logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 3: Gueyo

What will you do if you are suddenly thrust into a world that is vastly different from the one you used to live in?
I never dreamed of being in this situation. I never imagine this.
"Jelcy? okay ka lang ba?" puno ng pag-aalala ang tanong ni Ken.
Tinanguan ko siya at mas binilisan pa ang paglalakad. Habang hila-hila ko ang dalawa ay laking gulat ko ng makasalubong namin ang isang guro. Tinignan niya kami ng may halong pagtataka.
"Tulong! tulungan niyo po kami!"
Mabilis na tinakbo ni Bea ang layo ng distansya ng guro.
"Yung mga kaibigan ko, s-sugatan po sila," utal na paliwanag nito.
Lumapit naman sa'min ang guro. Hindi maipinta ang mukha at natataranta na kung ano ang gagawin at ang unang sasabihin.
"Anong nangyari sainyo?"
Sinuri niya ang sugat ko sa kaliwang braso at ang pisngi ni Ken na hindi parin tumitigil sa pagdurugo.
"Mahaba pong kwento. Tulungan niyo po kaming magamot 'yong mga sugat nila," singit ni Bea.
Agad na tumango ang guro at inalalayan kaming dalawa ni Ken.
Dinala niya kami sa Clinic. Walang tao do'n maliban sa isang nurse na tila naalarma sa biglaan naming pagdating.
"Ano pong nangyari?"
"Huwag ka na magtanong at gamutin mo na agad ang mga sugat nila,"
Sunod-sunod ang pagtangong ginawa ng nurse.
"Okay na, magpahinga muna kayo," sambit ng nurse matapos niyang gamutin at bendahan ang natamo naming mga sugat.
Nagkatinginan kaming tatlo. Halata ang pagod sa mga mata ni Bea. Ang mga mata'y halatang galing sa pag-iyak.
"Iwanan mo muna kami," utos ng guro sa nurse na agad naman nitong sinunod.
"I'm Teacher Anika, ano ba talagang tunay na nangyari sainyo?"
"Einstein-1," panimula ni Bea.
"Anong mayro'n sa E-1?" naguguluhang tanong ni Miss Anika.
"Ngayon ang unang araw namin sa E-1, pero kanina lang, nakita ng dalawang mata ko na may dugo! may dugong nanggagaling sa plastic na dala ni Brianna,"
Napatayo si Bea sa kinauupuan niya sa sobrang pagkataranta. Agad naman kaming lumapit ni Ken para pakalmahin siya.
"Miss Anika, tulungan niyo po kami. Magsusumbong po kami sa pulis sa kung anong nangyari sa loob ng silid na 'yon," ani Ken.
"Pa'no niyo natamo ang mga sugat na 'yan?"
"Sila ang may gawa nito!" sigaw ni Bea.
Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Miss Anika. Tila mas pinapakalma pa niya ang sarili dahil sa mga nangyayari.
"Sila? sinong sila?"
“Ang E-1! mga demonyo ang mga tao do'n!"
“Ken!"
Tinapik ko ang balikat ni Ken para pakalmahin siya pero iniwas niya lang ang paningin sa'kin at naging malalim ang mga paghinga niya.
"Kumalma kayo, tutulungan ko kayo, okay?"
Linapitan niya kami at hinawakan sa balikat isa-isa tila pinapahiwatig na karamay namin siya.
"Dito lang kayo, huwag kayong lalabas tatawagin ko kayo kapag okay na ang lahat, maliwanag?"
Dahan-dahan kaming tumango. Mabilis niyang nilisan ang silid bago pa umalis ay binilin niyang isara namin ang lahat ng bintana at huwag na huwag lalabas kahit anong mangyari.
"We're in deep shit," bulong ni Bea.
"We really are," gatong naman ni Ken.
"I wouldn't be surprise kung malalaman kong lahat sila mamamatay tao sa loob no'n," ani Bea.
"What a shame na pinangarap kong makapasok do'n," dagdag ko.
"They nearly kill us,"
Iniisip ko lang ang mga nangyari kanina ay parang nawawala na ako sa katinuan.
"That freak, Daniel,"
Kuyom ang kamao ni Ken at halatang ginugulpi niya na sa utak niya si Daniel.
Kahit ako, hindi makapaniwalang ang maamo niyang mukha ay kabaliktaran ng buo niyang pagkatao.
"Looks can be deceiving talaga,"
Bea crossed her arms and rolled her eyes.
"Hinding-hindi na 'ko babalik sa room na 'yon kahit anong mangyari," pahayag ko.
At kung ang buong eskwelahan na 'to ay isang impyerno, hindi ko pipiliing masunog kasama ang mga demonyo.
Ilang minuto pa ang lumipas ay dahan-dahang nagbukas ang pinto.
"Miss Ani-" hindi na naituloy ni Bea ang sasabihin niya.
Isang maliit na bagay ang ipinasok sa loob ng silid at wala pang ilang segundo ay isang makapal na usok na ang lumabas galing dito.
"Teka!"
Tinakbo naming tatlo ang pinto pero hindi pa kami nakakalapit ay nagsara na ito. Pinilit naming buksan 'yon pero hindi ito nagbubukas.
Pigil-pigil ang hininga, tinahak ko ang daan papunta sa bintanang nakasara pero ayaw nitong mabuksan! nilock nila 'yon sa labas!
“Jelcy, tabi!" sigaw ni Ken.
Ilang saglit pa, basag na ang bintana. Ginamit ni Ken ang upuan para mabasag 'yon.
"Labas na!"
Pinauna naming palabasin si Bea. Mabuti nalang at nasa first floor lang ang clinic kaya pwedeng-pwede lang talunin.
Nang makalabas kaming tatlo ay mabilis kaming tumakbo papalayo doon. Habang tumatakbo ay pansin kong may mali. Napakatahimik ng buong campus. Madalas kasi ay may mga estudyante pang pakalat-kalat dito kahit may klase na.
Iginala ko ang paningin ko habang sinundan ang pagtakbo ni Ken at sa tabi ko naman ay si Bea. Nang malapit na kami sa Bennington building mas binilisan namin ang pagtakbo.
"Tulong!" sabay-sabay naming sigaw.
Nang makarating na kami ay bumagsak ang balikat ko sa pagkadismaya.
Walang tao.
Sinubukan namin sa kasunod na silid pero katulad ng una ay wala paring tao.
"Pupunta ako ng guard house, dito lang kayo hihingi ako ng tulong," bilin ni Ken at tumakbo na paalis.
"Jelcy, natatakot ako,"
Niyakap ni Bea ang braso ko. Tinapik ko ang ulo niya at pinunasan ang luhang pumapatak sa pisngi niya.
"Makakaalis tayo dito, okay?"
Tumango siya at pilit ko siyang binigyan ng isang ngiti. Kahit takot rin sa susunod na mangyayari ay kailangan kong umastang malakas para kay Bea.
May narinig akong mga boses sa 'di kalayuan. Papalayo na ang boses kaya naman nilingon ko kaagad si Bea.
"Bea, kailangan nating humingi ng tulong sakanila. Hindi natin alam kung hinahabol pa ba tayo ng mga taga E-1 pero mas mabuti nang makaalis tayo dito kaagad,"
Tumango siya at sabay kaming tumakbo papunta sa pinanggagalingan ng mga boses.
Pagod na pagod na 'ko pero hindi ko parin makita kung sa'n galing 'yong mga boses na narinig ko kanina. Kailangan kong magbakasakali.
Kataka-takang wala nang mga estudyante sa campus. Hindi ako tanga para isiping hindi 'to set-up. Alam kong pinipigilan nila kaming magsumbong sa mga pulis at hindi nila kami palalabasin ng gano'n-gano'n nalang.
Ilang minuto narin nang mawala ang mga boses na naririnig ko kaya huminto na 'ko sa pagtakbo at habol-habol ko na ngayon ang hininga ko.
"Bea, bumalik na-"
Naalarma ako ng hindi ko makita si Bea sa likuran ko. Hindi ko namalayan kung nasa likuran ko pa ba siya kanina habang tumatakbo ako. Inilibot ko ang paningin ko pero hindi ko siya makita.
"Bea!"
Malapit ako sa quadrangle. Tinakbo ko ang distansya no'n at muling hinanap si Bea. Pero wala akong makitang kahit ano.
"Bea!"
Kasalanan ko 'to, kung hindi ko na siya niyayang humanap ng tulong sana hindi siya nawala.
"Bea! nasa'n ka?!"
Napayuko ako sa sobrang hingal. Inilibot ko pang muli ang mata ko sa paligid nagbabakasakaling hindi ko lang siya napansin. Pero kung nandito siya, kanina pa siya sumagot no'ng tinatawag ko siya.
Sa paglingon ko sa likuran ko ay ibang tao ang nahanap ko. Hindi ko alam kung galak ba o kaba ang mararamdaman ko.
"Gueyo,"
Ngunit hindi siya nag-iisa. Kasama niya si Knight at isa pang estudyante na alam kong parte rin ng E-1.
"Sa totoo lang, mabilis kang tumakbo ha? kaya lang nakakatamad kang habulin, kaya hinintay nalang namin na mapagod ka," ani Knight.
Bawat isa sakanila ay may dalang tubo. Napaatras ako sa takot sa kung anong pwede nilang gawin sa'kin.
"Gueyo, anong ibig sabihin nito?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Kung ano ang iniisip mo, tama ka,"
Iiling-iling akong umatras at no'ng medyo nakalayo na sakanila ay kinuha ko ang pagkakataon para tumakbo.
"Habulin niyo," rinig ko pa ang malumanay na utos ni Gueyo.
Maya-maya pa ay naririnig ko na ang mga yabag papalapit sa'kin. Sinubukan kong mas bilisan ang takbo ko pero hindi na kaya ng mga tuhod kong tumakbo pa.
Pabagal ng pabagal ang takbo ko at ilang sandali pa ay naramdaman ko nalang ang lakas ng hampas ng tubo sa ulo ko. My legs tremble and my head screams in pain. I heard a tingling sound in my head until I can't take it and it all went black.
Nagising ako na halos mapasigaw ako sa sakit ng ulo ko. As soon as I open my eyes, sinuri ko muna ang paligid.
Nasaan ako? ano lugar 'to?
Halos hindi ko na maaninag ang lugar dahil sa dilim. Kakaunting liwanag lang ang nanggagaling sa maliit na bintana sa itaas.
"May tao ba diyan?!" sigaw ko, nagbabakasakaling may tumulong.
Sinubukan kong tumayo ngunit doon ko lang napagtantong nakagapos pala ang mga paa at kamay ko. Gumulong ako sa sahig upang sumubok na umupo ngunit hindi ako nagtagumpay.
May narinig akong kaluskos na nanggagaling sa hindi kalayuan. Inaninag kong mabuti ang pinanggalingan ng tunog ngunit sobrang dilim ng lugar.
"M-may tao ba diyan?"
Takot man, kailangan kong magpakatatag dahil walang ibang makakatulong sa'kin kun'di ang sarili ko.
"Jelcy," halos hindi ko na marinig ang boses ng tumawag.
"B-bea?"

Comentário do Livro (90)

  • avatar
    Mak Kodok

    good

    19/08

      0
  • avatar
    Rizza Loreanne Palomata

    ganda ng story huhu

    25/06

      0
  • avatar
    Jayson Lapiguera

    wee

    22/05

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes