logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Revival of the Dead Heart

Revival of the Dead Heart

anxiouschip


Chapter 01: Dull

After two years, hindi pa rin kita malimutan. Tindi ng gayuma mo sa akin, eh.
Wala na akong ginawa kundi ang magmukmok dito sa loob ng kuwarto. Wala na akong ginawa kundi ang isipin ka.
Bakit ka pa ba kasi nawala? Bakit ka kasi kinuha ni Lord agad sa akin? Bakit ba kasi nagkasakit ka pa? Bakit ba kasi iniwan mo ako?
Ramdam kong nawala ang kalahating bahagi ng pagkatao ko noong mamatay ka.
I love you so much. Mahirap para sa akin ngunit pipilitin kong mabuhay kahit wala ka na. Magpapatuloy ako. Magpapatuloy ako kahit na patay ka na, kahit wala ka na sa piling ko. Promise.
~*~*~*~
SHANE'S POINT OF VIEW
"Huwag mong pahirapan ang sarili mo. Gawin mo ang lahat para maging masaya ka."
"Ayaw ko." Paulit-ulit akong umiling habang pinupunasan ang aking mga luha. "Hindi ko kayang maging masaya, Charles. Hindi ko kaya hangga't wala ka."
"Enjoy your life, Shane. Huwag mong ibaon ang sarili mo sa lungkot."
"Pero—" Napahinto ako sa tangkang pagsalita nang bigla niya akong yakapin nang mahigpit.
I really miss this. Miss ko ang bawat yakap niya – ang presensiya niya sa tabi ko.
"Please. If you can't do it for yourself, gawin mo para sa akin, Shane," pakiusap niya.
Hindi na lamang ako kumibo pa. Dinamdam ko na lamang ang init ng yakap niya habang nakapikit dahil alam kong hindi na rin ito magtatagal.
"Please, Shane. Huwag mong ibaon sa lungkot ang sarili mo." Matapos niyang sabihin iyon, hinalikan niya ang aking noo.
Agad akong napaupo sa kama at inilibot ang aking paningin sa loob ng kuwarto. Napatampal na lamang ako sa noo. Panaginip lang pala. Akala ko naman kung totoo na. Pabagsak akong humiga ulit.
Another bad day for me. Maghapon na naman akong tulala rito sa kuwarto. Walang magawa. Boring.
Bakit ang tindi ng tama mo sa akin? Ha, Charles? Why do I love you this much?
"Miss Shane, kumain na po kayo ng almusal."
Sinuklay ko ang aking buhok at saka itinali. Binuksan ko ang pintuan at sinalubong ang aming kasambahay.
"Morning, Yaya," bati ko at pilit na ngumiti. Siyempre, magmumukha akong bastos kung nakasimangot ako.
Kinuha ko ang tray ng pagkain bago isinara ang pinto. Inilapag ko ito sa kama at umupo. Kahit na wala akong gana, pinilit ko pa ring kumain.
Laging ganito ang nangyayari sa pang-araw-araw ko simula noong namatay si Charles dahil sa cancer. Siguro, iniisip ninyo kung sino ako sa buhay niya.
Hi! Ako lang naman si Shane Smith – ang girlfriend niya at soon-to-be wife niya . . . sana.
~*~
Napabuntong-hininga na lang ako nang mapagtantong para akong baliw na nakakulong sa isang mental hospital.
Dahil sa pagkabagot, binuksan ko ang isang bintana malapit sa kama ko. Bumungad sa akin ang malamig na ihip ng hangin.
Muli akong umupo sa aking kama. Sakto namang narinig kong nag-ring ang phone ko. Dali-dali kong inilabas ito mula sa kanang bulsa ng aking blue shorts. Kumunot ang noo ko nang makita ang pangalan ni May sa screen nito.
Matagal-tagal na rin noong huli siyang tumawag sa akin. Hindi ko naman siya masisisi. Siyempre, as a friend, she gives me space in times like this.
"Hello, May."
"Hello, Shane."
"Bakit napatawag ka?" diretsong tanong ko.
"We need to talk."
Pinaikot ko ang aking mga mata. Ilang araw ko lang siyang hindi nakausap, naalog na ang utak niya?
"We're talking," sagot ko, obviously stating.
"Come on! I mean, we need to talk personally. Meet me in our usual restaurant."
Uh, mukhang ako yata ang naalog ang utak.
"Tungkol saan?" tamad kong tanong. I know this. She's trying to cheer me up.
"Surprise!" Aba, tatawa-tawa pa.
"Anong 'surprise'?" Ginaya ko pa ang pagkasabi niya n'ong 'surprise' niya. "Just tell me right now. Wala ako sa mood para sa pa-surprise-surprise mong iyan."
"Basta. Pumunta ka na kasi rito. Please." Muli kong pinaikot ang mga mata ko. Kanina lang, mature ang boses, ngayon, bata-bata na.
Wait, what?! Anong 'dito'?! Naroon na siya?! At hinihintay na ako?!
"Nasa restaurant ka na?!" 'di makapaniwalang tanong ko.
"Yup, kaya pumunta ka na rito kung ayaw mong maghintay ako rito nang hanggang gabi at mapagalitan ka ni Tita."
"Ugh! Fine!" Agad kong pinatay ang tawag dahil sa inis. How could she do this to me? Pati si Mama, dinadamay pa.
Ibinaba ko ang phone at dumiretso sa banyo para maligo at magpalit. After kong makapag-ayos, hinablot ko na ang blue shoulder bag sa ibabaw ng wooden study table ko bago bumaba ng stairs. Hindi ko na rin pinansin kung anong klaseng damit ang naisuot ko.
Siyempre, bakit ko pa ba proproblemahin ang damit ko? Wala rin naman si Charles na pupuri sa akin at sasabihing "It looks good on you."
"Saan po kayo pupunta, Miss Shane?" tanong ni Yaya na nagwawalis sa sala.
"Somewhere."
Lumabas ako ng bahay at pumunta sa garage. May kung ano pang sinasabi si Yaya pero hindi ko na pinansin. Sumakay na lang ako sa kotse ko at nag-drive papunta sa restaurant na sinabi ni May.
Surprise. Karaming alam. May pa-surprise-surprise pa talaga, eh. Kaasar.
Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa glass door, iginala ko na agad ang aking paningin. Mabuti na lang, agad kong napansin ang isang babaeng kumakaway sa direksiyon ko.
Lumapit ako sa table kung nasaan siya at umupo sa katapat niyang upuan. "Anong 'surprise'?" I asked.
Bigla na lamang siyang napasimangot nang tignan niya ako mula ulo hanggang paa. "Mas malala ka pa sa manang kung magsuot," komento niya.
Dinedma ko na lang iyon. "Anong 'surprise'?" pag-ulit ko.
"Shane, naman, eh. Tinatakot mo ako sa tingin mo," wika niya at tumawa. Uh, ganiyan ba talaga ang takot? Tumatawa?
"Alam mo naman siguro ang situwasyon ko ngayon, 'di ba? Huwag nang paligoy-ligoy. Please lang, May. Please lang."
"It's been a long time na nagmumukmok ka sa kuwarto mo—"
"Sabihin mo na lang."
"Come on, Shane. You're being cold and harsh. Simula noong—"
"Don't mention about it in front of me," I warned her.
"Okay, sorry." Huminga siya nang malalim bago nagpatuloy. "Pinapunta lang naman kita rito para ibigay 'to."
Kinuha niya ang kaniyang bag at tila may hinanap. Inilabas niya ang isang matigas na papel na parang card. Iniabot niya sa akin iyon.
Tinaasan ko siya ng kilay bago iyon kinuha. "Ano 'to?"
Unti-unti siyang ngumisi na ikinakunot ng noo ko. "Invitation."
Binasa ko ang nakasulat sa harapan ng invitation na may red ribbon.
'Andrei Williams'
'You're invited to his party!'
'Miss Shane Smith'
Ibinalik ko ang aking tingin kay May. "Sino 'to?"
"He's one of my friends," nakangiting sagot niya.
"At bakit ako imbitado?" I don't even know this guy. Why would I get invited?
"Dahil kaibigan kita?"
Mas lalo akong sumimangot. "Ridiculous. Hindi ko siya kilala kaya hindi ako pupunta. Tapos."
Aalis na sana ako ngunit hinawakan ni May ang kanang braso ko. "Please, sama ka na. Wala akong kasama sa party na iyon."
"Huwag ka na lang pumunta. Gano'n lang kasimple."
"Pero gusto kong pumunta." She pouted her lips. "Please."
Napahinga na lang ako nang malalim. "Fine." Hindi rin naman ako tatantanan nito. "What kind of party is this?"
Ngumiti siya nang pagkalawak-lawak bago sumagot. "Birthday party."
Tinignan ko siya nang masama. "Obvious naman, eh. Ang ibig kong sabihin, pormal ba o hindi?"
"Sorry. Hindi siya pormal. At sa isang bar naman iyan gaganapin."
Okay. Mas okay na rin iyon. Gusto kong maglasing.

Comentário do Livro (16)

  • avatar
    DiamanteKennkenn

    very good

    11/03

      0
  • avatar
    Mike Ablay

    hahaha about felings ☺️

    09/11

      0
  • avatar
    Judy Ann Caña

    ganda

    15/08/2023

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes