logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Capítulo 4 Sorry

Kabanata 3
Sorry
--
Kailanman walang nabanggit si Seb sa akin na may kakambal siya. At doon napagtanto ko na marami pa pala akong hindi alam sa kanya. I haven't met his family yet but he told me before, he has a plan to introduce me to them. Kaya lang... nangyari ang aksidente nang hindi namin inaasahan.
Kaya...
Napatitig ako sa lalaki. Kaya hindi ko nakilala ang Mommy niya... kaya hindi ko nakilala ang Daddy niya... at kaya rin hindi ko alam na may... kakambal siya!
"Madalas ka niyang maikwento sa akin pero kahit kailan, hindi kita nagustuhan..." he said.
Kumirot ang puso ko, hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil magkamukha sila ni Seb at pakiramdam ko siya ang nagsasabi ng mga ito sa akin. Kahit kailan alam kong hindi magsasabi ng ganito sa akin si Seb. Mabait siya sa akin at... mahal niya ako. He will never hurt me.
The man approached me and stared at me intently. "Don't ever touch me again... Michelle Agravante," he said my name like it's a very dirty word.
Tumalikod siya at sumakay sa kanilang SUV. Naiwan ako roon na nakatulala at hindi makapaniwala. Kumikirot pa rin ang puso ko at pakiramdam ko maiiyak na naman ako.
Kakambal niya si Seb. He's not Sebastian. But why am I hurting?
Umiyak ako nung gabing iyon. Akala ko buhay siya. Akala ko nandito na ulit siya. Inaamin kong kahit imposible, umasa pa rin ako na siya iyon. Pero hindi. Ibang iba siya. Magkaibang magkaiba sila!
Pero bakit may kakaiba akong nararamdaman? Bakit pakiramdam ko siya iyon at nagpapanggap lang? Bakit parang gusto ko pa rin siyang makita? Magkamukhang magkamukha sila. Halos lahat sa kanila ay magkapareho. Kaya paanong hindi naging si Sebastian iyon? Siya iyon!
Mugto ang mga mata ko nang pumasok ako sa school. Pinagtitinginan ako dahil alam kong halatang halata iyon at nakababa lang ako ng tingin. Wala akong sa mood para mahiya. Hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari kahapon. Hindi pa rin ako... makapaniwala.
"Mina, are you okay?" Seryosong tanong ni Issa nang nakita ako.
Makakasalubong ko na pala siya. Sa sobrang pagkakatulala ko, hindi ko na siya napansin.
"Ha? Of course..." ngumiti ako.
Tinitigan niya ako ng mabuti. Tumawa ako dahil alam kong ang mga mata ko ang tinitignan niya.
"Nakagat lang ng ipis. Sige, mauna na ako..."
"Mina, alam naming lahat na hindi ka pa nakaka recover sa nangyari sa..." hindi niya tinuloy. "Nang dahil na naman ba sa kanya kaya ka nagkakaganyan? You said you're already okay."
I smiled again. "I'm fine, yes. Pero hindi ganon kadaling kalimutan ang nangyari. Nawalan ako, Issa..."
"I'm sorry..." hinawakan niya ang likod ko.
Kinamusta rin ako ng iba ko pang pinsan nang nagkita kita kami sa cafeteria. Ganon lang rin ang sinagot ko, ayos lang ako. Kahit na hindi. Kahit na alam kong sobra pa rin akong nasasaktan. Lalo na ngayon na may kamukha siya. Hindi ko alam ang iisipin o gagawin ko. O dapat bang may gawin ako?
"It's just a boy! Why are you crying so much for him?" Umirap si Eli.
"Eli..." si ate Johan.
Nasaktan ako sa sinabi ni Eli. I feel like she doesn’t understand me. I feel like she's just ignoring how I'm feeling. Masakit iyon para sa akin dahil una sa lahat, pinsan ko siya. Pinsan ko siya kaya inaasahan ko nang maiintindihan niya ako. Pero hindi. Ito lang ang sinabi niya sa akin. Wala siyang pakialam.
"Bakit? Matagal mo na bang kasama iyon? Naging kayo ba? Hindi naman, diba?"
"Eli, stop it! Hindi mo alam ang nararamdaman ni Mina!" Si Lorie.
"I'm just saying na hindi niya dapat iniiyakan ang lalaking iyon. She's just stressing herself!"
"That's enough!" Si Issa.
Nagbaba ako ng tingin. Nag aaway away sila nang dahil sa akin. Siguro dapat hindi ko ipakita sa kanila kapag umiiyak ako. O baka dapat hindi na talaga ako umiyak tulad ng sinabi ni Eli. Nasasaktan kasi ako, hindi ko mapigilan ang pag iyak. Bawal ba iyon? Mali bang umiyak kapag nasasaktan?
"It's okay, Mina. Wag mo nalang pansinin si Eli," si ate na nasa tabi ko.
"It's okay. Tama naman siya, eh..."
"See?" Nagtaas ng isang kilay si Eli.
"That's enough, Eli. Wag ka nang magsalita," malamig na sinabi ni Lorie.
Humalukipkip si Eli at umirap. She continued to eat while my sister stroked my back. Maliit akong ngumiti sa kanya para hindi na sila mag alala. Tinignan ko si Eli at naisip na siguro ganito lang talaga siya. Hindi kami madalas mag usap kaya ganito siya sa akin.
Hindi ako matahimik nang nag uwian na. I want to go back to Luna's school to see that man again. Alam kong hindi siya si Sebastian pero gusto ko siyang makita. Kahit doon lang, kahit doon lang para hindi na ako mangulila kay Seb.
"Mina..." sinalubong ako ni Luna.
She was at the gate waiting for me. Sinabi kong wag na niya akong hintayin pero hindi pala siya nakinig. Bumuntong hininga ako at ngumiti nalang.
"Sabi ko sayo wag mo na akong hintayin..."
"Ayos ka na ba? Bakit ka pa bumalik rito? Baka mamaya kung ano na naman ang sabihin sayo nung lalaking iyon."
"I'm fine. I just want to... see him again."
Her eyes narrowed and she stared at me for a moment. Gusto kong magtanong kung bakit ganon ang tingin niya sa akin pero nahagip ng mga mata ko iyong lalaki! Mabilis akong umalis sa harapan ni Luna para puntahan ang lalaking palabas na ngayon ng gate.
"H-Hi!" Sabi ko.
He stopped walking and looked at me. Kumunot ang noo niya. Seryoso na naman ang kanyang mga mata at halatang suplado. I couldn't help but stare at him. Gwapo siya, kamukhang kamukha niya talaga si Sebastian. Mabilis rin ang tibok ng puso ko at kahit papaano, may saya akong nararamdaman.
"You again?" Malamig niyang sambit.
Lumunok ako at bahagyang kinabahan. "Uh... y-yeah. Uhm... gusto lang sana kitang makausap..."
Humarap siya sa akin. Mas lalo akong kinabahan. Naibaba ko ang aking paningin sa kanyang leeg dahil sobrang lamig niya kung tumingin, hindi ko kayang tagalan.
"What?" Anya nang hindi ako nagsalita.
Mas lalo akong nataranta.
"U-Uh... gusto ko lang sanang m-magsorry sa... nangyari kahapon..." kinagat ko ang aking labi sa panginginig. "S-Sorry..."
He didn't speak. He was still staring at me coldly. I took a deep breath and looked at him. Napansin ko na matangkad siya. Hanggang pisngi ako ni Seb pero dito sa lalaking ito, hanggang leeg lang ako.
"Is that all?" Anya, parang gusto na niyang umalis, o baka gusto na niya akong paalisin.
"S-Sorry rin sa nangyari sa... kakambal mo... kay... Sebastian. H-Hindi ko sinasadya--"
"Wala akong panahon para sa mga sasabihin mo," tinalikuran niya ako pagkatapos niyang sabihin iyon.
"S-Sandali lang!" Pigil ko.
Huminto siya sa paglalakad at tumingala na para bang pagod na pagod na sa akin. Hindi siya humarap. Ni hindi siya sumagot. Ginawa kong pagkakataon iyon para magsalita.
"Alam ko galit na galit kayo sa akin. Galit rin ako sa sarili ko dahil kasalanan ko naman talaga ang nangyari sa kanya. Dapat ako ang nabangga roon. Dapat ako ang namatay..." nangilid ang luha sa aking mga mata. "Pero hindi ko sinasadya. Kung pwede lang, binalik ko na ang oras at ako nalang ang nagpabangga. Sana ako ang tumulak sa kanya. Kung pwede lang--"
"Kung pwede lang ano?" Humarap na siya sa akin. "No matter what you say, you can't turn back time," he said with anger in his voice.
"That's why I'm sorry. I'm really sorry..."
"I don't need your sorry. Wag ka nang magpa awa sa akin dahil hinding hindi ako maaawa sayo. Don't talk to me again," he turned his back on me after saying that and got into their SUV. He left.

Comentário do Livro (58)

  • avatar
    Jazper

    nice

    14/06

      0
  • avatar
    Romnick Andres

    good story

    20/01

      0
  • avatar
    BatBaije

    Thank you, author wish for more

    01/09/2023

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes