logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 2

Venus,
"All of you follow me!"
I went inside the meeting room after stating the password. Nagulat pa ako dahil imbes na The master is here ang sabihin ng computer,
"Welcome, Deemon's Queen."
I secretly smiled, taking a seat on Marcus' swivel chair. Ang sabi sa 'kin nila Uno ay magkakaroon din ako ng sarili kong upuan at desk kagaya ng kay Marcus.
"Welcome, Deemons. Please be seated, the meeting will start soon."
The side of my lips formed an amused smile. I looked up and noticed the speaker. Siguro roon nanggagaling ang boses sa t'wing may papasok duto sa loob.
Nang makaupo silang lahat ay agad akong umayos ng upo. Ang ilan sa kanila ay nagtataka kung bakit biglang nagkaroon ng meeting, ang iba naman ay tila kinakabahan. May ilan namang seryoso lang, lalo na ang Devils.
Kinuha ko ang tinawag ni Uno na Deemon Brotherhood Files. I really love the color but I have no choice to do it. "Watch this," sambit ko at sinumulang punitin ang mga 'yon.
Nakita ko ang gulat sa kanilang mga mukha. Napatayo pa sila Uno at Tres dahil sa ginawa ko ngunit hindi ko sila pinansin at nagtuloy-tuloy lang. Si Dos naman na siyang pinakamalapit sa 'kin ay nagtatangkang hablutin ang folder, ngunit agad ko siyang binigyan ng matalim na tingin.
Matapos ko iyong punitin ay agad akong naupo at tiningnan silang lahat. "Magkakaroon tayo ng bagong rules and regulation, and I'll be the one who will create it."
"Q-Queen, baka magalit si Master," saad ni Uno nang taasan ko siya ng kilay dahil kanina pa siya hindi mapakali.
"Don't mind about him," I said, showing him an assuring smile. "Let's start, nasaan 'yung laptop?"
"I-Ito po, Queen!" ani... Ano nga ulit pangalan niya? I'm so bad at remembering people's names.
Hm, I'll just call them A1 hanggang hindi ko pa name-memorize ang mga pangalan nila. Alagad ni Uno, A1.
"Good," I simply said and face the Deemons. "Gusto kong tandaan niyo lahat ng sasabihin ko. Let's start with the General Rules."
Rule 1: Be nice to each other.
Rule 2: Respect each other.
Rule 3: Never backstab each other.
My eyebrows knitted when they started typing something on their phones. Akala ko hindi sila nakikinig but Tress told me na tina-type nila roon ang mga sinasabi ko.
Rule 4: Some ribbing is allowed, even encouraged, but only if it strengthens bonds.
"That's our General Rules," sambit ko at pinaulit sa kanila iyon. Napangiti ako nang makita silang sumusunod lahat.
Ganiyan nga, sundin niya ang maganda niyong reyna.
"Basic Rules. Much of being a gangster is about principles and the right attitude towards life, your fellow humans, your relationships, and yourself."
Even though I was new to their group, I knew a lot about what they had. And from what I've seen and read, I couldn't believe that they lasted seven years.
Rule 1: Works towards the greater goods.
Rule 2: Protect who and what you value, even from yourself, if need be.
Rule 3: What others think about you doesn't matter.
I heaved a long sigh. Before, what matters to me the most is the opinion of other people. Then I realize that what truly matters most is your own opinion of yourself. Only you know what your life has been like, what you are capable of, and what you want to achieve. Only you can see all that and form an opinion that has taken everything from your life into consideration.
People will talk. They always have. And they always will. No matter what you do or say, how you behave, the way you walk or dress, how you act, or the decisions you make, will always be scrutinized by others.
Rule 4: Don't pick on anybody who can't fight back.
Napansin kong nagtigilan sila sa sinabi ko. I bet hindi sila sang-ayon at marami ang magvi-violate sa rule na 'to.
Rule 5: Pay your debts and dues, and fulfill your promises.
Rule 6: Family and friends matter. Know where your loyalties lie.
Rule 7: Respect everyone until there's a good reason not to.
"And last..." I let out a sigh before smiling at them.
Rule 8: Keep improving.
"Rule no. 8 is very important Deemons. Because the world never stops changing, and neither should you," I said as I looked at them."Maliwanag ba?"
"Yes, Queen!" sagot nilang lahat kaya napangiti ko. Mababait naman pala sila at mukhang masunurin.
"Sige na, makakabalik na kayo sa ginagawa niyo," I said and reclined on my seat.
Agad naman akong nilapitan ng lima nang makalabas ang mga miyembro ng Deemon.
"Are you sure with this, Queen?" tanong sa 'kin ni Singko. Nakaramdam naman ako ng kaunting kaba nang isipin ang magiging reaksyon ni Marcus.
No. Hindi dapat ako kabahan.
"O-Oo naman, akong bahala kay Marcus," sagot ko at ningitian siya.
"Okay, ipapa-print ko na 'to," ani Uno at dinala ang laptop palabas.
I just stared at them blankly and let out a long sigh. I just did the right thing, didn't I?
"You're unbelievable, Queen!" nakangising saad sa 'kin ni Tres. Unbelievable agad?
Napailing ako."Itinama ko lang naman 'yung rules niyo," natatawa kong sagot habang palabas kami. "Wala ba kayong gagawin?" tanong ko pa sa kanila.
"A-Ah, ako tatapusin ko 'yung pinapagawa ni Master," sagot ni Tres at nagmamadaling umalis.
"I-che-check ko nga pala 'yung mga trinabaho nila," saad naman ni Singko at sumunod kay Tres.
"Kayong dalawa?" tanong ko kay Dos at Kwatro.
Ningisian naman nila akong pareho. "Magluluto kami, Queen," sagot ni Dos.
Tumango-tango naman ako. "Sige, pupunta lang akong kwarto."
Agad akong nahiga sa kama at tumitig sa kisame. Napabuntong hininga ako, kung hindi kaya ako nailigtas ni Marcus wala ako ngayon dito? Hindi ko kaya makikilala ang grupo nila?
Unang araw ko palang pero bakit parang na-attach na kaagad ako sa kanilang lima? I don't know pero magaan kaagad ang pakiramdam ko sa kanila, but not to the point that I fully trust them already. I always have to leave a room for doubt.
To be honest, I want to know about them. Gusto ko silang makilala isa-isa. Gusto kong maintindihan ang purpose ng grupo nila. At gusto kong tulungan sila.
* * * * *
Nalimpungatan ako nang makarinig ako ng ingay mula sa labas. May pamilyar na boses akong nagsisisigaw sa labas at ang masaklap ay rinig na rinig ko iyon dito sa kwarto ko. Mukhang sa salas nanggagaling ang sigaw.
"Ano ba 'yon?" I asked, sleepy. I stood up from my bed and leaned my back against my room door. I yawned and crossed my arms across my chest.
Hinihintay kong may dumaan kahit isa rito upang may mapagtanungan ako.
"Who made this fucking rule?!"
Napabalikwas ako ng tayo. Mabilis akong dumungaw sa ibaba at nakitang nakahilera ang Deemons, nakayuko habang nasa unahan nila ang galit na galit na si Marcus. Hawak-hawak nito ang itim na folder at galit na tumingin sa kanila.
Uno raised his hand bravely."M-Master-"
"Just answer my fucking question Deemons!" he shouted, cutting his word short. Parang kulog ang sigaw niyang iyon. Nakakatakot.
Kumunot ang noo ko sa inasal niya. Bakas ang galit sa mukha nitong namumula at mga tingin niyang akala mong nakakamatay. Kitang-kita ko rin ang takot sa mga kasamahan nito. Halos lahat sila ay nakayuko. May napansin pa akong tila nanginginig ang mga kamay sa sobrang takot.
Agad akong bumaba nang kumuha si Marcus ng lighter mula sa bulsa niya. Balak na sana niyang sindihan ang folder nang pigilan ko siya.
"A-Ako," sagot ko. Lihim kong kinurot ang tagiliran ko.
Maging matapang ka sa harap niya Venus.
"Ako ang gumawa n'yan," I fiercely said. I tried my best to keep staring at his eyes but my gaze went down. Sobrang sama niya makatingin. "B-Bakit? Tama lang naman 'yang ginawa ko, ah."
"Who told you to do this?" tanong nito at itinaas ang itim na folder. "Without my permission, huh?"
I rolled him my eyes. "Ako, bakit may mali ba sa ginawa-"
"Ginawa mo 'to ng hindi man lang nagtatanong sa 'kin?" he cut my words short. I felt the nerve in my temple throbbing. Kailan ba lahat ikukunsulta muna sa kaniya?
"Para naman sa ikabubuti ng grupo 'yan Marcus. Ano bang problema?" I said, annoyed. Kinuha ko ang folder mula sa kaniya. Halos mapunit na 'yon sa sobrang higpit nang pagkakahawak niya. "Nabasa ko lahat ng nakasulat sa ginawa mong rules, at puro sa 'yo patungkol lahat 'yon." I then gave him a sharp look. "Paano naman sila?" tanong ko sabay tingin sa mga kasama namin.
He sighed heavily and massaged the bridge of his nose for a bit to calm himself and probably convince himself to be more patient. "I'm the master here."
"I'm the queen here," panggagaya ko rito kaya mas lalo ako nitong tiningnan ng masama. Tila nasa harapan ko ngayon si Kamatayan, sinusundo ako."W-What?"
"Kinakalaban mo ba ako hm, lady?" tanong nito at inilabas ang baril niya. Awtomatikong napahakbang ako paatras. Kapag talaga nakikita ko ang baril niyang iyon ay nawawala lahat ng tapang ko.
Napatingin ako sa mga kasama namin na nakangiwing nanonood sa 'min ni Marcus. "W-Why would I?"
"Para kampihan ka nila at itakwil ako-"
I halted him by laughing my ass out. I couldn't believe him! Itakwil? Lalim, ah. Nagpatuloy ako sa pagtawa nang ikasa ni Marcus ang baril na hawak niya.
"I'm serious."
Seryoso rin naman ako.
"Bakit ka naman namin kakalabanin Marcus? It's for the sake of our gang after all!" I told him.
"Tsk! Your pissing me off, lady," singhal pa niya. Pa-lady lady pa siyang nalalaman.
Muli kong dinampot ang itim na folder at humarap sa kaniya. "Okay, fine. Kung ayaw mo pupunitin ko nalang-"
"Queen, h'wag!"
"Huwag naman, Queen!"
"Queennnn!"
Napalingon kami ni Marcus sa mga kasama namin. Lahat sila ay pinipigilan ako. I looked at Marcus and tried my very best not to laugh at pur situation right now. "Ano? Pupunitin ko na 'to-"
"Don't, payag na 'ko," putol niya sa 'kin. Thus the discussion is over and I won!
I turned my back at him and faced the Deemons. Sa sobrang tuwa nila ay hinila nila ako at niyakap.
"Stay. away. from. them," madiing utos nito habang nakatutok sa 'min ang baril niya.
Agad akong napahiwalay sa kanila. "Selos si Master," rinig kong bulong ni Uno.
Ano raw? Nagseselos si Marcus? Saan naman?
"Back to work!" sigaw ni Dos. Kaagad namang bumalik sa kani-kanilang ginagawa ang mga Deemons.
"Kayong lima? Anong panghinihintay niyo? Ihanda ang training room!" utos naman ni Marcus sa kanila. Walang imik namang sumunod ang lima sa kaniya. Sobrang angas nila kapag uutusan ang mga members nila pero para silang maamong tuta kapag si Marcus ang kaharap.
"T-Training Room?" I echoed, my eyebrows knitted.
He smirked. "May ituturo ako sa 'yo."
"A-Anong ituturo mo sa 'kin?" kinakabahang tanong ko rito. Napaatras ako nang unti-unti ako niya akong lapitan.
Wala na akong maatrasan kaya napasandal na lamang ako sa pader. "I will you tell you later. Magbihis ka muna," he whispered to my ear before walking away.
"Argh! Nakakabwiset talaga siya!" inis kong sabi at nagmartsa papuntang kwarto. Matapos kong magsuot ng jogging pants at white shirt ay agad akong humarap sa salamin. "Ano naman kayang klaseng training ang ibibigay sa 'kin ng lalaking 'yon?"
"Queen, pinapatawag na kayo ni Master!" rinig kong sigaw sa 'kin ni Uno matapos niyang kumatok ng dalawang beses.
"Susunod na 'ko!" sigaw ko at nagmamadaling sinuklay ako buhok ko. Nang makalabas ako ay ang mukhang nakangiti ni Uno ang sumalubong sa 'kin. "Halika na!"
"Excited ka ata, queen?" saad nito habang pababa kami ng hagdan.
Umiling naman ako. "Hindi ko nga alam ang ituturo sa 'kin ng master niyo."
Mahina itong natawa. "It's all about being a gangster, queen." sagot nito.
I got frozen for a while. "I-Ibig sabihin-"
"Kayong dalawa, ano pang tinatayo-tayo niyo riyan?" Naputol ang sasabihin ko nang biglang sumulpot si Marcus.
Agad na sumunod si Uno rito kaya mabilis ko silang sinundan. Pumasok kami sa isang silid na walang masyadong kagamit-gamit. Tulad sa meeting room ay kailangang i-state ang password at may nag-we-welcome rin sa 'min.
They're all siting on an oblong shaped table except Dos who remained standing there. Marcus reached for the remote. May pinindot siya roon at ilang sandali lamang ay lumitaw sa harap ko ang boxing ring. Napaatras pa ako sa gulat. Ilang beses akong napairap sa mga AM na pinagtatawanan ako.
AM, alagad ni Marcus.
"Anong gagawin natin dito?" I asked. Marcus gestured me to get inside the boxing ring, and I did. Dos did the same.
"Being a gangsta, you must be fit as possible," panimula nito habang pinapaikot ang ballpen sa kaniyang mga daliri. "Kailangan matuto kang makipaglaban.Kailangan alerto ka dahil hindi mo alam kung kailan darating ang mga kalaban," dagdag pa niya at sinenyasan si Dos. Gulat akong napatingin kay Dos nang sugurin ako nito. Mabuti na lamang at mabilis akong naka-iwas.
Ngunit hindi pa roon natatapos iyon. Muli akong sinugod ni Dos panay ang suntok niya na mabilis kong naiiwasan.
What the freaking hell? Bakit ako sinusugod ng demonyong ito?
"Ahh!" daing ko nang matamaan ako nito sa panga. Inis akong tumingin dsa kaniya at gumanti ng suntok.
Naiiwasan nito ang iba kong atake ngunit may ilan din namang tumatama sa mukha nito. Grabe naman! Anong nang gagawin ko? E, hindi naman ako sanay rito. Ginagaya ko lamang ang ginagawa niya at iniiwasan ang mga atake niya.
Mabilis ang galaw ni Dos. Panay ang suntok niya kaya't hindi ko na alam kung paano umiwas. Nasuntok nito ang labi ko dahilan para bumagsak ako.
"Aray ko!" I touched my lips and my eyes widened when I saw blood on my fingers. "What the freaking hell?!"
"Labanan mo siya Venus! Hindi 'yang puro ka daing!" sigaw sa 'kin ni Marcus. Naiinis na nga ako rito kay Dos, sumasabay pa siya. Sinong hindi mapapadaing?! Anong akala niya sa katawan ko, bakal?!
"Kung ikaw kaya rito? I'm a girl for pete's sake! Tingin mo kaya ko 'tong si Dos?!" galit kong sigaw pabalik dito. Sobrang sakit na nang katawan ko. Panigurado ay magkakapasa ako sa braso at binti ko na sinuntok at sinipa ni Dos.
Arghh! I really hate him!
"I understand that not everybody can become Bruce Lee. Just do what you can, Queen, according to your abilities," saad sa 'kin ni Dos at muli akong hinamon.
"I will kill you!" bulong ko rito at sinugod siya. Binuhos ko ang buong lakas ko para gantihan ito. Isang malakas na suntok ang binitawan ko at tinamaan ito sa kaliwang mukha niya dahilan para matumba siya.
Agad ko siyang dinaganan at pinagsusuntok nang buong lakas niya akong tinulak. Siya naman ngayon ang nasa ibabaw ko. Para kaming mag-asawang nagkakapisikalan dahil walang pambayad ng kuryente at tubig.
"That's enough!" sigaw ni Marcus kaya mabilis akong nilayuan ni Dos. Parehas dumudugo ang mga labi namin. May black eye at mga pasa rin siya pero parang wala lang iyon sa kaniya.
Samantalang ako, hindi na 'ko nakabangon pa sa sobrang sakit ng katawan ko. Aalalayan na sana ako ni Dos pero agad kong itinaas ang kaliwang kamay ko.
"Wait a minute. A-Ang sakit ng katawan ko. Damn you!"
"Tayo na riyan. Umpisa palang 'yan," rinig kong utos ni Marcus na ikinagulat ko. What did he just say?!
I looked at him in disbelief, leaving my lips parted. "Umpisa palang? Can't you see? Puro pasa na 'ko!"
"Anong gusto mong gawin ko?" masungit na tanong nito sa 'kin. Napairap ako rito at matalim na tumingin kay Dos.
"This is all your fault!" I exclaimed, giving him a sharp look.
Napangiwi siya."Napag-utusan lang, Queen, hehe."
"Kailangan mong matuto ng self defense and mixed martial arts, Venus," sambit ni Marcus saka ako hinila patayo.
"A-Aray! Dahan dahan naman!" singhal ko at inagaw ang braso ko rito. Can't he see? Kung katawan niya kaya ang ipabugbog ko kay Dos?
Hindi niya ako pinansin."Let's go-"
"Master, hindi ba muna natin siya pagpapahingahin?" tanong ni Uno.
Tiningnan niya si Uno ng masama at muling tumingin sa 'kin. "Hindi-"
"Ang sakit na ng katawan ko Marcus, please?" pagmamakaawa ko rito, nagbabakasaling umapekto. Maganda naman ajo at kayang kong magpa-cute. Hindi ko na talaga kaya. Ni hindi man lang nga ako nakapag-stretching bago lumaban, e.
He licked his lower lip. "I said, no."
Napanguso ako. "Akala ko ba magpatner tayo?" pabulong kong tanong. Inis akong tumingin dito at sinalubong ang tingin
He threw one final glimpse at me. "Halika na."
"May nalalaman pang queen, pinahihirapan naman ng king. Tsk!" bulong ko. Napahinto ako nang humarap ito sa 'kin.
He then sighed. "F-Fine, bumalik ka na sa kwarto mo."
Nabuhayan ako sa sinabi niya. "Talaga?" paninigurado ko. Tumango naman siya, hindi ako tinitingnan. "Thank youu!" tuwang-tuwang sambit ko at napayakap pa ruto.
"L-Let go of me or I'll shoot your head," maawtoridad nitong utos kaya agad akong napabitaw sa kaniya. Hindi ko naman sinasadya. Nadala lang.
"Sorry, hehe." Tinalikuran ko siya. Nailang ako bigla.
Ano ba naman, Venus! Bakit ba kasi niyakap mo ang lalaking 'yan? Masama ugali niyang Marcus na 'yan!
"You may go," saad pa niya kaya agad akong lumabas ng silid na iyon. Mahirap na at baka bawiin pa niya. Hindi ko na talaga kaya. Mabuti nalang at nakaalalay sa 'kin sina Uno at Kwatro.
Nagpasalamat ako sa dalawa nang marating namin ang kwarto ko. Agad akong nahiga sa kama matapos isara ang pinto. Sobrang sakit ng katawan ko kaya hinayaan ko nalang ang sarili kong makatulog sa sobrang pagod.
* * * * *
Narrator,
"Where is she?" tanong nito sa mga kasamahan niya. Magmula kanina ay hindi pa niya nakikita ang dalaga.
"Hindi parin lumalabas ng kwarto niya, Master," sagot ni Uno bago sumubo ng pagkain nito.
"Dadalhan ko nalang ng pagkain si Queen, Master." saad naman ni Dos dahil tapos na itong kumain.
"Prepare her foods. Ako na ang magdadala," sambit nito at iniwan ang pagkaing hindi pa nababawasan. Matapos ihanda ni Dos ang pagkain para sa dalaga ay agad niya itong kinuha at dinala sa kwarto nito.
Napahinto pa siya nang makita ang dalagang mahimbing na natutulog. Ni hindi man lang nito nilinis ang kaniyang mga sugat.
Doon lamang niya napagtanto na nahirapan talaga ang dalaga sa pakikipaglaban kay Dos. Lumitaw na ang mga pasa niya sa katawan at mukha kaya matapos ibaba ni Marcus sa lamesa ang pagkaing dala niya para rito ay kumukha siya ng cold compress. Agad niya iyong inilagay sa gilid ng labi ng dalaga.
Naalimpungatan si Venus."A-Anong ginagawa mo?" tanong nito sa pagitan ng kaniyang paghihikab.
Dumistansya naman ito sa kaniya. "Bakit hindi mo man lang ginamot 'yang mga sugat mo?" tanong niya at idiniin ang cold compress sa mukha nito.
"A-Aray!" daing nito at inilayo ang braso niya.
"Kumain ka na," saad nito at inilapag sa harap ng dalaga ang dinala niyang pagkain para rito. Napahinto ang dalaga. Hindi niya inaasahan na magiging mabait ito sa kaniya.
"Anong meron?" tanong nito sa kaniya na ipinagtaka ng binata. "Anong meron at ang bait bait mo ngayon?"
Saglit na nanahimik ang binata. "Kumain ka nalang at magpahinga. I know you're tired," sagot nito sa kaniya. Ngunit mukhang hindi kumbinsido ang dalaga sa naging sagot niya.
"Bakit nga?" pagpupumilit nito sabay subo ng pagkain niya.
Napabuntong hininga naman ito bago sumagot. "Of course, you're my queen and I-I'm your king." Napahinto ang dalaga sa sinabi nito at tumingin sa lalaki. Naiwan pang nakabuka ang bibig nitong katatapos lang isubo ang pagkain. "And as your patner, I must do everything to protect and take care of you."
Mas lalong nagulat ang dalaga sa sinabi nito. Palihim siyang napahawak sa kaniyang dibdib nang maramdaman ang biglang pagbilis ng tibok ng puso niya.
"Finish your food and take a rest," dagdag pa nito at tuluyan nang lumabas ng silid niya.
***
The Lost Princess Series II
by: thesweetest_thing

Comentário do Livro (49)

  • avatar
    Ronielyn Arguelles

    it's so very nice story, 😊 I like it🥰

    27/07

      0
  • avatar
    mark angelo

    Angelo

    08/07

      0
  • avatar
    DudoyanJessie

    so beautiful story

    08/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes