logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 7

Kinabukasan ay tanghali na ako nagising. Nagkatuwaan pa kasi kagabi kaya late na kami natapos.
Pangalawang araw na namin ngayon at hanggang ngayon ay wala pa akong plano kung anong gagawin ko. Baka mabagot naman ako kung dito lang ako sa rest house. Yung iba ay may kanya-kanyang plano. Napag usapan nila yon kagabi.
"Sama ka nalang samin." anyaya ni Sebastian.
Balak nilang mangisda kung kelan ay hindi pa nila alam. Yung iba naman, gaya ni Matthew at Derrick ay pupunta sa circuit, ang iba ay mananatili dito buong linggo.
Kinapa ko ang cellphone ko sa ilalim ng kama at nakitang alas-onse na ng umaga. Sinaksak ko sa charger ang phone, nag ayos ng mukha bago mag pasyang lumabas na ng kwarto.
Sa sala ay nakita kong natutulog pa sina William at Sebastian. Habang sa gilid ay nakita ko si Vernon na nakaharap sa laptop, nag sasalita ng Chinese.
Marahan akong humakbang patungong kusina para kumuha ng tubig. Nakasalubong ko doon si Jackson na may hawak na tasa ng kape. Naka earphone, nang makita ako ay tinanggal nya iyon at ngumiti sa akin.
"Good Morning," bati niya. Ngumiti naman ako at bumati din pabalik.
Sa itchura at bihis niya ay mukhang may lakad siya. Naka black inner shirt na pinatungan ng itim na polo at maong pants.
"Saan punta mo?" tanong ko. Gumilid ako para makadaan at para makakuha ng bottled water sa ref.
"Mag g-grocery kami ni Dani at Jake. Kulang ang stocks, e. Gusto mong sumama?"
Kung kanina pa ako gising ay papaunlakan ko ang aya niya, pero dahil kagigising ko lang at matagal ako gumayak, humindi nalang ako.
"May prefer ka bang ulam? Ako kasi mag luluto ngayon."
"Marunong ka din mag luto?" natawa siya sa tanong ko habang ako ay gulat. Ilan ba silang marunong mag luto?
"Oo, madalas kasi ay Chinese food ang niluluto ko pag nag rerequest sila.. pero madami din akong alam na ibang putahe bukod doon kaya kung ano gusto mong ulam, maluluto ko yon."
Namangha ako sa sinabi niya. Kung titira pala sila sa iisang bahay at mamumuhay ng mag kakasama, hindi sila mahihirapan. May marunong mag luto at mag linis ng bahay. Ano pa ba ang hindi nila kayang gawin?
"Surprise me.." hamon ko kay Jackson na syang pinaunlakan niya naman.
"May pag kain na sa labas, kain kana lang doon."
Nag isip pa ako ng anong pwedeng gawin. Dala-dala ang digi-cam ay lumabas ako at nag tungo sa dining hall. Walang ibang tao doon. Nasan kaya ang iba?
Kinain ko ang pag kain na nakahanda doon. Nang matapos ay nag ligpit at tyaka nag pasyang pumunta sa main house.
Sa sofa, malapit sa pinto ay nakita ko si Owen. Napatingin siya sa akin ng pumasok ako sa pinto.
"Nasan sila?" tanong ko ng makitang walang ibang tao doon bukod sa kaniya.
"Yung iba nangisda, yung iba naman ay nandyan lang sa paligid. May kailangan ka?"
Umiling ko. "Wala naman, sige una na ako."
Dapat pala sumama nalang ako kina Jackson.
Umakyat ulit ako sa upper house at nag tungo sa entertainment room. Natuwa ako ng makita sina Stan at Joshua sa loob.
May hinuhulmang clay si Joshua habang si Stan ay may inaayos na mga blocks. Sabay silang napatingin ng umingay ang pinto.
"O, gising kana pala. Kumain kana?" tanong ni Joshua. Lumapit ako sa kaniya para tignan kung ano ginagawa niya.
"Yup, kakakain ko lang."
Hinuhulma niya ang clay sa hugis ng isang platito.
Ang galing!
"Ang hirap naman nito!" rinig kong reklamo ni Stanley sa kabilang sulok.
"Ano ba yang binubuo mo?"
Sa kanya naman ako lumapit para tignan yung ginagawa niya.
"Eroplano.."
Pero sa nakikita ko ay hindi hugis eroplano yung ginagawa niya.
"That's one of the basic, Stan. Nahihirapan ka pa?" ani Joshua ng hindi tumitingin sa gawi namin.
At tama siya dahil nung makita ko ang disenyo na naka print sa box ay hindi naman komplikadong buuin.
"Hindi naman ako magaling dito.."
Iniwan ko ang dalawa at nag pasyang pupunta nalang sa tabing dagat. Doon kahit wala akong gawin ay maaaliw ako. May pag babadya ng pag-ulan pero hindi ako nag patigil.
Tinaas ko ang digi-cam. Bawat nadadaanan ko ay kinukuhanan ko ng video. Nakakaaliw dahil may mga paro-paro pa akong nakita. Ang lalaki at ang gaganda.
Nang makababa ako ay namataan ko sina Derrick at Henry. Kahit malayo ay naaaninag ko na sila. Naka topless sila at nag babatuhan ng tubig.
Lumapit ako sa kanila at agad naman silang napatingin sa akin.
"Hoy, uulan na! Hindi pa ba kayo aahon?"
Nasa mababaw lang sila na parte kaya kitang kita ko ang katawan nila, habang ang baba ay natatakpan ng kulay asul na tubig. Ang kanilang short ay maluwag na naka sabit sa bewang nila kaya napaiwas ako ng tingin.
Bigla akong nag sise kung bakit pa ako lumapit.
Dati ay hindi ako naiilang kahit madatnan ko silang topless. Ngayon ay para bang malulusaw ang tuhod ko.
They are all well builded. Their muscles are in place. Tama lang sa katawan nila at hindi exagerated.
Kumaway si Henry sa akin at ngumiti habang si Derrick ay hinahawi ang buhok patalikod at tyaka ngumiting tumingin sa akin.
"Jin- oh! Kinukuhanan mo ba kami ng video?" natatawang sabi ni Henry kaya naman halos ibagsak ko ang digi-cam ng mapansin ko na nakatutok pala sa kanila yon. Hindi ko namalayan na naka-record pa!
Sabay silang tumawa at nakuha pang mag pose ni Henry.
"Baliw!" sigaw ko.
"Lika na, Henry. Lumalamig na yung hangin." sabay na silang umahon ng mag aya na si Derrick.
Hindi pa man nakakalapit ay tumalikod na ako sa kanila at nag martya na pabalik sa rest house.
"Una na ko, ah!" sabi ko ng hindi tumitingin sa kanila. Baka hindi ko na kayanin kung makita ko ng malapitan yung mga katawan nila.
Narinig ko pa ang pag tawag nila sa pangalan ko pero hindi na ako lumingon. Ang limang minutong pabalik sa rest house ay naging tatlong minuto dahil sa pag mamadali ko. Pag dating ko sa upper house ay nakasalubong ko ang bagong gising na si Sebastian.
"Namumula mukha mo.."
Shit!
"Mainit lang sa labas, kaya siguro." sabi ko at hindi na tumingin sa kaniya.
"Mainit?" takhang tanong ni Sebastian nang makita nyang makulimlim naman sa labas. Agad-agad naman ako dumeretcho sa kwarto at nag pakalma.
Damn, SYZYGY. Kung sisikat kayo paniguradong mababaliw ang mga fans nyo sa inyo.
Nanalagi ako sa loob ng upper house dahil bumuhos na ang malakas na ulan. Pag labas ko ng kwarto ay naabutan ko si Sebastian sa may pinto na nakatayo, may kausap sa phone.
"Nasan na kayo?"
Wala pa din hanggang ngayon yung mga nangisda kanina kaya hindi mapakali itong si Sebastian kaka tawag sa kanila. Ang mga nag grocery naman ay kadarating lang.
He seems like a father of twelve childrens.
"Mag-ingat sa pag drive, Matt at malakas ang ulan,"
Binaba nya ang tawag at nag buntong hininga.
"Malalaki na mga iyon, Seb." sabi ko at bumaling ng tingin kay Vernon na nasa online class pa din.
Binuksan ko ang t.v at pumunta sa Youtube para manood ng MV nila. Hininaan ko 'yon para hindi ko maabala si Vernon.
"Hindi ko maiwasan..." si Sebastian. "Pag hindi sila kumpleto sa paningin ko, hindi ako mapakali."
Napangiti at iling na lang ako. Bilib talaga ako sa leadership niya. Minsan na ako naging leader sa mga school activities namin at masasabi kong mahirap na i-handle para sa akin ang apat na tao, what more sa kanya na may hawak na isang-dosenang makukulit.
"How's the life being a leader?" wala sa sariling tanong ko sa kanya habang nanonood ng MV nila na nag p-play na sa malaking screen.
Umupo sya malapit sa akin. "Okay lang naman, mahirap pero dahil nakikipag cooperate naman ang lahat, nagiging madali lang para sa akin."
"Minsan kana bang napagod sa kanila?"
"Normal lang mapagod pero kahit ganon hindi sumagi sa isip ko na bitawan sila. Siguro na-adopt ko na yung pagiging kuya sa kanilang lahat kahit ako ang pinaka bata sa aming mag kakapatid, ako naman pinaka matanda dito sa grupo. Feeling ko, ako ang pundasyon nila at kung susuko ako? Ano mangyayari sa kanilang lahat?"
Napatingin ako sa kaniya habang siya ay nakatingin sa screen ng TV. Watching his part.
SYZYGY is so lucky to have a leader like him. May paninindigan at iniisip ang nararamdaman ng lahat.
Minsan nga ay nabalitaan ko na sumugod sya sa CEO at nag demand ng pahinga para sa grupo dahil masyado silang pinagod nung unang labas nila sa madla. Siya lang ang may lakas ng loob iboses ang nararamdaman lalo kung pinag uusapan ay kapakanan ng buong grupo. Mas importante sa kaniya ang kalusugan ng lahat kaysa sa career.
Nung nalaman ko iyon ay mas lalo akong humanga sa kaniya.
"Hindi ka pa ba nag sasawa sa pag mumukha namin at nakuha mo pang ulit-ulitin yang MV?" si William ng lumabas siya sa kusina. May dalang mug at nilapag iyon sa lamesa ni Vernon.
Natawa ako. "Dagdag views din ito,"

Comentário do Livro (64)

  • avatar
    Ma Sarah Mabini Ebit

    nakaka excite na habang tumatagal sa pagbabasa 😊

    11/08

      0
  • avatar
    Amero Mauna

    ok 👍👍👍👍👍👍👍👍👍👍👍👍👍👍👍👍👍👍👍👍👍

    13/07

      0
  • avatar
    Xavier Zantua

    super ganda nang story sana mag ka next chapter na

    01/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes