logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

FIGHT - 5

FIGHT - 5
Dorry readied herself to face her parents with that hairstyle. For sure that they will scold her hard than before. But she had nothing to complain or regret of what she'd do.
The moment the door of their house opens, she straighten her back and prepared for the slap or anything that her mother will do when her blood gets boiled in so much anger because of her.
But to her surprise, her brother was the only one who entered the house -- who was supposed to fetch their parents from the airport.
Nagtatanong ang mga matang tumingin siya sa kanyang kuya.
"Na-delay ang flight nila, beb. Baka third week from now pa ang dating nila dito. "
Tumango-tango siya at kahit papaano ay may tuwang naramdaman nang malaman na hindi ngayon ang dating ng mga magulang niya.
Sinundan ni Dorry si Branden sa kusina na kumukuha ng tubig para kausapin ito.
"Kuya. I think I want to do taekwondo."
Biglang nabulunan ang kapatid. "W-What? B-Beb... uhm, hindi naman sa pinipigilan kita pero, bakit? Bakit taekwondo?"
Huminga sya ng malalim. "I just want to learn how to fight for some good reason. Hindi ko naman yun gagawin sa masamang bagay, kuya. Please trust me."
"Beb, you know I trust you but... don't you think it's bad to tell mom and dad about that?"
Ngumisi si Dorry at nagtaas-baba ang kilay. "I know what you mean, kuya."
They both laughed and said... "let's keep it a secret!"
DORRY went right away to Washington University to tell the taekwondo coach that she's interested to join their team and learn that sport with all her might.
"That's the spirit." puri sa kanya nyng former taekwondo player na kumausap din sa kanya dati.
Nginitian nya ito at sinunod ang mga instructions sa unang sabak niya sa training. Inaamin niyang mahirap para sa kanya ang mga skills at ginagawa ng ibang taekwondo players pero pursigido pa rin siya at pinipilit ang sariling matutunan lahat ng itinuturo sa kanya.
From a rookie to a black belter for just almost three weeks. That's how Dorry is determined when it comes to taekwondo.
The coaches are so proud and amazed of her. Wala pa kasing sumali sa taekwondo na three weeks lang ay black belter na kaagad. Tanging si Dorry lang ang nakagawa non.
"NICE ONE, bud!" Theo gave her a high-five and then a fist bump. "Now that you're in a higher level, what's your plan? Sasabihin mo na ba sa mga magulang mo? Parating na sila mamaya di ba?"
Napabuntong-hininga siya ng maalalang pabalik na mamaya ang magulang. Hindi naman sa ayaw niya na nandito ang mg  magulang niya. Natatakot siya sa mga pinaggagagawa niya habang wala ang mga ito.
Hindi siya natatakot para sa sarili nya. Kundi ay para sa kuya niyang lagi pinagtatakpan ang mga kasalanan niya. Ayaw niyang madamay ang kuya niya sa mga katangahang ginawa niya.
"Oo." tipid niyang sagot.
"So ano? Kinakabahan ka?" mapanukso nitong tanong at sinamaan naman niya ito ng tingin. "Uy joke lang yun ha. Baka masipa mo pa ako ng wala sa oras."
Pinaikot niya ang mata. "Ewan ko sa'yo. By the way, nakapasok ka di ba sa try outs nyo?" Theo nodded then Dorry grinned. "Kase ako rin."
Bumilog ang bibig ni Theo at ibinaba ang iniinom na fresh milk. "Hoy bud, huwag ka ngang mayabang--!"
"Matagal na akong mayabang, bud. Mayabang ako pero may respeto. That's my motto."
Tumayo si Theo sa kinauupuan nila sabay bitbit sa fresh milk. "Ang hangin mo talaga. Tara na nga. Baka biglang bumagyo sa kahanginan mo."
Dorry tsked and sipped the last drop of her sterilized milk and then just followed Theo towards their last classroom.
"THEY'RE here." Branden announced when she was just came from her school to their house.
Napalunok si Dorry at isinuot ang hood ng jacket na kanyang suot bago tuluyang pumasok sa kabahayan.
"Anak!"
Napangiwi siya sa pagkakahigpit ng yakap ng kanyang ina nang makapasok siya. "I missed you, anak." her mother caressed her hair. "Guess what, may pasalubong kami sayo!"
Pilit niyang pinasaya ang ngiti sa mga labi. "R-Really? Ano po 'yon?"
Kumawala ang ina sa pagkakayakap at may kung anong kinuha sa dala-dalang maleta saka ito itinago sa likuran at humarap sa kanya.
"I hope you'll like this, anak. Matagal kaming nawala ng dad mo kaya gusto naming bumawi sa'yo." aniya saka inilabas ang itinatago sa likuran. "Charaaan!! It's a limited edition women's bag!" lumapit ito sa kanya at sapilitang isinabit sa balikat niya ang bag. "Come on, try it! This is super expensive so I assumed that you'll wear it tomorrow first thing in the morning."
Napatungo siya at napakag ng labi. Nahalata naman ng ina niya na may problema at napansin nito na suot niya ang hood ng jacket.
Her mother's wide smile instantly faded. Tinanggal nito ang hood niya at parang nakakita ng multo sabay atras nang makita ang kanyang hairstyle. Pati ama niya ay napatigil sa pagkausap ng kliyente sa telepono nang makita ang kanyang buhok.
"W-Why.... w-what t-the hell is this?!"
"Mom, please let her explain--" Branden said but their mother cut him off.
"Shut up!" halos manggalaiti itong tumingin sa kanya. "What do you think you were doing, huh?! So hindi mo na ako sinusunod ngayon, ha?! Ganon ba, Dorry?! Nagbubulakbol ka na ba?! Kaya ka ba nagkakaganito?! Sinusuway mo na ba ako?! Sagutin mo ako!"
"Opo!" hindi na niya naiwasang hindi mapasigaw. Pinahid niya ang nahulog na luha sa kanyang pisngi. "Hindi ko na po kayang sundin kayo sa gusto ninyong mangyari sa akin, mom. N-Nasasakal na ako. May sarili po akong utak at gusto ko lang naman na ako naman ang masunod sa gusto ko sa pagkakataong ito habang wala kayo. And I mean it. Those days and weeks without you and dad around was the best days of my life. No one controls me and I feel like I'm free to do that whatever I want--"
Parang nangmanhid ang kanyang kaliwang pisngi nang makatanggap siya ng malakas na sampal sa ina.
"So you want us not around? So you could do all what you want? Is that it?"
Matapang siyang tumango.
"Okay then." nilagpasan siya ng ina at nagtungo sa pintuan ng bahay para buksan iyon.
Her mother gestured her hand outside. "Feel free to leave this house, Dorry. We don't need you anyway. You're such a useless child--"
"Mom, enough!" awat ni Branden at nilapitan siya ng akmang lalabas ng bahay. "Dorry don't go outside--"
"Let her be, Branden!" malakas na utos ng ama nila.
"She's just a kid, dad! She's a girl for goodness sake! We can't let her go outside! What if something happens to her?!"
Dorry held her brother's hand. "Kuya, kaya ko ang sarili ko."
Bumaba ang tingin nito sa kanya. "Beb, no. You mist stay here. It's dangerous outside."
"Kaya nya ang sarili nya, Branden. Pabayaan mo sya." bumaling ang ina niya sa kanya. "Lumabas ka na bago pa kita kaladkarin palabas."
Tumango siya at hindi na pinansin ang kapatid na panay pigil sa kanya saka lumabas ng bahay. Nagtungo sya sa may hardin at duon naupo sa may bench. Walang bubong kaya ramdam niya ang mga patak ng ulan na papalakas ng papalakas.
Her tears fell one and another as the rain drops that makes her body and clothes get wet. Kasabay ng mga hinanakit ay iniyak na lang niya lahat at ibinuhos ang luha na kanina pang pinipigilan kasabay ng malakas na ulan at kulog.
DORRY
"Mga bruha sana naman tanda nyo pa yung mga steps na tinuro ko sainyo? Nako kapag hindi, makukurot ko talaga kayo sa mga singit nyo."
Imbis na matakot, natawa kami sa sinabi at pananakot nitong si Amara. Todo effort talaga sya sa pag-iisip ng steps na gagawin namin sa pag chi-cheerleading na ngayong araw na mismo gagawin.
We're on our way to a room where we can readied ourselves before our performance.
"Tss. Hindi kami makakalimutin, gaga." sabat ni Rylee na may bitbit na pom-poms naming lahat.
"Girls sino pala ang hairstyler at make-up artist natin?!" nagpapanic na tanong ni Mars.
"Jusko lord ang agap-agap natin dito tapos wala pa tayong mga kalorete sa pagmumukha?! Duh, ayokong mag mukhang sabog mamaya!" reklamo ni Astrid na nagpapadyak pa.
"Huwag kayong mag-alala, Hunter hired someone to do our make-ups and hairstyles." sabi ni Hanelle.
Tss. Hunt na naman.
"Oh my god, I felt relived."
"Whatever, amiga."
"Shut-up, Dorry."
Tinawanan ko lang si Astrid saka nagpuntang fitting room para magbihis ng costume na pang cheerleader.
I was about to enter but I saw Hanelle who just smiled at the back of me. Probably she's going to change into her costume too so I did what I had to do.
"You first."
Umiling sya. "No, h-hindi na. Ikaw ang nauna kaya ikaw muna."
Napangiwi ako. "I insist. Now, go change."
"Nope. I'm not moving--"
"Yes, you are."
Parehas kaming napalingon sa lalaking nagsalita at bahagyang tumulak sa likod ni Hanelle paloob ng fitting room.
"Hoy! Ikaw na naman?"
Nagtaas siya ng dalawang kamay na tila sumusuko.
"Woah, Dorry, chill it's me, Hunt."
This guy is getting on my nerves! F*ck!
"Oo alam ko." nameywang ako. "Pwede bang wag kang makikisawsaw sa amin?!"
His brows innocently furrowed. "Huh? You and Elle? Look, wala naman akong ginagawang masama ah."
Gago talaga 'tong...
"May gusto ka ba sa kanya?" diretsong tanong ko.
He stilled at my question and didn't move a muscle until Hanelle came out from the fitting room.
"Dorry, ikaw na next--" natigilan sya nang mapansin na masama ang tingin namin ni Hunt sa isat-isa. "A-Ahm, m-may problema ba?"
Bumaling ako sa kanya at ngumiti. "Nope. Wala naman, Honey."
Tumango-tango sya.
"Honey?!" biglang sigaw ni Hunt.
"Oh. Honey ang tawag ng mga kaibigan ko sa akin." inosenteng paliwanag nitong si Hanelle.
"Ganun ba? Anyways, yung tanong mo kanina na kung may problema, meron."
Kumunot ang nuo niya. "Ano 'yon?"
Tumingin ang hudyo sa akin at ngumisi. "Ito kasing kaibigan mo, napapansin ko masyadong mainitin ang ulo pagdating sa akin kapag kinakausap o nilalapitan kita."
Hindi ko na hinintay na sumagot o dumapo ang paningin ni Hanelle sa akin at kumaripas na ng takbo patungong fitting room para magpalit.
Shit, I'm busted.
Mukhang nahahalata na ni Hunt ang mga ikinikilos ko.
"GOOD LUCK out there, bud!" itinaas pa ni Theo ang dala-dala nitong banner na may pangalan naming anim.
Tumango lang ako at nilagpasan sya. Hindi ko pa rin makalimutan yung nasaksihan ko nung isang-isang gabi sa bar nya.
Magmula non, laging parang may tumutusok sa puso ko kapag nakikita ko si Theo. Kaya mas mabuti na ring iwasan ko muna sya pansamantala.
"Mga mare, get ready na. Tayo na ang kasunod!"
"I'm nervous..." panay ang tapik ni Mars sa dibdib. This is her first time to perform a cheerleading. Well, all of us too.
"Here love, drink water." alok ni Leo kay Mars. Ito ang boyfriend niya. "I don't want you to run out of energy when my game started, okay? You have to be energetic, understand?"
Tumango-tango si Mars at pinakalma ang sarili. Napailing na lang ako sa turing nitong si Leo kay Mars na parang sunod-sunuran.
"Girls, sa field daw ang una nating cheer dance." sabi ni Astrid at sabay-sabay naman kaming nagtungo sa field kung saan ang mga football player lalaro.
After the opening ceremony, the emcee called the cheer leaders which is us six. This is literally a punishment and a torture for us for being a top chismis on News Gossip. But for them, the audiences, this is just a comedy show.
Tinawag na kaming anim sa gitna ngunit hindi pa nga kami nagsisimula ay umugong na ang mga tawanan ng mga student-athletes na nanunuod sa field.
"Don't mind them. Just focus." paalala sa amin ni Rylee na seryoso at taas-nuong nakaharap sa maraming tao.
I heavily inhaled and exhaled when the music starts. Medyo okay naman ang intro namin pero nang mag chorus na, biglang pumalpak mismo si Rylee at nahulog sa pagkakabuhat ni Astrid.
Buti na lang at hindi masyado napansin ng mga nanunuod dahil nasalo ko si Rylee at nagdire-diretso na naman ang cheer dance. Ang pom-poms namin ay medyo nagkakalagas-lagas na matapos ang unang cheer dance.
"Shit! Una pa lang 'yon ha! Lahat ng sports kailangan nating mag cheer dance! Mabuti na nga lang at hindi nahalata kanina eh. Tsk!" nag-aalalang sabi ni Rylee na ginugulo ang sariling buhok.
"Ano ba kasing nangyari sayo, ha bruha ka?!"
Inirapan nito si Astrid. "I don't know." biglang nag blush si Rylee na ikinagulat namin. "M-May kumindat kasi sa a-akin tapos ayun... bigla na lang nanlambot tuhod ko."
Natigilan kami saglit at maya-maya ay nagsi-iritan ang iba.
"Oh my god!"
"Really?!"
"Who? Pogi ba?!" tanong naman ni Mars.
Biglang sumama ang pagmumukha ni Rylee. "Tsk. Just mind your own business!"
Napatitig kami sa papalayong likod ni Rylee na nag walk out.
"Hala, nagalit ata si Rylee." komento ni Hanelle.
"Yeah. Pero in fairness ha, akala ko talaga hindi sya mapapatumba ng kindat lang ng lalaki." sabi ni Astrid.
"Uyy mukhang nagdadalaga na si mareng Rylee ah!" tukso ni Mars.
"Nagdadalaga? But I thought tomboy sya?" tanong ni Amara na ikinatigil namin.
Walang umimik kaya tumukhim na lang ako. "Guys, why don't we just support the lesbian or other lgbt people? I mean, they have rights and there's nothing bad about that, right? They're just person like us. They just want to do what they want so let's respect and let them the way they want it to be. They have the rights to do whatever they want. It's their decision. Not us."
Napatitig ang lahat sa akin na tila hindi makapaniwala sa mga pinagsasasabi ko. I think ito na ang pinakamahaba kong nasabi sa kanila.
"Wow. Should I gave you a round of applause for supporting lgbt people?" Astrid said sarcastically.
I gave her a palm face. "I'm serious here."
"I've never thought na ganyan ka kaseryoso magsalita at ipagtanggol ang mga lgbt na tao, Dorry. I'm impressed. Good job." wika ni Hanelle na ikinangiti ko.
"Thanks."
I slightly felt relived when they didn't asked me about why I said those word or what's the point of all those words? I might get caught of my actions, shit!
Nagtungo na uli kami sa susunod na destinasyon para mag cheer leading. Sa field 2 na kung saan naglalaro ang mga tennis players. Muli kaming napalya sa pag checheer dance nang mamali ng step si Mars dahil may tennis player daw na pogi na ngumiti sa kanya.
Kasunod ay sa pool area kung saan naman ang mga swimmers. This time, si Hanelle at Astrid naman ang nagkamali. Nagkabungguan ang dalawa. Ang dahilan ni Hanelle ay nginisihan sya ni Hunt at ang dahilan naman ni Astrid ay nakakita sya ng hubad-barong swimmer na bakat ang ari sa suot na trunks saka niya nakita itong gumiling.
Nag lunch break kami saglit then next namin ay sa taekwondo studio na. Ngayon, si Amara naman ang nadulas sa pagkakabuhat ni Astrid sa kanya sa ere. Buti at hindi nabalian si Ara nang bumagsak dahil medyo malambot naman ang mat. Nag flying kiss daw sa kanya si Carter kaya nawala sya sa focus.
"Dorry, beke nemen oh..."
Napatingin ako kay Amara habang nag bebreak dito sa Cafeteria.
"Hmm?"
"Ikaw na lang ang hindi pa nagkakamali o nadidisgrasya sa ating anim. So sana hindi mo na gayahin ang katangahan namin ngayong last cheer dance na natin sa basketball court."
"Oh, oo naman. Don't worry guys. This time, we will do better. Wala nang magkakamali sa atin since last cheer dance na natin ito." I confidently said.
"Yes, yes! Fighting!"
"Teka, buhay pa ba ang mga pom-poms nyo?" tanong ni Amara na ikinatingin naman namin sa kanya-kanyang pom-poms.
"Okay pa naman ang akin." sagot naming lahat.
Matapos ang kaunting break at pagpapahinga sa Cafeteria, muli kaming dumiretso na sa basketball court. Our last destination for this Sports Fest.
Inilibot ko ang mata ko sa kabuuan ng court pero hindi ko makita si Theo kasama ng mga team mates nya sa basketball hanggang sa mag start na uli kaming mag cheer dance.
"Dorry! Your turn!"
"Dorry! It's your turn!"
Nagising ako sa diwa ko nang sigawan ako ng pabulong ni Astrid. Pinandilatan nya ako pero wala lang iyon sa akin.
Hindi ako makagalaw nang biglang bumilis na naman ang tibok ng puso ko nang matagpuan ng mga mata ko si Theo sa pinakataas ng stadium na may hawak na banner na may nakasulat na pangalan ko lang at may mukha ko pa.
Panay ang sigaw nya pero hindi naman rinig kaya natawa ako ng wala sa oras hanggang sa may humatak na lang sa akin papalayo sa gitna ng court.
Tapos na pala. Masyado lang akong nahumaling sa nakita ko.
Pero gago, anong ba kasing nangyayari sa akin?
~amph1trite~

Comentário do Livro (65)

  • avatar
    Melody Valle - Ochinang

    wala na po bang update? nakakabitin. 😓

    17/08

      0
  • avatar
    Ramon Devisfruto

    good novela, kasi magbabarkada magkakaibigan, nagtutulungan binibisita bawat may sakit or something. supporting each others dreams.

    17/01

      0
  • avatar
    Aerielle Joy Amod

    🤍☺️

    15/08/2023

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes