logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Weight of Love | Chapter 4

MAY MGA araw talaga na darating sa buhay ni Dorothy na parang wala siyang gana sa lahat ng bagay dahil sa sakit na nararamdaman niya. Isa na roon ang makipag-usap sa mga tao sa paligid niya.
“Bakit malungkot ka?”
Hindi niya sinagot ang tanong na iyon ni Link. Magkaharap silang nakaupo sa kahoy na upuan na naroon sa rooftop. Nakatungo lang siya habang may nakasalpak na headset sa magkabila niyang tenga niya kahit pa wala naman 'yong tugtog. Paraan niya iyon para walang kumausap sa kanya o kapag kunwaring ipapakita sa ibang tao na hindi niya naririnig ang masasakit nilang sinasabi.
Malakas na bumuntong-hininga si Link. Naramdaman niya ang pagtabi nito sa kanya.
“May problema ba?” mahinahong tanong nito pero hindi niya pa rin iyon sinagot. “Dorothy, alam kong walang tugtog diyan at alam kong naririnig mo ako. Kausapin mo nanan ako, oh,” may pagmamakaawa nang sabi nito.
Tiningnan niya si Link at nakita niya ang lungkot sa mga mata nito. Tinanggal niya ang headset sa magkabilang tenga. “Paano mo nalaman?”
“Ilang buwan na tayong magkaibigan. Marami na akong alam tungkol sa’yo.”
Muli siyang tumungo at isasalpak na sanang muli ang headset sa kanyang tenga pero pinigilan iyon ni Link at dahan-dahang kinuha sa kanya ang headset. Wala na siyang magawa. Ayaw na rin niyang makipagtalo kaya nanahimik na lamang siya habang nakayuko.
“Sabihin mo sa akin kung ano’ng problema. Makikinig ako.”
Ayaw niyang magsabi. Pakiramdam niya ay napaka-immature kung magsusumbong siya sa kaibigan. Napakaliit na bagay ng sinabing iyon ng kapatid niya kahapon pero pinapalaki niya.
“Dorothy,” mahinang tawag sa kanya ni Link.
“Bakit ka nakipagkaibigan sa’kin?” sa halip ay tanong niya sa lalaki nang hindi man lang ito nililingon.
“Dahil gusto ko. Ilang ulit ko nang sinabi ang tungkol diyan, 'di ba?”
Nilingon niya muli si Link. Kita niya ang lungkot sa mga mata nitong nakatutok sa kanya. “Hindi ka ba nahihiya na may kaibigan kang tulad ko?”
Nangunot ang noo nito. “Ano namang nakakahiya roon? Walang dapat ikahiya sa pakikipagkaibigan sa’yo, Dory. Mabuti kang tao at masarap kasama. Totoong tao ka at hindi mapagpanggap tulad ng iba,” mahinahon man pero may kariinang sabi nito.
Hindi niya sinagot iyon at muli lang tumungo. Pakiramdam niya ay walang saysay ang sinasabi ng lalaki dahil nahaharangan iyon ng sakit na nararamdaman niya sa mga oras na iyon.
“May nangyari na naman ba sa bahay n’yo?” tanong nito. Tanging iling lang ang isinagot niya rito. Narinig niya ang malakas na buntong-hininga nito. “Sino? Mama mo o kapatid?”
Hindi na lingid sa kaalaman ni Link ang mga nangyayari sa bahay nila. Kung paano siya pinanghihinaan ng loob sa mismong tahanan nila. Kapag itinatanong niya kung kanino nito nalalaman ay sasabihin nitong kay Amy. Hindi naman siya nagagalit kay Amy kung sabihin man nito kay Link ang tungkol doon. Kaibigan niya si Link at may tiwala siya sa lalaki.
“Kausapin mo ako, Dory. Makikinig ako,” sabi muli ni Link nang hindi siya sumagot.
Nilingon niya ito. “Hindi ka ba napapagod na maging kaibigan ako? Wala akong ibang ginawa kung hindi ang maglabas ng sama ng loob sa’yo.”
Sa totoo lang hiyang-hiya na siya sa lalaki. Sa ilang buwan nilang pagiging magkaibigan wala siyang maalala na may dumaang araw na hindi nito narinig ang hinahing niya sa buhay.
“Masaya akong nasasabi mo sa akin ang lahat ng nararamdaman mo, Dorothy. Masaya ako na kahit sa ganoong paraan ay natutulungan kita,” nakangiting aniya. “So, ano’ng problema?”
Napatungo siya at pinag-away ang mga daliri sa mga kamay. Wala na siyang nagawa kung hindi ang magkwento rito. Tahimik lang itong nakinig sa kanya. Nang matapos sa pagku-kwento ay doon niya lang napagtanto na napakaliit na bagay nga pala talaga ng ikinakasama ng loob niya.
Pero wala siyang magawa dahil iyon ang nararamdaman niya. Ayaw niyang pati sa nararamdaman niya ay magkaroon pa siya ng limitasyon.
“You want to try those clothes?” seryosong tanong nito na labis niyang ikinahiya.
“H-hindi naman.”
“Wala namang masama. Sigurado akong babagay sa’yo ang ganoon. Actually, lahat ay babagay sa’yo. Sigurado ako riyan. Lalo kang gaganda, Dory.”
Lalong nadagdagan ang nararamdaman niyang hiya dahil sa mga sinabi nito. Ramdam niya ang pag-iinit ng magkabilang pisngi. “H-hindi. Para lang 'yon sa mga sexy—”
“Ang lahat ng uri ng damit ay para sa lahat, Dorothy. Hindi iyon ginawa para lang sa kanila. Lahat ay may karapatan na magsuot ng ganoon. I even saw a man wearing crop tops kaya bakit sa’yo ay hindi magiging pwede?”
Namasa ang mga mata ni Dory sa mga narinig sa kaibigan.
“Trust yourself, Dorothy. Kapag natutunan mo nang pagkatiwalaan ang sarili mo, mawawalan ng saysay lahat ng masasakit na sabihin nila.”
Naging magaan ang nararamdaman niya dahil sa mga sinabing iyon ni Link. Lahat talaga ng sinasabi nito ay malaking tulong sa kanya. Hindi lang nito itinataas ang kumpiyansa niya sa sarili; Tinuturuan din siya nitong mahalin at pagkatiwalaan ang sarili niya.
“Palagay mo mahal kaya ako ni Mama?” tanong niya muli sa lalaki isang araw.
Pinagalitan na naman kasi siya ng kanyang ina dahil napadami ang kain niya nang umagang iyon. Hindi nga siya nito pinapagalitan kapag hindi niya nagagawang kumilos sa bahay pero parati naman siya nitong pinapagalitan kapag tungkol na sa pagkain ang usapan.
“Mahal na mahal ka niya, Dorothy. Lahat ng bagay na ginagawa niya ay may dahilan. Try to talk to her. Sigurado akong masasagot niya ang lahat ng katanungan mo,” nakangiting ani Link sa kanya. Ginulo pa nito ang buhok niya.
“Pa?” tawag pansin niya sa kanyang ama isang hapon. Nag gagawa ito ng kanilang oner habang siya ay nakaupo sa banggito na nasa harapan nito.
“Ano 'yon, anak?” tanong nito na hindi nagbibigay ng tingin.
“Paano mo masasabing mahal ka ng isang tao?”
Natigilan ang kanyang ama sa ginagawa at nilingon siya. Ibinaba nito ang hawak na wrench at tuluyan siyang hinarap.
“Inlove na ang anak ko?” ngiting ngiti at may panunukso ang tono ng boses nito habang nagpupunas ng kamay.
“Hindi po, ah,” agad niyang tanggi. Mahianang natawa ang kanyang ama. “Papa naman, eh. Paano nga po?” nakangusong aniya.
Napanguso ang kanyang ama at saglit na hindi umimik. Maya-maya ay bumuntong hininga ito at ngumiti. “Malalaman mong mahal ka ng isang tao kung matatanggap niya ang lahat ng tungkol sa’yo. Pangit man iyon o maganda.”
“Kung gano’n. . . Hindi ako mahal ni Mama?”
Kita niya ang gulat na rumehistro sa mukha ng kanyang ama at mabilis na nawala ang ngiti.

Comentário do Livro (45)

  • avatar
    Reynald Bernardo

    excellence

    12d

      0
  • avatar
    Hailey Warain

    uyww

    15/08

      0
  • avatar
    ۦۦ ۦۦ

    thanks ulit

    05/08

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes