logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Capítulo 5 IV: Nais maging malaya

Lambana - isang lahi ng maliliit na nilalang na may pakpak na tinatawag ding Ada o Engkantada at sa Ingles naman ay tinatawag itong Pixie, Small Fairy o Tooth Fairy.
━━━━━・ 。゚★: *.☪.* :★ ゚。・━━━━━━
Natapos ang araw na iyon na hindi nalalaman ng kaniyang Ama na lumabas siya mula sa kaniyang silid. At ngayon ay nasa silid na muli siya, nagbalik na siya sa kaniyang tinataguan. Naging malungkot na naman ang kanina ay masaya niyang buhay.
Humiga siya sa kama at tumingin sa kisame. Hindi siya makatulog kakaisip sa mga nangyari. Simula sa paglabas niya, nang makita niya si Arayan at nang makakilala siya ng bagong mga tauhan at pagkatapos no'n ay nakangiti siyang dinalaw ng antok.
Ilang araw ang lumipas simula nang makalabas siya, nanatili siya sa silid ng mga araw na 'yon habang ginuguhit ang mga bagong nakilala, wala siyang ibang kasama maliban kay Edmondo na dinadalhan siya ng makakain habang si Arayan ay hindi na siya nagawang puntahan kahit ilang beses niyang hilingin sa Ama nito na pilitin siya kahit isang beses man lang.
"Edmondo..." Galing sa ilong ang pagkasabi niya ng pangalan nito, dahil hindi niya alam kung paano magpapaalam na gusto niya muling lumabas. Sa mga araw kasi na nasa silid siya ay naghihintay siya ng tamang pagkakataon para magpaalam.
"Ano 'yon, Prinsesa?" Nagdala lamang ito ng pagkain sa kaniyang silid at dapat ay aalis na, ngunit kinuha na iyong pagkakataon ng Prinsesa para makalabas.
"Pakiusap, Edmondo. Payagan mo akong muli na makalabas," pakiusap niya sa kanang kamay ng kaniyang Ama. 
"Ngunit magagalit ang iyong Ama, Prinsesa. Nasa palasyo siya ngayon," sagot ni Edmondo.
"Akong bahala, ako mismo ang magpapaalam sa kaniya," pagpupumilit ni Luna.
"'Yan ang hindi ko mapapayagan. Huwag ka nang makulit, Prinsesa." Aalis na dapat si Edmondo pero napahinto siya nang magdabog si Luna.
"Hindi mo maaari 'tong gawin sa akin. Anong karapatan mo para suwayin ang kagustuhan ng isang Prinsesa? Bakit mo pinipigilan ang kagustuhan ko na makalabas sa silid na 'to? Mataas ba ang iyong posisyon para pangunahan ako sa mga dapat kong gawin?" seryosong tanong ni Luna.
Natulala sa kaniya si Edmondo. "Ano-" Magsasalita sana siya para tumutol sa Prinsesa pero nang makita ang masamang titig nito ay napayuko siyang bigla.
"Mahusay ba akong umarte? Tunay ba na ako'y Prinsesa dahil sa mga salitang iyon?" nakangiting tanong ni Luna na nagpatingala ng dahan-dahan kay Edmondo.
"Utos lamang ng Hari ang aking sinusunod," mahinang sabi ni Edmondo.
"Ano?" tanong ni Luna.
"Nako, wala po 'yon prinsesa," mabilis na sagot nito.
"Ako ay nagbibiro lamang, Edmondo. Ako ang bahala sa aking Ama. Kung mayroon mang malagot dahil sa kakulitan kong ito ay ako iyon at hindi ikaw," sabi ni Luna. Naglakad na siya palabas ng kaniyang silid kaya't sinundan siya ni Edmondo.
"Ngunit hindi mo pa alam ang tunay mong kakayahan, Prinsesa. Paano kung may makatuklas sa'yo at mag-utos na salakayin tayo agad-agad upang ikaw ay makuha?" nag-aalalang tanong ni Edmondo.
Huminto si Luna upang harapin siya. "Paano ko matutuklasan ang tinatago kong lakas kung ako ay ikukulong niyo lamang sa isang silid na walang ginagawang anuman?"
Yumukong muli si Edmondo at tumango bilang pag-sang ayon sa Prinsesa.
Nakarating sila sa silid ng Hari at nagulat ito nang makita ang anak. "Anong ginagawa mo dito? Edmondo, bakit mo siya hinayaang makalabas?" tanong ng Hari. Yumuko si Luna upang magbigay galang, gano'n din ang ginawa ni Edmondo.
"Naririto ako Ama, upang sabihin na handa akong matutunan ang mga dapat kong malaman upang mahubog ang aking lakas," sagot ni Luna. "Wala pong kasalanan si Edmondo kung bakit ako nakalabas ngayon, sabihin na lang po natin na sadyang napakatigas ng ulo ko para intindihin na kailangan kong manatili sa taas ng tore," dagdag pa ng Prinsesa.
"Hindi mo alam ang sinasabi mo Luna. Bumalik ka na ngayon sa iyong silid," sagot ng Hari.
"Halika na, Mahal na Prinsesa," aya ni Edmondo sa kaniya.
"Ngunit Ana! Paano ko po malalaman ang aking lakas kung ako ay mananatili lamang doon na nakaupo at tanging pagpipinta lamang ang ginagawa? Hindi ko na po kaya ang gano'n! Hindi ko na kayang mag-isa."
"Huwag matigas ang ulo, Luna. Bumalik ka na, utos 'yan ng Hari!" sigaw ng kaniyang ama.
"Hindi ko po 'yan magagawang sundin. Sawang-sawa na ako sa pagtatago, sawang-sawa na akong manatili sa aking kulungan!" Nabigla ang Hari sa ginawang pag-sigaw ni Luna.
"Kulungan?" hindi makapaniwalang tanong ni Gualtiero.
Tumango si Luna. "Kinukulong niyo ako."
"Ginagawa ko lamang ito para mapabuti ka! Para maprotektahan ka, Luna!"
"Nabuhay ako para magligtas Ama, kung mamamatay man ako tatanggapin ko. Huwag niyo naman po sanang ipagkait sa akin ang kalayaan ko. Sobrang tagal ko ng nanatili sa kulungan na iyon, ayaw ko ng bumalik pa!"
"Prinsesa, nawawalan ka na ng galang sa iyong Ama," mahinang sabi ni Edmondo.
"Sige, gawin mo ang lahat ng gusto mo. Magpakasaya ka, kalimutan mong Prinsesa ka na walang alam at dapat na protektahan," sagot ni Haring Gualtiero na para bang nagtarak ng patalim sa puso ni Luna.
"Wala akong alam?" naluluhang tanong ng Prinsesa.
"Hindi mo pa kaya ang sarili mo Luna, ngunit nagmamagaling ka na. Hahayaan kita sa gusto mo, ngunit kapag may nangyari sa'yo na masama huwag mo akong sisihin na hindi kita prinotektahan at binalaan sa mga gusto mong gawin!"
Napalunok si Luna para pigilang umagos ang luha niya. "P-Papatunayan kong mali ang pagkakakilala mo sa akin. Hindi ako prinsesang walang alam at dapat lang na protektahan, kaya ko ang sarili ko. Papatunayan ko 'yan sa inyo," galit niyang sagot bago tumalikod at lumabas ng silid.
"Kung magsalita siya ay parang may nagawa na siya na magpapatunay sa kanyang sarili," reklamo ng Hari kay Edmondo. Huminga siya ng malalim at napahawak sa ulo dahil sa nagiging pagtatalo nila ng kanyang anak.
"Hindi ba't tila may pinagmanahan siya?" tanong ni Edmondo.
━━━━━・ 。゚★: *.☪.* :★ ゚。・━━━━━━
"Hindi ko kailangan magpakasal sa isang prinsipe para protektahan ako, kaya kong protektahan ang aking sarili," galit na sabi ni Lila bago itapon ang isang punyal na bumaon sa pader.
"Bakit ba napaka-tigas ng iyong ulo?" mahinahong tanong ng dating Hari ng Prostatévo bago si Gualtiero.
"Ganito niyo ako pinalaki," sagot ni Lila bago umalis sa harap ng Ama.
━━━━━・ 。゚★: *.☪.* :★ ゚。・━━━━━━
"Ayaw ka pa niyang pakasalanan noon dahil naniniwala siyang kaya nyang kumilos mag-isa kahit na babae siya," sabi ni Edmondo kay Haring Gualtiero na ngayon ay nakatingin sa litrato ng yumaong si Reyna Lila.
"Ngunit walang makakatanggi sa ganda mong nilalang, kaya hindi na ako magtataka kung pumayag siya na magpakasal sa'yo kahit paano," sabi pa ni Edmondo.
Ngumiti si Haring Gualtiero habang hinahawakan ang mukha ni Reyna Lila.
"Matigas na ang ulo ng ating anak, tulad mo noong kabataan mo pa."
━━━━━・ 。゚★: *.☪.* :★ ゚。・━━━━━━
Tumakbo si Luna na umiiyak, kahit hindi niya alam ang punta niya ay tumatakbo pa rin siya palayo. Nakarating siya sa likod ng palasyo kung saan walang tao at doon huminto. Umiiyak siyang umupo sa damuhan at pinagmasdan ang langit.
"Bakit ba kailangan ko pang maging prinsesa? Pwede naman akong maging ordinaryong mamamayan lamang, hindi ba? Bakit ako nahihirapan ng ganito?" umiiyak niyang tanong.
"Nakatakda kang maging prinsesa kaya't gampanan mo ang itinakda ni Bathala para sa'yo."
Napalingon si Luna upang tignan kung sino ang nagsalita. Isang maliit na nilalang na lumilipad ang nakita niya. Hindi siya nagulat, pinagmasdan niya lamang ito.
Isa itong Lambana.
Nilahad niya ang kamay niya kaya't tumayo ito sa kaniyang palad. May pakpak itong kulay lila gano'n din ang damit nito habang ang buhok nito ay kulay asul, napakaganda nitong nilalang. Lumipad ito palapit sa kaniya at pinunasan ang mga luha niya.
Napangiti siya kahit paano dahil sa ginawa nito.
"Nandito ka lang pala."
Nagtago bigla ang Lambana sa loob ng buhok ni Luna nang magsalita ang isang boses lalaki. Nilingon iyon ni Luna.
"Pinapahanap ka ng Hari," seryosong sabi ni Arayan. Hindi siya pinansin ni Luna, nagbalik lamang ito sa dating posisyon. "Hindi mo dapat sinagot ng pabalang ang Hari. Ama mo siya, Prinsesa," sermon nito.
"Naglalabas lamang ako ng saloobin. Gusto ko lamang iparating sa kaniya na hindi ako masaya sa buhay ko, bakit ba ang hirap no'n ipaintindi sa inyo?" galit na tanong ni Luna.
"Pino-protektahan ka lamang namin," mahinanong sagot ni Arayan.
"Hindi ko kailangan ng magpoprotekta sa akin, kailangan kong maging masaya at maging malaya. Mahirap ba 'yon ibigay?" naluluhang tanong ng Prinsesa. Dumungaw ang maliit na nilalang upang pagmasdan siya, niyakap nito ang pisngi niya upang siya ay damayan.
"Mas gugustuhin mo pang sumaya kaysa pangalagaan ang buhay mo? Gano'n ba 'yon?" tanong ni Arayan na naiinis na din sa nangyayari.
"Oo, gano'n na nga. Mas gugustuhin ko pa sigurong mamatay na lang kaysa maramdaman ang labis na kalungkutan dahil sa unti-unting paglayo ng mga taong nagpapasaya sa akin noon." Mapait na ngiti ang ginawa ni Luna. "Para na din naman akong pinapatay sa sakit."
"Prinsesa, hindi ka nag-iisa. Kung malungkot ka, mas nalulungkot akong makita kang nagkakaganyan," mahinahong sagot ni Arayan.
Napailing si Luna. "Huwag mo akong gawing biro, wala kang pakialam sa akin."
"Nagkakamali ka-"
"Siguro nga nagkamali ako, nagkamali ako na itinatak ko sa isip ko na mananatili ka sa tabi ko, na hindi mo ako iiwan. Nagkamali ako." Hindi na niya mapigilan ang paghagulgol.
"Hindi kita iniwan, Luna." Nag-igting ang panga ni Arayan.
"Ano ang tawag mo sa ginawa mo? Nalingat lang ako saglit nawala ka na. Ano 'yon, Arayan?"
Hindi nakasagot si Arayan, ayaw niyang may masabing hindi kaaya-aya. Ayaw niyang madulas na may pagtingin siya sa prinsesa, kaya't umiiwas siya.
"Hindi ka makapagsalita dahil totoo. Iniwan niyo na akong lahat!" sigaw ng Prinsesa sabay tayo. Tumakbo siya papasok sa kaharian at umakyat sa kaniyang silid. Nagkulong siya doon habang umiiyak.
Lumabas naman ang Lambana mula sa kaniyang buhok at dinamayan siya.
"Malalagpasan mo rin ang lahat ng kalungkutang nararamdaman mo, Prinsesa. Huwag kang panghinaan ng loob," sabi ng Lambana.
━━━━━・ 。゚★: *.☪.* :★ ゚。・━━━━━━
"Narinig ko lahat ng usapan niyo at doon ko nabatid na tunay ngang may pagtingin sa'yo ang Prinsesa," sabi ni Maia kay Arayan.
"Malungkot lamang siya dahil akala niya nag-iisa siya at iniwan na namin siya, 'yon lang 'yon," sagot naman ni Arayan.
"Bakit ba hindi ka naniniwala sa sinasabi ko? Babae ako kaya't alam ko ang bawat galaw at nararamdaman ng isang babaeng nagmamahal."
"Hangga't hindi ako nakakasiguradong parehas kami ng nararamdaman, hindi muna ako susugal."
"Anong klaseng lalaki ang gagawa ng ganyan?" tanong ni Maia dahilan para mapatingin sa kaniya si Arayan na may nagtatakang mukha.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Nagmumukha kang duwag sa lagay mong 'yan, bakit hindi ikaw ang unang umamin sa Prinsesa? Kapag mali ang nararamdaman ko na gusto ka din niya, itigil mo ang nararamdaman mo. Kapag parehas kayo ng nararamdaman, ipaglaban niyo ang isa't isa," sagot ni Maia. "Upang sa gano'n ay hindi na kayo mahirapan kakaisip kung may pag-asa ba kayo o wala, upang makita niyo na ang kalayaan sa piling ng isa't isa," dagadag pa niya.
"Paano mo nagagawang maging matatag sa tuwing pinaguusapan natin ang nararamdaman ko tungkol sa prinsesa?" tanong ni Arayan.
Ngumiti si Maia."Hindi naman kita mapipilit kung hindi sa akin tumitibok ang puso mo, hindi ba?"
Ngumiti din si Arayan.

Comentário do Livro (18)

  • avatar
    CristinaKetlhen

    Não é ruim

    07/01

      0
  • avatar
    Erinea Heshan

    Ang ganda ng story ang sakit lang talaga nung part ni Luna.

    22/08/2023

      0
  • avatar
    Ian Anglo Gualva

    wow

    31/07/2022

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes