logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter One

Chapter One
"NANDITO NA PO AKO!" masiglang bati ni Ella sa kanyang magulang nang maisipan niyang puntahan ang mga ito sa hospital para dalhan ng konting pagkain ngayong hapunan. Pinilit niyang ngumiti sa harapan ng mga ito para itago ang tunay niyang nararamdaman. Pero bigla siyang natigilan nang maabutan niya ang isang pamilyar na lalaking kausap ang mga ito. Pakiramdam niya ay bigla na lang huminto ang oras nang magtama ang kanilang mga mata. 
Halos labing tatlong taon na ang nakalipas pero hindi pa rin niya magawang kalimutan ang mukha ng unang lalaking nagpatibok ng puso niya. Automatikong nagrewind sa kanyang aalala ang mga panahon noong mga bata palang sila. 
Mga panahon na magkasabay pa sila noong pumapasok sa school. 
Mga panahon na nagagawa pa nilang maglaro ng bahay-bahayan habang nakikilapaglaro sila sa mga kapatid nitong lalaki. 
Mga panahon na nagtapat na ito ng nararamdaman sa kanya. At matagal rin niyang hinintay ang pagkakataong iyon. May usapan pa nga sila noon sa Rizal Park pero nagkaroon ng kaguluhan doon. Hindi niya akalain na sa araw ding iyon ang huling araw na makikita niya ito. Wala na siyang naging balita rito matapos masunog ang bahay nito. Maski ang mga kapatid nito ay bigla na lang naglaho na parang bula. 
Nagawang ngumiti ng naturang lalaki sa harapan Ella.
Pati ang paraan ng pagkakangiti nito ay hindi pa rin nagbago. Ang mga ngiti nito ang isa sa mga magustuhan niya rito kaya hinding-hindi niya iyon makakalimutan. 
"Kamusta?" tanong nito.
Wala sa loob na nabitawan na ni Ella ang bitbit niyang plastic bag. Natitiyak niyang si Jinjin nga ang nasa harapan niya ngayon. Pero bakit parang nag-iba na ito? Bakit ibang Jinjin na yata ang kaharap niya ngayon? Pati ang istilo ng pananamit nito ay nag-iba na rin. 
Sa unang tingin palang alam na ni Ella na hindi basta-basta ang suot nito. Alam niyang noon pa na maputi ito, pero ngayon ay parang lalo itong pumuti. Para nga itong kumikinang na celebrity ngayon sa harapan niya.
"S-Sino ka?" tanging lumabas sa bibig niya. 
Napakunot ang noo ni Jinuel.
"Ano ka ba, anak? Nakalimutan mo na ba? Siya si Jinjin, ang kababata mo!" natatawang sagot ng Mama niya. 
Aktong magsasalita pa sana si Jinuel nang lumapit ang babaeng naka-office attire rito. 
"Sir, oras po..." anang babae. 
Nagpakawala na lang ng marahas na hininga si Jinuel. Saka humarap na lang ito sa magulang ni Ella. 
"Mang Lucio, Aling Sylvia, mauna na po ako! Huwag na po kayong masyadong mag-aalala, ang secretary ko na po ang bahala para sa dialysis ni Mang Lucio sa Sunday!" anito. 
Narinig naman iyon ni Ella kaya gulat siyang napatingin rito. 
"Maraming salamat talaga, Ijo!" mangiyak-ngiyak na sabi ni Aling Sylvia at halos hindi na mabali-bali ang pagyuko-yuko nito sa lalaki. 
"Nice to see you again, Ella!" pormal na naglahad ng kamay si Jinuel. 
Nagdadalawang-isip naman si Ella na tanggapin ang pakikipagkamay nito. Kung hindi pa niya nakita ang pagsenyas sa kanya ng Mama niya ay hindi siya makikipag-shakehands rito. 
May kung anong kuryente siyang naramdaman nang mahawakan niya ang kamay ni Jinuel. Pati ang texture ng palad nito ay lumambot. Parang nawala ang mga kalyo nitong tanda ng pagta-trabaho nito noon sa palengke, at sa pag-aasikaso nito sa mga nakakabata nitong kapatid noon. 
Saglit lang silang nagdaupang-palad pero pakiramdam ni Ella ay naiwan yata sa kanyang palad ang pabangong ginamit nito. Hinatid-tanaw na lang niya ang lalaki habang nasa likuran nito ang tatlo pang lalaki na akala mo ay mga cast ng 'Men In Black' sa mga suot nito. 
Hindi alam ni Ella kung nananaginip ba siya ng mga sandaling iyon, o talagang bang si Jinjin ang nakita niya? 
"Ano tatayo ka na lang ba d'yan, Ella?" sita sa kanya ng Mama niya. 
Doon na natauhan si Ella, at dali-dali na rin niyang dinampot ang nabitawan niyang plastic bag. Nagmamadali na rin siyang umupo sa gilid ng hospital bed ng Papa niya. 
"Hindi mo na ba talaga siya natatandaan, Ella?" tanong sa kanya ng Papa niya. 
"Natatandaan, kaso parang ang laki na ng pinagbago niya. Parang hindi na siya ang dating si Jinjin na nakilala ko," matapat niyang tugon sa kanyang magulang. 
"Nagulat nga rin ako. Tapos nag-offer pa siya ng tulong sa atin! Siya na daw ang bahala sa pang-dialysis ko," tuwa ng Papa niya. 
"Oy! Ang swerte ninyo! Kakilala n'yo pala ang may-ari ng hospital na ito!" komento ng babaeng bantay sa katabing kama ni Mang Lucio. 
"Po? Siya ba ang may-ari ng hospital na ito?" Gulat ni Ella.
"Isa siya sa mga board of directors ng hospital!" pagtatama ng Mama niya. 
"Pero parang ganoon na rin iyon, ate!" katwiran ng babae na hindi naman nila kilala.
Naguguluhang napatingin si Ella sa kanyang magulang. Ang dami pa sana niyang gustong itanong sa mga ito tungkol kay Jinjin pero hindi na sila tinantanan ng kwento ng babae. Nag feeling close na nga ito kaagad sa kanila. 
Hindi naman alam ni Ella kung ano nga ba ang dapat niyang maramdaman sa mga sandaling iyon. Saglit lang sila nagkaharap ni Jinjin pero pakiramdam niya, may saku-sakong bigas ang biglang dumagan sa kanyang balikat at dibdib. Nakaramdam din siya ng panliliit para sa kanyang sarili. 
Dati-rati magkasabay pa sila noong nagpaplano ni Jinjin para sa pag-aaral nila. Parehas nilang pinapangarap noon na maging isang doktor. Sabay silang kukuha ng board exam, at sabay magtatravel sa ibang bansa. 
Pero sa paglipas ng labing tatlong taon, mukhang nakamit na nito ang mga pangarap nito. Samantalang siya, heto pa rin siya. 'Ni isa sa mga pangarap niya ay walang natupad dahil sa kamalasang dumapo sa pamilya niya. 
Tatlong taon ang nakakalipas nang matuklasan nila ang sakit ng kanyang Papa. Simula noon hindi na ito nakakapagtrabaho. Ang Mama naman niya ay tumatanggap ng labada noon. Iyon ang rason kung bakit huminto na siya sa pag-aaral. At nagtrabaho na lang siya. 
Nanliliit siya. 
Nanliliit siya sa kanyang sarili dahil kahit gusto niyang maiahon sa kahirapan ang kanyang magulang sa kahirapan ay hindi niya magawa.
Baon pa sila sa mga utang! 
Kaliwa't kanan na rin nga ang pinapasok niyang raket, para lang pangtustos sa pangangailangan nila. Kaya lihim siya noon humahanga sa ate ni Jinjin na si Ate Lyra. Dahil kahit mag-isa lang itong nagtatrabaho bilang barista ay nagawa pa rin nitong buhayin ang pito nitong kapatid. 
"Nakapangasawa kaya si Ate Lyra ng mayaman kaya biglang umangat ang buhay ng mga ito?" bulong niya sa kanyang sarili. 

Comentário do Livro (2290)

  • avatar
    Sean Palor

    give me cp in codm plsss

    8d

      0
  • avatar
    Nico Aljure Gaffud

    sobrang ganda

    10d

      0
  • avatar
    Dulatre Roselyn Mintac

    "kayo ni jinuel sa pag papagamot sa papamo,gusto mo bang magkaroon Ng utang sa loob sa ex mong nag ghost Sayo?Ikaw narin nagsabi na nanliit ka sa sarili mo nang Makita mo ulit sya." "matagal tagal narin syang niyaya Ng mga kaibigan nya sa bar na pinag tratrabuhan Ng mga ito Minsan natutukso narin syang sumama Lalo na sa tuwing nalalaman nya kung gaano rin kalaki Ang kinikita Ng mga ito pero may dangal syang hinahawakan".omsm Ang Ganda hahahahahahhahaha Ganda Ng kwento nakakaiyak hahahha but good

    15d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes