logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Kabanata 7

Lizzie'POV
"Lizzie, hija, halika kumain ka na muna." pag-aaya sa akin ni Imelda.
Magmula nang dumating ako ay hindi na ako umalis sa tabi ni tatay. Gustong gusto kong bumawi kay tatay, kahit sa ganito lang na hindi pag-alis sa tabi niya ay makabawi ako.
Tinititigan ko lang ang ma amo nitong mukha, para lang siyang natutulog sa sarili niyang kama. Maayos ang pagkakamake-up nito, parang bumalik sa kabataan nito ang itsura niya ngayon.
Si Imelda ang nag-eentertain sa mga nakikiramay. Wala akong ibang kinausap, hindi nawawala ang tingin ko sa gwapong mukha ni tatay.
"Hindi ako gutom." malamig kong sagot kay Imelda.
Narinig kong bumuntong hininga ito at maya-maya ay umalis na rin. Hindi pagkain ang kailangan ko ngayon.. oras ang kailangan ko.
Gusto kong ibalik ang oras, para makabawi ako sa mga pagkukulang ko sa kanya bilang isang anak. Hindi siya nagkulang sa akin bilang ama ko, pero ako ay aminado akong malaki ang naging pagkukulang ko.
Naramdaman kong may humawak sa kamay ko at hinatak ako papunta sa kung saan. Nakatingin lang ako sa kamay nitong nakahawak sa akin. 
Nang nakarating na kami sa kusina ay ini-upo niya ako. Tahimik lang akong nakatitig sa lamesa. Hindi ko alam kung sino ang taong humatak sa akin papunta rito. 
Umangat ang tingin ko nang maglapag ito ng pagkain sa lamesa.
"Kumain ka muna." malamig na salita nito sa akin habang nakatingin lang sa plato. 
Tinitigan ko lang ang isang platong may lamang kanin at ulam. Nag-umpisa nang magreact ang tiyan ko, kumakalam na ang sikmura ko dahil sa naamoy kong pagkain na nasa harapan ko. 
"Kumain ka na muna kako." 
Hindi ko ito kinibo at sinunod. Nakatingin lang ako sa plato habang blangko ang expression ko. 
"Kahapon ka pa walang kain, maski tulog ay hindi mo magawang isingit. Gusto mo na bang sumunod sa tatay mo?"
Dahil sa sinabi nito ay automatic na sumama ang timpla ng muka ko. I didn't like what I heard come out of his mouth.
I stared at Tyron wickedly. "Kung ano man ang gawin ko ay wala kang pake. Buhay ko 'to. Gagawin ko lahat ng gusto ko. It's none of your f*cking business. Step brother lang kita, you're not even my real brother. Don't cross the line." 
Pagkabitaw ko ng mga katagang iyon ay tumayo na ako at muling bumalik sa kinaroroonan ni tatay, kung saan siya ay nakahiga na animo'y para lamang siyang natutulog. Wala akong ibang gusto kung hindi ang maibalik ko ang oras at makabawi ako sa lahat ng mga pagkukulang ko bilang isang anak sa kanya. 
Bumalik ako sa dati kong kinauupuan at tahimik na binantayan lang si tatay. 
"Ang malas mo naman yata, mars? Biruin mo, parang kailan lang kayo lumipat sa bahay nila Lucio pero namatay agad." 
"Oo nga, mare. Hindi pa man din kayo naikakasal pero kinuha na siya agad ni Lord. Pano naman yung shop niya? Sino na ang magpapatakbo non?" 
Nakikinig lang ako sa usapan ng mga babaeng 'to habang kausap si Imelda. 
Tumaas ang kilay ko ng bigla kong narinig ang paghikbi nito. Hindi ko man siya makita ay sapat na ang mga narinig kong paghikbi niya para masabi kong pinepeke lang nito ang pag-iyak.
"S-sino pa ba.. ako na lang ang magpapatakbo non. H-hindi ka marunong maawa, L-lucio.. bakit mo ako nagawang... i-iwan?" maramdamin nitong pagsasalita habang patuloy lang ang peke nitong pag-iyak.
"Kawawa ka naman, mars. Paano na ang anak nitong si Lucio? Ang alam namin ay sumama sa ibang lalaki ang nanay niya, eh." salita ng isang babaeng kausap ni Imelda.
"Bali-balita rin sa amin yan, mars. Kaya nga saludo ako dito kay Lucio, biruin mo ay wala yan naging bisyo, iniisip niya ang kapakanan ng nag-iisa niyang anak. Hay! Kawawang bata, iniwan na nga ng ina, namatayan pa ng tatay." anang isang babae. 
"Kung pagkuwentuhanan niyo ako parang wala ako rito sa harapan niyo, ah?" 
Hindi na ako nakatiis dahil kating kati na ang tainga ko sa mga pangchichismis na ginagawa nila sa amin ni nanay.
Nanlaki ang mata ng dalawang kausap ni Imelda habang ito naman ay patuloy lang sa pagpunas sa mata nitong hindi ko nakikitaan kahit ni isang butil manlang ng luha. 
"N-nandiryan ka pala, hija." kinakabahang ani ng isang babae.
"Oo, at rinig na rinig ko ang mga pinagsasabi niyo sa akin at sa nanay ko. Hindi kami iniwan ni nanay para sa isang lalaki, hindi niyo siya kilala, wala kayong karapatang sabihin yan."
"Hindi naman kami ang may sabi non, hija. Mula iyon sa baryo namin, mabait kasi ang tatay mo kaya naman kilala siya sa lugar namin." pangangatwiran naman ng isa pang babae.
"Kahit na kanino pa 'yan nagmula ay wala pa rin kayong karapatan na pagchismisan ang buhay namin! Hindi mo kilala ang nanay ko kaya wala kang karapatang siraan siya! Hindi na kayo nahiya, nasa burol kayo ng tatay ko tapos pag-uusapan niyo ang nanay ko!? Mga chismosa!"
"Lizzie!" tumayo si Imelda sa harap ko at sinuway ako. 
"What!? Hindi ba't mga chismosa naman talaga itong mga kaibigan mo? Bakit kailangan pa nilang siraan si nanay? Hindi niyo ba naisip na may ibang taong pwedeng makarinig at maniwala sila sa mga paninira niyo kay nanay!? Ang tatanda niyo na pero kung umasta kayo ay para kayong mga walang isip!" 
"Enough.." ani Imelda. 
Hindi ko ito pinansin at patuloy lang ako sa pagsasalita. "Bakit kailangan niyo pang pag-usapan ang pamilya ko? May sarili naman kayong buhay bakit pati buhay ng ibang tao ay kailangan niyo pang ungkatin!" 
"I said enough! Alam kong mali ang mga nasabi nila pero hindi mo kailangan pagsalitaan sila ng ganyan! Matanda sila sayo, matuto ka namang rumespeto sa mas nakatatanda sayo!" 
"Ikaw ang tumigil, Imelda!" nagsisimula nang mag-umpukan ang mga dumalaw kay tatay, nanonood sa amin sa loob. "Alam mo na pala na mali ang ginagawa nila pero bakit hindi mo manlang sila nagawang suwayin? Patuloy ka lang sa pakikinig sa kanila habang pinepeke mo naman 'yang pag-iyak mo! Saka ano? Respeto? Bakit ko sila rerespetuhin kung ang tatay kong dinalaw nila ay hindi nila magawang respetuhin!? Dumalaw lang ba sila para pag-usapan ang pamilya namin? Kung oo.. pwes hindi namin kailangan ng pakikiramay niy-!"
Naramdaman kong may malakas na sumampal sa pisngi ko dahilan ng paghinto ko sa pagsasalita. 
Hindi ako nakaramdam ng sakit mula sa pisngi ko. 
Nangingibabaw pa rin sa akin ang sakit na nangyari kay tatay. 
"Yan ba ang tinuro sayo ng tatay mo, Lizzie!?" ani Imelda. 
Binawi ko ang mukha kong tumabingi dahil sa malakas na sampal nitong dumapo sa pisngi ko. "Hindi.. hindi ganito ang turo sa akin ni tatay. Pero hindi na 'ko bata, Imelda. Anong gusto mong gawin ko? Magtanga-tangahan? Magbingi-bingihan? Na kahit naririnig ko ang mga pinagsasabi niyo ay hahayaan ko na lang? Kung si tatay ay matitiis niya ang ganitong mga pag-uugaling meron kayo, pwes ako ay hindi! Hindi man ako tinuruan ni tatay na maging ganito pero may isip ako para malaman kung tama pa ba mga sinasabi niyo o hindi! Masyado kayong mayayabang para pag-usapan ang pamilya naming wala namang ginagawang masama sa inyo! Hintayin niyong mahanap ko si nanay, at pag nahanap ko siya ay kukumpirmahin ko agad sa kanya kung totoo ba ang mga pinagsasasabi niyo sa kanya!" 
"P-pasensya na.." anang isang babaeng kausap ni Imelda kanina. Bakas sa mukha nito ang pagkaguilty.
"No, don't be sorry. Hindi niyo kasalanan iyon, wala kayong nagawang kasalanan para humingi ng sorry dahil una sa lahat, hindi kayo ang nagkalat ng ganoong chismis. At hindi rin naman natin alam na baka nga talagang sumama sa ibang lalaki ang mal*nding nanay niyan!" ani Imelda habang nakatingin sa akin ng diretso.
Naikuyom ko ang kamao ko. 
"Talagang tinatak mo sa isip mo ang mga sinasabi nila against kay nanay? Sige, nasaan ang proweba niyo para masabing sumama sa ibang lalaki ang nanay ko? Nasan!?" nagsimula nang magwala ang puso ko.
Sobrang bigat ng dibdib ko. Wala na silang piniling lugar, mapaburol man ni tatay ay sinisiraan nila ang pamilya ko. 
"Ano na naman ba 'to, Lizzie!?" napatingin ako sa may-ari ng boses na 'yon. Hindi ko ito sinagot at humarap lang sa dalawang kausap ni Imelda kanina. Bumuntong hininga ako bago nagsalita. "Labas.." mahinahong saad ko. 
Hindi pa rin sila tumitinag. Nakatingin lang sila kay Imelda na umiiling, sinasabing huwag sila susunod sa akin.
Napapikit ako sa galit. Talagang kinakalaban ako ng babaeng 'to. "Hindi ba kayo lalabas?" tanong kong muli sa kanila. Hindi pa rin sila tumitinag kaya naman hindi ko na napigilan ang sarili ko.
"Labas!" malakas kong sigaw habang nakaturo sa pintuan namin na naging dahilan ng mabilis nilang paglabas.
Tahimik ang lahat, walang gustong magsalita sino man.
Tuluyan nang lumabas ang dalawa at sinamaan naman ako ng tingin ni Imelda. Uupo na sana ako ng bigla kong naramdaman ang pagdakot ng kamay nito mula sa buhok ko. Masakit iyon, pakiramdam ko ay mapupunit ang anit ko dahil sa lakas ng pagkakahitak nito. 
"Wala ka nang galang, maski ako ay kinakalaban mo na!? Kung nagagawa mo 'yan sa tatay mo, pwes sa akin ay hindi uubra 'yan!" malakas itong tumili habang dakot nito ang buhok ko. 
Nag-umpisa namang lumapit ang mga taga roon, ang iba ay nanonood lang at ang iba ay gustong gustong umawat kay Imelda na mahigpit ang pagkakadakot nito sa buhok ko. 
Marami ang nagbalak na awatin si Imelda pero lahat iyon ay umurong nang bigla niya silang sunggaban upang hindi sila matuloy sa paghawak sa kanya. 
Para siyang isang asong ul*l sa ina-asta nito.
Dahan dahan naman akong humarap sa kanya at dinakot ko rin ang ulo nito. Kapwa namin hila ang buhok ng isa't isa. "Kahit kailan ay hindi kita tinuring at ituturing na ina!" malakas na sigaw ko rito habang hindi bumibitaw sa pagkakahila ko sa buhok niya. 
"Hindi ko kailangang maging ina sa'yo, ang kailangan ko lang ay ang yaman ng tatay mo! Wala akong pake sa'yo, hindi ko kailangan ng opinion mo!" 
Dahil sa narinig ay lalo kong hinigpitan ang pagkakahila ko sa buhok nito na naging dahilan ng malakas na pagtili nito. Alam kong nasaktan siya sa paghila kong 'yon, hindi pa ako nakuntento at binitawan ko saglit ang buhok niya gamit ang isa kong kamay at mariin kong pinagkakalmot ang muka nito. Mula mata hanggang sa labi nito ay pinuno ko ng kalbot, lalo itong tumili sa sakit. 
Hahablutin rin sana nito ang muka ko nang may biglang humatak sa akin palayo sa kanya. 
"Tama na!" anang boses ng isang lalaki, si Tyron. Malakas ang nagawa nitong paghila sa akin dahilan ng pagkakahiwalay namin ni Imelda. 
Pulang pula ang muka nito sa galit, maging ang kalmot ko sa mata hanggang labi nito ay kapansin pansin rin. 
I smirked at her na lalong nakapagpatriggered sa kanya. Akma pa itong susugod sa akin pero mabilis siyang na-awat ng mga kapit bahay namin. 
"Sumosobra ka na talagang bata ka! Akala mo ba ay papalampasin ko 'tong ginagawa mo!?" galit na galit ito.
"I don't care! Do what ever you want. Wala akong pake sa nararamdaman mo." 
'Let's see kung hanggang saan ang kaya mo, Imelda.'
 
Nag-usap ang mga mata naming kapwa nagliliyab dahil sa galit.
Nagulat ako nang biglang may humatak sa kamay ko at hinila ako nito sa kung saan. Nagpumiglas ako nang makitang si Tyron na naman ito. Ugali ba niyang humatak ng kamay at manghihila na lang kung saan saan? 
"Ano bang problema mo!?" I angrily asked him.
Hindi niya 'ko pinansin kahit pa nagpupumiglas na ako. "Ano ba!? Nasasaktan ako!" 
Nang makarating kami sa kwarto ko ay tinulak niya ako pahiga sa kama ko. Natakot ako sa ginawa niya dahil sobrang nakakatakot ang muka niya sa mga oras na 'to.
"Hindi ka ba nahihiya sa tatay mo?" mahikli nitong tanong pero nandoon ang ma-awtoridad sa boses nito. 
"What do you mean?" I asked him.
"What do you mean? Nakuha mo pang magtanong?" pasinghal nitong tanong.
Nagsimula nang mairita ang tainga ko. "Ano ba kasing problema mo? Inaano ba kita? Bakit ba bigla mo na lang akong dinadala rito?"
"Sa tingin mo ba ay kung nabubuhay pa ang tatay mo ay magugustuhan niya ang mga pinag gagagawa mo?" 
Natahimik ako. 
"Hindi. Hindi niya gustong mapasama ka sa ibang tao, kung hinayaan mo lang sana ang mga pinagsasabi nila sa pamilya mo ay hindi aabot sa ganito!" 
Tumayo ako at lumapit sa kanya. "Katulad ka rin ng ina mo, parehas kayong makitid ang mga pag-iisip." 
"Ang ibig ko lang sabihin ay sana hindi mo na lang sila pinatulan pa. Nakakahiya sa mga tao!"
"Wala akong pake sa kanila! Sila ba ay nahiya sa akin? O kahit kay tatay na lang, hindi na sa akin. Saka ano bang paki mo? Kanina ka pa nangingi-alam! 'Wag mong panghimasukan ang buhay ko! Hindi kita kailangan." 
Hahawakan sana ako ni Tyron sa balikat pero mabilis akong lumakad para buksan ang pinto. 
"Labas.." 
Nakabukas lang iyon at hinihintay ko siyang lumabas. 
"I'm sorry, Lizzie," he whispered before he leave my room.
Hindi ko kailangan ng kahit sino, gusto ko lang sa ngayon ay mapag-isa. 
Itutuloy...

Comentário do Livro (6)

  • avatar
    Ma Rebecca Vedas Geslaga

    next episode pls

    20/02

      0
  • avatar
    Felipe Brito

    O amor da minha mãe está bem se você está chorando amor eu te amoo demais meu amor maravilhosa incrível diva deusa coisa mais linda desse jeito que você está com você e o que eu não vou amor e carinho e a senhora sabe o quanto é o amor da minha vida eu te amo dmsss minha princesa mais linda desse mundo meu aprendendo com você é muito grande e o meu lar e o amor da minha vida e a gente já está vindo aqui amor e a senhora sabe que não é o amor da minha vida eu te amo muito e eu te eu vou fazer um

    19/11/2022

      0
  • avatar
    SueltoGlyn

    greatful

    11/07/2022

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes