logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 5

Chapter 5
ISANG LINGGO nang nag t-trabaho si Natalie sa restaurant, medyo gamay nya na din ang mga gawain bilang isang ganap na assistant manager. Kapag wala naman syang ginagawa, tumutulong sya sa pag s-serve kahit labag 'yon sa loob ng manager.
She just wants to help, pansin nya kasing pagod ang ilang waitress dito sa restaurant, kaya tinutulungan nya ang mga 'to. Hindi naman kasi sya mabilis mapagod, she prefers to do something, than nothing.
"Naku ma'am! kaya ko naman po, dyan nalang po kayo." saway sa kanya ng isang waitress na nag-ngangalang Alissa.
"Okay lang! wala rin naman akong ginagawa, kaya tutulungan ko nalang kayo." ani nya at ngumiti, inagaw nya ang tray kay Allisa na nag lalaman ng thai food at sya ang nag deliver nito sa pwesto kung saan nandon ang customer.
"Here's your order ma'am/sir, enjoy the food." ani nya matapos ilagay ang pagkain sa lamesa at kinuha ang tray at umalis na rin naman kaagad.
"Hindi naman po waitress ang in-apply nyo dito, assistant manager ka ma'am, baka mapagalitan kami." ani ni Allisa ng makalapit sya, inilapag nya ang tray sa mga lagayan nito at bumuntong hininga.
"Don't worry, I just want to help." ngumiti si Natalie "sana pala waitress nalang ang in-apply ko." pag-bibiro ni Natalie, kaya naman natawa si Allisa.
When there were only a few customers, she went to the counter and sat on the stool bar. Dalawang oras nalang at makakauwi na sya, 8:00 pm ang uwi nya, kaya nag palipas oras nalang muna sya habang wala syang ginagawa.
Hindi nya namalayan na gabi na pala ngayon, kapag talaga may ginagawa, doon tumatakbo ang oras.
Kaya naman she prepare to do something.
INUNAT NI BLADE ang kanyang katawan nang matapos sya sa kanyang ginagawa sa loob ng kanyang opisina, he was almost here this morning in his office, wala syang ginawa kundi pirmahan ang mga papeles na pinadala sa kanya ng kanyang sekretarya mula pa kaninang umaga.
He stood up from sitting in his swivel chair and rubbed his neck.
Nananakit na rin ang kanyang likod dahil mag hapon syang naka upo, nakaramdam naman sya ng gutom, sinuot nya ang coat nya na nakapatong sa kanyang swivel chair, at tumindig ng tayo.
"Ugh, I'm starving." bulong nya sa sarili at kinuha ang brief case na nakapatong sa kanyang office table, at direktang lumabas ng kanyang opisina.
When he got on the elevator, he looked at his wrist watch, hindi sya mapakali na para bang hinahabol nya ang oras.
When he got out of the company, he went to the parking lot to get in his car. Nang makasakay si Blade sa kanyang sasakyan, pinaharurot nya 'to papunta sa restaurant ng kaibigan.
When he arrived at the restaurant, he went straight inside. Agad naman may hinanap ang mata nya, nag taka sya nang hindi nya mahanap ang kanyang hinahanap.
Nang mapansin nya ang isang waitress, tumikhim sya at nag lakas loob na nag tanong dito.
"Hey, i-is the assistant manager still here?" halos murahin nya ang kanyang sarili nang mag tanong sya.
"Opo sir, nag cr lang po si ma'am." wika ng waitress sa kanya, kaya naman tumango sya bilang tugon sa babae.
Nag hanap sya ng pwesto kung saan madaling mahagip ng mata nya ang dalaga, malapit sa rest room sya pwumesto, para madali nyang matanaw ang dalaga.
Why is he looking for her? Ano naman kaya ang sadya nya sa dalaga at mukhang 'to ang pinunta nya dito?
He saw Natalie, kaya naman umayos sya ng upo at napalunok.
'Fuck? Ano bang nangyayari sa'kin?' bulong nya sa kanyang isipan.
Nang mag lakad si Natalie malapit sa gilid nya, Blade gently grabbed Natalie's wrist, kaya naman napahinto sa si Natalie at nabaling ang tingin ng dalaga sa kanya.
Napakurap-kurap naman si Natalie.
"Uno, ikaw pala." hindi makapaniwalang ani ni Natalie.
Ngayon nalang ulit naka punta si Blade sa restaurant ng kaibigan, dahil mashado syang abala sa kompanya at may mga meetings din syang pinuntahan. At syempre hindi mawawala ang pag p-plano ng grupo laban sa ibang grupo na kanilang pababagsakin.
"Y-yeah." he utter.
"So what's your order sir Uno?" energetic na ani ni Natalie.
"Uh, I want-." mabilis kinuha ni Blade ang menu at binasa ang nakapaloob dito "1 order for gaeng deang, 1 order for khao pad and 1 buko shake, that's all." dugtong ni Blade ng makapili sya ng order.
Natalie nodded.
"Okay, just wait for a minute, ako mismo mag s-serve, okay?" tumango si Blade, ngumiti si Natalie bago 'to umalis, si Blade naman ay pinagmasdan ang dalaga na umalis.
"Fuck? Blade?" ani at nailing.
Nag hintay sya ng 20 minutes para sa order nya, nakarating naman kaagad 'to, dala-dala 'to ni Natalie na naka lagay sa tray, marahan namang binaba ng dalaga ang tray at pinatong sa lamesa ang order ni Blade.
"Enjoy your dinner sir." aalis na sana si Natalie, ng higitin na naman ni Blade ang palapulsuhan nya.
"I thought you were the assistant manager here at the restaurant? why do you look like a waitress?" may takhang ani ni Blade, at binitawan din ang palapulsuhan ng dalaga.
"Yes, I'm an assistant manager here, but I just want to help, at tsaka pauwi narin naman ako maya-maya." Natalie smoothly said, napatango-tango si Blade.
"Pauwi ka na?" tanong ni Blade, tumango naman si Natalie.
"You want me to- ah no, I mean okay, take care." kumunot naman ang noo ng dalaga at pilit iniintindi ang binitawang salita ni Blade.
"What do you mean?" takhang tanong nya at hinihintay na mag salita si Blade, umiling si Blade at tumikhim.
"Nothing, be careful when you go home." he calmly said, mabilis namang bumaling ang tingin ni Natalie sa kanya.
"Thank you, enjoy the food." matamis namang ngumiti si Natalie bago umalis.
Naiwan naman si Blade na may kaunting ngiti sa labi, na realize nya naman na naka ngiti pala sya, kaya naman minura nya ang sarili sa isipan.
Nag simula na syang kumain, sa gitna nang kanyang pagkain, bigla nalang tumunog ang cellphone nya, mabilis nyang kinuha 'yon sa bulsa ng suot nyang uniqlo.
"Who's this?" he ask after he pick up to call.
"Hi baby, it's me Charlotte, later sa bar ulit? Almost 1 week rin tayong hindi nag kita, i really miss you na." maarteng sabi ng nasa kabilang linya na si Charlotte.
Kumunot ang noo nya.
"I'm not interested." tipid na sagot nya at pinatayan ng tawag ang babae.
Bakit parang nag bago ang ihip ng hangin? Bakit parang hindi na sya interesado sa babae? Himala.
He used to pleasure any woman in bed then, but now he doesn't seem interested anymore.
Matapos nyang kumain, kinuha nya ang briefcase nyang nakapatong sa lamesa at binit-bit 'to palabas ng restaurant. Napansin nyang umuulan pala, wala syang dalang payong, pero mabuti naman at malapit lang ang kotse nya.
Nakita nya naman ang dalaga na naka silong sa labas ng restaurant, pinagmasdan nya muna 'to bago nya lapitan.
'Hindi pa sya umuuwi?' tanong nya sa isip, at nag pasyang lapitan ang dalaga.
"Hey, you don't have umbrella? gusto mo bang sumabay sa'kin pauwi?" munting katanungan na lumabas sa bibig nya, medyo nilakasan ni Blade ang kanyang pag-kakasabi dahil medyo malakas ang ulan.
"W-wag na nakakahiya naman." pag tangi ng dalaga sa alok ni Blade.
"I'll just take you to your house, I have nothing else to do." ani Blade.
"O-okay." pag payag ni Natalie.
Hinubad ni Blade ang suot nyang coat at pinantakip 'to sa katawan nila, kaya naman mag kadikit ang distansya nilang dalawa habang tumatakbo papunta kung saan naka park ang kotse ni Blade.
Mabilis din naman silang naka punta sa kotse ni Blade, kaya naman sabay silang pumasok sa loob.
"Are you okay?" tanong kaagad ni Blade kay Natalie ng makapasok silang dalawa sa kotse.
"Yes, I'm fine- naku! mashado kang nabasa sa ulan." may pag kagulat sa boses ni Natalie, kaya naman binuksan ng dalaga ang dala nyang shoulder bag at may kinuha sa loob nito.
She took the towel she was carrying inside her shoulder bag and wiped Blade's wet face. Nagulat naman si Natalie ng mapagtanto nya ang kanyang ginagawa.
"Uh sorry- here, ikaw na ang mag punas sa sarili mo." ibinigay ng dalaga ang hawak na towel at nahihiyang nilingon ang tingin sa labas ng bintana ng sasakyan.
Blade grinned.
Pinunasan ni Blade ang mukha nyang nabasa ng ulan, pati narin ang buhok nyang nabasa rin.
"Thanks." he said at binalik ang towel kay Natalie, tinanggap naman 'yon ng dalaga at binalik din sa loob ng kanyang shoulder bag
Natalie said where their home address was. Habang nasa byahe, walang imik si Natalie, naka tingin lamang sya sa labas ng bintana ng sasakyan ng binata. May mga bagay na namang tumatakbo sa isip nya.
What if the Legazpi couple did not adopt her?
'Yan palagi ang nasa isip nya, na what if hindi sya napunta sa magandang pamilya, na what if hindi sya inampon noon.
But she is blessed even if she's just an adopted, because the Legazpi couple still taught her proper respect.
"Earth to you, nandito na tayo." nagulantang naman sya sa nag salitang si Blade na katabi nya sa loob ng sasakyan.
"Nandito na pala tayo, ang bilis naman." bulong nya, tama lang para marinig ni Blade.
"Thank you for taking me here. Goodnight." mahinahong ani ni Natalie at bumaba ng sasakyan ng binata.
Mabuti nalang at tumila na ang ulan, kaya naman huminto sya saglit at nag tungo sa bintana ng nilabasan nyang sasakyan.
"Thank you ulit, ingat sa pag uwi." muling matamis na ngumiti si Natalie at umalis na rin.
Blade was surprised by Natalie's smile, kaya naman natagalan sya bago mag maneho pauwi. He just caught himself smiling.
"Fuck?" he cussed, at nag simula nang mag maneho pauwi.
NANG MAKAPASOK si Natalie sa loob ng kanyang kwarto, doon na sya naka hinga ng maluwag, naramdaman nya rin na mabilis na tumitibok ang puso nya. Ngayon nya lang naramdaman ang bagay na 'to sa tanang buhay nya.
She took a towel and she also took clothes in her closet, pinunasan nyang maigi ang kanyang sarili, matapos ay nag bihis narin sya.
Lumabas sya sa kanyang kwarto para mag tungo sa kusina, natanaw nya si manang carol na nag sisimula nang mag hain sa lamesa, kaya naman hindi sya nag dalawang isip na tulungan ang matanda.
"Nandyan kana pala hija, hindi kita napansin." saglit na natawa si manang carol habang nagla-lagay ng plato sa lamesa.
"Nakauwi na po ba sina mommy?" tanong nya sa matanda.
"Maya-maya ay uuwi narin sila- teka, napansin mo ba ang kapatid mong si Beatrix?" takhang tanong sa kanya ni manang carol, napaisip naman sya dahil gabi na at wala pa ang kanyang kapatid.
"Hindi ko po napansin si Beatrix, baka naman po gumawa lang ng project sa kaklase nya." wika ni Natalie at tumango-tango.
Lumipas ang ilang sandali, dumating na ang mag-asawa, tanging si Beatrix nalang ang kulang sa hapag kainan, kaya naman nag taka ang dalawang mag asawa at nag simulang mag tanong.
"Where's Beatrix?" tanong ng ina, napakibit balikat si Natalie.
"Hindi ko po alam, kararating ko lang po kani-kanina." magalang na pag-kakasabi nya, tumikhim si Mr. Legazpi.
"Hindi ko na talaga nakakayanan ang ugali ng batang 'yon, her behavior is really bad, the other day she didn't respect me, I was hesitant to send her to Canada." galit na usal ng ama, kaya naman natahimik sya at pinapakinggan lahat ng sinasabi ng mag asawa.
"Hon, anak parin natin si Beatrix, maybe she's just having a hard time at school, especially since she's a senior high student." mahinahong ani ng ina, para kumalma sandali ang asawa.
"I really don't have much patience, hindi nya gayahin si Natalie na may respeto, para bang hindi natin sya anak!" nagulat si Natalie nang sumigaw ang ama.
"Hon, calm down, baka tumaas na naman ang dugo mo." pag-aalalang wika ng ina.
Biglang nag hari ang katahimikan, napansin ng lahat ng nasa hapag kainan na kararating lang ni Beatrix, may naka takip na tela sa leeg nito.
Instead of saying 'Good evening' to her parents, Beatrix walked straight away. Kaya naman mabilis na tumayo ang ama sa pag-kakaupo at sinundan si Beatrix, nang maabutan ng ama, hinigit nito ang palapulsuhan ni Beatrix, kaya naman napaharap 'to sa ama.
"Bastos ka!" sigaw ng ama sa harap ni Beatrix at malakas 'tong sinampal.
"Ano 'tong nasa leeg mo!" mabilis na tinggal ng ama ang tela na naka takip sa leeg ni Beatrix, si Beatrix naman ay pilit na pinipigilan ang ama, pero sa huli nag tagumpay ang ama at natanggal nito ang tela na naka takip sa leeg ni Beatrix.
"What's on your neck? Hickey? Did you have sex with someone!?- mag salita ka!" sigaw ng ama, kaya naman nag pasya nang lumapit ang ina para pahintuin ang asawa. Beatrix stunned to speak.
"Mag salita ka!!" sigaw ulit ng ama.
"Y-yes." humihikbing ani ni Beatrix, at nag mamadaling umalis paakyat sa taas kung saan naroroon ang kwarto nito.
Gulat lahat ang naging reaksyon ng nasa loob ng kabahayan dahil sa sagot ni Beatrix.
Natalie felt pity for her sister. She didn't do anything, so in the end she blamed herself, even though it wasn't her fault.
.

Comentário do Livro (194)

  • avatar
    Meriam Lachano Bernardo

    truly good story

    17d

      0
  • avatar
    Marilyn Natad Inayi

    its so amazing storytelling nice good job

    18d

      0
  • avatar
    Oturan Saxor

    you have

    22d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes