logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Every Beat of Heart (Agravante Series #2)

Every Beat of Heart (Agravante Series #2)

jhelly_star


Capítulo 1 Simula

Simula
Mapapantayan
--
He was my first love...
My heart...
My life...
"Aray!"
Sa sobrang sakit ng pagkaka bagsak ko sa sahig ay hindi ko napigilan ang malakas na pagdaing. Sobrang sakit ng pwet ko dahil iyon ang naunang bumagsak! Ang dami ko pang dalang libro na ngayon ay nasa sahig na lahat! Ang malas ko naman ngayong araw.
"Opps! I'm sorry, miss!" anang lalaking nakabangga sa akin at tinulungan akong tumayo.
"I-It's okay..." sabi ko at pinagpagan ang aking mga kamay.
"Are you okay? I'm sorry. Nagkukulitan kami ng mga kaibigan ko at hindi kita napansin..." he explained.
"I'm fine..."
I saw his friends at the back. Marami ring nakakita sa nangyari kaya naman sigurado akong parang kamatis na ang aking mukha sa sobrang pag iinit nito. Ang daming nakakita! Sigurado akong pinagtatawanan na nila ako!
"Gago, si Michelle Agravante yan..." narinig kong saway noong isang kaibigan ng lalaking nakabangga sa akin sa isa pa nilang kasama dahil tumatawa ito.
Pinulot noong lalaking nakabangga sa akin ang mga libro ko. Tatlo lang iyon kaya nakuha niya agad lahat. Binigay niya sa akin iyon at nag angat naman ako ng tingin sa kanya.
"Thanks..." sabi ko at tinanggap ang mga libro ko.
"Pasensya ka na talaga. Hindi ko sinasadya," he said.
"Ayos lang..." I smiled slightly.
That's how I met him. Naalala ko pa noon sobra akong napatitig sa kanya dahil sobrang gwapo niya. Muntikan na naman akong mapahiya kung hindi ko lang sinaway ang sarili ko. Agad akong nag iwas ng tingin sa kanya at nagpaalam nang aalis. Hinabol niya ako pero hindi na ako lumingon pa sa kahihiyan.
"Oh? Anong nangyari sayo? Bakit ang pula ng mukha mo?" ang ate kong si Johanna ang sumalubong sa akin sa cafeteria. Wala pa ang iba pa naming pinsan at siya palang mag isa roon.
Gusto kong pumikit ng mariin dahil iyon pa talaga ang una niyang napansin. Talaga bang pulang pula ako na iyon agad ang mapapansin sa akin? Nakakahiya! Bakit kasi ako tumitig sa kanya?
"Wala. Make up lang..." palusot ko.
"Simple ka lang mag make up, bakit pupula ng ganyan?" her eyes narrowed and a grin appeared on her lips.
"A-Ano na naman?" Kinakabahan kong tanong dahil alam ko na ang mga ganyan niyang ekspresyon.
Ganyan siya kapag tinutukso niya ako sa mga crush ko!
"May bago kang crush, noh? Nagkita kayo? Nakabangga mo? Sino yan?" Usisa niya agad.
Hindi ko alam kung paano niya nalalaman agad ang mga ito! I moved slightly away from her and looked at her sharply. Hiyang hiya na ako rito sana naman wag na niyang dagdagan! She laughed and shook her head at me, she didn’t ask any more and I was so thankful for that!
Kaya lang kinabukasan nakita ko ulit ang lalaking nakabangga ko. Katatapos ko lang mag lunch at dumaan ako sa field para pumunta sa building ko. Elizabeth didn't accompany me because she preferred to be with her friends. Si Lorie naman ay nautusan ng kanyang teacher kaya hindi rin nakasabay sa akin. Iba naman ang building nina Issa at ate dahil mas matanda sila sa amin.
Nakaupo ang grupo niya sa isa sa mga table na bato roon sa field. He's looking at me and I immediately averted my gaze. Binilisan ko ang aking lakad para maka alis na agad roon. I'm still ashamed of what happened yesterday! Kahit siya ang nakabangga sa akin, tumitig naman ako sa kanya na parang tanga kaya nakakahiya pa rin!
"Hey, wait, miss!" I heard him called.
Oh, damn! Mas lalo ko pang binilisan ang aking paglalakad.
Kaya lang naabutan niya ako! Humarang siya sa nilalakaran ko at agad akong natigil sa paglalakad. Kumalabog ang puso ko sa kaba. There was a smile on his lips as he looked at me at wala akong ibang maramdaman kundi kaba at nerbyos!
"Hi!" He greeted.
"Hi..." nahihiya kong bati pabalik.
"Ikaw yung nakabangga ko kahapon. Michelle Agravante, right?" He said.
"Uh, yes..." hindi ako makatingin sa kanya ng deretso.
"I'm Sebastian Hidalgo," he held out his hand.
I swallowed hard and thought it would be too rude if I will not accept his hand. Dahan dahan kong inangat ang nanginginig at nanlalamig ko pang mga kamay para maabot ang kanyang kamay. Nakakahiya na mararamdaman niya ang kaba ko!
"M-Michelle..." I said.
"Nice to meet you, Michelle! I just want to apologize again for what happened yesterday. I called you pero hindi mo na ako nilingon. Are you mad?"
Umiling ako agad. "Hindi naman! Uh... nagmamadali lang ako noon..."
"Mmm. So you're not mad at me?"
Umiling ako.
"Then, can I get your number?"
Nagulat ako roon. Nag angat ako ng tingin sa kanya and he smiled. Kinakabahan pa akong nag isip kung ibibigay ko ba ang number ko o hindi pero sa huli napagdesisyunan ko nalang ibigay. Nilahad ko ang aking kamay sa kanya.
"Give me your phone."
His smile widened and he immedietley gave his phone to me. Nilagay ko roon ang aking number at nagpaalam na agad na aalis. I can't stand him! He's very intimidating!
"I will text you, Michelle!" Pahabol niyang sigaw.
I bit my lower lip and held back a smile. Mas lalo ko pang binilisan ang aking paglalakad. Pumikit ako ng mariin. What's happening to me? This is bad!
Naalala ko pa kung paano kami naging close. Palagi niya akong tinetext. Palagi niya akong kinukulit. Kapag nakikita niya ako s school ay tatawagin niya ako at pupuntahan tapos makikipag usap pa sandali. Napaka dami niyang tanong sa akin na para bang sobra siyang interesado sa akin. Hindi ko naman maitatanggi na gusto ko rin ang ginagawa niya. I like talking to him too. Marami rin akong tanong dahil gusto ko pa siyang makilala.
He's there when I need a help, sa assignment ko o sa kung ano ano pa man. He's always there for me. Pati pagtatali ng sintas ay siya ang gumagawa para sa akin.
Tumawa siya habang sinisintas ang aking sapatos. "Hindi mo ba nakikita? Kapag ikaw nadapa pagtatawanan talaga kita."
Ngumuso ako at nagpigil ng ngiti. "Hindi ko napansin. Nakatingin kasi ako ng deretso..."
"Ano nalang ang gagawin mo kapag wala ako? Mabuti nalang tinitignan ko muna ang buong katawan mo bago ka kausapin."
"Ang manyak mo!" Humalakhak ako.
Humalakhak rin siya at tumayo dahil naayos na niya ang sintas ko. "Anong manyak? Tinitignan ko lang naman ang katawan mo. Can't I check on you?"
"Ewan ko sayo. Halika na nga..."
He chuckled and followed me. I'm in my second year high school while he's in his third year of high school. We always ate together and my cousins ​​were just at the other table, siguradong pinag uusapan na nila ako palagi pero hindi ko na sila pinapansin. I'm happy with Sebastian. He's always making me smile.
"You want that?" Tanong niya nang nanatili ang mga mata ko sa isang teddy bear roon.
We are here at the mall. My sister's birthday is tomorrow and I will buy a gift for her. Sinamahan ako ni Sebastian at syempre, tuwang tuwa ako.
Tumango ako sa kanya habang nakanguso. "Favorite ko ang mga teddy bear..."
He chuckled. "Then I will buy it for you."
"What? No! Hindi na. Uh... ako nalang ang bibili. May pera naman ako rito..." agad kong sinabi.
"No. I'll buy it for you. This is my first time buying you things that you want," he smiled.
It was as if my heart melted at what he said. Gusto kong kiligin sa tuwa pero pinigilan ko. I bit my lower lip and just agreed to what he wanted. He bought me a teddy bear that wasn't that big and I put it on my bed, para katabi ko kapag matutulog. Hindi mawala ang titig ko roon habang may ngiti pa sa aking labi. Hanggang sa makakatulugan ko nalang ang kalandian ko.
Lumipas ang mga araw, linggo, buwan na si Sebastian ang palagi kong kasama. Ang bata kong puso na nagmamahal ay sobrang saya. Noon ko lang naramdaman ang saya at pag ibig na sinasabi nila. It feels so good. Like everything is just right.
Pero sa isang iglap, the perfect story changed which I thought would remain perfect until the very end. That night Sebastian and I agreed to meet at a coffee shop. I just got out of our SUV and the coffee shop was across the street, kailangan ko pang tumawid. Nagulat ako nang nakita si Sebastian sa kabilang dulo, nakangiti habang nakatingin sa akin.
I smiled and waved at him. He was wearing a leather jacket and a white t-shirt, black jeans and white shoes. He's so handsome even though he's very far away from me. Hindi ko mapigilang mahulog lalo sa kanya.
Pero siguro hindi lahat ng gusto natin ay masusunod. Hindi lahat ng mga bagay na gusto natin ay makukuha natin. At hindi lahat ng pag ibig na akala mo para sayo na, magiging sayo na talaga.
He saved me.
"Mina!"
He sacrificed his life for me.
"Seb!" I cried.
Tinulak niya ako at siya ang nasagasaan ng paparating na truck. Tumilapon siya at ang ulo niya ang napuruhan. Ngayon umiiyak ako habang hindi ko malaman kung saan siya hahawakan.
"Seb... no..." I pleaded.
Kahit nanghihina at napipikit na ang mga mata, he still tried to smile and held my hand.
"I love you..." he said.
"No! Don't sleep. Please... no..." I cried even more.
But he didn't listen to me. He did sleep. And never wake up again.
Para akong nakulong sa isang kwartong wala kahit ni isang liwanag. I could see nothing but darkness. I felt nothing but pain.
Wala akong tigil sa pag iyak sa aking kwarto hanggang sa mamanhid nalang ako. Hanggang sa natulala nalang ako. Hindi ko pa rin matanggap ang pagkamatay niya samahan mo pa ng pagsisi sa akin ng kanyang pamilya. Dahil ako naman talaga ang may kasalanan. Ako dapat ang mababangga. Ako dapat ang namatay. But he saved me and risked his own life!
"It's okay..." my sister was the one who stayed by my side during the days when it was completely dark around me.
"He died... because of me..." I cried.
"Shh. It's not your fault. He just saved you. Because he loves you..."
Umiling ako at mas lalo pang humagulgol. Hindi ko matanggap. Pakiramdam ko kasalanan ko iyon. Pakiramdam ko dapat ako ang namatay at hindi siya.
Pinayagan ako ng pamilya Hidalgo na pumunta sa burol niya kahit sobrang galit na galit sila sa akin. Pinayagan rin nila akong sumama sa libing niya. Wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak hanggang sa namanhid nalang ako at hindi na kaya pang umiyak. Wala na akong ma iiyak pa. Hindi ko na kaya.
I blamed myself too much for his death. Kung bakit niya ba kasi ginawa iyon! Dapat ako ang masasagasaan, eh! Dapat ako ang namatay at hindi siya! Bakit kailangan niya pa akong iligtas? Dahil mahal niya ako? Mahal ko rin naman siya, ah! Mahal ko rin siya kaya paano na ako ngayon? Mahal ko rin siya kaya bakit niya ako iniwan? He's so unfair! He's so unfair!
Ilang buwan rin akong natulala hanggang sa napagtanto kong hindi dapat ako ganito. Siguradong hindi niya nagugustuhan ang ginagawa ko. Kailangan ko ring kumilos. Kailangan kong libangin ang sarili ko sa mga bagay bagay para kahit papaano maka move on ako.
Nilibang ko ang sarili ko sa maraming bagay. Nang natapos ang bakasyon mas lalo pa akong nalibang sa school at kahit papaano, naging maayos ang pakiramdam ko. Nandoon pa rin ang sakit pero medyo gumaan na ang pakiramdam ko.
"It's Rein's birthday! Come!" Inakbayan ako ni ate.
Tumalbog ang kama ko dahil sa pagkakaupo niya. Tumingin ako sa kanya at bahagyang ngumiti.
"Hindi ako makakasama. Kayo nalang..."
"What?" Dismayado niyang sinabi. "You're not coming again? You didn't go on Jena's birthday, pati ba naman dito?"
"Masama ang pakiramdam ko. Isama mo nalang si Lorie..."
"Lorie hates them so much, you know that. Kaya sumama ka na! Samahan mo ako..." ngumuso siya.
"Si Eli... Masama talaga pakiramdam ko, ate."
She sighed. "Masama ang pakiramdam mo o baka naman nang dahil na naman ito sa kanya? Mina... hanggang ngayon ba naman? Akala ko ba okay ka na?"
Nagbaba ako ng tingin at pinaglaruan ang mga kamay ko.
"Akala ko rin..."
Akala ko ayos na ako. Akala ko tanggap ko na. Pero sa bawat mga bagay, lugar, bawat mga salitang naririnig ko, siya lang ang naaalala ko. My heart is breaking everytime I think about him. Dahil wala na talaga siya. Wala na talaga siya sa tabi ko. Hindi na talaga siya babalik...
Nanatili ang paningin ko sa lalaking pumasok sa aking shop. Parang tumigil ang mundo ko. Parang bumagal ang pagtakbo ng oras. At parang dinudurog na naman ang puso ko.
Wearing a white polo longsleeve, with his longsleeves folded up to his elbow, nakapamulsa niyang pinasadahan ng tingin ang buong shop. Mukhang galing pa siyang opisina dahil sa kanyang suot. Pinagtinginan agad siya ng mga babae. Nalipat ang kanyang mga mata sa baba kung saan nakalagay ang mga cake na benta namin. Naglakad siya palapit.
Hindi ko namalayang nangingilid na pala ang luha sa aking mga mata. Nag iwas ako ng tingin at kinalma ang sarili. Kinagat ko ang aking pang ibabang labi at binalik sa kanya ang tingin. Nakatingin pa rin siya sa mga cake.
"Good evening, Sir!" Bati ng staff ko.
Nag angat siya ng tingin sa kanya at pagkatapos sa akin. Parang sandaling tumigil ang aking puso sa pagtibok at nang muli naman itong tumibok ay walang kasing sakit ang aking naramdaman. Nagkatinginan kami. His serious and cold eyes bore into me and I feel like my knees are getting weak.
Sobrang pamilyar ng kanyang mukha. At kahit ilang taon na ang lumipas, kahit marami nang nagbago sa akin man o sa kanya, sa tuwing nakikita ko ang kanyang mukha, kumikirot ng matindi ang aking puso.
Pero alam ko sa sarili ko... na hindi na ito dahil roon. Hindi na ito dahil sa bagay na iyon.
Hinding hindi siya magiging katulad ni Sebastian. Hinding hindi siya magiging si Sebastian. Kailanman... hinding hindi siya magiging tulad niya.
Dahil ang lalaking ito...
Ang lalaking nasa harapan ko ngayon...
Magkapareho man sila ng mukha... magkapareho man ng boses, kilos, lakad, magkapareho man halos lahat...
Ang lalaking ito...
Ay kailanman hinding hindi mapapantayan ng kahit na sino... sa puso ko.

Comentário do Livro (58)

  • avatar
    Jazper

    nice

    14/06

      0
  • avatar
    Romnick Andres

    good story

    20/01

      0
  • avatar
    BatBaije

    Thank you, author wish for more

    01/09/2023

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes