logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 6

"Did I heard it right? Nandyan ka sa rest house nila Joshua?"
"Yes and kasama ko silang lahat, hindi lang ako mag isa." 
Napairap ako sa ere dahil sa sunod-sunod na bulyaw ni Lumine sa kabilang linya. Tumawag kasi siya para mag yaya ng mall ngayon dahil madaming sale kaya nagulat siya ng sabihin kong nasa bakasyon ako kasama ang SYZYGY.
"Gaga ka! Bakit hindi ka nag sabi sakin? Buong akala ko nasa bahay kalang!"
"Isama mo nalang yung kambal mo kung saan ka pupunta. Susunod naman sayo yon,"
"Ayoko nga! Para akong may hawak na salamin!"
Nandito ako ngayon sa maliit na tulay. Ang man- made na ilog ang syang nag paparelax lalo sa ambiance ng paligid kasabay pa ng mga punong banayad lang na sumasabay sa agos ng malamig na hangin. 
Sa malayo ay natanaw ko ang aking kapatid kasama si Matthew na nakasakay sa maliit na bangka. Nag hihiyawan at nag tatawanan. Nang lumubog ang maliit na bangkang sinasakyan ay mas lalong lumakas ang tawa nila.
"Hoy, Yunjin. Nakikinig kaba?" 
"Ano ulit sabi mo?"
Inilihis ko ang paningin ko sa kapatid at binaling ulit ang atensyon sa kausap.
Hindi ko na nasundan ang sinasabi niya dahil lumakbay na ang isip ko sa maliit na bangka na 'yon.
She sighed. "Ang sabi ko, ngayon na nandyan ka panigurado kasama mo sya."
Kahit hindi ko sya tanungin ay alam ko na agad kung sino tinutukoy nya.
"And so?"
"Anong balak mo?" 
"Wala akong balak, Lumine. Ano ba yang pinag sasasabi mo?"
"Like mag co-confess ka or something?"
Napatingala ako dahil sa mga pinag sasasabi ng kaibigan. Sa tingin ba nya, may balak ako? Mag enjoy at makalanghap ng sariwang hangin lang ang nasa utak ko ngayon, yun lang. At isa pa, hindi pa ganoon kalalim yung nararamdaman ko para kay Derrick para mag confess. I like him, alright? It's because of his talent that attracted me to like him. He has this beautiful and powerful voice that's why he is one of the main vocalist. Kung hindi lang binge ang madla, maski sila ay hahangaan din ang boses ni Derrick, and aside to his voice, he is a good dancer and also a good cook. Ano pa bang hindi kagusto-gusto kay Derrick? 
"Wala akong balak mag confess okay?" pag kaklaro ko sa kausap. "Oo gusto ko yung tao pero wala sa isip ko yung mga bagay na yan-"
"May gusto ka kanino?" 
Halos mahulog ako sa ilog dahil sa gulat nang biglang sumulpot si William sa gilid ko. Suot ang beannie at ang makapal na eye glasses, kung hindi mo sya kilala ay mapag kakamalan mong masungit at suplado. Wearing a terno hoodie and sweatpants, he looked at me full of curiosity.
Hindi na ako nag paalam kay Lumine at tarantang pinatay na agad ang tawag. Nag taas sya ng kilay dahil sa reaksyon ko kaya mas lalo akong kinabahan.
"K-kanina ka pa?" nauutal kong tanong.
"Kadarating ko lang. Papunta akong gazeebo at wala nading ibang daan bukod dito sa tulay kaya hindi ko sinasadya na marinig ka." paliwanag nya. "Sha, mauna nako." dagdag niya. Tinapik nya pa muna ako sa balikat at tyaka ako nilagpasan.
Teka? 
Napakurap ako habang tinatanaw ang likod nyang papalayo. Well, even if he is loud and sometimes cold, he is not the type of person that will cross the line specially if it's private. Pero sa isipan na alam niyang may gusto ako sa isa sa mga kaibigan nya, para bang mahihirapan akong gumalaw pag nandyan siya. 
Kaya nang mag gabi at nandito kaming lahat nakasilong sa malaking trapal ay napapansin ng iba ang balisa sa aking mukha. Hindi ko matago ang kaba. Paano kung i-kwento ni William yon? Pano kung pag usapan nila ako? Hindi niya naman siguro gagawin sakin yon diba?
"Okay ka lang? May sakit ka ba?" napatalon ako ng ilapat ni Stanley ang palad niya sa noo ko, at dahil sa gulat ko ay nagulat din siya. 
"O-oo okay lang."
"Hindi ka ba nilalamig? Gusto mo samahan na kita sa loob?" alalang tanong ni Jake. Umiling ulit ako at kumuha nalang ng marshmallow sa supot.
Kasalukuyan kaming naka-palibot sa maliit na bon fire. Dapat ay sa tabing dagat pero sabi ng iba ay dito nalang dahil masyado ng malamig. 
Kung mag explain kaya ako kay William? At bakit naman ako mag e-explain sa kaniya? 
Nafu-frustrate nako! Gusto kong sabunutan sarili ko!
Wala sa sariling napatingin ako kay William. Nang mag tama ang paningin namin ay una akong nag iwas ng tingin. Matalino sya kaya panigurado ako na ang kinikilos ko ngayon ay lalo lang nag patunay na tama ang mga narinig niya kanina. 
Sa prisensya nya ay mas lalo akong kinakabahan.
"Doon lang muna ako sa tulay," kay Daniel ko 'yon sinabi dahil nasa tabi ko lang din naman sya, pero halos silang lahat ay napabaling ng tingin sa akin.
"Sure ka bang okay ka lang?" si Derrick naman ngayon ang nag tanong, aambang lalapit pero inunahan ko na ng tayo.
"Baka malamok doon," ani Sebastian at nilahad ang jacket. "Suotin mo muna 'to." 
"Salamat," nilagpasan ko si Derrick na nanatiling nakatayo. Kinuha ko ang jacket ni Sebastian at tyaka nako nag martya patungong tulay.
Kung papansin ko pa sya ay feeling ko malalaman agad ni William kung sino yung taong tinutukoy ko sa call kanina.
Nang makalayo ay para bang nabunutan ako ng tinik. Isang gabi palang kami dito, mahaba habang araw pa ang natitira, hindi naman pwede na umiwas lang ako ng umiwas sa kanila dahil paniguradong mag tataka na sila.
Should I act normal nalang? 
May kung ano kasi kay William na nag papakaba sa akin lalo. Siguro dahil sa kanilang lahat, sya ang pinaka seryoso kahit minsan ay maingay at weirdo.
Naupo ako sa isang malaking papag malapit sa tulay. Hindi madilim sa pwesto ko, kaya kung sino man ang pupunta ay makikita ko agad.
Napatingala ako sa bilog na buwan. Bahagya akong kumalma ng makita ang ganda nito. Sobrang lapit ng buwan dito kumpara pag nasa syudad ka. Ang relaxing. Isabay pa ang ingay ng mga insekto at ang agos ng ilog. Parang hihilingin ko nalang na dito tumira. Masyadong payapa at malayo sa lahat. 
Mula sa buwan ay nilipat ko ang paningin ko ng may maramdaman akong tumabi sa akin. Nakita ko si William na umupo sa tabi ko at tumingin na rin sa buwan.
"Mukha kang balisa kanina.." sabi niya ng hindi tumitingin sa akin.
Nakatuko ang dalawa niyang kamay sa likod bilang suporta habang payapang nakatingala sa buwan.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Sabihin ko ba na may gusto ako sa kaibigan niya? Paano kung mag kwento siya sa kanila? Paano kung mag iba tingin nya sa akin bigla? 
Hindi ko na alam. 
Pinag laruan ko ang laylayan ng jacket ni Sebastian, nag babakasakaling makakuha ako ng mga salita doon.
"I'm sorry," nag tama ang paningin namin ng lumingon ako sa kaniya. Sya ang unang nag iwas ng tingin at tinanaw ulit ang buwan. "I didn't mean to hear you and I dont have any intention to tell them what I heard from you." 
Napako ang paningin ko sa kaniya. Hindi pa din alam ang sasabihin lalo na ng marinig ko 'yon.
"Kaya sana ay wag ka mailang sa akin." 
Ang kaninang mga tanong ko ay para bang nabigyan niya lahat ng sagot. 
"I-It's just a crush, anyway. I just admire him." pag kukumbinsi ko. Hindi para sa kanya kundi para sa sarili ko. Ayoko maging big deal 'to at ayoko maging dahilan pa ito para hindi ko ma-enjoy tong bakasyon. 
Buong akala ko ay tatanungin niya kung sino yung tinutukoy ko pero bagkus ay tumayo sya.
Nakapamulsa na sa harap ko. 
"I won't tell them don't worry. You can trust me." he smiled so I smiled as well as he assured me. 
Bumalik sya sa pinanggalingan niya kanina. Habang ako kay pinalipas muna ang ilang minuto para i-absorb lahat ng sinabi niya sa akin. I know that I can trust him with this secret. At isa pa, wala naman siyang idea kung sino 'yon kaya panatag na rin ako.
Bumalik ako sa kanila na magaan na ang loob.
Nandoon padin silang lahat. Nag taas sila ng tingin sa akin ng makalapit ako, they ask me if okay na ba ako and I assured them with a smile.
"Kung iisipin kong may gusto ka kay Jin, iisipin ko talagang nag confess ka doon kanina." si Henry.
"May pag sunod, Will?" gatong ni Matthew.
"May balak pa ngang sumunod si Joshua kanina kung hindi lang naunahan ni William. Wat's wrong with you guys? May gusto ba kayo kay Jin?" natatawang sabi ni Vernon kaya napatingin ako kay Joshua na bahagyang namula.
Napuno ng ingay ang paligid nang tuksuhin ng iba ang dalawa. Nangingisi si William habang si Joshua ay dinidepensahan ang sarili.
Bigla kong naalala yung pinag usapan namin kaya wala sa sarili din akong napangiti.
"Kung meron man, bakit hindi?" pabirong sabi ni William kaya nag hiyawan ang iba maliban kay Jake na umaapela na. 
Napailing nalang ako at wala sa sariling napatingin kay Derrick. May hawak syang isang latang Heineken. Tinungga nya yon at kahit wala ng nakakatawa ay tumawa sya para makasabay lang sa agos ng pinag uusapan. 
Hindi ko namalayan na nag tagal ang tingin ko sa kaniya dahil sa sunod-sunod na pag bukas nya ng lata ng alak. Sa gilid nito ay nakita ko si William, may konting bahid pa ng ngiti sa kanyang labi ng mag tama ang paningin namin pero unti-unti yon nawala ng tumingin siya sa pinanggalingan ng mata ko. Para bang isa kaming malaking palaisipan sa kanya kaya nag balik-balik ang tingin niya sa amin. Sa akin at sa walang kamuwang-muwang na si Derrick. 
Makahulugan syang ngumisi ng may mapagtanto. 

Comentário do Livro (64)

  • avatar
    Ma Sarah Mabini Ebit

    nakaka excite na habang tumatagal sa pagbabasa 😊

    11/08

      0
  • avatar
    Amero Mauna

    ok 👍👍👍👍👍👍👍👍👍👍👍👍👍👍👍👍👍👍👍👍👍

    13/07

      0
  • avatar
    Xavier Zantua

    super ganda nang story sana mag ka next chapter na

    01/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes