logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

CODENAME: Doc (Book 2)

CODENAME: Doc (Book 2)

Jackie Tejero


PROLOGUE

AUTHOR'S NOTE:
Magandang Araw po! Bago po kayo magsimula sa kwentong ito, suggest ko pong basahin n'yo na po muna ang Book 1. 
Bisitahin n'yo lang po yung profile ko, at hanapin ang "CODENAME: Snow White" 
Maraming salamat po sa mga nagcomment sa mga past story ko. Aappriciate ko po ang lahat ng comment po ninyo. At isa po kayo sa mga inspiration ko. Promise, pagbubutihin ko pa po ang pagsusulat. 
Pagpasensyahan ninyo rin po pala kung may grammatical error. Wala naman po akong editor hehehe..
Sana po magustuhan po ninyo ang Book 2
Maraming Salamat po! 
Happy Reading! 
---------------------------
PROLOGUE
JINUEL INFANTES, he's real name. Pero Jinjin ang tawag sa kanya ng lahat. Ten years old lang siya noong masaksihan niya ang pagpatay ng hindi kilalang lalaki ang Mama niya. Simula noon, para na itong multong bumabalik sa kanyang alaala. Twelve years old naman siya nang matuklasan niya ang lihim ng kanyang Ate Lyra. At fifteen years old siya nang maging official agent na siya ng Secret Organization na kinabibilangan din ng iba pa niyang kapatid. 
Code Name: Doc. Iyan ang pangalan niya sa Organization. Nakuha ang Code Name niya sa isa sa mga SEVEN DWARFS ni Snow White, ang Code Name naman ng Ate Lyra niya. 
Halos siya rin ang pumapalit noon sa posisyon ng kanyang Ate Lyra kapag nasa trabaho ito. Siya ang nagbabantay ng anim pa nilang nakakabatang kapatid. Siya ang tumatayong inang nag-aasikaso sa mga ito sa pagpasok sa iskul. Siya rin ang nakatoka sa pagdating sa mga gawaing bahay. 
Minsan sumasagi na rin sa kanyang isipan ang sumuko. Pero iniisip din niya, kung nahihirapan man siya sa pag-aalaga ng kanyang mga nakakabatang kapatid, mas hirap ang Ate Lyra niya. Alam niya kung gaano kahirap ang trabaho nito. 
Ang buong akala ng Ate Lyra niya, wala siyang alam sa mga nangyayari. Minsan napapaiyak na lang siya sa tuwing may nakikita siyang bahid na natuyong dugo sa damit nito. Wala siyang ideya kung sino na naman ang pinaslang nito kapalit ang perang panggastos nilang magkakapatid.
Nasa training palang silang magkakapatid, may napatay na siyang isa sa mga tauhan ni Kuya Agustin. Halos hindi niya makilala ang kanyang sarili sa mga panahong iyon. Sanay na siya sa dugo dahil minsan na siyang sumad-line sa pagtitinda ng karne sa palengke. Pero iba pa rin talaga kung sa mismong kamay pala niya ito nawalan ng hininga. Lalo na't hindi naman hayop ang pinatay niya kungdi tao.
Halos mangatog siya sa sobrang takot. Halos umalingawngaw sa buong training camp ang malakas niyang sigaw dahil automatikong nagrewind sa kanyang utak ang eksenang pagbaril sa ulo ng kanyang Mama. 
Halos hindi siya noon makontrol ni Kuya Agustin. Nandidilim noon ang paningin niya, at nagawa pa niya itong tutukan ng baril. Natatandaan kasi niya ang mukha ng lalaking bumaril sa kanyang Mama, at kamukhang-kamukha ito ng kanyang bayaw. 
Kung hindi pa niya naramdaman ang pagyakap sa kanya ni Jun ay hindi pa siya matatauhan. 
"Kuya! Tama na! Tama na!" umiiyak na sabi nito.
Para nang binuhusan ng malamig noon na tubig si Jinjin. Doon niya napagtanto na nakatingin na sa kanya ang mga kapatid niya. May bahid na takot sa mukha ng mga ito. Pero sa lahat ng kapatid niya, tanging si Jun lang ang nakapagpakalma sa kanya. 
Si Jun, halos siya na ang nagpalaki rito. Ganoon din sila Tata at Jimmy! Kaya hindi siya papayag na may mangyari ritong hindi maganda. Kailangang niyang magpakatatag dahil siya ang pinagkakatiwalaan ng Ate Lyra niya pagdating sa kanilang kapatid. 
Sa kabila ng masayang mukhang pinapakita niya sa lahat ay isang madilim na katotoohanan na hindi na siya ordinaryong batang lalaking na nakilala ng iba. 
Labing-walong taon siya nang matuklasan na niya kung sino ang totoong pumatay sa kanilang Mama. 
Si Justin. 
Ang kakambal ng kanyang bayaw. 
Iyon na yata ang pinakamalaking pagsubok na naranasan nilang magkakapatid. Lalo nang iwan na sila ni Kuya Agustin. 
Sa edad niyang disi-otso, siya na ang tumayong kanang-kamay ng Ate Lyra sa mga resposiblidad na iniwan ng asawa nito. 
Lumipas pa ang sampung taon, bente- otso anyos na si Jinjin. Isa na siya sa kinikilalang pinakabatang negosyante sa bansang Pilipinas. Siya ang namamahala sa ilang negosyong iniwan ng Kuya Agustin niya. Kabilang na roon ang General Hospital sa Quezon City. 
Ito ang isa sa mga napili niyang pamunuan dahil isa noon sa mga pangarap niya ang maging isang doktor.  Pero hindi na rin iyon natuloy dahil sa biglaang pag-iwan sa kanila ng bayaw nila. 
Pero ang hospital na iyon ang madalas niyang bisitahin. 
Nang araw na iyon ay nakatanaw siya sa glass window ng Board Director Office, kung saan natatanaw din niya ang iba't ibang klaseng pasyenteng tumatambay sa malawak na bakuran ng hospital. May mga bata at matanda. Babae at lalaki. 
Pero napakunot ang noo ni Jinuel nang may makilala siyang isa sa mga pasyente. Nangangayayat ito at bahagyang may katandaan na rin. Pero hindi siya maaaring magkamali. Ito si Mang Lucio, ang mabait na kapitbahay nila noon sa Tondo. At kasama nito ang asawa nitong si Aling Sylvia.
Halos labing-tatlong taon na rin noong huli niyang nakita ang mag-asawa. Wala na rin siyang naging balita sa mga ito matapos masunog noon ang bahay nila. 
Dahil sa kanyang nakita, kaagad niyang pinatawag ang secretary niyang si Miss Natalie. Pinakuha niya ang medical record ng naturang lalaki. Doon niya natuklasan na may sakit itong diabetes, at kasalukuyang nakaschedule for dialysis.
May kumurot na awa sa dibdib ni Jinjin nang malaman niyang humihingi lang pala ito ng tulong sa mga Government Foundations para pambayad sa mga gamot nito. Hindi pa nga aaprobahan ang nakapending nitong dialysis sa darating na Linggo.
Tumindig na si Jinjin sa kanyang kinauupan. Dumiretso siya sa labas ng opisina. Taas noo siyang naglakad sa malawak na hallway ng kanilang hospital kasunod ang kanyang secretary at tatlo niyang bodyguard sila Ernesto, Harry at Troy.
Pinuntahan niya ang public ward ng mga pasyenteng kapus-palad. Napatingin sa kanya ang lahat. 
May natulala pa.
Eksakto pang nakasuot siya ng light gray na polo na tinernuhan niya ng dirty white na American Suit. Kaya kung tignan siya ng mga taong nasasalubong niya sa daan ay para siyang anghel na nagbigay liwanag sa lugar na iyon. 
Pero sanay na si Jinuel sa mga ganoong tingin. 
Dumiretso siya sa male ward kung saan kaagad na hinanap ng kanyang paningin ang naturang mag-asawa. Nakita niya si Mang Lucio na nasa sulok, at nakatingin lang sa bintana. 
"Magandang hapon po, Mang Lucio," nakangiting bati niya rito. 
Maang napabaling ng tingin ang naturang lalaki sa kanya. Napakunot naman ang noo Aling Sylvia na parang inaalam kung magkakilala ba sila nito.
"Ako po ito si Jinjin, nakalimutan n'yo na po ba ako?" ngumiti siya. 
Nanlaki ang mga mata ng dalawang matanda nang maalala na siya. Mabilis na nangilid ang luha sa mga mata nito.  
"I-Ikaw ba talaga iyan, Ijo?" umarko ang mga kamay ni Mang Lucio.
Umupo naman siya sa gilid ng kama nito para maabot siya ng matanda. Nagawa nitong hawakan ang magkabila niyang pisngi. 
"Kamusta ka na? Ang laki na ng pinagbago mo! Hindi kita nakilala! Ang mga kapatid mo, kamusta na? Nasaan na sila ngayon? Ligtas ba?" sunud-sunod na sa tanong nito. 
"Opo, ligtas po kami!" tuwa niyang sagot rito.
"Ang tagal nating hindi nagkita, buti nakilala mo pa kami?" mangiyak-ngiyak namang sabi ni Aling Sylvia, "Ang laki-laki mo na!" 
"Hindi ko po kayo maaaring makalimutan!" tuwa niya. 
Nagsimulang magkwento ang dalawang matanda tungkol sa mga napagdaanan nito sa buhay. Naging emotional ang mga ito sa kanyang harapan. 
Nasa malalim na silang pag-uusap nang dumating ang nag-iisang anak nitong babae. 
"Nandito na po ako!" anito pero bigla itong napahinto nang magtama ang kanilang mga mata. Parang automatikong nagrewind sa isipan nila ang mga naging alaala nila noong mga bata pa sila. 
Si Ella Bartoces, ang first love niya. 

Comentário do Livro (2290)

  • avatar
    Sean Palor

    give me cp in codm plsss

    8d

      0
  • avatar
    Nico Aljure Gaffud

    sobrang ganda

    10d

      0
  • avatar
    Dulatre Roselyn Mintac

    "kayo ni jinuel sa pag papagamot sa papamo,gusto mo bang magkaroon Ng utang sa loob sa ex mong nag ghost Sayo?Ikaw narin nagsabi na nanliit ka sa sarili mo nang Makita mo ulit sya." "matagal tagal narin syang niyaya Ng mga kaibigan nya sa bar na pinag tratrabuhan Ng mga ito Minsan natutukso narin syang sumama Lalo na sa tuwing nalalaman nya kung gaano rin kalaki Ang kinikita Ng mga ito pero may dangal syang hinahawakan".omsm Ang Ganda hahahahahahhahaha Ganda Ng kwento nakakaiyak hahahha but good

    15d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes