logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 4: Friends

Wala akong kamalay-malay kung ilang oras na kami ni Bea sa madilim na silid na ito. Napapansin kong nahihirapan na siya sa posisyon niyang nakatali sa upuan.
"Those assholes!"
Sigaw ni Bea na umalingawngaw naman sa buong silid.
"I'm so done with this shit."
Ngayon naman ay mangingiyak na niyang banggit.
"We'll get out of here."
Malumanay na sabi ko.
"How? Kung makakaalis man tayo dito, tiyak kong mahahanap parin nila tayo kahit saang lungga pa tayo magtago."
Tama si Bea, they are capable of killing us. The scene we've seen on the room was the proof.
Nabuhayan ako no'ng makita kong nagbukas ang pinto. Ngunit agad ring napawi ang kaunting pag-asa ng makita ko ang pagmumukha ni Miss Alvarado at Daniel.
"Mga walang hiya! palabasin niyo kami dito!" sigaw ko.
Tila walang narinig ang dalawang nilalang na nasa harapan namin at kalmado lang kaming tinignan.
Miss Alvarado squatted infront of me. I nearly spit on her.
"You need to know a secret."
Dahil bukas ang pinto may nanggaling na liwanag mula doon dahilan para makita ko ang nakangising pagmumukha ni Miss Alvarado.
"No thanks." sagot ko.
"I'm not asking you."
I swear that once I get a chance to punch this little piece of shit in front of me, I'll never let her go.
"You must be confused kung bakit ganito ang E-1."
I'm more than confused.
Tiningala ko si Daniel. Walang reaksyon, tila walang pakialam sa nangyayari.
"I know there is a question in the corner of your brain as to why we use violence? as to why... we kill... each other?"
Hinawakan niya ang pisngi kong agad ko ding iniwas sakanya. Napatawa siya sa ginawa ko.
"In the world, we will do everything to survive... Or to save the people who are important to us."
"Anong ibig mong sabihin?!" the tone of my voice rose.
"Jelcy Doque. Daughter of Aly Doque and Dino Doque who work in the province and you were left to study here because you got a scholarship in this school."
Ilang segundo bago ko maproseso sa utak ko ang sinabi niya.
"Tama ba?" tanong niya.
"Fucking bitch."
I spat on her and annoyance appeared on her face.
Pinunasan niya ang mukha niya gamit ang kanyang panyo na galing sa bulsa niya bago ako hinarap.
"Call me names, I don't really care at all."
"Who do you think you are? batang nakikipaglaro ng patay-patayan?" singit ni Bea.
"That's enough." said Daniel in a bored tone.
"Daniel." tawag ko.
He just looked at me as if I was just a garbage he just threw away. So, I gave up the thought of calling for his help.
"I have a proposal for you."
"Proposal your ass." bulong ni Bea na inignora naman ni Daniel.
"You will play our game in exchange of..."
he rubbed both of his palms.
"In exchange of what?"
I saw his annoying grin.
"In exchange of your lives."
I felt horrible. Kung sabihin niya 'yon ay parang ang lalaruin namin ay batuhan bola na kung sinong matalo ay tanggal na sa laro.
"Pinagloloko mo ba 'ko?" seryosong sabi ko.
"Do I look like one?"
He put his hands on his pocket.
"Then just kill me."
Agad na dumapo ang tingin ko kay Bea.
"Bea!"
I looked at her with begging eyes not to say such things.
"Then your parents will die too." ani Miss Alvarado.
"What the fuck are you playing?!"
Bea's tears flowed down her cheeks.
"If you survive, then you win."
Ilang minuto na ang lumipas pero nakatayo lang sila Miss Alvarado at Daniel sa harapan namin.
Hindi ko alam ang gagawin. I don't want to die. I don't want my family to die. I know they are capable of doing what they say. 'Cause if not, walang mga estudyanteng handang magpatayan kung hindi nila alam ang mangyayari kung hindi nila gagawin ang kung ano mang inuutos sakanilang gawin.
"I'll play." ani Bea.
Hindi ko alam kung nasa isip ni Bea. Pero alam kong sa oras na nagdesisyon na siya, hindi na 'yon mababago.
Tinignan ako ni Daniel at Miss Alvarado. Alam kong kitang-kita na nila ang nag-aalab na mga tingin ko sakanila. Marahan akong tumango.
Pagkatapos nito, hindi ko na alam ang mangyayari. Pero gagawin ko ang lahat. Lahat ng kaya kong gawin para makaalis sa impyernong napuntahan ko.
Kinabukasan, tila isang normal na umaga ang sumalubong saakin. Pagkapasok ko sa malaking gate ng paaralan ay puno ng masasayang mukha ang nakapaskil sa mukha ng mga estudyanteng nag-uusap habang naglalakad.
Sana ay makakaya ko ring ngumiti matapos ang nangyari kahapon. Isang bangungot na sana ay matapos na.
Sa paglalakad ko ay nakita ko si Ken na naglalakad. Tinakbo ko ang distansya naming dalawa.
"Ken."
Huminto siya sa paglalakad at humarap sa'kin may benda siya sa pisngi niya. Hindi tulad kahapon, isang benda lang ang mayroon siya. Nagkalat sa braso at mukha niya ang mga benda. Ang iba nga ay hindi na niya nilagyan.
"Anong nangyari sa'yo?" nag-aalalang tanong ko.
Hindi siya sumagot para akong hangin sa paningin niya.
"Ken?"
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. Inakala kong magsasalita na siya pero sa isang iglap ay nakalayo na siya sa'kin. Hindi ako agad nakakilos dahil sa gulat sa inasta ni Ken.
Anong nangyari sakanya? naalala ko kahapon, hindi na kami nagkita-kita.
Pilit na gumugulo sa isip ko ang pag-iwan sa'kin ni Ken kanina hanggang sa nakarating na 'ko sa pintuan ng E-1.
Tulad ng dati tahimik parin ito. Kung normal na araw lang ito ay masaya akong tanaw-tanawin lang ang silid na ito ngayon ay ibang-iba. Tignan ko palang 'to, gusto ko nang bumalik sa bahay.
"Papasok ka ba o hindi?" isang pamilyar na boses ang nagsalita sa likuran ko.
"Kung pwede lang hindi na."
Totoo naman.
Hindi na sumagot si Gueyo at nilagpasan nalang ako para makapasok siya sa loob.
Pagkapasok ko sa loob ay nakita ko agad si Bea na nakatulala lang. Ang upuan na katabi ng kay Bea kung saan dapat nakaupo si Ken ay bakante ngayon. Hinanap ng mata ko si Ken. Nakita kong katabi niya si Gueyo sa may bandang harapan. Nakakagulat mang tumabi siya do'n ay hindi ko na siya nilapitan para magtanong kahit naguguluhan parin ako sakanya ngayon.
"You'll be dismissed early today." anunsyo ni Miss Anika.
Oo, si Miss Anika. Kaya pala nangyari saamin kahapon 'yon ay kasabwat niya ang E-1. Pare-parehas lang sila. Walang maaaring pagkatiwalaan sa school na ‘to.
Isang nakakatuwang balita 'yon pero hindi ko magawang matuwa.
"We'll leave this place."
Nagising ang buong diwa ko. Iiwan ang lugar na 'to? ibig bang sabihin-
"They will be sending us to the forest." dugtong niya.
Forest? Ililipat nila kami do'n? Para saan?
"You'll be starting your first mission."
"Are we special agents or something?"
Hindi ko kilala ang nagsalita. Isang babaeng nakalugay ang mahabang gray na buhok. He's wearing a thick black lipstick and shamelessly chewing a gum.
Hindi siya pinansin ni Miss Anika.
"Pack your things. We'll be leaving early in the morning tomorrow."
And then she left. Pagkalabas palang ni Miss Anika ay nagmamadali nang sumunod si Ken.
"Bea, mauuna na 'ko."
Inayos ko ang mga gamit ko at nilagay sa balikat ang bag ko. Bago pa 'ko makaalis sa pwesto ko ay hinawakan ni Bea ang braso ko.
"Mag-iingat ka."
Kahit hindi siya nakatingin sa'kin ay alam kong nag-aalala siya. Ngumiti ako at ginulo ang buhok niya.
"Ikaw din."
At tuluyan ko nang sinundan si Ken. Nang maabutan ko siya ay hinablot ko ang braso niya.
"What?!" iritang tanong niya nang makita ako.
"Huwag mo 'kong ma-what-what! ano bang nangyayari sa'yo? iniiwasan mo ba ako?"
Unti-unti na naming naaagaw ang atensyon ng mga estudyanteng nadadaanan kami dahil sa sigaw ko.
He frowned not answering my question but instead, kinuha niya ang earphones niya at isinalpak sa tenga niya.
Maglalakad na sana siya pero hinila ko ang earphones niya na mas lalong nakapagpainis sakanya. To be honest, ngayon ko lang nakita si Ken na magalit but I couldn't care less.
"Bakit ka ba ganito?"
Nararamdaman ko na ang nanunubig kong mata. Kahit ano mang oras ngayon ay babagsak na ang mga luhang nagbabadya.
"It's none of your business."
Gusto ko siyang sampalin sa inis. We've been friends for a long time. Hindi ko matatanggap na bigla nalang niya kaming aabandunahin ng hindi sinasabi ang dahilan.
"It's my damn business!" sigaw ko.
He crunched his forehead.
"My life isn't your life. Stay where you belong."
"But we're friends! At least say what's bothering you." napipiyok na sabi ko.
"Then let's stop being friends."
Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Isang mainit na likido ang umagos sa pisngi ko. Hindi makapaniwala sa sinabi ni Ken. I was stunned by what he said. And I couldn't believe it.
"I don't want to be friends with you anymore."
And he completely turned his back on me. Leaving me with no words to say at all.

Comentário do Livro (90)

  • avatar
    Mak Kodok

    good

    19/08

      0
  • avatar
    Rizza Loreanne Palomata

    ganda ng story huhu

    25/06

      0
  • avatar
    Jayson Lapiguera

    wee

    22/05

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes