logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

CHAPTER 1: WE MEET

I found myself staring at a handsome stranger while sitting in a resto table and waiting for my bestfriend Ali to come.
This is another day and guess what? I cutted my class again and again and again. Why do I need to study? I know everything, the whole damn thing in this world.
Except from unimportant love that everybody wants to feel. It was such a freaking waste of time. You will love a person but he or she will leave you when they had enough? Stupid. Tanga lang ang gugustuhing masaktan dahil nagmahal.
Tanga lang.
I continue staring to that man. I don't know, but his aura got me. Am I that bored waiting for my bestfriend Ali, so I pay a stare to that man? Hmmm, I guess so.
I think he noticed what I've done. He knew that I am eyeing him the whole time. He is now walking in my direction. He is intently looking at me, at naiilang ako kaya nag-iwas din agad ako ng tingin.
Bakit kinakabahan ako bigla sa kaniya?
"Hey miss, bakit mo ba ako tinititigan? Are you stalking me? Nakakailang. Babae ka, hindi ka dapat naghahabol sa mga tulad ko."
My eyes get larger and my eyebrows meet. Nakakapanggigil ang isang ito ah. Nakakapanginig siya ng kalamnan.
Ano naman sa kaniya kung nakatitig ako? And WTF? Naghahabol? Sa tulad niya? No way! Ni hindi nga namin kilala ang isa't isa!
I sarcastically smiled. "Are you assuming, sir? I'm not staring at you. Duh. You're not even gwapo. Why would I pay attention for someone like you? Huh?" I smirked.
"Anong ibig mong sabihin sa mga katagang sinabi ng bibig mo?"
I know there's an irritation in his voice. I like this situation. Not bad anymore.
"What I mean is look at you," utos ko. "Your watch, your clothes and all part of you are cheap. Why would I be interested in such persons like you?"
I hate to say those words but I love to make people pissed because of me, lalo na kapag pinangungunahan nila ako. Sana hindi na lang siya lumapit at hinayaan na lamang akong tumitig sa kaniya. I mean, my cute stares will not kill him. Overacting lang talaga siya.
"Siguro nga, ang damit ko pati ang pagkatao ko ay mumurahin lang para sa tingin ng katulad mo. Pero ang relong ito ay hindi mapapantayan ng kahit anong yaman mo!"
I got scared because of the tone of his voice. The way he talks to me is so scary.
"Why are you talking to me like that? Who are you to start an argument with me? You don't know me, huh?"
Nagawa niya akong ngisihan. "Bakit? Kailangan ko bang kilalanin ang isang mahangin na babaeng katulad mo? Bakit ko sasayangin ang oras ko sa'yo? Anak ka ba ng future President ng Pilipinas? Ikaw ba ang nagmamay-ari ng buong mundo na kinatatayuan ko? Ang babaeng papakasalan ko sa hinaharap? Kahit sino ka pa, hindi dapat ganyan ang asal mo."
Gosh. His face is handsome as hell in my eyes. But the way he talked to me made me annoyed.
"Look. Alam kong cutting ka--"
"No!" I cut him off.
"Don't deny because I know that school uniform of yours. Ito ang tatandaan mo, maling desisyon na kinalaban mo ang isang Connor Luigi Mintalde. Lalo na at ambassador ng pinapasukan mo. Makakabawi rin ako sa'yo at alam kong hindi mo magugustuhan ang gagawin ko."
There is a threat on what he had said. But I'm not threatened.
"Don't care."
I stand on the chair that I was sitting a while ago. Tinalikuran ko ng basta-basta lang ang lalaking nakasagutan ko.
Bago ako makalayo sa kaniya ay may sinisigaw pa ito.
"Hoy babae!" sigaw niya. "Pagsisisihan mo ang araw na ito! I promise! Hindi mo rin kilala kung sino ako! Magsisisi ka!"
I saw him in my peripheral vision and he looks so pissed. Susundan pa sana niya ako but then his friend stopped him.
Aliah called me and she said she can't go with me. Si Tito Jun daw ang naghatid sa kaniya, which is her strict Dad, kaya hindi siya makatakas sa school.
Bakit ba napakastrikto ng mga magulang? No wonder, natututong maglihim sa kanila ang mga iniingatan nilang mga anak.
Pumunta na lamang ako sa comfort room para ayusin ang naging messy kong buhok. While preparing my blue comb, I realized something.
"Ito ang tatandaan mo, maling desisyon na kinalaban mo ang isang Connor Mintalde. Lalo pa't ambassador ng pinapasukan mo."
Naalala ko ang sinabi ng lalaking nakaaway ko kanina.
Wait.
Was he the man that my classmates love to talk about? The ambassador which happens to be the one whom I will interview tomorrow? Connor Luigi Mitalde?
I hurriedly pack my things up. Lumabas ako agad ng comfort room at nagpalinga-linga. I wandered around and I was expecting that I will see that man but I disappoint myself. Unluckily, I don't have the chance to saw him again.
I was so sorry for myself. Bakit kasi ang hilig ko makipag-away? Now, I totally regret what I have done. This is a digital karma.
My Dad was right. Karma is a bitch.
Nagpasundo ako kay Kuya Em, ang driver namin, pero nasa meeting pa raw siya ni Dad. No choice kung hindi ang mag-commute at dalhin ang sangkaterbang shopping bags.
I hate this day. Hindi pa rin mawala sa isipan ko ang ginawa kong kabaliwan. That ambassador is the reason why I entered an exclusive school, may matututunan raw kasi ako sa lalaking iyon.
When I successfully finish my studies, my parents will grant anything that I want.
Although, I buy the things I love always and I have my freedom, the things that my parents will grant me is more than a luxurial life that I'm dreaming of.
A happy family na ako mismo ang bubuo. A steady life with my partner. Alam kong sinabi ko na wala akong pakialam sa pag-ibig but there's a part of me na gusto ko pa rin namang bumuo ng pamilya at magkakaroon lang ako no'n kapag natapos ko ang pag-aaral ng Political Science.
My parents will only give their permission kapag nakapagtapos na ako. Their opinion matters to me and that is another reason why I am foecing myself to study.
Dahil sa ginawa ko kanina, nakapag-isip-isip ako.
Paano kung huwag na lang akong pumasok bukas? Alam kong gagantihan ako ng lalaking 'yon.
Pero, kung aabsent naman ako sa mismong birthday ng bestfriend kong si Lianna ay magtatampo iyon. Nangako kasi ako na pagkatapos naming mag-interview kay Mr. Mintalde ay kakain kami sa labas with FemFam—ang Female Family ko.
I prepared so many questions for that Ambassador na ginagalang ng lahat kahit hindi pa nila nakikita pero ito ako, inaway ko lang naman siya.
Is this the end of my life? Napakamalas ng buhay ko. May nagawa ba akong malaking kasalanan sa past life ko kaya binabawian ako ngayon sa present life ko?
Argh!
Buhat there, buhat everywhere.
Sobrang stress ako sa pagco-commute tapos pagdating ko sa mansion ay walang katao-tao. What a wonderful life today!
Pagod na pagod kong inihilata ang sarili sa aking malambot na kama. I miss my bed so much.
As Lady Amaia Hichanes Mortel, the daughter of Thomas and Jagiah Mortel, I spend my parent's money for my luxury but not that luxurious as others think.
As what you think.
Nag-umpisa kami na asin lang ang ulam noong mga panahong lugmok pa ang buhay namin. Hindi ako maarte but I have learned to spoke dollars,  dahil na rin sa mga tao sa paligid ko. I am fully aware that I need to adjust myself for me to fit in.
Madalas nila akong husgahan kapag nagkakamali ako. Hindi ako ang naaapektuhan pero ang mga magulang ko?
Oo.
Sila ang naaapektuhan dito.
Kaya pinipilit kong maging isang perpektong anak, kaibigan at estudyante sa harap ng maraming tao.
Puno ng pera. Halos pera lang ang pinag-uusapan.
That's one of the reason why I don't waste any time for love. Na baka pera lang ang maging habol sa akin. I'm also known as the "Princess of Money" in Lydean Campus. Just so you know.
Alam kong may masasamang nasasabi sa akin ang maraming tao kahit pinapakitaan nila ako ng kabutihan kapag nakaharap ako. Kaya nga ba ang swerte ako na mayroon akong Aliah, Lianna, Grachey at Andraen sa buhay ko. Ang FemFam.
Sila ang mga taong naging totoo sa akin. Sila lang ang nagpakatotoo sa akin for almost a decade. Sila lang din ang nagtiwala at tumanggap sa sira kong buhay.
I sighed because of that thought.
Habang nag-iisip ng paraan kung paano ako makakatakas sa responsibilidad ko para sa interview bukas ay saglit akong nakatulog.
Naramdaman ko na lamang na may tumatapik ng balikat ko kaya napatayo na lang ako mula sa mahimbing na pagkakatulog.
Maiinis sana ako dahil napakaganda ng panaginip ko pero hindi ko naman kayang magalit sa taong nag-alaga sa akin habang wala sina Mamu at Paui.
Si Manang Lorena.
"Aya, tumayo ka na. Kakain na, nandiyan na ang mga magulang mo ngayon."
Napabalikwas ako ng tayo at saglit na nakaramdam ng pagkahilo dahil sa excitement.
Minsan lang kasi silang umuwi dahil laging nasa business trip kaya isa itong magandang gabi para sa akin.
I started to forget what happened to me at the mall a while ago. Ayaw ko munang i-stress ang sarili ko dahil sa nangyari.
Kapag nalaman ito ni Paui ay tiyak na magagalit siya at aatakihin na naman ng high-blood.
Tandang-tanda ko pa noong huli ko siyang bigyan ng kunsumisyon na dahilan kung bakit siya na-confine sa hospital sa loob lang naman ng 3 months.
Tumakas kasi kami ni Hannah, ang pinsan ko mula sa bodyguards namin at sobra silang nag-alala. We are missing for 3 days then they captured us at the playground while sleeping.
Ang dahilan namin ni Hannah ay masyadong malambot ang kama namin at na-miss naming matulog sa mga sahig.
Natatawa ako kapag naaalala ko ang bagay na 'yon. Ayun ang umpisa ng journey ko bilang isang kilalang living Princess ng Mortel.
"Hi, Mamu!" pagbati ko nang makababa papunta sa dining area.
"How's the cutting class Lady Amaia Mortel?" my Paui sarcastically said.
"Paui naman eh!"
"Why? May nasabi ba akong hindi totoo?"
Masama ang tingin nito sa akin. Ayaw kong mag-away na naman kami dahil dito. Paano niya na naman kaya nalaman na nag-cutting ako? Is he secretly following me or he hired someone to do that? Hmmmm.
I embraced him.
"Sorry na po. Hindi na mauulit. I promise," saad ko na hindi pa rin umaalis sa pagkakayakap sa kaniya.
"Ilang beses mo nang ipinangako 'yan, anak. Sana ngayon hindi na  talaga maulit ito."
Inalis ko ang pagkakayakap kay Paui at hinarap si Mamu.
"Yes po. I promise." Itinaas ko ang aking kaliwang kamay na parang nangangako. Saan kaya ako dadalhin ng pangakong ito? Hindi na mabilang sa kamay kung ilang beses ko nang sinabi ang bagay na ito.
But I will try my best.
Natapos ang kainang iyon with my Mamu at Paui na masaya ako. Maraming success na naman ang nakuha ni Paui sa businesses na siya mismo ang nagpalago kasama si Mamu.
Nauna na silang magpaalam na magpapahinga, gawa ng pagod mula sa trabaho.
Ako naman, ito sa balcony, nakatingin na naman sa langit at iniisip ang kagagahang ginawa ko sa mall.
Kailangan kong panagutan ito. I need to do my best para makuha ang grade na kailangan ko para sa interview na 'yon. Hindi ako papayag na babagsak ang FemFam dahil sa akin.
Connor Mitalde. I'm ready for a war with you.
Get ready, for my revenge.
Lol.
------------------------------------------------------
:<<

Comentário do Livro (50)

  • avatar
    USNIEKRISJEN

    perfect story

    26/06

      0
  • avatar
    Alyza F Francisco

    good

    13/06

      0
  • avatar
    Jelian Cainglet

    its so nice

    26/05

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes