Hindi ko mapigilang tumitig kay Markus, ang cute niya kasing matulog parang anghel. Napaiwas ako ng tingin nang gumalaw ito, naramdaman niya sigurong nakatingin ako. Hindi siya nagising kaya tinitigan ko ulit siya at hinahaplos ang mukha niya kahit na hindi ko naman siya na hahawakan. Tumunog ang cellphone niya. Mukhang may nag-message sa kanya, napasilip ako dito at tama nga ang hinala kong may nag-message sa kanya. “Bro, bakit hindi ka sumama saamin kanina. Nakalimutan mo bang may lakad tayo?” Basa ko sa mensaheng ipinada ng kaibigan niya. Napatingin ulit ako kay Markus nang may napagtanto ako. So it means hindi pumunta si Markus sa lakad nila ng kaibigan niya, para lang masamahan ako. Di’ ko tuloy mapigilang mapangiti sa nalaman ko. Paggising ni Markus ay naghanda na siya para pumasok. Markus is now on senior high and taking business management, siguro dahil siya na ang susunod na magmamana ng business nila kaya yun ang kinuha niya. Sila lang naman ang may-ari ng GE (golden eagle) Groups of Company, ang cool diba? Matagal na rin akong hindi nakakapunta sa school kaya excited na ako, saka wala rin akong naaalala tungkol sa school na pinapasukan ko. Dahil sa bagal kumilos ni Markus ay muntikan na siyang malate. Mabuti at wala masyadong traffic, nakarating kami agad. “Good morning class.” Bati ng guro. Tumayo sila at bumati rin sa guro. Akala ko magiging exciting dito hindi pala, naboboring lang ako dapat pala hindi nalang ako sumama. Naglakad ako palabas ng classroom nila Markus at habang nasa hallway may nakita akong nagkakagulo. Pagkarating ko dito ay nakita ko ang dalawang tao na may binubully. Nakakaawa na ang mukha nung binully dahil puro dugo na ang damit nito na galing sa bibig niya. Sinipa ko ang isa sa mga lalaking bully at ang loko ay agad na nagtanong kung sino ang sumipa sa kanya, nagturo pa ito ng kung sino-sino. Binatukan ko silang pareho at nagtinginan sila sa isa't-isa. “Bat' mo ako binatukan?” Sabay silang nagsalita. “Ginagaya mo ba ako?” Sabay ulit sila. Nakakatuwa silang panoorin, ang ibang estudyante ay nagtawanan na dahil sa pinaggagawa nila. Ang sunod na ginawa ko ay hinubaran ko sila sa harap ng maraming estudyante, nagtakbuhan naman sila paalis dahil sa kahihiyan. Nag-alisan na ang ibang estudyante at bumalik naman na ako sa room nila Markus. Akala ko boring dito hindi pala, sobrang nakakatawa yung nangyari kanina. “Saan ka nagpunta?, nakita kasi kitang umalis.” Bungad nito sakin. “Dyan lang. May tinuruan lang ako ng leksyon.” sagot ko sa kanya. “Dun tayo sa library, baka may makakita sakin na nagsasalita mag-isa,” sabi niya at naunang maglakad. Ang laki ng library nila at sobrang daming libro pero ang kunti naman ng estudyante. “Dito tayo,” sabi ni Markus ng makarating kami sa dulo nitong library. “Ituloy mo yung sinasabi mo kanina.” “Naboring kasi ako sa klase niyo kaya lumabas ako, sakto naman na may nambubully kaya tinuruan ko sila ng leksyon.” Mahaba kong paliwanag “Dapat hindi mo na lang yun ginawa.” saad niya. “Tama lang naman yun sa kanila,” “Baka matakot sila at magkagulo pa,” “Sabagay, sige sa susunood mag-iingat na ako,” Pag-alis namin sa library ay dumeretso kami sa canteen. Bumili na siya ng pagkain niya at umupo kami sa bakanten lamesa. “Anong lasa niyan?” tanong ko dahil sarap na sarap siya sa binili niyang pagkain. “Masarap lalo na tong spaghetti at milk tea.” sabi niya habang patuloy sa pagkain. Sana nakakakain din ako gaya niya. Sana nakakahawak, nakikita at nagagawa lahat ng kayang gawin ng isang buhay na tao. SANA BUHAY PA AKO…. “Huy! Ang lalim ng iniisip mo.” nabalik ako sa reyalidad ng bumulong si Markus pero nakatingin pa rin ito sa pagkain niya. “Wala lang to, nami-miss ko lang sila Arianne at Axel.” Pagsisinungaling ko, pero kamusta na nga kaya sila Arianne, siguro masaya na sila at baka nakalimuta na rin nila ako. “Markus!” Sigaw ng dalawang lalaki na kakapasok lang sa canteen. Tumakbo sila palapit sa kinaruruonan namin saka binatukan si Markus. “Aray!” Sigaw ni Markus habang hinihimas ang ulo niya. “Bat' hindi ka sumipot sa lakad natin?” Tanong nung isang lalaki na kulay pula ang buhok parang yung kay sakuragi. “At bakit kayo namamatok?” Galit na tanong ni Markus sa dalawa. “Sorry na. Bakit nga hindi ka sumipot sa lakad natin?, hindi ka ba pinayagan ni tita?” pabalik na tanong nung isa pang lalaki na nakasalamin. “Gumawa lang ako ng assignment ko saka nag-ayos ng kwarto.” Pagsisinungaling ni Markus. “Sino yung dalawang yun?” bumili yung dalawa ng pagkain nila kaya nakakuha ako ng pagkakataon para makausap si Markus. “Mga kaibigan ko sila. Yung kulay pula ang buhok si Simon, yung isa naman si Roni.” sagot niya. Pabalik na sina Simon at Roni pero napukaw ang paningin ko sa babaeng kasunod nila. Siya lang naman yung babae na nakasalubong namin sa pedestrian at siya rin yung kasama ko sa kotse ng nabunggo kami. Kasama niya ulit yung lalaki na niyakap niya sa pedestrian. Umupo silang dalawa sa kabilang lamesa at sabay na kumain. “Sinong kausap mo?” hindi ko namalayan na nakatayo na pala sa harap namin sina Simon at Roni. “Wala, may prina-practice lang.” Pagsisinungaling ulit ni Markus. Umupo yung mga kaibigan ni Markus, napatayo naman ako nang tumayo yung dalawa sa kabilang lamesa at naglakad palabas ng canteen. Maglalakad na sana ako palabas nang umubo-ubo si Markus kaya napatingin ako sa kanya at binigyan niya naman ako ng ‘san ka pupunta?’ look. “May susundan lang ako.” sabi ko at agad na naglakad palabas ng canteen, pero nung paglabas ko ay hindi ko na sila makita. Kung saan-saan na ako nakapunta pero hindi ko talaga sila makita. Nakarating na nga ako dito sa labas ng university kaso wala parin. Papasok na sana ako nang narinig kong tumunog yung bell, hudyat na mag-uuwian na ang mga estudyante, kaya naghintay nalang ako dito at sakto namang nakita ko agad si Markus. Sabay na kaming naglakad papunta kung saan naka-park ang kotse niya. Bago niya paandarin yung kotse ay lumingon muna ito sakin. “San ka pumunta?” tanong niya. “Sinundan ko yung babae na nakasalubong natin sa pedestrian.” sagot ko. Tinanggap niya yung paliwanag ko at saka pinatakbo yung kotse.
Obrigado
Apoie o autor para lhe trazer histórias maravilhosas
Custo 24 diamantes
Balanço: 0 Diamante ∣ 0 Pontos
Comentário do Livro (80)
RanarioDonna Mae
g2ood job, ang galing ng kwento, kahit medyo nalito ako sa umpisa maganda naman. keep it up
g2ood job, ang galing ng kwento, kahit medyo nalito ako sa umpisa maganda naman. keep it up
20/01/2022
0great
20/07
0nice story
30/06
0Ver Todos