logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 4

"Good Day everyone," pagsisimula ng host ng program.
Ngayong araw na magp-present ang mga students. Hindi naman lahat ay magp-present tanging mga nasa Class A lang, at iilan sa Class B na running for a slot in Class A.
"Tayo ang una," bulong ni Alex sa akin na hindi ko alam kung saan nanggaling, basta bigla nalang siyang lumitaw sa tabi ko.
"Huh? Bakit tayo ang una?" Takang tanong ko.
"Because I am the council president, ayaw mo yun? After natin, pwede na tayong umalis agad. Teka... are you afraid?" Tila concerned na tanong niya at hinawakan pa ang balikat ko.
"Of course I'm not! Dati kaya lagi akong pinagsasalita sa harap ng maraming tao ni- uhm, ng teachers ko sa school," nakahinga ako ng maluwag dahil muntik ko nang mabanggit si papa. Baka mamaya maopen ang topic about family at matanong niya pa.
"Starting off with Council President Alexander Lopez and his partner, Ms. Hana Yang."
Bahagya akong kinabahan nang banggitin ang apelyido ko, mabuti nalang at hindi napaisip si Alex. Inalalayan pa niya ako paakyat ng stage bago pumwesto sa may kabilang dulo, tinignan niya ako at sinenyasan kung handa na ba ako. Tumango naman ako kaya sinimulan niya na agad.
"I am Alexander Lopez, I am the son of one of the investors in our school. I am also the council president of our campus, and one of the top students. My dad owns a company that is under the biggest company in Asia, my Mom is a former professional model. I am planning to take Law for college," panimula ni Alex. Tuwang-tuwa naman ang karamihan at may ibang kinikilig pa, I can see that he has a lot of admirers. I smirked.
"Hi, I am Hana Yang. I am a transferee in this prestige university so I assume none of you knows me, let me introduce myself. I am a consistent honor student from pre-school until last year, hoping to be an honor student this year as well. My parents have a small business in South Korea, and yes I grew up in South Korea. I am pure korean, but my mother grew up here in the Philippines. Here are some more facts about me and Alex," saad ko tsaka tumingin kay Alex para sa powerpoint.
Napatingin ang iba sa akin nang tawagin ko siyang Alex, siguro dahil karamihan ay 'president alex' ang tawag sa kanya?
Maayos na natapos ang presentation namin, mas pinili ko na manatili dahil gusto ko'ng mapanuod mag-present si Shane. Si Alex naman ay may importante na gagawin raw kaya hinayaan ko nalang.
"Galing!!!" Pagpuri ko kay Shane as soon as she came back to her seat. Napahinga naman ito ng malalim.
"Kinabahan ako duon ah," saad niya na tinawanan ko lang.
"Talaga? Ang galing mo nga e!" Pambobola ko pa.
Dumiretso rin ako agad sa klase ko matapos ang program, may mga dini-discuss na rin kasi kaya mas mabuting hindi ako magskip ng kahit anong klase.
Nakatayo at magr-recite sana ako, when we got interrupted by a sudden knock on the door.
"Good day Mr. Rimualdez, I would like to excuse Ms. Hana. Is it okay?" Ani Alex na nakatayo sa may pintuan.
"Sorry President Alex but she is currently reciting, hindi ba makapagh-hintay?" Magalang na saad ni sir, na tinanguan ko naman.
"Well, dito ko nalang sasabihin if you don't mind?" seryosong tanong niya kay sir.
Nag-dalawang isip pa si sir pero kalauna'y tumango rin. Ngumiti naman si Alex bago ako hinanap  na agad rin niyang natagpuan dahil nga nakatayo pa ako. "Hindi kita mahahatid pauwi mamaya, may meeting kami sa council. Can you go by yourself?" Diretsong ani Alex, not minding everyone's reaction.
"U-Uhm... Yeah, kaya ko naman na. Don't worry," awkward na saad ko.
Naglakad bigla si Alex sa pwesto ko, medyo napaatras tuloy ang katabi ko para bigyan siya ng way. Hindi na siya masyadong lumapit pa ng buo pero inilapit niya ang mukha niya sa akin, "Text me when you get home."
Natulala ako sa asta niya, habang ang iba ay hindi makapaniwala. Marahan niyang hinimas ang balikat ko as a goodbye at lumabas na ng room. Ilang sgundo na ang lumilipas ngunit tahimik pa rin ang lahat, maging si sir ay hindi makapagsalita at nakatingin lang sa pintuan na nilabasan ni Alex.
"So sir, ano po ung question ulit?" Saad ko, nagbabaka-sakaling mabalik sa normal lahat. Pero nalipat lang ang tingin ng lahat sa akin, may iba na nagtataka ang tingin. May iba na tila hindi makapaniwala, at ang iba naman ay nakangiti. Ngunit naagaw ng atensyon ko ang reaksyon ng isang babae na tila naningkit ang mga mata sa akin.
Naglalakad-lakad ako sa hall ng school nang maisipan ko na buksan ang phone ko at tumingin ng mga news regarding the business industry. Nang makita ko ang isang article.
Rumors about the Heiress of the Yang Group of Companies.
Nag-panic ako nang mabasa ang title, agad ko'ng binuksan ang article.
Nangunguna ang rumor na ayokong hawakan ang Company at tumatakas ako sa responsibilities. Pangalawa ay ang rumor na tumigil ako sa pag-aaral dahil tamad daw ako. Lastly, rumor about me being in the Philippines to escape my family and responsibilities.
"All of those are wrong, I want to take over the company! It's just that, I'm too young. I haven't even experienced anything yet, I didn't get to enjoy my childhood and teenage. Why is it so easy for them to believe rumors?" Pagr-rant ko kay Shane.
Kanina ay nakita niya ako sa may hall na umiiyak dahil sa nabasa ko'ng article. Agad niya naman akong sinamahan pauwi sa condo ko, dahil alam niyang hindi ako okay.
"Shush, don't look at those. No matter what happens, it's you who knows yourself. You're the only one who knows yourself, better than anyone. Don't let them define you," pagpapa-kalma ni Shane.
"I just don't get it, why is it a big deal for them kung anong decisions ko sa buhay? Bakit kailangan mangialam rin sila sa akin?" Inis na saad ko habang yakap-yakap ang unan.
"Alam mo naman na mainit kayo sa mata ng press at ng mga tao. Your family's considered as one of the perfect families in the world, maayos ang reputation ng parents mo. Even your grandparents, at syempre ikaw. Don't worry, for sure gagawan ng paraan nila tito 'yan. Kung hindi man ay malamang maraming susuporta sayo na kakilala mo, like your classmates! Or iba na kilala ka talaga," pag-comfort pa rin ni Shane sa akin.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung wala si Shane dito. Mabilis akong maapektuhan ng komento ng iba, lalo na kapag tungkol sa buhay ko as the heiress of the company.
I just hate the fact that people care to question everything about me just because I am the heiress. They don't even know how hard it is.
Palagi nalang akong pressured dahil bawat kilos ko ay minamanman ng kahit sino, isang mali ay maaari ko'ng tapusin ang buong kompanya ng pamilya ko. Other people says I'm very powerful even though I'm not yet holding the whole company, but the truth is? I'm powerless, I am not a princess, I am not living a royalty-like life. 
If they can see power in me, they must be blind. Dahil wala akong power na gawin ang gusto ko, the greatest power everyone has but I can never have. I don't have freedom.
Biglang tumunog ang telephone na agad ko'ng pinuntahan.
"Hello?" 
[Hello ma'am Hana? May naghahanap po sa inyo rito, bibisita raw po.]
"Sino?"
[Iyong sumusundo po sa inyo.]
Nagulat ako at madaling lumabas ng condo para bumaba sa lobby, napansin ko ang nagtatakang mukha ni Shane na hindi ko muna sinagot. Tumakbo ako agad, ngunit bago pa ako makapasok ng elevator ay bumukas ito. Revealing Alex in black jeans and white shirt with a black cap.
"What happened? Are you okay?" Tila nagaalala na tanong niya sa akin at pinunasan ang mga mata ko'ng malamang ay namumula kakaiyak.
Bigla nalang niya ako'ng niyakap, kasabay nuon ang lalo ko'ng pagiyak.
"Shh, I'm here. Stop crying, it'll be fine."
I don't know why, but this feels so nice.

Comentário do Livro (98)

  • avatar
    Jumong Galang

    see good

    09/08

      0
  • avatar
    Zacky Juyo

    Plss I Just need money

    03/04

      0
  • avatar
    Ricky Carl Namuco Zenarosa

    good quality of story

    29/01

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes