logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

KABANATA 3

PAULIT-ULIT na pagbuga ng hangin ang ginawa ko bago sumulyap sa katabi kong mahimbing ang pagtulog. Komportableng nakadantay ang ulo nito sa aking balikat. Inaantok din ako subait hindi ko magawang maidlip sa kadahilanang kinakabahan ako masyado.
Pinadaan ko ang daliri sa hanggang balikat kong buhok gamit ang kaliwang kamay. Pagkalapag ng eroplanong sinakyan namin dito sa Cebu City, sinundo kami ng kanilang family driver. Kanina pa pabalik-balik ang mata ko sa pagsulyap sa suot kong relos para bantayan ang oras. Alas dos y media na pero nakipagsisiksikan pa kami sa trapiko.
Hindi ako mapakali. Tila maiiihi ako nang wala sa oras. Naiinggit tuloy ako sa katabi kong hindi namomroblema. Mabuti na lamang at hindi nang-intriga sila mamita at Maureene sa pupuntahan ko. Nagpaalam akong may business trip kami sa Cebu City upang sa ganoon ay hindi sila maghinala. Inayos ko rin ang schedule naming dalawa at pansamantalang namili ng OIC habang wala kami. Umikot ang mga matang kinagat ang hinlalaking daliri ko sa kaliwang kamay. Nag-iisip kung ano ang maaaring pambungad at kung ano kaya ang magiging reaksyon nila sa akin.
Nang makaramdam ako ng pagkangalay ay gumalaw ako nang bahagya upang umayos ng upo, ngunit hindi ko sinasadyang magising siya. Ngitngit ang ngiping napakamot ako sa aking leeg samantalang pupungas-pungas itong ngumiti sa akin.
“Are we here?” palinga-linga niyang tanong. Lumingon ako sa labas ng bintana para silipin kung nasa kaharian na nga ba kami ng pamilya Eustaquio nang mas tumitindi ang kabog ng puso ko. He held my hand. Namumutla naman ako sa kabang ngumiti sa kaniya saka tumingala sandali para i-adjust ang lamig ng nakatutok na air conditioner.
“Bes,” nakanguso niyang tawag nang lingunin ko. Pinandilatan ko siya ng mata sabay nguso sa harap bilang pagsaway na hindi dapat ito lalambot-lambot. Nang-aasar itong tumawa at halos tumirik ang mga mata ko. Tutol talaga ako sa ideyang ito pero may magagawa pa ba ako ngayong lulan na ako ng sasakyan at kung nandito na ako?
“Naiinis ka pa rin ba sa akin?” Tinutusok-tusok niya ang balat ko sa palad gamit ang may katulisan niyang kuko.
Ismid lamang ang sagot sa kaniya. Siguro napapansin ni manong ang pagiging kabado ko kaya sinasadya niya yatang bagalan ang pag-usad ng sasakyan.
“Maurel, hindi ba sign na ito para umamin ka?” pabulong kong tanong. Huminga ito nang malalim na may halong pagkadismaya.
“Hindi mo kilala ang pamilya ko, Althea.”
Hindi ako nakapagsalita. Gaano ko nga ba kakilala ang pamilya niya kahit ngayon ko pa lamang sila makikita? Politician at retired military ang daddy niya, at kilala ang pamilya nila sa kanilang probinsya. Retired principal naman ang mommy niya. Lima silang magkakapati at puro sila lalaki. Tatlo sa kaniyang kuya ay pamilyado na.
Ang panganay niyang kapatid ay isang abogado, married, at may tatlong anak. Ang pangalawang kapatid niya ay isang doktor at may kambal itong anak. Samantala, ang pangatlong kapatid niya ay isang engineer at may apat na anak. Ang pang-apat niyang kapatid ay ang black sheep ng pamilya, at dalawang taon lang ang agwat ng edad nila Maurel. Hindi man siya nagkukuwento kung gaano ka-strikto ang parents’ niya at kahit sa mga pictue frame lamang na naka-display ko sila nakita ay masasabi kong medyo strikto ang aura nila. Dahil siguro sa propesyunal silang lahat at galing sa mayamang pamilya. And I can’t blame him. I understand the pressure of being with that kind of family. These are the only information I know, based on Maurel's little life stories he told to me.
“Ma’am, Sir, nandito na tayo.”
Sunod-sunod ang pagbuga ko ng hangin dahil hindi ko kayang kumalma. Tiningnan ko ang relos, alas tre y media na pala. Bumba ang katabi ko sa kotse upang umikot para pagbuksan ako ng pinto. Paghalik ng sandalyas ko sa lupa ay maalinsangang panahon ang yumakap agad sa akin bilang pagbati. I look up at the sky for a second and I saw a rose-like formation of clouds that it made me calm. Roses has hidden-meanings; like every people had that hidden agenda.
Ibinalik ko ang diretsong tingin sa kinakatayuan ko. Life is like the beauty of rose. Roses symbolizes everything for me. And the rose-like clouds at the sky giving me symbol to just relax and trust the flow. I am aware that this pretending of us has consequences, but I am ready for it.
Isang tinging hindi ako natutuwa ang ibinigay sa kaniya. Ipinagsalikop niya ang palad na humarang sa dinaraanan ko. Luminga-linga siya at nang walang tao ay tumingin ito sa akin.
“Just give me four days, and promise I’ll make a convincing story kung paano tayo nag-break. Please, hanggang sa handa na akong umamin.”
Alam kong kinukunsinti ko siya sa kamalian niyang ito. Natatakot kasi akong baka hindi siya tanggapin ng pamilya niya sa oras na malaman nila ang katotohanan.
“Oo na, kung hindi lang kita gusto noon at hindi best friend, e,” naalibadbaran kong sabi habang iwinasiwas ang kamay para tumigil ito.
Nahuli kong nandilat ang mga mata niya at ang agarang paglingon nito sabay yugyog sa aking balikat. “What did you say, bes?” natatawang pagpapaulit niya sa kalagitnaan ng pagkagulat.
Bumuntong-hininga ako. “Gusto kita noon, bakit may mali ba roon?”
Iiling-iling itong nagsalita sa hindi pagkapaniwala nito, “I just can’t believe that even you, nagkagusto sa akin? Iba talaga charisma ko.” He cupped his face from amusement.
“Noon lang ’yon, pero ngayon, hindi na,” klaro ko. Aaminin kong gusto ko pa siya pero mas nangingibabaw ang pagmamahal ko sa kaniya bilang matalik na magkaibigan.
“Are you sure?” nakangisi niyang paniniguro.
“Aba! Ayaw maniwala?”
“Convinced.” At nag-thumbs up ito bago tumalikod, tinungo ang daan nang mag-isa.
“Hoy!” angil kong tawag nang papasok na kami sa malaking gate ng kanilang bahay. Tumigil ito at pinilig ang ulo paharap sa akin.
“Oh?” Tinaasan ko ng kilay. Kailangan naming umaktong may kami talaga, pero hindi niya yata gustong umakto dahil mas gusto niyang mabisto agad.
“Bakit nga?” kunot-noong tanong niya.
Inilahad ko ang aking kamay at blangko niyang tiningnan iyon.
“Hawakan mo ang kamay ko,” diretsang sabi ko sabay nguso sa nakalahad kong kamay. Naghihintay na lapitan ako’t hawakan ang kamay ko nang walang malisya.
“Kailangan pa bang gawin natin ‘yan?” pakamot-kamot sa batok niyang tanong at nag-aalinlangang lumapit sa akin.
“Oo, kung ayaw mong mabisto kailangan nating maging sweet.”
“Sweet naman na ako,” he said, ignoring my hand. Ibinaba ko dahil medyo napahiya ako sa pagbabalewala niya sa alok kong hawakan niya ang aking kamay.
“Jowa level kind of sweet. Hindi pa-sweet, baliw!”
Umirap lang siya dahilan para mapahagikgik ako. Inilahad ko sa pangalawang pagkakataon ang kamay ko at kahit labag sa kalooban niyang gawin ay nagawa pa rin nitong hawakan nang mahigpit.
“Huwag mo namang pigain kamay ko!” ngiwing reklamo ko.
Akmang hahampasin ang kamay niya sa higpit ng hawak nito nang bumungad sa akin ang mestisang babaeng nakatayo sa hamba ng pinto, tila nag-aabang. Ambang magtatanong pa lang ako kay Maurel nang mapagsino ko ang babae at nakilala kaagad bilang mommy niya.
“Maurel!” punong-puno nang saya ang pagsigaw ng metisang babae.
Binitiwan agad nito ang kamay ko nang dambahin siya nang mahigpit na yakap ng mommy niya.
“Mommy, I miss you!” malambing na ganti nito.
Nakangiti kong pinagmasdan ang mag-ina sa harap ko. Mahaba ang buhok niyang may uban na, at ang alagang-alaga niyang kutis ay walang wrinkles. At ang kurba ng kaniyang katawan ay nakakainggit, sexy kahit may edad na. Maurel is literally mama’s boy. Maya-maya ay ibinaling sa akin ng mestisang babae ang mga mata niya. Narinig ko ang paghagikgik nito kasabay ng pagharap sa akin ni Maurel.
“I’m sorry for being impolite. Na-excite lang kasi akong makita ang Maurel ko.” Tumango lang ako sa paghingi ng paumanhin ng mommy niya.
Maurel cleared his throat, he gestured his hand.
“Mommy, si Althea Katriel nga po pala. My fiancee,” walang kagatol-gatol niyang pagpapakilala sa akin nang pormal at boses niya ay lalaking-lalaki.
Nagtama ang mga mata namin at umukit ako ng ngiting nahihiya.
“Nice to meet you po.” Sabay abot ko ng kamay pero hinila niya ako’t niyakap nang mahigpit. Sa kalagitnaan ng yakap namin ay nakaramdam ako bigla ng pangungulila sa aking namayapang ina. Sana buhay pa si mama.
“Finally!” she said with full of excitement. “Welcome to the family, hija!” she added. Nabuo ang guilt sa pagkatao ko dahil napaka-sincere ang bungad, and she has the easy-going vibes.
“Siya na ba ‘yan?”
Nagsitayuan ang balahibo ko nang bigla kong narinig ang tanong ng isang malalim na boses. Napabitaw ang mommy niya sa pagkakayakap sa akin samantalang napalunok ako nang makita ang daddy niya. Strikto ang aura. Siguro kaya ayaw umamin ni Maurel dahil baka mabugbog siya nito. Hindi bale sa mommy niya dahil mukhang matatanggap niya ang anak sa kung sino siya.
Niyakap niya ang anak at halos mabilaukan na ang kaibigan ko sa malakas at maraming beses na pagtapik sa balikat. 
“I’m so proud of you, anak.”
Pinakatitigan ko ang daddy niya sandali. Kahit may edad na ay napapanatili nito ang makisig niyang katawan. May nunal ito sa noo, matangos ang ilong niya habang maitim at napaka-strikto ang mga mata—matalim kung makatitig pero para sa kaniya normal lang iyon.
I swallowed two times as the tension made me hard to smile perfectly. My lip with lip matte lipstick curve a faint smile.
“Uhm… hello po,” alanganing bati ko nang ako naman ang harapin niya. Makikipag-kamay sana ako ngunit nagulat ako nang yakapin ako nito bigla.
“Nice to finally meet my son’s fiancée,” bulong niyang humupa ang naramdaman kong takot dahil sa napakabait na tono ng kaniyang boses at may halong lambing.
Halos mapatalon ako nang makita ang tatlong bulto ng malalaking lalaki sa likuran ng daddy nila pagkakalas namin sa yakap. Mister Eustaquio gestured his hand to those three men, and they all smiled at me.
“These are my sons,” he informally introduces me to them. Lumapit si Maurel saka ito umakbay sa akin at siya ang pormal na nagpakilala sa mga kapatid niya.
“He’s my eldest brother, Roger, the lawyer,” pagpapakilala ni Maurel sa lalaking nakasuot ng dilaw na polo at tila siya ang mas matangkad sa kanilang tatlo na nakatayo roon. Perfect jawline and body built. He has the same eyes of Maurel too. Iniabot niya ang kamay nito sa akin, at malugod naman akong nakipag-kamay.
“Frank, the doctor,” Maurel introduced me his second brother who waved at me with a smile. May maliit itong biloy sa gilid ng labi at kahawig ng kuya niyang ito ang daddy nila, the difference is his hair because he has a curly hair, also the square jawline.
“Greg, the engineer.”
Iniabot ng huling lalaki ang kamay niya’t magiliw kong tinanggap upang makipag-kamay at matitigan rin sandali. Singkit siya at nakuha niya ang mata ng mommy nila. Magulo ang buhok, at may katulad siyang ngiti kay Maurel, an angelic smile.
Lahat sila pang-modelo ang kaguwpauhan. Literal. Nasa dugo rin nila ang pagiging mestizo kaya nakakahiyang idikit ang kayumanggi kong balat sa kanila. Anak mayaman nga talaga sila pero makikitaan mo ng kapakumbabaan at kasimplehan.
Habang nagtatagal ako rito ay palala nang palala ang guilt na nararamdaman ko. Lahat sila ay mababait at napakainit ng bungad sa akin, maging ang mga asawa ng mga kuya niya ay nakilala ko na rin at masaya silang nakikipagkuwentuhan sa akin. Makikita rin kung gaano sila kasaya na makilala ako’t maging kumpleto sila ngayong anniversary ng parents nila. Pero may kulang para mas maging masaya sila lalo at para makumpleto ang limang prinsipe ng pamilya nila. Iginala ko ang paningin para hanapin ang isa.
“No show,” bulong ni Maurel nang mapansin niyang may hinahanap ako. Palagi bang no show ang isang iyon?

Comentário do Livro (14)

  • avatar
    Rejane Saavedra

    ma ganda

    28/10

      0
  • avatar
    Renz Garcia

    I love it

    09/10

      1
  • avatar
    Kim Villavicencio

    ❤️❤️❤️

    12/08/2023

      1
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes