logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

KABANATA 2

PINASADAHAN ko nang ilang segundo ang itinuturing kong palasyo. A bungalow type of house and this is the old family house of mamita’s parents’. There are three rooms and the life we have is beyond average. Hindi sobrang mayaman, at hindi sobrang mahirap dahil nakakakain pa naman kami ng tatlong beses sa isang linggo dahil sa may kaniya-kaniya kaming hanap-buhay at tulong-tulong sa mga gastusin.
“Ang ganda talaga ng pamangkinak ko,” tuwang-tuwang puri ni mamita nang makapasok ako sa bahay. Dapat ay nakaalis na ako ngunit may may naiwan akong folder sa kuwarto kaya napabalik nang wala sa oras.
Pagkapasok ko sa aking kuwarto at nang makuha ang folder ay dali-dali akong kumaripas ng takbo pababa sa hagdan, at nagtungo sa kusina. Naabutan ko roon si mamita na inilapag ang pinamili niyang mga gulay, karne, at ang mga anik-anik niya.
“Oh, gandang-ganda ka na naman sa akin?” tumatawang tanong ni mamita dahilan para mapabalik ako sa aking ulirat. Lumilipad ang aking isip.
Ngiwi lamang ang isinagot ko. Maganda si mamita kahit naging matandang binata na ito—or should I say, matandang dalaga. He is the eldest brother of my mother, and I owe him a lot dahil kung wala siya, hindi ko alam kung saan ako pupulutin at malamang ay hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral at wala akong magandang buhay ngayon. Simula kasi nang mamatay si mama, sa isang breast cancer noong anim na taong gulang pa lamang ako, at nang maaksidente si papa sa minamaneho niyang truck sa Tagaytay, ay siya na ang nag-alaga sa akin—sa aming dalawa ni Maureene, ang pinsan kong ulila na rin. Namatay naman sa sunog ang magulang ni Maureene.
“Oh, anong nginingiwi-ngiwi mo diyan? Nako! Aminin mo na dahil sa akin ka naman nagmana ng kagandahan.” Pumikit akong ngumiwi ulit bilang sagot.
Tumawa ito sa aking naging reaksyon at bago pa siya humirit ay iwinagayway ko ang palad. “Mamita, late na ako, mamaya ka na lang magyabang sa kagandahan mo kapag nandito na si Maureene,” wika ko habang nagsusuot ng sandalyas na bagong bili sa akin ni mamita kahapon.
Nahuli kong iginala ni mamita ang mga mata niya, tila may hinahanap.
“Speaking of my another pamangkinak, bakit hindi kayo sabay ngayon?” Nagkibit-balikat ako at sumimangot.
“Ayaw na raw niya akong kasabayan dahil mabagal daw ako kumilos.” Naupo ako sandali sa sofa para maisuot nang maayos ang sandalyas. Hindi na yata magkasya sa akin, at maling shoe size yata ang binili ni mamita kaya hindi magkasya.
“Ayan kasi, ang bagal gumalaw parang pagong. Nagpapaganda ka ba para sa boss mo?” mapagbirong tanong niyang mabilis kong inilingan saka sinimangutan.
“Mamita, boss ko lang iyon saka…” I trailed off from biting my lower lip. Naningkit ang mga mata niyang nakakunot-noo, nag-aabang sa idudugtong kong sasabihin.
“Magkaibigan lang po kami.”
I tried to make my smile more convincing. Alam na alam ni mamita ang baho ko. Mula ingrown hanggang sa anit ko’y alam niya, kaya madali niya akong mahuli kong nagsisinungaling ako o hindi, kaya kailangan kong mag-doble ingat. Alam ko namang hindi niya huhusgaan si Maurel pero sekreto namin iyon.
“Taray! Boss na nga, kaibigan pa. Kabugin mo na ng iyong ganda nang maging iyo!” matalinghagang hirit ni mamita.
I shook my head from disbelief and irritation. Kung ano-anong kaharutan na naman ang pumapasok sa isip.
“Aalis na po ako. See you later!” nakangiti kong paalam nang makalabas na ang kalahating katawan ko sa gate.
“Mag-ingat ang boss mo sa ‘yo!” Dinig kong pahabol pa ni mamita na ikinatawa ko.
Tanging ang tunog ng keyboard lamang ang maririnig sa bawat cubicle, at kaunting hagikgikan ang naririnig. Nakangiting nakatutok ang mga mata sa screen ng laptop habang nagtitipa ng mga salita para sa mahalagang dokumento.
“Althea, in my office please.”
Rinig kong pagtawag ni Sir Maurel mula sa intercom. Kahit hindi ako lumingon, alam kong nag-angat ng mga tingin ang kababaihan. Mabilis akong tumayo at pinagpag ang black skirt. Ilang bulungan na naman ang narinig ko, at hindi ako bingi para hindi maulinigan ang mga iyon.
Kung alam lang nila kaya niya ako pinatatawag dahil may gusto siyang ipakitang guwapong lalaki sa magazine, na may nakapaglalaway na pandesal ay paniguradong hindi ako pagbubulung-bulungan ng mga ito Ibibida lang naman niya ang mga iyon sa akin dahil gusto niyang magkaroon ng nobyong ganoon, pero nakakalungkot dahil hindi siya puwedeng ipakita ang pagiging malambot niya.
Pagkatapos kong kumatok ay kaagad kong binuksan ang pinto. Nakangiti kong isinungaw ang ulo sa maliit na siwang ng pinto. Nahagip siya ng mga mata kong nakaupo sa ibabaw ng mesa nang nakasimangot at nang magtama ang mata namin ay tumuloy ako sa loob.
Kunot-noo akong lumapit sa kaniya, naninibago sa kaniyang bungad. Akala ko ay magiging hyper ito dahil may hawak-hawak siyang magazine, at nakabuklat mismo sa pahinang lumilitaw ang makisig na braso ng model at ang kaniyang nakakatakam na abs. Tumikhim akong umupo sa upuang nasa tapat ng mesa niya. Ipinatong ko ang palad sa kandungan niya at niyugyog nang mahina sapagkat napakatahimik niya.
Hindi ko man tanungin ay alam kong may bumabagabag sa isipan niya. “Bakit parang binagsakan ng langit at lupa iyang beauty mo?” I asked to enlighten the mood.
Pinakatitigan ko siya nang husto. Ang mga mata niya ay nangingitim at halatang hindi nakatulog nang maayos dahil sa kaiisip nito sa problema niya.
“Hoy, ngumiti ka naman diyan, bes. Papangit ka.”
He frowned. “Bes, paano na?” buntong-hiningang tanong niya at napakamot ito nang marahas sa buhok.
“Paano na, ano?” nagtataka kong tanong. Minsan malabo rin itong kausap. Nagsalubong ang kilay ko at humalukipkip. He squeezed his hand, a sign that he’s not okay.
“Gusto nila mommy at daddy na makita na ang fiancée ko, at hindi ko alam kung sino ang ihaharap ko sa kanila,” he confessed.
“E ‘di i-search mo sa google iyang pangalan ng nakita mong bet mo, at siya ang ipakilala mo.” Sabay tawa ko nang mahina. Madali lang namang maghanap ng ipapakilala niyang fiancée.
Ibinalik ko ang tingin sa kaniya dahil hindi man lang siya natuwa, bagkus mas lalo siyang sumimangot. Ginulo-gulo pa niya lalo ang may gel wax niyang buhok. Dahilan ara mapasinghap ako nang wala sa oras dahil naging lalaking-lalaki ito sa aking paningin.
Sa kabila ng aking pagpapantasya sa kaniya, problemadong-problemado siyang humarap. “Girl, fiancée ipapakilala ko. Mabubugbog ako kapag kaparehang lalaki ang ipapakilala ko,” garalgal ang boses niyang paliwanag.
“Alam ko, bes. Pero paano kung iyong nagka-crush sa ‘yo rito sa opisina ang ipakilala mo?”
Umarko lang ang kilay niya sa narinig. May patay na patay sa kaniyang employee rito at sa pagkakaalam ko siya ang nangunguna sa pagkakalat ng tsismis na may relasyon daw kami ni Maurel at sa tingin ko, ito na ang magandang pagkakataon nang tumigil siya at para malaman ang katotohanang single ang boss namin pero… mabubunyag naman ang sekreto niya sakali o baka maging lalaki pa nang tuluyan si Maurel kung may ipapakilala siyang fake fiancée.
“Bes, hindi ka nakakatulong,” maktol niya. I gritted my teeth and made a peace sign, my way as an apology.
“Bakit hindi mo i-explain sa kanila na busy ka at wala kang oras sa mga ganiyang bagay?”
“I’m already 29 and they are all expecting that I am now engaged. Dapat bago ako magtrenta ay may naipakilala na ako sa kanila.”
“They shouldn’t force you dahil may perfect time para diyan,” giit ko.
“I know.” He sighed, heavily. “But what can I do? Inaasahan na nilang may maipapakilala na ako sa kanila ngayong anniversary nila.” Sabay na umikot ang mga mata naming dalawa.
“Alangan namang maghahanap ako ng babae para sa ‘yo?” I joked in a midway of thinking for an alternative solution to his problem. “At saka hindi ko trabaho iyon, ‘no!” mariin kong dugtong.
Napako ang tingin ko’t tinaasan siya ng kilay nang unti-unting sumilay ang kakaibang ngiting nagpakilabot bigla sa akin. Umahon siya mula sa pagkakaupo saka hinawakan bigla ang aking kamay.
“Bes, tulungan mo ako. They are really urgent to meet my fiancée,” he begged while holding my hands tightly.
“Anong maitutulong ko ang maghanap ng babaeng babagay sa ‘yo? Lampas iyan sa trabaho ko,” mariing tanggi kong sinabayan nang dalawang pag-iling.
“No, hindi ako nagpapatulong sa ‘yo.” Kunot-noong tumaas ang aking kilay.
“What if…” Kinakabahan ako sa maaari niyang idugtong lalo na at mapaglarong nakangisi ito. Mabilis kong binawi ang kamay kong hawak niya nang natumbok ko ang kaniyang iniisip.
“Huwag! Hindi magandang ideya iyan, bes.” Iling-iling kong tanggi habang iwinagayway ang palad.
“Bes, ikaw na lang, please.”
“Ayoko. Huwag mo akong isabit sa pakulong mong ito,” hindi natutuwang saway ko. Hinawakan niya ulit ang kamay ko. He squeezed my hands along with his pouty lips.
“I want you to pretend as my fiancée. Ikaw lang ang pinagkakatiwalaan ko at saka may spark naman tayong dalawa, ‘di ba?” Ngumiwi akong binawi ang kamay sabay pitik sa kaniyang noo. Nahihibang na!
“Spark? Hindi tayo kuryente!”
“Please you are the only one who knew about my gender,” he pleaded and behind his dark brown eyes transforms into a sparkling puppy eyes.
“No, no, no!” Hinawi ko ang aking kamay at tumayo. Umatras ako nang dalawang hakbang ngunit mabilis niyang nahablot ang kamay ko. nandilat ang mga mata ko nang lumuhod ito.
“Hindi na ba kita mapapapayag?” malungkot niyang tanong. I can’t see him like this Tinitigan ko siya at kusang bumalik sa aking alaala ang araw na iyon.
- Flashback -
Pasakay na ako ng dyip nang kinapa ko ang bulsa at napagtantong wala ang aking cellphone. Ilang sasakyan na ang pinalampas ko kaya hindi ko rin puwedeng hayaan doon ang cellphone. Dali-dali akong bumalik agad sa opisina para kunin iyon. Kagat-kagat ko ang aking hinlalaki habang naghihintay bumukas ang elevator. Nababahalang baka wala na roon ang cellphone ko. Pagbukas na pagbukas ng elevator ay agad akong nagtungo kung saang cubicle ako kanina. Nakahinga ako nang maluwag nang makitang nandoon pa, kaya wala sa sariling niyakap ko ito nang mahigpit sabay buga ng hangin. Pumihit na ako patalikod, aalis na sana ako nang mapansin kong may siwang ang pinto ng opisina ni Boss Maurel. Out of curiosity, lumapit ako roon para sumilip nang bahagya at matitigan siya sandali bago umalis. Hindi pa ako nakakalapit nang mapatalon ako sa gulat sa isang malakas na tili. Nandilat ang mga mata ko’t lumingon sa likuran. Wala namang tao at imposible namang may titili ng ganoon katinis. “Sino iyon?” pabulong kong tanong sa sarili. Pinagpagan ang sariling balikat sabay irap sa kawalan. Hallucination ko lang siguro.
Kumurap ako nang dalawang beses at tuluyan na akong tumalikod ngunit isang mahaba at matinis pang tili ang umalingawngaw sa buong opisina dahilan para kumaripas ako nang takbo sa loob ng opisina ni Sir Maurel kung saan doon nanggaling.
Naestatwa ako nang makapasok ako sa loob at maabutan ko siyang nakatuntong sa kaniyang swivel chair at tila ninakawan ang opisina niya sa sobrang kalat at gulo. Dilat na dilat ang mga mata kong nakatingin sa kaniya. Takot na takot ang mga mata niya. Nanginginig siyang nakabaluktot sa kinakatayuan habang nakaturo sa ipis.
“Please, kill that thing,” nanginginig niyang pakiusap. Kumurap ako nang tatlong beses hanggang sa mag-sink in sa akin ang nangyayari. Nilapitan ko ang ipis at inapakan ito nang walang awa. Tumititig ako sa malamya niyang mga matang nakikipagtagisan sa akin.
My mouth is half-opened as I move my feet backward. I’m shocked. Gusto kong magpakawala nang malakas na tawa sa nalaman ko dahil ang guwapo at maskuladong lalaking kinahuhumalingan ng lahat… maging ang kinahuhumalingan ko ay isa palang binabae.
Nahuli ng mga mata ko ang mabilis niyang pagbaba sa kaniyang kinatutuntungang swivel chair at nanginginig niyang hinigit ang palapulsuhan ko. I stared at his lips, shaking, and he is sweating.
“Please don’t tell anyone,” nagmamakaawa niyang pakiusap. Tumango ako kahit hindi pa nakakabalik sa buong wisyo.
-end of flashback-
It’s been five years since that day happened. Pakiramdam ko ay napakasuwerte kong tao dahil ako pa ang kauna-unahang nakaalam sa pinaka-iingatan niyang sekreto. Also, five years and counting as his executive assistant, and that secret of him is still safe. Hindi ko ipagkakalat. Promise is a promise for me. Pinitik niya ang ilong ko dahilan para magpabalik ako sa aking ulirat.
Masamang tingin ang ibinaling ko rito sapagkat nasaktan ako, lalo na at mahahaba pa ang kuko niya.
“Althea, bes! Nakikinig ka ba? You’re spacing out.” Niyugyog niya ang balikat ko. Iritadong hinawi ko ang kamay niya.
“Please, agree with this plan of mine, please!” pakiusap niyang muli, ipinagsalikop nito ang magkabilang palad at bumalik sa pagkakaluhod.
Pumikit ako at mariing sinabi ang, “No.”
“Please, Althea…” namamaos niyang pakiusap.
“Magpapanggap lang tayo for two months at hahanap agad tayo ng dahilan para sabihing hindi matutuloy ang kasal, na hindi mo ako mahal—gagawa tayo ng kuwento para mapaniwala silang hindi tayo para sa isa’t isa.” Napamulagat ako sa sinabi niya.
“So, gagawin mo akong kontrabida sa harap ng family mo?” nakapamaywang kong tanong. He playfully smirked and he flip his imaginary hair.
Tumalim ang titig ko sa kaniya. See, iba ang balak sa akin at wala akong planong maging kontrabida sa paningin ng pamilya niya.
“Yes?” Tinampal ko ang braso niya pero natawa lamang ito nang malakas.
“Hindi naman masisira ang image mo basta magtiwala ka lang sa akin. Ako na bahala gagawa ng pasabog na magugulat sila kapag malalaman nila ang rason ko. Ikaw lang kasi ang alam kong makakatulong sa akin, at sa ‘yo ako komportable. Promise, hindi kita gagawing masama sa paningin nila,” wika niya sa pagitan ng nakataas niyang palad.
Pinasadahan ko lang ng tingin ang kamay nito saka pinihit ang ulo upang tumingin sa ibang direksyon. Nanatili pa rin itong nakaluhod habang niyuyugyog ang kamay ko, na nagbibigay naman ito sa akin ng pagka-ilang. Buntong-hiningang hinawakan ko ang braso nito upang tumigil. “You know, it’s hard to lie.” Tumitig ako sa mga mata niya, nagdadalawang-isip sa bumagabag na pagpipilian.
“I know, but could you do this for me?”
Hinawakan ko ang braso niya’t inihaon ito patayo. Pinagpagan ang slacks niyang narumihan sabay halukipkip sa kaniyang napaismid.
“Bes…” malambing niyang tawag. Nagulat pa ako nang bigla niya akong yakapin at idantay ang ulo nito sa aking balikat. At naamoy ko ang halimuyak ng kaniyang paboritong paban, Prada Luna Rossa Carbon, a lavender fragnance. Kung hindi lang ito bakla at hindi kung ko lang siya kaibigan baka nahalikan ko na sa lapit ng kaniyang mukha.
He blinked thrice doing a pitiful expression. Para siyang iniwanang tuta sa pagmamakaawa nito dahil ang mga mata niya ay nakakaawa at napaka-inosente.
“Please?” He pouted, tempting me to taste his lips.
Pumikit ako sabay pakawala nang malalim na buntong-hininga kasabay ang labag sa kalooban kong pagtango. Napatili siya sa sobrang tuwa sa at mas humigpit ang yakap niyang ikinangiti ko nang malawak. Tanga na kung tanga, pero hindi ko talaga kayang tumanggi pagdating sa kaniya dahil kaibigan ko siya at handa akong tulungan ito.

Comentário do Livro (14)

  • avatar
    Rejane Saavedra

    ma ganda

    28/10

      0
  • avatar
    Renz Garcia

    I love it

    09/10

      1
  • avatar
    Kim Villavicencio

    ❤️❤️❤️

    12/08/2023

      1
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes