logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Capítulo 6 Bake

Kabanata 5
Bake
--
Hindi ko nakakalimutan na ako ang dahilan ng pagkamatay ni Sebastian. Pero masakit pala sa tuwing pinapa alala sayo iyon. Ang sakit sakit noong mga sinabi ni Leandros. Mas lalo ko lang sinisisi ang sarili ko. Mas lalo lang akong nagagalit sa sarili ko.
Naisip ko... would it be better if I just disappeared too? Maybe that way, mawawala na ang galit nila dahil patay na rin ako. Patas na. Wala na silang problema. Hindi na sila magtatanim ng galit sa mga puso nila kasi... wala na ako.
Pero naisip ko rin... hindi magugustuhan ni Sebastian kapag ginawa ko iyon. I knew he wouldn't like that. I knew he would get mad at me. Kaya hindi. Hindi dapat ako mawala. Siguro parusa ito na kailangan ko lang tanggapin dahil napaka laki ng kasalanan ko.
Seb... I'm sorry. Sorry kung hindi kita nailigtas. Sorry kung hinayaan kitang mabangga ng truck. Sorry sa lahat lahat. Tama lang na ako ang sisihin. Tama lang na magalit silang lahat sa akin. Kaya tatanggapin ko. I will accept their anger, their hurtful words, I will accept everything. I love you so much, Seb. I hope you will always remember that.
"Hi, Michelle!"
I smiled and waved at Luna's friends. "Hello!"
"What are you doing here? Lalabas kayo ni Luna?" Nakangiting tanong ni Gabrielle, apat sila.
"Ah, oo. Gusto niyo bang sumama?"
"Sure! Free naman kaming lahat. Diba?" Tumingin siya sa mga kasama niya at nagtanguan naman ang mga ito.
"That's great! Uh... nasaan na ba si Luna?" Tanong ko.
"Nasa loob pa, inutusan yata ng teacher. Saan ba tayo pupunta?"
"Sa mall lang sana tapos sabay na rin kaming magdidinner ni Luna. Mabuti nalang at sasama kayo, mas marami tayo."
"Wow! Ang bait mo naman, Michelle!" Si Kleah.
"Talaga bang isasama mo kami?"
"Pwede kaming sumama?"
"Oo naman..." sabi ko dahil kahit papaano mababait naman sila sa akin at tinuturing ko silang kaibigan ko.
"Ano ba kayo, mabait naman talaga si Michelle," ngumiti sa akin si Gabrielle.
Ngumiti rin ako. "Salamat..."
Hindi tulad nung mga nakaraang araw, nasa loob na ako ng school nila ngayon. Ilang beses na akong nakapunta rito palagi kong pinupuntahan si Luna at niyayaya siyang lumabas kaya medyo pamilyar na rin sa akin ang mga lugar dito. Kaya rin hindi na nagugulat ang ibang students kapag nakikita nila ako.
"Nasaan pala si Elizabeth? Why isn't she coming here anymore?" Si Gabrielle.
"I don't know. Busy na siya sa pag aaral ngayon kaya siguro hindi na nakakapunta," sabi ko.
"Sayang. Yayayain ko sana siya sa isang modeling company. She said she wants to be a model."
I smiled. She wants to be a model? I don't really know much about Elizabeth. She's my cousin but... I don't know.
"Mina!" Narinig ko si Luna.
I turned to her and saw her running towards us. Natawa ako nang hinihingal siyang nakarating sa amin.
"Hi! Nasabi na sainyo ni Mina ang gagawin namin ngayon? Gusto niyong sumama?" Nakangiti niyang tanong kina Gabrielle.
"Yup! Pumayag na kami. Let's go?"
Ngumiti kami at tumango. Naglakad na kami paalis. Medyo ayaw ko pang umalis dahil may gusto akong makita pero mukhang excited na silang lahat. Kung si Luna lang ang kasama ko ngayon baka pinigilan ko muna siya para maghintay.
Luminga linga ako sa paligid pero hindi ko makita si Leandros. Siguro nasa classroom pa o siguro nakauwi na? Hindi ko alam. Hindi kasi pareho ang uwi niya noong nakaraan kaya hindi ko sigurado kung anong oras siya lumalabas.
Alam ko sinabi na niyang ayaw niya na akong makita pero hindi ko alam kung bakit gustong gusto ko siyang makita. Nakikita ko sa kanya si Sebastian at nagiging masaya ako kapag nakikita ko siya. Pakiramdam ko nandito ulit si Seb. Pakiramdam ko hindi siya kailanman nawala.
Bahagya akong napatili nang may bumangga sa akin. Sa sobrang paglilibot ko ng tingin ay hindi ko na nakita ang harapan ko. Nalaglag ang mga librong dala ko at natigil sina Luna sa pagtatawanan. Napatingin sila sa akin.
Yumuko ang pamilyar na lalaki at pinulot ang mga dala ko. A memory entered my mind and my heartbeat immediately quickened. Everything seemed to be slow for me. Tumayo ng maayos si Leandros at inabot sa akin ang mga libro ko. Nag angat ako ng tingin sa kanya, hindi makapaniwala na nangyari ulit ang nangyari noon, at sa parehong mukha pa ng lalaking nakabangga ko rin noon.
"I'm sorry," malamig niyang sinabi.
Napakurap kurap ako at parang doon palang nagising sa katotohanan. Muli kong narinig ang tawanan ng mga estudyante at ang simoy ng hangin. Nagbaba ako ng tingin sa librong inaabot niya at nakitang mga libro ko iyon na nalaglag kanina. Mabilis kong tinanggap ang mga iyon.
"T-Thank you--" hindi pa ako natatapos ay tumalikod na siya at naglakad pabalik sa school.
I followed him with my gaze. The wind blew my hair as I watched him leave. My heart still can't stop beating fast. Naalala kong ganito rin ang nangyari noong una kaming nagkita ni Seb. Nagkabanggaan kami. I feel like he's here again.
"Mina, are you okay?" Lumapit sa akin si Luna.
I looked at my book. I bit my lower lip and nodded softly to Luna. I smiled at her.
"Ayos lang..."
"Halika na!" Nakangiting yaya ni Gabrielle.
Tinitigan ako ni Luna. Muli akong ngumiti sa kanya at hinila na siya pasunod sa mga kaibigan namin. I know what she's thinking. Sa tagal na naming magkaibigan, I know immediately when she has something on her mind.
"I'm fine, Luna. Mabuti nalang hindi nasira itong mga libro ko..." I said.
"Naaalala mo sa kanya si Sebastian?" Tanong niya na nakapag patigil sa akin.
Hindi ko alam ang isasagot. Medyo guilty ako dahil alam ko sa sarili ko na tama siya. Naaalala ko kay Leandros si Seb. Hindi ko mapigilan dahil... magkamukhang magkamukha talaga sila. At ngayon... nangyari pa ito. It's like a dejavu. Pareho pa sila ng mukha.
"They're different, Mina..." Luna gently reminded me.
I forced a smile and nodded. "I know that..."
She sighed and didn't speak anymore. Niyaya niya akong sumabay sa mga kaibigan namin na nagtatawanan at nagpahila lang ako sa kanya.
That night, when I got home, I thought about baking cupcakes. Nakangiti ako habang ginagawa ko iyon. Ako lang ang tao sa kusina at sina Mommy at Daddy paniguradong tulog na, pagod sa trabaho. Si ate Johanna hindi ko alam kung nasaan. Palagi nang wala iyon sa bahay kaya hindi na ako nagtaka.
Masaya kong ginawa ang mga cupcakes habang nagpapatugtog pa. Sumasayaw sayaw pa ako at para akong baliw pero wala namang nakakakita sa akin kaya ayos lang.
Nang natapos ako sa mga ginagawa'y nagligpit ako at tinignan ang ginawa kong cupcakes. Gabi na at kailangan ko nang matulog kaya hindi ko na pinakatitigan iyon. I put the cupcakes in a box and put them in the refrigerator. Tomorrow I will take it and give it to Leandros. Sana lang tanggapin niya. Kinakabahan ako dahil hindi maganda ang huli naming pag uusap at baka hindi niya tanggapin pero lalakasan ko pa rin ang loob ko. Ibibigay ko ito sa kanya bukas.
"Oh, what's that?" My sister saw the cupcakes I was carrying.
"Wala. I'll just give it to my friends," palusot ko at pumasok na sa sasakyan. We're going to school now.
"Tss. Kapag ako nagrerequest hindi mo naman ako ginagawan..." pagtatampo pa niya.
Natawa ako ng bahagya. "Next time gagawan rin kita."
"Whatever, Mina."
Natawa ulit ako at sinuyo siya. Napaka sungit talaga nitong ate ko. Manang mana kay Mommy.
Tumabi ako kay Lorie na nakakunot ang noo at mukhang walang sa mood ngayong araw. Tinitigan ko siya ng ilang sandali bago nagtanong.
"Ayos ka lang?"
Sumulyap siya sa akin at bumuntong hininga. "Yeah..."
"Mukhang bad mood ka, ah. May nangyari?"
"Wala. I just need to think," she said and I know immediately what she meant. Ayaw niya munang makipag usap.
Tumango ako at hinayaan nalang siya. Ganito naman siya minsan. Siguro may nangyari na namang pinaka ayaw niya tulad ng may students na nangungulit sa kanya, puno na naman ng love letters ang locker niya, o baka may student na siyang tinanggihan pero nangungulit pa rin nang nangungulit.
Tumawa si Elizabeth. "You're always like this. Why are you so rude to the other students?"
Napalingon kami ni Issa at ate sa kanya. Wala pa man parang gusto ko nang patahimikin si Eli dahil siguradong hindi nagustuhan ni Lorie ang sinabi niya. Tama naman ako dahil kunot noo habang nakahalukipkip na lumingon sa kanya si Lorie!
"What did you just say?"
Nagtaas ng isang kilay si Eli.
"What do you mean rude? I'm very polite and nice to them. Don't say something you're not sure if it's true, Eli."
Eli's lips parted at what Lorie said and she couldn't speak.
"Don't talk if I'm not asking you..." dagdag ni Lorie.
Natawa si Eli. "Wait. Hindi ba totoo na ganon ka sa iba? Wala namang ginagawa sayo pero ang sungit sungit mo sa kanila? Pati nga sa mga love letters inis na inis ka."
"Well, that's because I hate it, sinabi ko na, diba? Bakit ikaw? Dumadaan nga lang sa harapan mo ang mga students iniirapan mo na. Now, who's rude who?"
"Lorie..." si Issa pero hindi siya pinakinggan ni Lorie.
Hindi makapaniwalang natawa si Eli. "What the hell is your problem? Bakit parang napapansin kong sa akin ka lang ganito? Ano bang ginawa ko?"
Tumayo bigla si Lorie at bahagya akong kinabahan. Nasa tabi ko pa naman siya at alam na alam ko kung paano siya magalit. Deretso ang tingin niya kay Eli kaya mas lalo pa akong kinabahan. Hindi ko alam kung tatayo ba ako para pigilan siya sa balak niyang gawin pero naunahan na niya ako ng pagsasalita niya.
"I'm starting to hate you, Elizabeth..." walang emosyon niyang sinabi at kinuha ang bag niya tsaka naglakad palayo.
Umawang ang labi ko at sinundan ng tingin si Lorie na palabas na ngayon ng cafeteria.
"What the heck?" Si Eli at sinundan rin ng tingin si Lorie.
My sister chuckled. "She hates the students who's very annoying, Eli. She hates people interfering in her life. Sinabi na niyang gusto muna niyang mag isip pero pinakialamanan mo pa rin siya. It seems like you're one of those students now..." ate Johanna smirked.
"That can't be. I'm her cousin!"
"Hindi mo ba kilala si Loreleil? Hindi siya namimili. She can hate whoever she wants. Even Louissa... Kaya wag ka nang magulat kung ikaw rin..."
Loreleil is kind. May pagka moody lang talaga siya. Mabait siya sa mga students pero hindi sa mga students na halos alamin na ang buong buhay niya. She hates it. She hates so many things. Kailangan isang sabi niya lang gets mo na agad dahil maiinis siya kung ipapaulit mo pa. Gaya nalang nung kay Eli kanina. Sinabi na niyang gusto niyang mag isip at ang ibig sabihin lang noon ay ayaw niya ng kausap pero nagsalita pa rin si Eli at sinabihan pa siya ng rude. Ayaw niya ng ganon. Pero masaya siyang kasama. Mabait siyang pinsan at kaibigan. She will give you what you want and once she trusts you, it will never be broken.
"Wow! Para sakin yan?" Luna said happily when she saw the box of cupcakes I was carrying.
Uwian na ngayon at syempre, dito ako nagpahatid sa driver ko.
"Hindi to para sayo. Ibibigay ko ito kay Leandros."
Natigilan siya at ngumuso sa akin. "Siya na naman? Ako? Kailan mo ako ipagba-bake?"
Humalakhak ako. "Gagawan kita sa susunod. Mas masarap pa rito."
"Pero seryoso, bakit mo siya bibigyan ng ganyan? Hindi ba sinabi na niyang..." hindi niya tinuloy.
Bumuntong hininga ako. "Wala lang. Maybe... sorry lang sa nangyari kahapon?"
"Nangyari kahapon? Yung nagkabungguan kayo? Mina, naman. Wag mo akong idaan sa ganyang palusot mo."
Ngumiti ako at nagpacute sa kanya. Umiling siya at inirapan ako. Hindi na niya ako pinakialamanan. Bahagya akong natawa at inisip nalang na magiging maganda ang kalalabasan nitong gagawin ko. Ibibigay ko lang naman sa kanya. Pero kung hindi niya tanggapin, ayos lang naman.
"Hi!"
Nahinto sa paglalakad si Leandros at napatingin sa akin. Palabas ulit siya sa gate ng school nang tawagin ko siya. Iyon na naman ang seryoso at malamig niyang mga mata. Kinabahan ako pero ngumiti pa rin.
"L-Leandros pala ang pangalan mo. Uh... nalaman ko sa mga kaibigan ko..." panimula ko.
Hindi siya nagsalita. He just stared at me coldly and it made me even more nervous.
I lifted the box where my cupcakes were that I baked last night and showed it to him. Bahagya pang nanginginig ang kamay ko habang inaangat ang box.
"Para sayo nga pala. Piece offering lang sa nangyari kahapon. Ako ang gumawa niyan!" Sabay ngiti.
Tinignan niya ang box na inaabot ko sa kanya. Malamig pa rin ang kanyang mga mata at halos wala nang emosyon. My heart was beating faster and faster at the thought that he might not accept the cupcakes and say hurtful words to me again. Pero tatanggapin ko ang mga sasabihin niya kung meron man. I know I deserves it.
But I was stunned when he raised his hand and took the box I was holding. Umawang ng bahagya ang labi ko.
"Thanks," he said coldy before he turned his back on me.
Nanatiling naka angat ang kamay ko at hindi pa rin makapaniwala na tinanggap niya ang cupcakes ko! Natulala ako sa likod niyang palayo na nang palayo habang naka awang pa rin ang labi.
Tinanggap niya ang cupcakes na ginawa ko!

Comentário do Livro (58)

  • avatar
    Jazper

    nice

    14/06

      0
  • avatar
    Romnick Andres

    good story

    20/01

      0
  • avatar
    BatBaije

    Thank you, author wish for more

    01/09/2023

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes