logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Capítulo 5 Ever

Kabanata 4
Ever
--
"Sinabi ko naman sayo na mukha siyang masungit at suplado. Sana hindi mo nalang siya kinausap," si Luna.
We are here at their coffee shop. Malapit lang ito sa school at nilakad lang namin. Nalulungkot ako sa hindi pagtanggap ng kakambal ni Seb sa sorry ko. Akala ko kapag nagsorry na ako sa kanya, mapapatawad na niya ako at hindi na siya magagalit sa akin. Pero tulad ng Mommy nila, galit na galit pa rin siya.
"Umasa lang ako na baka tatanggapin niya ang sorry ko..." nagbaba ako ng tingin sa mga kamay kong nasa table.
"I asked my classmates and my friends at school. Kilala siya ng iba. Nagulat rin daw sila nang nakita nila yang lalaki na yan dahil kilala rin nila si Sebastian."
Nag angat ako ng tingin kay Luna.
"Akala nila si Sebastian iyon kaya natakot sila. Pero ang sabi ng mga kaklase noong lalaki, hindi siya si Sebastian. His name is Constantino Leandros Hidalgo."
Constantino Leandros Hidalgo... Kung ganon kakambal nga siya ni Sebastian. Hindi siya si... Sebastian.
"He's Sebastian's twin! And I can't believe it. Even those who know Sebastian can't believe it either. Wala daw kasing nakukwento si Sebastian na may kakambal siya. Pero ang mga malalapit niyang kaibigan kilala si Leandros."
Hindi na naman siya nawala sa isip ko nang mag gabi na. Hindi ako makatulog. Yakap yakap ko ang malaking teddy bear na binili ni Daddy para sa akin habang nakatitig sa kawalan. Iniisip ang mukha noong Leandros.
Kung ganon Constantino Leandros pala ang pangalan niya. His name is beautiful. Pero wala pa ring makakapantay kay Sebastian. He's my love and heart. Kaya lang... hindi mawala sa isip ko si Leandros. Kamukha siya ni Sebastian at pareho pa sila ng kilos, boses at pananalita. Leandros was just too serious and cold. Their eyes are also different. Pero sa tuwing naiisip ko siya, si Sebastian ang naaalala ko! Pakiramdam ko pa rin siya iyon.
Pumatak ang isang luha galing sa aking mga mata. I missed him so bad. Palagi kaming lumalabas noon pagkatapos ng school. Pero ngayon wala na. Mag isa nalang ako. Hindi ko na siya kasama.
Dumukmo ako sa aking mga tuhod at tahimik na humikbi. What am I going to do? I'm doing everything to forget him but why did something like this happen? Bakit sumulpot si Leandros na kamukhang kamukha ni Seb? Paano ko na siya makakalimutan nito?
Hindi man kami pareho ng school, hindi man kami palaging magkikita, alam ko sa sarili ko na babalik at babalik ako roon palagi. To see Sebastian's face. Sa paraan lang na iyon ako magiging masaya. That way I won't miss him anymore.
Ayos lang naman siguro iyon, diba? I missed him so badly. I want to see his face again.
So the next day, I planned to go to Luna's school again. Palagi akong kinakamusta ni Daddy tuwing umaga kapag nag aagahan kami dahil alam niyang sariwa pa rin sa puso ko ang pagkamatay ni Sebastian. Hindi ko man nasabi sa kanila na nagmamahal na ako, alam pa rin nila ang nararamdaman ko.
"Do you want to travel after your school year? We can travel wherever you want," Daddy said and smiled.
Ngumiti rin ako. "Gusto ko po iyon, Dad!"
"Then, we will go eveywhere you want, okay?"
Tumango ako. Umiling si Mommy na nasa tabi ni Dad.
"Don't spoil your daughter so much, Alfredo. Until now, the Hidalgos are still angry with us, don't forget that."
Napawi ang ngiti ko sa sinabi ni Mommy.
"Kylie..." si Dad.
"Mom, hindi naman kasalanan ni Mina ang nangyari. It was an accident!" Si ate.
"Kahit na. Hindi iyon mangyayari kung hindi agad siya lumandi. Ang bata bata pa niya pero may boyfriend na?"
"Kylie, that's enough!" Si Dad.
"H-Hindi ko naman po siya naging boyfriend, M-Mom..." nanginig ang boses ko.
"But if it takes longer, if that accident didn't happen, you're definitely going to make that guy your boyfriend, right? Saan pa ba papunta ang bagay ba iyon, huh?"
Napayuko ako. I bit my other lower lip and held back the tears that wanted to escape. My Mom's words are cutting through my heart. Noon pa man istrikto na siya sa amin ni ate at palagi niya kaming pinapagalitan. Pero naiintindihan namin iyon dahil alam naming ginagawa niya lang iyon para sa ikabubuti namin.
Pero ngayon... bakit kailangan niya akong sabihan ng ganon? Maagang lumandi? Malandi ba ako?
"Mina, it's okay. Don't listen to Mom. Alam mo namang palaging mainit ang ulo non," alu sa akin ni ate Johan at inakbayan ako
I smiled a little and nodded. My sister always comforts me whenever Mom scolds me. She's also always there whenever I cry or whenever I need help. I'm so glad she's my sister. Wala nang makakapantay sa kanya.
Umawang ang labi ko nang maglaglagan ang mga iba't ibang kulay ng papel sa locker ni Lorie pagkabukas niya nito. Parang may kung anong sumabog dahil sa sobrang dami ng papel! Naka awang ang labi kong pinanood ang mga iyon.
"What the hell?" Si Issa na nasa tabi ko.
Tumawa si ate Johan at umiling. She closed her locker and held her books in her arm. Napahawak naman sa noo si Lorie at iritadong sinarado ang locker niya.
"Seriously? Pupulutin ko na naman ang mga yan?" Iritado niyang sinabi.
Tumawa si Eli. "Those are in your locker. And it's just love letters. You have so many admirers."
"Bakit hindi ikaw ang pumulot ng mga yan kung ganon?" Si Lorie na bumaling kay Eli.
Nagulat si Eli roon. Napakurap kurap naman ako. She looks really irritated with those who put letters in her locker. Ayaw pa naman niya na palagi siyang nagugulo.
"Wait. I'm just saying that you have a lot of admirers. Don't you like it? Ang daming nagkakagusto sayo?" Si Eli na mukhang natakot kay Lorie.
"I don't like it. I hate it..." mariing sinabi ni Lorie bago siya umalis.
Sinundan namin siya ng tingin. Walang nakapag salita sa amin sa gulat at pagtataka. Matagal nang ayaw ni Lorie sa mga students na masyadong madikit at palagi siyang ginugulo. Hindi ko alam na pati sa mga nagkakagusto sa kanya, galit rin siya.
Lorie is the type of person who is naughty and cheerful. But when there's someone or something she doesn’t want, she really doesn’t want it. Sobra siyang magagalit kapag may isang bagay siyang ayaw na dumating sa kanya. At nakakatakot rin siya kung magalit. Kahit si Eli, hindi siya kayang tapatan.
"What's wrong with her?" Si Eli na nakakunot ang noo.
"Ayaw niya nang nagugulo siya. Ipapalinis ko nalang ang mga ito sa janitor," si Issa at naglakad paalis.
Nagkatinginan kami ni ate. Nagkibit balikat siya at ngumisi at pagkatapos umiling. Inakbayan niya kaming dalawa ni Eli.
"Let's eat lunch na!"
Naging mahinahon si Lorie nang kumain kami nang sabay sabay. Tumatawa na siya at mukhang hindi na iritado. Napangiti ako dahil palagi talaga siyang ganito. Madali siyang mairita at magalit pero madali lang ring mawala iyon.
"What do you plan to do now?" Luna said when I arrived at their school.
"Titignan ko lang ulit yung lalaki. Si... Leandros?" Marahan kong sinabi at ngumiti.
"Mina..." malungkot niya akong tinignan, para bang siya ang napapagod sa akin.
Tumawa ako. "Saglit lang naman to. I'll just talk to him for a moment."
"Pero hindi ba ayaw niya nga? He hates you like the other Hidalgos!"
Ngumuso ako dahil napaka straightforward talaga ng babaeng ito. Pina alala niya pa talaga sa akin ang galit ng mga Hidalgo sa amin. I sighed and smiled at her.
"Ayos lang ako. Kakausapin ko lang naman siya..."
Inirapan niya ako at hindi na nagsalita. Umiling siya at hinayaan nalang ako. I smiled even more because I knew she was just concerned about me. Alam niyang nasasaktan ako sa tuwing sinusungitan nung lalaki na iyon. Dahil kamukha siya ni Sebastian.
Kinabahan ako nang nakita ko si Leandros na naglalakad na palabas ng school. Palapit na siya sa amin. Suot niya ng kanyang uniform at nasa isang balikat ang kanyang bag. Magulo ang kanyang buhok at napaka seryoso ng kanyang paningin. Lahat ng babaeng naroon ay tumitingin sa kanya pero wala siya kahit isang nililingon. He was just so serious, almost cold.
"H-Hi! Uh..."
Natigil ulit siya sa paglalakad at nilingon ako. I saw his jaw clenched when he saw me. Lumunok ako sa kaba at napatingin kay Luna na nasa malayo, nakatingin sa amin at halos irapan ako pero kita ko ang concern na baka kung ano na naman ang mangyari. Binalik ko ang tingin kay Leandros at kahit kinakabahan, pinilit kong tumingin sa kanyang mga mata.
"Ikaw na naman?" Malamig niyang sinabi.
"U-Uh, oo. M-Michelle!" I smiled.
"I told you not to talk to me again. Ano na namang ginagawa mo rito?" Sobrang riin ng kanyang boses.
"G-Gusto ko lang magpakilala sayo ng maayos. I-I'm Michelle Morganna Agravante..." naglahad ako ng kamay kahit sobra nang kinakabahan.
Tumingin siya sa aking kamay at pagkatapos sa akin. He didn't accept my hand. He just stared at me hard at kitang kita ko ang pagkaka wala ng kanyang pasensya sa mga mata niya.
Maraming nakakita sa nangyari kaya hiyang hiya ako. Marami pa akong narinig na mga babaeng tumawa. Kinagat ko ang aking labi at binaba nalang ang kamay.
"I'm sorry. Gusto ko sanang makipag kaibigan..." sabi ko.
"For what, huh? Pwede ba? I don't have time for you. Hindi ako interesado sa mga sasabihin mo kaya kung pwede lang wag na wag mo na akong kakausapin..."
"B-But I just want to make friends. S-Sebastian didn't tell me about you before so--"
"Hindi ko alam kung saan mo nakukuha ang lakas ng loob para humarap sa akin ngayon. Baka nakakalimutan mong ikaw ang dahilan kung bakit namatay ang kakambal ko?" Mas mariin na ngayon ang kanyang boses.
Nag angat ako ng tingin sa kanya. "I-I'm sorry. Hindi ko naman nakakalimutan iyon. G-Gusto ko lang namang makipag kilala sayo--"
"Ayokong makipag kilala sayo kaya pwede bang wag ka nang magpakita sa akin?!" Bahagyang tumaas ang knayang boses.
Nagulat ako.
"Ang lakas ng loob mong magpakita at makipag usap ng ganito sa akin gayong ikaw ang dahilan ng pagkamatay ng kakambal ko!"
Nangilid ang luha sa aking mga mata habang nakatingin sa kanya, gulat pa rin pero kumikirot na ang aking puso sa mga sinasabi niya.
"And now what? You're gonna cry? Magpapa awa ka na naman? Hindi ba't sinabi ko nang hinding hindi ako maaawa sayo?"
"H-Hindi naman ako nagpapa awa. Ang sakit lang ng mga sinasabi--"
"Dapat lang sayo lahat ng sinasabi ko! Pasalamat ka nga at wala akong ginagawa sayo dahil baka matagal ko nang naipaghiganti ang kakambal ko. Kung hindi ko lang naiisip kung gaano ka niya kamahal..."
Pumatak ang isang luha ko at nagbaba ako ng tingin. "I'm sorry..."
"Don't ever come here again. I don't want to see you anymore..." mariin niyang sinabi bago ako iniwan roon.

Comentário do Livro (58)

  • avatar
    Jazper

    nice

    14/06

      0
  • avatar
    Romnick Andres

    good story

    20/01

      0
  • avatar
    BatBaije

    Thank you, author wish for more

    01/09/2023

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes