Sapphire's POV "I'm sure lahat naman kayo ay may alam na tungkol sa bawat kaharian tama ba?"ani ni Sir Raven. Tumango naman kami. "Dahil first week ngayon ay wala muna tayong masyadong gagawin-" "Nice!kaya peyborit kita Sir eh,"sigaw ni Kio, isa sa mga kaklase namin. "But...may isang bagay akong ipapagawa sa inyo,"tuloy ni Sir sa sasabihin niya kaya tumahimik ulit ang klase. "What is it Sir?"tanong ni Van. "I will give you one week para maipakita at ma-identify kung saang division kayo mapupunta after your graduation,"umani ng ibat ibang reaksyon ang sinabi ni Sir. Pati ako ay napalunot ang noo dahil don. One week? Napakaikli naman. "Sir naman bakit ganon kaikli? Marami pang hindi nakakaalam ng tunay na kakayahan nila kaya bakit isang linggo lang?"reklamo ni Arielle, nasa likod ko. "Alam kong maikling panahon lang ang ibinigay ko sa inyo pero kelangan niyo itong mailabas sa lalong madaling panahon," seryosong sabi ni Sir. "How about Sapphire Sir?"tanong ni Van. "For Sapphire you have to do extra activities para mas maaga lumabas ang kakayahan mo. Come to the faculty after class so we can discuss it privately okay?"baling ni Sir sa akin. "Yes Sir" "Okay that's all for today goodbye,"paalam ni Sir. "Hayyy..." "Parang mas malaki pa ang problema mo kesa kay Saph ah,"natatawang sabi ni Jana kay Asha. "Grabe naman kayo di naman sobrang lala ng problema ko ah,"sabi ko sa kanila. "Nakalimutan kong si Sapphire ka nga pala," nakangiwing sabi ni Asha at natawa naman ako. "Feeling ko hindi naman ako masyadong mahihirapan sa ipapagawa nila Sir sa akin eh,"honest na sagot ko kaya tumingin sila sa akin na nagtataka. "Well...I was five when my parents started to train me, so I guess hindi na mahirap sa akin yung ganon dahil nagkaroon na rin ako ng intense training noong bata ako,"paliwanag ko. "Really?!"sabay na tanong nila. "Yeah,"at tumayo ako para tignan sila Van na naglalaro ng badminton sa field. "Ibig sabihin baka mas malakas ka pa sa amin,"sabi ni Kijana kaya lumingon ako sa kaniya. "Pano mo naman nasabi yan? May kapangyarihan na kayo kaya literally mas malakas kayo,"ani ko bago ibalik ang tingin ko sa mga naglalaro. "What I mean is, oo may kapangyarihan kami pero kung wala pa kaming powers? Sure akong mahihirapan kami,"natatawang singit ni Asha. "Then let's do it together!!Sama sama tayong lalakas,"nakangiting sabi ko habang nakalahad ang parehong palad ko sa harapan nila kaya hinawakan nila iyon at itinaas. "Okay!Sama sama tayong lalakas!!"sigaw nilang pareho dahilan para mapatingin sa amin yung tatlo kasama na rin ang iba pang kaklase namin na malapit lang rin samin. Nagtaka ako nang tumigil ang tatlo sa paglalaro at tumakbo papunta sa amin, ganun din ang ginawa ng buong klase namin. Isa-isa nilang ipinatong ang kamay nila sa kamay namin habang nakangiti. "Tama!Sabay sabay tayong lalakas!"sabi ng isa. "Kaya natin toh!"sigaw ni Spencer kaya natawa kaming lahat. Tama, kaya namin ito. Pag-uwi namin sa bahay kumain kami at nagpahinga na pero dahil hindi pa ako makatulog ay lumabas ako at pumunta sa kusina. Napatigil ako ng maalala ko ang nakita ko noong nakaraang gabi. Napailing nalang ako, buong akala ko ay seryoso sa buhay si Van yun pala may tinatagong pagka-isip bata. "Why are you smiling?" may biglang nagsalita sa likod ko. "Ay kabayong isip bata!!"sigaw ko at humawak sa dibdib kaya tumawa naman siya. "What?"sabi niya kaya tinignan ko siya ng masama. "Ba't ka ba nanggugulat?"tanong ko. "Well...I just want to drink beers. Hindi ko naman alam na makikita kitang ngumingiti na parang baliw dito," sagot niya bago ako nilagpasan at kumuha ng maraming beer na nilagay niya pa sa tray. "Ubos mo yan?"tanong ko. "Depende kung sasabayan mo ko," kibit balikat niyang sagot. Tinaas ko ang kilay ko at ngumisi na tila nagyayabang. "Nevermind!! matulog ka nalang," bigla niyang sabi tsaka ako tinulak palabas ng kusina pero bumalik rin ako. "Bakit? Ikaw ang naghamon ah!"sigaw ko. "Basta!" "Takot ka bang makita kitang malasing?"pangaasar ko kaya sumama ang mukha niya. "Wag kang magaalala mataas ang tolerance ko sa alak,"sabi ko at kumuha ng dalawang beer tapos pumunta sa garden. Wala naman siyang nagawa kaya sumunod siya sakin dala ang mga pulutan daw namin. Umupo ako sa ilalim ng puno at tumabi naman siya sakin. Ilang minuto kaming tahimik habang nakatingin sa langit hanggang sa magsalita siya. "Do you feel uncomfortable?"tanong niya kaya tinginan ko siya. Ngumiti naman ako at umiling. "No." Tumawa siya sa sagot ko kaya napakunot ang noon ko. "Masyado kang tipid magsalita,"sabi niya bago uminom sa hawak niya. "Paano mo nasabing tipid ako magsalita? Mukhang bantay mo lahat ng kilos ko ah,"nakangisi kong sabi. "Well...maybe,"sagot naman niya. "Let's just say I pay more attention when it comes to you." "At bakit?" Nakakunot na ang noo ko dahil sa sagot niya. "I don't know? To be honest there's something about you that make my heart beat like a bomb. And I swear, I dont know what to do about it,"seryosong saad niya habang nakatitig sa akin. Ang kulay tsokolate niyang mga mata na tila isang hipnotismo na nagdadala sa akin ng ibang pakiramdam. Napaiwas ako ng tingin dahil hindi ko kinaya ang ginagawa sa akin ng mga mata niya. "Y-you know baka lasing ka na,"napapalunok na sabi ko. "I'm sorry. I didn't want you to feel like that. Just forget it." Nilipat ko ulit ang tingin sa kaniya pero nasa kalangitan na ang mga mata niya. "Vander,"mahinang sambit ko. Natigilan naman siya pero hindi niya ibinalik sa akin ang tingin niya. Narinig ko ang mahinang tawa niya pero hindi niya parin ako tinitignan. "Wag mo na lang isipin yung sinabi ko wala lang 'yon." Huminga ako ng malalim bago tumingin sa kaniya. "Hindi ko alam kung aning sasabihin ko. Pero...kung ano man yang nararamdaman mo...sana...sana wag mong patagalin." "Why? Mali ba yung nararamdaman ko? Tell me, ngayon ko lang kasi naramdaman toh,"nakagat ko ang labi ko dahil pakiramdam ko hindi na kami nagkakaintindihan. "Okay!inaantok na ko. Good night na,"sabi ko nalang at tumayo. Aalis na sana ako pero bigla niya akong hinila kaya napaupo ako sa mga hita niya. SHIT!!! Nanlaki ang mga mata ko at hindi agad nakagalaw. Ganoon din siya dahil nakatitig lang siya sa akin habang pulang pula ang magkabilang pisngi. SILENCE..... "T*nginang 'yan ang sabi ko kumuha ng iinumin natin hindi makipag landian!!!" bigla kong naitulak si Van sa gulat kaya tumaob siya kasama ng upuan. "Oh shit!" "A-akyat na ko! Good night!"nagmamadali at napapasigaw kong sabi bago tumakbo papasok sa loob ng bahay pero tumigil din ako dahil nakaabang sila Asha at Kijana sa may hagdan. "Kayong dalawa talagang sa gabi niyo pinipili maglandian,"nakangising sabi ni Asha. "Kaya naman pala gustong gusto lumabas ng kwarto kapag gabi," tatango-tangong saad naman ni Kijana kaya inirapan ko sila. Pagdating ko sa harapan ng kwarto namin ay nakaabang naman sina Spencer at Dale sa pintuan. Sinamaan ko ng tingin si Dale dahil sigurado akong siya ang sumigaw kanina. "Tsk. Tsk. Tsk. Akala ko pa naman mahaba habang prosisyon ang kailangan. Yun pala may sariling misa na kayong pinagsasamahan ng hindi namin nalalaman," ani ni Spencer bago kumaripas ng takbo papasok sa kwarto nila. Pagpasok ko ay isinara ko agad ang pinto at sumandal doon. FUCKING SHIT! Nasapo ko ang dibdib ko dahil sobrang bilis ng tibok nito. Ano bang nangyayari?! Parang lalabas ang puso ko! "Ahhhhh!!!! Ayoko na!!!"pigil na tili ko at tumalon sa kama at binato-bato ang unan. Kinginang puso toh. Marunong magwala.
Obrigado
Apoie o autor para lhe trazer histórias maravilhosas
Custo 27 diamantes
Balanço: 0 Diamante ∣ 0 Pontos
Comentário do Livro (82)
RoseteJamby D.
woooooow, the intro is so interesting, as reader na hook agad yun atensyon ko and babasahin ko talaga ito. so paano ba iyan babasahin ko na yun mga susunod na chapter. continue lang sa pagsulat ng mga magagandang sulat.💕
19/01/2022
0
Quirino Gonzales Jr.
wala naman masama kung makikinig at magtitiwala sapagkat .may alam sya sa pagkataon mo .
woooooow, the intro is so interesting, as reader na hook agad yun atensyon ko and babasahin ko talaga ito. so paano ba iyan babasahin ko na yun mga susunod na chapter. continue lang sa pagsulat ng mga magagandang sulat.💕
19/01/2022
0wala naman masama kung makikinig at magtitiwala sapagkat .may alam sya sa pagkataon mo .
19/01/2022
0Thanks
11/06/2025
0Ver Todos