logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Finale 1

Writing it's first chapter and the finale are the hardest thing to do, for me. I just wanna say thank you sa mga sumuporta at sumubok na magbasa ng story ko. Hindi ko inakala na kahit papa'no ay papatok itong gawa ko. Salamat sa mga nagbasa at nagvote at sa nagfollow. Jinja! Neomu, neomu, neomu, kamsahamnida. Eheh!!
At dun sa crush ko na basehan kaya naisulat ko ito sa watty noon😂😂😂😂 May pakinabang ka din pala. Hahaha. Salamat na lang sa lahat.
.
.
.
.
.
.
Rio's POV
"Be careful! " mabilis ang naging kilos ko ng madulas ang bunso namin na kasalukuyang nakikipaghabulan sa mga kuya niya. "Dahan-dahan naman anak. Masusugatan ka nyan. Sayang ang ganda." biro ko and she giggled. Lumapit naman sa amin ang dalawa ko pang anak na lalaki.
Bryle is already 11 years old, our second little boy Renjiro is turning five years old at ang aming unica hija naman ay three years old at malikot na. While her brothers are playing basketball, automatic na sasali sya kahit madalas pa din madapa.
"Sowy." Maia said at pinupunasan din ang dungis sa kanyang mukha. Napangiti na lang ako dahil sa ka-cute-an nya. Kamukhang-kamukha pa sya ng asawa ko. Ganun daw kasi yun, kung sino ang mas mahal iyon ang kamukha ng anak. Well, I can't argue with that. Naniniwala naman ako dun.
"Pa, sama ulit kami ha? Sundo mo si mama diba?" napalingon ako sa anak ko, kay Jiro ng tanungin nya iyon.
"Wag na, dito na lang tayo kasama nina lolo, may crush ka lang dun sa school ni Mama eh." muli akong napalingon sa pangalawa ko matapos kong bigyan ng atensyon si Bryle. What was that?
"Wala ah!! Gusto lang ko makita mama natin." depensa nya sa sinabi ng kanyang kuya.
"Kita kaya kita. Tinititigan mo yung bata dun. Yung bumibili ng ice cream." pangungulit pa ng kapatid. mukhang tama ang sinabi ng kuya nya kaya nakita ko na lang na parang iiyak na si Jiro. Iiling-iling na inawat ko sila.
"Enough, boys. Pupunta tayo sa school lahat para sunduin ang Mama nyo. At ikaw..." bumaling ako kay Bryle na nginingisihan ang kapatid na paiyak na. "Wag mo ng tuksuhin ang kapatid mo. Ikaw ang kuya, ikaw pa ang nagpapaiyak. Si Maia nagsumbong sakin, inaaway mo din sya. Gusto mong isumbong kita sa Mama mo?" mabilis naman syang umiling. "Tigil na ok? Ayaw mo naman siguro na tuksuhin kapag nagka-crush ka diba?" tumango lang sya.
Ang hirap lang maging magulang sa tatlong makukulit na ito. Pero at the same time masay din sa pakiramdam. Mixed emotions kumbaga.
Vannessa and I have been married again for almost six years. Natupad ko iyong pangarap nya na beach wedding by the sun rise at hindi ko. makakalimutan kung nakailang I Love you sya sa akin dahil sa sobrang saya na natupad na ang dream wedding nya. I'm more than Happy that time dahil sa pangalawang pagkakataon ay ako pa din ang pinili sya at pumayag pa sya na magpakasal ulit sa akin. Right now, she's still managing their café with her friend Ally. Every Friday and Saturday naman, she's working as an instructor sa isang Agricultural Center sa bayan.
Sa ngayon ay bakasyon ng mga bata, at nakaleave din ako sa trabaho dahil uuwi kami ng probinsya para doon magcelebrate ng pasko kasama ang mga parents namin.
"Papa, chocoweyt! " napalingon ako sa anak kong bunso. Kadarating lang namin dito sa working place ng asawa ko pero pagkain na kaagad ang hinahanap nitong bunso naman.
"Later, baby. Susunduin muna natin si Mama." sabi ko at hinarap ang dalawang lalaki sa likod na wala na pala doon dahil mabilis ng nakababa. "Kita mo na? Iniwan tayo ng mga kuya mo." natatawang pagkausap ko kay Maia tumawa lang sya kahit na alam kong di nya masayadong nagigets ang sinasabi ko. Kinarga ko na lang sya at hinanap ng paningin ko ang dalawa. Tumatakbo ng pareho palapit sa Mama nila na kumaway ng magtama ang tingin namin. I held my daughter's hand and waved it back to her mom.
"How's work? "tanong ko ng makalapit na kaming mag-ama. bitbit naman ni Bryle ang shoulder bag ng Mama nya, samantalang si Jiro ay palinga-linga. Parang may hinahanap. Nakangiti na nailing na lang ako ng maalala ko ang tukso sa kanya ng kuya nya kanina.
"Tiring. Pero masaya naman. Lalo na ang narinig ko ang mga thanks you ng mga estudyanteng nakatoka sa akin kanina."sagot nya. "Ang mga bata, kumusta? Hindi ka naman pinahirapan?" balik na tanong nya sa akin. Ngumiti lang ako at umiling.
I won't get tired of my kids. Sobrang saya sa feeling na may mga batang naglalaro sa paligid mo. Yung sarili mong anak. Plus having a lovely wife like her.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Akala namin hindi kayo makakarating. Sobrang hirap ba ng byahe? " it was Zen. Kararating lang namin at hinila na nila ako dito sa likod-bahay. Sakto ang dating namin dahil naghahanda na sila para sa dinner. May inumin na din at may bawas na iyon.
"Hindi naman masyado. Medyo problema nga lang sa byahe yung mga bata dahil makukulit." sagot ko sa kanya.
"Yes. kids will always be kids." komento ni Zen. Indeed.
.
.
.
.
.
.
"MERRY CHRISTMAS EVERYONE!!!!" bati naming lahat sa isa't isa at sabay-sabay itinaas ang mga baso na may lamang orange juice. Maiinggit daw kasi ang mga bata kaya juice na lang lahat. Mamaya or bukas na lang ang alak para sa mga matatanda.
"Merry Christmas Papa namin." naplingon ako sa mga anak ko at lahat sila ay may mga bitbit na regalo. Magiliw ko naman silang nilapitan. Gaya nila ay may regalo din ako para sa kanila at sa lahat ng mga pamangkin ko na present sa araw na ito.
"Bestfriend!!! Merry Christmas. Sensya na,yan lang ang nakayanan. Kuripot kasi itong asawa ko." natawa ako sa sinabi ni Czai at tinaggap ang regalo nya na alam kong para na sa aming mag-asawa.
Pati ang mga parents-in-law ko ay binigyan din kaming asawa ng regalo.
Inilibot ko ang paningin ko. nagkakasiyahan na lahat at abala sa pagbubukas ng mga regalo na natanggap nila. ang mga matatanda ay sandaling naging isip bata na akala mo ay unang beses na nakatanggap ng regalo.
"Wait lang" napalingon kaming lahat Czai. "Sisteret!! Bakit wala kang regalo sa asawa mo? Aba!" nailing na lang ako sa tanong nya. Napansin pa nya talaga yun? That was not a big for me. May regalo man sya o wala.
"Ate!!! Pine-pressure mo ako eh. " sabi ni Vannessa. Nangunot naman ang noo ko at nagtatakang tiningnan ang asawa ko.
"Go na kasi!!" cheer ni czai at mukhang excited sya.
"Ahm. ehem! " itinutok nya ang tingin nya sa akin. Napansin ko din na pinaglalaruan nya ang mga daliri nya

Comentário do Livro (251)

  • avatar
    HandsomelyYours

    This story has a nice storyline and satisfying ending🧡🧡🧡 HIGHLY RECOMMENDED 🧡🧡🧡

    23/06/2022

      0
  • avatar
    Sarang Cabug

    whoaaaah what a romantic roller coaster story 😟😍😭 can't wait for the next chapter! i already read chapter 12 in just half of a day😍😍

    12/01/2022

      6
  • avatar
    Norhaya Saligan

    so fun crying and very beautiful story

    12d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes