
Yumuko ang matangkad na guwardiya sibil at inilapit ang mukha niya sa mukha ng binata. “Tandaan mong hindi na kayo ang kilala at makapangyarihang mga Perez! Buong pamilya mo ay mga alipin na! Kaya ‘wag kang umasta na akala mo may magagawa ka pa para takutin kami.” Sabay tapon sa daan dahilan para mapasubsob itong tuluyan sa lupa.
Tumawa nang nakaiinsulto ang dalawang guwardiya sibil sabay dura sa binata bago nila iniwan ito. Hindi umimik o nanlaban si Señorito Joaquin, napakuyom na lamang ito ng mga kamao at muli, isa-isa niyang pinulot ang mga batong nagkalat sa daan. Lalapitan ko sana ito para tulungan ngunit muli akong pinigilan ni Lita at inalayo sa binata. Hindi ko magawang alisin ang mga tingin ko sa binata hanggang sa nagsimula itong maglakad papaalis habang hila-hila ang kariton na may kargang bato. Patuloy ko pa rin siyang pinagmasdan hanggang sa tuluyan na siya mawala sa abot ng aking mga tingin.
“Binibini,” tawag ni Lita sa aking atensyon.
Napatingin ako sa kanya at doon ko lang namalayan nasa harap kami ng isang tindahan na may mga libro at iba pang mga school supplies.
“Halina po sa loob,” ani Lita at sumunod ako sa kanya papasok ng tindahan.
“Magandang umaga, Ginoong Huseng!” bati ni Lita sa ginoong nasa 50’s na ata ang edad.
“Magandang umaga, Lita,” nakangiting bati niya kay Lita. “Magandang umaga, Binibining Helena,” bati niya sa akin sabay yuko.
“Magandang umaga rin sa iyo, Ginoong Huseng.”
“Narito ba kayo para kunin ang mga k’waderno, Binibini?” tanong niya.
“Opo, Ginoong Huseng,” sagot ni Lita.
“Sandali lamang at kukunin ko ang mga ito,” wika ni Ginoong Huseng at nagsimulang maghanap sa kanyang mga lalagyan.
Habang abala ang ginoo ay hinawakan ko si Lita sa braso para makuha ko ang kanyang atensyon.
“Lita, bakit mo ko pinigilan kanina? Bakit ayaw mo akong tulungan ang lalaking iyon?” seryoso kong tanong sa kanya.
Napabuntong-hininga si Lita at inalis ang pagkakahawak ko sa kanya at tumingin sa labas ng bintana ng tindahan. “Binibini, mas makabubuti kung hindi ka masasangkot sa anumang inyong nakikita lalo na sa mga polista.”
“Polista?”
“Binibini, sila ang mga kalalakihan na sapilitang pinagtrabaho ng pamahalaan ng mga Espanyol para sa pagtatayo ng mga tulay, simbahan at paggawa o pagkumpuni ng mga barkong galyon. Ngunit, iba ang sitwasyon ni Señorito Joaquin,” ani Lita na may lungkot at pag-aalala sa tinig niya.
Sapilitang pagtatrabaho? Polo y servios?
“Anong pagkakaiba kay Joaquin? Sino ba si Joaquin?” tanong ko na sobrang kinakain ng curiosity.
“Si Señorito Joaquin ay— ”
“Siya ang anak ng gobernadorcillo ng San Francisco de Malabon,” sabal ni Ginoong Huseng. “Ito na ang mga k’waderno niyo, Binibini,” nakangiting saad niya sabay abot sa akin ng mga k’waderno.
“Teka, hindi ko po maintindihan kung anak siya ng gobernadorcillo bakit siya pinagtatrabaho at binubugbog ng ganoon?” kunot-noo kong tanong.
Napangiti ng mapait si Ginoong Huseng at napayuko si Lita.
Ano bang nangyayari? Anong hindi ko alam sa lalaking iyon?
“Marami ka atang hindi nalalaman para sa isang tulad mo na taga-rito lamang, Binibining Helena,” wika ni Ginoong Huseng.
Shit! Did I just get busted? Mag-iisip na sana ako ng idadahilan ngunit biglang tumawa ito ng bahagya. “Ganoon ka siguro kaabala sa mga akdang iyong ginagawa kaya halos hindi mo na namamalayan ang mga nangyari saiyong paligid, Binibini.”
“Gano’n na nga, Ginoong Huseng,” pagsang-ayon ko na lamang.
“Pasens’ya na, Ginoong Huseng, ngunit, anim na buwan nawala si Binibining Helena rito sa ating bayan dahil sa nagtungo ito sa Maynila para ipalimbag ang kanyang akda,” paliwanag ni Lita.
“Ganoon ba, Lita,” gulat na wika ni Ginoong Huseng. “Patawad sa aking inasal, Binibining Helena,” aniya sabay yuko.
“Okay lang ‘yon, Ginoong Huseng, hindi niyo kailangan humingi ng tawad,” ani ko. Ngunit bigla akong hinawakan ni Lita sa kamay.
“Binibini,” mahinang anas niya. Doon ko lamang napagtanto sa aking sinabi kani-kanina lang.
Crap!
Tumawa si Ginoong Huseng. “Mukhang marami ang natututunan ni Binibining Helena, habang siya’y nasa Maynila.”
Napatawa na lang ako ng bahagya para itago ang katangahan na aking ginawa.
“Siya ngang anak ka ni Don Raul, kapwa kayo’y malawak ang kaalaman,” wika niya.
Hindi ko alam kung isa ba ‘yong compliment o puna?
“Teka, sino nga ba si Señorito Joaquin?” Mabilis kong pagbabalik ng usapin namin para ma-divert muli roon ang usapan at hindi sa pananalita ko.
Huminga nang malalim si Ginoong Huseng bago nagsalita. “Napakabait ng mga Perez, halos lahat ng tao rito sa bayan ay mahal na mahal sila. Lahat ng mga nangangailangan ay kanilang tinutulungan. Maging si Señorito Joaquin ay labis na napakabukal ang puso tulad ng kanyang ama na si Don Arturo. Sa kabila ng kanilang pagiging makapangyarihan at salaping meron sila ay nakikisalamuha sa mga mahihirap na tulad namin si Señorito Joaquin. Itinuturing nila kami na pareho ang aming antas sa lipunan sa kanila,” nakangiting saad ni Ginoong Huseng.
“Kung gano’n ang pamilya niya at maging si Señorito Joaquin, bakit siya inaalipin? Bakit ganoon na lamang siya insultuhin ng mga guwardiya sibil?” Sunod-sunod kong tanong.
Gumuhit ang mga lungkot sa mga mukha ni Lita at Ginoong Huseng. Ilang segundo rin silang nanahimik ngunit si Lita ang bumasag noon.
“Wala silang ibang ginawa kun’di tumulong sa mga kapos-palad na tulad namin ngunit hindi namin alam ang buong dahilan kung bakit sila pinaratangan ng katiwalian sa pamahalaan,” saad ni Lita.
“Katiwalian?” pag-uulit ko. Ano ‘yon? Shit! Bakit ang lalim?
“Opo, Binibini. Bilang hatol ay ginawa ang buong pamilya ni Señorito Joaquin bilang mga alipin imbes na sila ay hatulan ng kamatayan. Maninilbihan ang buong pamilya nila hanggang sa mabayaran nila ang perang nakuha nila sa pamahalaan,” paliwanag ni Lita.
Katiwalian is corruption? Tama ba?
“Alam ng lahat na narito na walang ginawang masaama ang pamilya ni Señorito Joaquin, hindi nila magagawang ibulsa ang pera ng bayan para sa pansirili nilang kapakanan. Hindi sila gano’n,” malungkot na saad ni Ginoong Huseng. “Gusto namin tulungan sina Señorito Joaquin tulad ng pagtulong nila sa amin ngunit, hindi namin magawa dahil sa takot na baka kami ay matulad sa iba naming kababayan na pinarusahan ng kamatayan dahil sa pag-aaklasa na kanilang ginawa para matulungan lamang sina Señorito Joaquin.” Dagdag niya. “Paraan din nila ito para ipahiya ang pamilya ni Señorito Joaquin sa publliko at dahil na rin sa malaking banta si Don Arturo sa alkade-mayor.”
Alkade-mayor?
“Ginoo! Maghunos dili ka sa iyong sinasabi baka may makarinig sa ‘yo maging ikaw ay maparusahan,” mahinang hagsik ni Lita kay Ginoong Huseng na may pag-iingat.
“Pasen’sya na, Lita, ngunit hindi ko magawang makapagpigil sa tuwing nakikita ko ang ginawa nila kina Señorito Joaquin. Alam mo kung gaano at paano ang naging pagtrato sa atin ng kanilang buong pamilya.”
“Alam ko ‘yon, Ginoong Huseng, hindi ko makalilimutan ang kanilang kabutihan,” ani Lita.
“Teka, sino ang alkade-mayor? Bakit naman naman magiging banta sa kanya si Don Arturo?” naguguluhan kong tanong.
“Malaki ang galit ng mga Geronimo sa mga Perez dahil sa kayamanan na meron ang pamilya ni Señorito Joaquin.” Bulong na sagot ni Ginoong Huseng.
“Dahil lang sa kayamanan?” Hindi ko makapaniwalang bulalas.
“Hindi lang iyon, dahil sa karisma ni Don Arturo ay malaki ang posibilidad na maging sunod na alkade-mayor ito dahilan para maging banta at mawala ang pinakamamahal na posisyon ni Don Emilio sa kanya.”

Comentário do Livro (33)

  • avatar
    Errol Jade Amante

    it's was a great

    02/08

      0
  • avatar
    Anthony Arnaldo

    TNC

    25/07

      0
  • avatar
    Carin Sarino

    nice

    06/06

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes