logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

The Heir

Masakit ang mga braso ko dahil sa mahigpit na pagkakatali nito sa aking likuran. Baluktot akong nkahiga na nakatagilid at nakapiring ang aking mga mata. Ito ang naramdaman ko ng ako'y magkamalay hindi ko maigalaw ang aking mga katawan. Sinubukan kong huminga at sumigaw ngunit ang aking bibig ay may nakadikit ng kung anong bagay. Pakiramdam ko'y may mabigat na nakadagan saking dibdib nang malaman kong ako ay bihag ng mga kung sinong tao.
      Napuno ng takot ang aking dibdib sa aking sasapitin. Please God save me from this danger wala naman po akong ginawang masama pero bakit may mga taong nagtatangkang tapusin ang aking buhay. Gusto ko mang mangiyak ngunit nakapiring ang aking mga mata ayaw lumabas ng luha ko, luha ng pangamba at takot. Saan ba nila ako dadalhin? Ito na ba ang wakas ng buhay ko. Kahapon, kanina, kagabi, ay di ko na alam kung ilang oras na ang lumipas nang makamtam ko ang tagumpay, The great highlights of my life tapos heto ngayon naghihintay ba sa akin ang aking kamatayan. Nasa gitna ako ng pagdadalamhati nang madinig ko ang boses ng mga nandukot sa akin.
    "Bossing saan ang tuloy natin nito?" boses ng isang lalaki na garalgal at may kalaliman.
   "Doon natin didispatsahin ang lalaking ito sa Nueva Ecija, pagkatapos niyan dun natin siya susunugin para walang makakaalam kung ano ang sinapit niya." isa pang boses na aking narinig mula sa aking harapan.
    
      Nakakatakot na halakhak na winasak ang nalalabi kong pag-asa.
    "Boss kailangan natin magpakarga ng gasolina ayun po may gasoline station tayong madadaanan" isang napakagandang tinig ng lalaki ang naiiba sa lahat ang aking naririnig.
    "Madali itago ang mga baril, Dagul takpan mo ang lalaking ito ng sapin."
     Pagkatapos nun ay nakaramdam ako ng telang bumalot sa aking katawan. Nag isip akong mabuti kung mag iingay ba ko para matulungan ako ng gasoline boy o pag aaralan ko ang kanilang kilos. On my observation tatlong boses ang aking nadidinig , dalawang boses ng mga matatanda at isang boses mas bata bata pa sa kanila. Tama tatlo silang kasama ko o mayroon pang silang kasama marahil di lamang nagsasalita o tulog.
    "Unleaded 500." sabi ng nakakabatang lalaki.
     Sa puntong yun ay nakaramdam ako ng gutom. Nagugutom ako dahil mula sa Awards night ay hindi pa ko nag dinner ng time na iyon. At kapag ganoon nag skip ako ng dinner ay maaga kong nagigising dahil nakararamdam ako ng gutom. Usually mga 6 in the morning ako ginigising ng aking stomach para kumain.
     Sa pagkakaalam ko wala naman sigurong kemikal na ginagamit sa pampatulog ang bisa ay dalawa o tatlong araw usually within a day lang ang bisa nuon. Tama wala pang isang araw akong nasa kamay ng mga demonyong to. Naka amoy ako ng sigarilyo.
     "Dagul buksan mo ang bintana nahihilo ako sa amoy ng sigarilyo mo."
      Maya maya pa'y naka amoy ako ng sariwang hangin tila mamasa masang   dahon o damo at bukod dun nakarinig ako ng kalabaw. Tama ba ang iniisip ko bukid itong tinatahak namin. Amoy bukid!
      Sa gitna ako ng pag iisio nang maramdaman kong biglang huminto ang sasakyan.
    "Carrangalan, Carrangalan mapupuno na ang jip".
    "Bakit tayo huminto?" tanong ng isang lalaki.
    "Boss yun mga pato kasi tumatawid." sagot ng bata bata ang tinig kumpara sa mga nagsasalita kanina.
   
    "Bilisan natin at tirik na tirik na ang araw, umaga na!"
      Maya maya pa ay umandar na muli ang kotse at sa pagkakataong ito'y wala ng hinintuan ang sasakyan. Pagkahinto ng sasakyan ay bumukas ang sasakyan tunog ng tila pintuan ng Van.
      "Madali ilabas yan lalaki, ipasok siya sa luob." Mabagsik na utos na sa tingin ki siya ang lider ng mga nangidnap sakin.
       Naramdaman kong dalawang lalaki ang kumuha sakin mula sa loob ng kotse, pagkatapos noon inutusan ng matanda ang mas batang lalaki na ako'y pasanin. Naramdaman ko ang matipunong katawan ng lalaking bumuhat sakin.
    "Hoy brusko mukhang gising na yan eh pakainin mo na baka mamatay na agad yan sa gutom, hindi pa tayo bayad sa serbisyo natin baka mamaya nagbago ang isip ng kliyente natin." Sabi ng tinatawag nilang boss.
      Tumunog ang pinto sabay ng pagpasok ata namin sa kwarto maingat niya akong iniupo sa isang papag dahil narinig ko pa ang pag langitngit nito.
      "Ump ump ump." nagpupumiglas ako ngunit wala kong magawa.
      Makalipas ang ilang saglit nakarinig ako ng may pumasok, kasunod ang tunog ng plato at tila kahoy  pinaglapagan, maya-maya ay tinanggal ang nakatapal saking bibig. Sa wakas ay malaya na ko makakahinga mula sa bibig ko.
     "Kumain ka na muna para magka lakas ka" sagot ng mas bata sa kanila na tinawag na brusko.
     "Nagpapatawa ka, Do you think makakain ako sa ganitong sitwasyon ko mamatay naman din ako later on or sooner, so bakit pa ko kakain?" litanya ko sa lalaki.
     "May pamilya ka ba? O mga kapatid ka ba? Paano kung minsan mapunta sila sa ganitong kalagayan? Makakatulog ka ba at di ka mag- aalala kung napaano sila o namatay sila sa kamay ng mga masamang taong kagaya mo?" patuloy ko.
 
    Ngunit nanatiling tahimik ang lalaki. Hindi ata gumagana ang pag reverse psychology ko sa kanya.
Lalaking tinawag na brusko POV
      Kung alam mo lang kung ano sinapit ng buhay ko, buhay ng pamilya ko na kagagawan ng pamilya mo. Naghirap kami dahil iniwanan kami ng ama ko dahil sa kasakiman ng lolo mo. Ngayon panahon na para makaganti kami. Makakaganti na ko para sa pamilya ko at ina ko.
  
     Patuloy kong tinitingnan ang tagapagmana ng Shau-chen Family. Nag uumpisa ng pumutok sa dibdib ko ang galit ko pero  nang makita kong pumapatak na ang mga luha sa kanyang pisngi. Nakadama din ako ng awa sa sasapitin niya pero hindi ko hawak ang tadhana mangyari ang dapat na mangyayari. Sumalok ako ng kanin at ulam sa kutsara para isubo sa kanya. Ngunit di nito binubuka ang kanyang bibig.
     Hindi naman ako likas na masamang tao nahahabag din ako sa kalagayan niya kahit malaki ang atraso ng pamilya niya sa akin. Ngunit sa isang banda mas nanaig ang awa ko sa kanya lalo na ng marinig ko ang kanyang sinabi.
    "Pakiusap pigilin mo sila na sunugin ang katawan ko hayaan mong malaman ng pamilya ko na wala na ko sa mundong ito".
      Humihikbi na siya sa pag iyak tila batang nakakaawa.
     "Kaysa naman buong buhay nila, araw at gabi silang umiiyak, mababaliw sa kakaisip kung saan man ako naroroon."
    "Tahan na kumain ka na." Halata sa boses ko ang lungkot.
      Napalambot nito ang puso ko hindi ko alam kung bakit, pero yun ang nararamdaman ko sa kanya sa mga oras na ito.
      "Pakiusap please kahit yun na lang ang gawin mo sa akin kunting awa para sa pamilya ko. Handa na ko mamatay pero hindi ko maatim sa kabilang buhay na makikita kong buong buhay nila ay mag iisip sila kung anong nangyari sakin."
       Halos madurog ang puso ko sa mga sinabi niya, mamatay na lang siya ngunit ang pamilya pa rin ang iniisip niya. Katulad ko din siya na palagi ang kapakanan ng ina at mga kapatid ko ang iniisip ko.
     "Kumain ka na para lumakas ka at maka laban ka pa". Pabulong kong sinabi sa kanya
      Tila napatingin sa dako ko ang lalaking ito kahit nakapiring mukhang na nahulaan niya ang gusto kong ipinahiwatig ko sa sinabi ko.
      Lumapit ako sa kanya halos yakapin ko siya upang maabot ko ang lubid at luwagan upang makatakas siya. Wala sa loob ko ang ginawa kong yun.
      "Iipit ko ang susi ng sasakyan sa kanang gulong kunin mo kapag nagkaroon ka ng pagkakataon makatakas dito, yan lang maitutulong ko sayo." bulong ko.
T*ng ina mali ang ginagawa ko pero bahala.
   "Salamat alam ko mula pa kanina ay hindi ka masamang tao alam kong hindi ka katulad nila."
      "Hoy pretty boy, brusko kung ayaw kumain wag mo ng pilitin tutal mamamatay naman din yan."
   "Pumunta ka sa bayan may ipabibili ako sayo."
   "Okay boss." at iniwan ko na ang lalaking bihag.
 
Aizen POV
      Nanatili muna ako sa ganoon ayos. Pinakiramdaman ko munang mabuti ang galaw nila. Mula sa kaninang ingay at wala na kong naririnig na tunog dahan-dahan ko ginala- galaw ang tali saking kamay mabuti na lamang at nilubos ng lalaki ang pagluwag ng pagkakatali. Mga 30 minuto na ang lumipas nakarinig ako ng malakas na paghilik.
     "Thanks God tulog na ang isa sa kanila pero nasaan kaya ang isa, kailangan ko na siguro kumilos habang tulog pa ang isa mas mahirap kalabanin ang dalawa. Makakayanan ko naman kong siguro ipagtanggol ang sarili ko laban sa isang demonyo na yon." bulong ko sa sarili
     Mabilis kong tinanggal ang aking piring at tali sa aking paa sinanay ko muna ang aking mata sa liwanag dahil magdamag akong nakapikit. Nang luminaw na ang aking paningin mabilis akong kumilos palabas ng kwarto bigla akong napatigil ng tumambad sa aking ang isa kong kidnaper sobrang taba pala nito.
      Kinuha ko ang baril sa lamesa para magkaroon ako ng proteksiyon at marahang lumabas ng lumang warehouse. Nakita ko ang sasakyan na tinutukoy ng lalaki kaya dali-dali kong tinungo yun.
     "Hoy pano ka nakatakas, boss yun bihag tatakas" sigaw ng isa pang  lalaking naliligo wala ng banlaw- banlaw at dinampot agad niya ang  kanyang mga damit.
   Nakita ko ang susi ng van at mabilis kong pinaandar ang sasakyan ngunit ayaw nitong magstart.
      "Diyos ko please umandar ka na iligtas mo ko sa mga demonyo na yun!"
      Nakita ko sa side mirror na  nagkukumahog ang lalaki para gisingin ang boss nila. Isa pang try at nag start na ang sasakyan mabilis kong pinaandar ang sasakyan binanggaan ko na gawa sa yerong gate upang tuloy-tuloy na makaalis.
Malayo na ang tinatakbo ng saksakyan nang maalala ko ang phone ko.
 
      "Nasaan na kaya ang phone ko nagpalinga-linga ako ngunit hindi ko makita.Kailangan ko tumawag para ipagbigay alam kung nasaan ako".
    Patuloy ako sa pagdrive nabuhayan na ko ng pag-asa makakauwi ako ng buhay sa pamilya ko pero di ako dapat magpaka kampante kelangan tuluyan akong makalayo sa masasamang luob na mga yon. Nasa napakalawak na bukid pa rin ang tinatahak ko, ineexpect ko na madadaanan ko ang kaninang narinig kong lugar kung saan may maraming tao.
     "Yes nakita ko na ang bayan sa dulo, sana may pulis station man lang dito sa lugar na ito kunti na lang" saad ko 
    Nang biglang nakarinig ako ng pagputok sa aking sinasakyan nagpa gewang gewang ang sasakyan naputukan ata ako ng gulong.
       "Diyos ko anong gagawin ko, pinihit ko ang break ngunit di ito kumakapit marahan lang ito gumagana shit nasira pa ata ang break ayokong bumangga sa madaming tao sa bandang iyon kelangan ko mapahinto ang sasakyan kaya bahala na ibabangga ko ito sa puno"
     Blaaaaaaaaggggggg!!!!!!
  

Comentário do Livro (139)

  • avatar
    BalonanFrancis

    good

    24/07

      0
  • avatar
    Dan Kenneth Mancilla

    wwui

    18/07

      0
  • avatar
    Dharryl Buslon

    This is so good

    12/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes