logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Finale 2

NESSA'S POV
Masaya kaming sinalubong nina ate Czai ng makarating kami. Gabi na din kaming nakarating dito sa bahay ng parents ko at ang mga bata ay nakatulog na sa kwarto na nakalaan samin. Dahil siguro sa pagod.
"Merry Christmas Sisteret!!!" mahigpit akong niyakap ni Ate Czai at niyaka ko din naman sya pabalik. "Na-miss ko kayo. Bakit naman kasi every Christmas at New year lang kayo umuuwi. Mas gusto kitang kachikahan ng personal." dagdag pa nya at kumalas na ng yakap sa akin. Natawa naman ako.
Simula kasi ng maging mag-asawa na sila ni Kuya Zen ay minsan na lang silang magawi sa Manila. Kapag bumibisita lang sa amin o kaya ay sinasamahan si Papa sa monthly check up nito. At tama sya na tuwing pasko hanggang bagong taon na lang kami umuuwi. Yun din lang ang time na nagkakasama sama kami at nakakapagkwentuhan ng personal. Mas feel kumbaga.
"Alam mo naman na busy kaming mag-asawa sa trabaho. tsaka dun na din nag-aaral ang mga bata." sagot ko sa kanya. Inaayos ko din ang mga gamit namin.
"Tutulungan na kita." bigla na lang nyang hinaklit sa akin ang hawak kong pouch na naglalaman ng toiletries. Nakabukas iyon kaya ng bigla nyang kunin ay nagkalat sa sahig ang mga gamit. "Gosh! Sorry!! Ang gagi ko naman. Sorry." sabi nya at yumukod na din para tulungan ako sa pagpulot ng mga gamit. "Wait! " natigil ako at nag angat ng tingin. Automatic na dumapo ang tingin ko sa bagay na kaslukuyang hawak nya bago ito mabilis na inagaw sa kanya. "OMG!!!!" napatakip pa sya sa bibig.
"Shhhh. Secret na muna natin ito. Balak ko sanang kayong lahat ang sorpresahin pero... ayan! Alam mo na." nakangiwi na sabi ko. Isinuksok ko na lang sa bulsa ng jeans na suot ko ang bagay na iyon.
"Gosh!!! I'm so happy for you sisteret!! Grabe!!" ngiting-ngiti na sabi pa nya.
"Basta wag mo na lang munang sasabihin sa iba. Tayo pa lang ang nakakaalam." sabi ko. Nakangiti at halatang kinikilig naman syang tumango bilang pag-sang ayon sa sinabi ko.
"So kelan mangyayari ang big revelation?" pang-uusisa nya ng matapos na kami sa pag-aayos ng mga ggamit namin. Hindi nya ako hinihiwalayan kanina pa. Naiiling na lang ako. Halatang excited ang isang ito.
"Mamaya. Wala akong gift sa kanya. Eto ang gift ko." sagot ko. Talking about that THING she saw.
"Ihhhhh. Kenekeleg ako." niyugyog pa nya ako pero mabilis din nyang tinigil. "Sawreyyy. I forgot. Hehe" sabi pa nya kaya tuluyan na akong natawa.
"Shhh. Act normal ate. baka mahalata tayo. Ayoko na mabulilyaso ang plano ko. Mawawala ang element of surpris." sabi ko sa kanya. "Tara na sa baba. Naghihintay na sila dun. Tutulong na lang tayo sa pagprepare ng pagkain. Ilang oras na lang ay Noche Buena na." niyaya ko na lang sya. Kung mabi-busy sya ay makakalimutan nya iyong nalaman nya kanina. Less worry na baka bigla nyang masabi pa sa iba. Sana lang talaga ay magawa kong mamayang Hatinggabi na lang sabihin sa kanila.
At last!
The long wait is over. Pero kanina pa ako kinakabahan. Sino ba naman kasi ang hindi kakabahan?? Kanina pa tingin ng tingin sa akin si Ate Czai. Tapos ngingitian ako ng makahulugan. Feeling ko, sya na ang gustong magsabi ng dapat ay ako ang magsasabi sa mga ksama namin dito. Aish!!! This isn't new actually. Pero kinakabahan pa din talaga ako.
"Wait lang" napalingon kaming lahat Czai. Yung kaba na nararamdaman ko ay mas lalong nadagdagan dahil may ideya na ako sa kung bakit kinuha nya ang atensyon ng lahat. "Sisteret!! Bakit wala kang regalo sa asawa mo? Aba!" napabuntong hininga ako. Sya naman ay malaki ang ngisi.
"Ate!!! Pine-pressure mo ako eh. " sabi ni ko. Sandali akong lumingon kay Rio at napansin ko na nakakunot ang noo nya. Nagtataka siguro sa nangyayari.
"Go na kasi!!" cheer ni ate Czai at mukhang excited sya. Pero mas lalo naman akong kinakabahan. Kasi naman!
Muli na naman akong bumuntong-hininga bago lakas loob na binaling ang tingin sa asawa ko. This is it!!
"Ahm. Ehem." gosh!!! "Ano kasi... pasensya na kung wala akong reaglo sayo ngayong pasko. Ano kasi..." whooh!!!
"It's Ok love. Hindi naman importante ang materyal na bagay. Makasama ko lang kayo ng mga anak natin. ok na sa akin yun." malambing na sabi nya.
"Ahm. May... may gift naman kasi ako sayo." sabi ko at nagliwanag ang mukha nya. "You know, we've never talked about this." panimula ko bago ang big revelation ko. "Kasi diba... busy naman tayong dalawa pareho. Sa trabaho at sa mga bata." ghad!! I kennat!!!
Nanginginig pa din ang mga kamay ko na dinukot ang bagay na isinuksok ko kanina sa bulsa ko. Naglakad ako papalapit sa kanya kaya mas lalo kong naramdaman ang lakas ng tibok ng puso ko. Ini-angat ko ang kamay ko at ini-abot iyon sa kanya. Pakiramdam ko naman na lahat ng atensyon nila ay nasa akin.
"Ihhhh.." bahagya akong natawa sa reaksiyon ni ate Czai ng tanggapin na ni Rio iyong ini-aabot ko sa kanya.
"What—"gulat syang nag-angat ng tingin sa akin ng malinaw na nyang makit ang hawak nya.
It was a pregnancy test Kit. With two red lines.
"You're pregnant? "gulat na tanong nya. Pabalik-balik pa ang tingim nya sa hawak na stick at sa akin.
"O-Oo." pagkumpirma ko. "Alam kong hindi natin napag-usapan ito kaya—"
"Whoooohooohh!!! Congratulations!!!!!" umalingawngaw ang hiyawan sa paligid. Pati ang mga anak namin ang nakikisaya din kahit na parang hindi pa nila masyadong gets ang nangyayari. I didn't finished my words dahil bigla na lang nya akong kinabig at hinalikan sa labi. Nakakahiya!! Pero pakiramdam ko nakalutang ako sa ulap.
"IIniisip mo ba na magagalit ako sayo?" maluha-luha na tanong nya at hinarap na ako ng maayos. Tumango naman ako. "No. Masaya ako. Masayang-masaya. Hindi ko alam kung anong kabutihan ang nagawa ko para maging masaya ako ng ganito." sabi nya at muli akong niyakap. "Salamat. Salamat sa mga anghel sa buhay atin na ibinigay mo sa akin. At sa dadagdag pa sa pamilya natin. Mahal na mahal kita. Ikaw at ang mga anak natin... "hinaplos pa nya ang impis ko pang tyan. "At ang panibagong baby natin."
And that's it!
Never in my life I've imagined na magiging masaya ako ng ganito. Crush ko lang sya noon tapos asawa ko na ngayon. I can't describe my feelings. Sobra-sobra. Umaapaw.
.
.
.
.
.
THAT'S IT! I'M DONE WITH MY FIRST EVER PAID NOVEL. Ahahaha.
Salamat sa mga nagbasa at naghintay ng update. Sa mga nagbigay ng comments at compliments salamat din. Sobra. Hindi ko lang in-expect. Akala ko magiging flop itong story ko.
Sa mga frenny ko, thank you.
Anyways, wala ng susunod na chap, tapos na talaga ito. Salamat ulit.
SORRY FOR SO MANY TYPOS AND GRAMMATICAL ERROS. I HAVEN'T EDITED THIS.
If you love this STORY, don't forget to drop few tips. Thank You!!!
Sana suportahan nyo din ako sa susunod kong gagawin na story. May simula na yun pero di pa ako confident sa flow. Hahahaha.
Basta!
😘

Comentário do Livro (251)

  • avatar
    HandsomelyYours

    This story has a nice storyline and satisfying ending🧡🧡🧡 HIGHLY RECOMMENDED 🧡🧡🧡

    23/06/2022

      0
  • avatar
    Sarang Cabug

    whoaaaah what a romantic roller coaster story 😟😍😭 can't wait for the next chapter! i already read chapter 12 in just half of a day😍😍

    12/01/2022

      6
  • avatar
    Norhaya Saligan

    so fun crying and very beautiful story

    12d

      0
  • Ver Todos

Fim

Recomendações para você