logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Love Matters

Love Matters

KULIN


Weight of Love | Chapter 1

“HOY, Dorothy, mag diet ka nga! Napakalaki mo na, mahiya ka naman!”
Napayuko si Dorothy habang nahihiyang ibinalik ang fried chicken na isusubo na sana niya matapos marinig ang naiinis na boses ng kanyang ina. Napatingala naman siyang muli nang marinig ang impit na tawanan ng dalawa niyang nakababatang kapatid na babae na magkatabing nakaupo sa harapan niya.
“Ano’ng itinatawa-tawa ninyo riyan?” masungit na tanong niya sa mga ito.
“Wala po, Ate. Pero tama si Mama, mag diet ka na,” ani Davina— ang pangalawa sa kanilang magkakapatid.
“Ilang kilo ka na nga ulit, Ate?” natatawang tanong naman ng bunso nilang si Dakota.
Tanging pag-irap ang naging sagot niya sa mga ito dahil sa kahihiyang lumukob sa puso niya.
“Tigilan n’yo na nga ang ate ninyo. Magsikain na kayo at baka mahuli pa kayo sa klase,” istriktong ani ng kanilang ama.
Napayuko ang mga kapatid niya pero nakita niya pa rin kung paanong nagbulungan ang mga ito at tahimik na tumawa. Napapailing na lamang si Dorothy sa kaisipang tinawatag nga siyang ate ng mga ito pero kahit kailan ay hindi niya naman naramdaman na itinuring siya ng mga ito na nakatatandang kapatid.
Tiningnan ni Dorothy ang kanyang ama, na nakatingin sa kanya. Pilit na ngiti ang naibigay niya rito. Ngumiti rin ito sa kanya at mahinang tinapik ang kanyang balikat. Paraan iyon ng kanyang ama bilang pagsasabi na okay lang iyon. Okay lang ang maging mataba at walang mali sa kanya.
Pero ilang ulit nang naitanong ni Dorothy sa kanyang sarili kung okay pa nga ba ang pagiging mataba niya. Malaki siyang tao. Talagang malaki. 200 pounds ang kanyang timbang. Samantalang payat ang pangangatawan ni Davina at Dakota katulad sa mga modelo na nakikita niyang rumarampa sa mga fashion show. Sexy kumbaga.
Pakiramdam ni Dorothy ay lalo siyang lumalaking tingnan kapag katabi niya ang mga kapatid niya. Nagpapasalamat na lang siya dahil matangkad siyang tao. Iyon na lang ang naging panlaban niya.
Dala niya sa pinapasukang university ang hinanakit na ipinabaon sa kanya ng mga kapatid nang umagang iyon. Kahit pa hindi na iyon ang unang beses na nangyari iyon ay hindi pa rin siya masanay-sanay. Nasasaktan pa rin siya dahil sa kanilang bahay niya pa unang natatanggap ang ganoong pakikitungo. Sa mga kapatid niya pa.
“Bakit ganyan ang mukha mo?” nag-aalalang tanong ni Amy sa kanya.
Best friend ni Dorothy si Amy. Payat rin ang pangangatawan nito; Mas malaman nga lang nang kaunti sa dalawa niyang kapatid.
“Siguro binully ka na naman ng mga kapatid mo, 'no?” muling tanong ng kaibigan.
“Hindi naman,” mahinang sagot ni Dorothy habang nakapangalumbaba sa lamesa at nilalaro ng kutsara ang pagkaing nasa kanyang harapan. Nasa cafeteria sila noong mga oras na iyon. Lunch time pero wala siyang ganang kumain.
“Eh, bakit hindi ka kumakain?” tanong muli ni Amy.
Malakas na napabuntong-hininga si Dorothy at nakasimangot na sumandal sa kinauupuan niya bago tumingin sa kanyang kaibigan.
“Ano bang gagawin ko, Amy? Lahat naman ng pag da-diet na napapanood ko sa Youtube ay sinubukan ko na. Halos hindi na nga ako kumakain pero hindi pa rin ako pumapayat,” maiiyak na niyang sumbong dito.
Umikot ang mga mata ni Amy. Hindi na bago sa kanya ang mga sinabi ng kaibigan. “Hindi ka naman kasi mataba kaya paano ka papayat?” inis na aniya.
“Anong hindi mataba? Tingnan mo nga 'tong mga braso na 'to.” Itinuro ni Dorothy ang braso niya pero sinulyapan lang iyon ng kaibigan. “Tingnan mo nga 'tong mukha na 'to. Sobrang lobo na,” sabi niya pa na tinampal ang sariling pisngi. Nahimas niya pa iyon nang makaramdam ng hapdi. Mukhang napalakas ang sampal niya sa sarili.
Mahinang nagbuga ng hangin si Amy. Alam ni Dorothy na naiinis na sa kanya ang kaibigan pero pinipilit nitong magtimpi. Wala ba namang araw na hindi siya nagreklamo rito tungkol sa katawan niya. Minsan ay gusto niyang pigilan ang sarili sa pagra-rant sa kaibigan pero hindi niya naman mapigilan iyon kapag nakakaramdam siya ng sama ng loob. Pakiramdam niya ay sasabog ang puso niya kung hindi niya masasabi ang nararamdaman.
“You have a voluptuous body, Dory. You’re sexy kaya,” maarteng sabi nito sa kanya pero hindi naalis niyon ang simangot na suot niya kaya muli itong nagbunga ng hangin. “Huwag mo nang isipin ang sinasabi nila. Trust me, sexy ka talaga, Bes. Look at your boobs and butt! Gosh! Kung ako ang may ganyang katawan ay baka irampa ko iyan.”
“Nasasabi mo lang 'yan dahil sexy ka,” nakasimangot pa ring aniya.
“Yes, I am sexy and I’m confident with my body. But, you...” Tiningnan nito ang katawan niya na itinuro pa ng dalawang kamay bago napailing. “Gosh, Dory! Hindi ko alam kung paano ko bubuksan ang mga mata mo para makita mo ang sarili mo. You’re not chubby, Bes! This is the hundred times that I have said that,” sabi nito na para bang pinipilit siyang isiksik sa kanyang isip ang mm ga bagay na iyon.
“Eh, bakit gano’n si Mama? Parati niyang sinasabing mag diet ako, na ang laki-laki ko na,” naluluhang sabi niya muli.
“Ewan ko ba naman kay Tita Mafe, pagdating sa iyo ang harsh laging magsalita,” naiinis na ani Amy na ipinagpatuloy na ang pagkain nito.
Tama ang kaibigan niya. Ganoon talaga makitungo sa kanya ang kanyang ina. Kung magsalita ito ay parang inis na inis ito parati. Para bang makita lang siya ay nag-iinit na ang ulo nito.
Minsan ay hindi niya na lamang ito pinapansin dahil naiisip niyang baka may problema lang ang kanyang ina. Pero hindi niya maiwasang maiyak tuwing sumasagi sa isip niya na araw-araw ay ganoon ito makitungo sa kanya pero sa mga kapatid niya naman ay maayos ang trato nito.
Sinubukan na ni Dorothy ang lahat ng alam niya at natutunan para bumaba ang kanyang timbang at mabawasan ang taba sa katawan. Nagbabawas siya ng kain lalo na sa rice na halos ulam o prutas na lamang ang maging laman ng tiyan niya sa araw-araw. Nag wo-work out siya sa umaga at bago matulog. Pero ang lahat ng iyon ay parang hindi ume-epekto sa kanya. Para siyang nagpapakapagod sa walang kakwenta-kwentang bagay.
Maraming pumupuri sa pagiging sexy niya. Malaman kasi ang kanyang dibdib at p’wet. Makurba rin ang kanyang pangangatawan. Pero mas maraming tinatawanan ang pagiging ganoon ng katawan niya. Ang katawan niya ring iyon ang naging dahilan kung bakit naging biktima siya ng bullying.
Matatanggap naman sana niya sa sarili na ganoon ang katawan niya. Kuntento naman kasi siya sa lahat ng bagay na mayroon siya— maliit man iyon o malaki. Pero ang dahilan kung bakit pinapahirapan niya ang sarili para pumayat ay ang kanyang ina.
Gusto niyang kumain sa hapag na hindi siya nito pipigilan sa bawat pagkaing isusubo niya. Gusto niyang makita itong nakangiti tuwing nakatingin sa kanya. At gusto niyang makarinig ng mga papuri mula rito. Hindi iyong galit at inis na parati niyang naririnig kapag magkaharap sila.
Labis siyang nasasaktan na ang kanyang ina pa ang nagiging dahilan ng labis na insecurity niya sa kanyang katawan. Nalulungkot siya dahil sa halip na ito ang magbigay ng confidence sa kanya ay ito pa ang dahilan ng pagkalugmok niyon.
“Alam mo makipag-date ka na lang para naman magkaroon ka ng confidence sa sarili mo,”maya-maya ay sabi ni Amy sa kanya na inirapan pa siya.
“Kay mama pa nga lang ubos na ubos na ang confidence ko, makikipag-date pa ako?” hindi napigilang reklamo niya sa kaibigan.
Nangalumbaba si Amy at mataman siyang tiningnan. “Malay mo makahanap ka ng lalaking makakapagpapasok diyan sa kukote mo na hindi ka mataba,” nakangiwing sabi ng kaibigan niya.
Malakas na napabuntong-hininga si Dorothy. Itinutok niya ang paningin sa kanyang pinggan na may hindi pa nababawasang pasta. Iyon na nga lang ang binili niya pero hindi niya pa rin nakain iyon.
“Sarili ko ngang ina ay hindi ako matanggap sa kung ano ako, kaya hindi na ako umaasa na may lalaking makakatanggap at magmamahal sa akin kahit gaano pa akong kalaki.”
“Dory.”
Ramdam niya ang lungkot sa boses ng kaibigan. Tumunghay siya at pilit na ngumiti rito. Nakasimangot na ito habang nakatingin sa kanya. May awa siyang mababakas sa mga mata nitong nakatitig sa kanya.
“Matanggap lang ako ni mama, Amy, masaya na ako. Walang lalaki ang makakapagbigay sa akin ng gaan sa puso ko. Si Mama lang.”
Napalabi ito at naluluhang lumapit sa kanya at niyakap siya. “Mahal na mahal kita, Bes. I want you to be happy. Kapag nakita kitang masaya tsaka lang ako tuluyang magiging masaya.”
Napangiti siya sa sinabi ng matalik niyang kaibigan. Masaya pa rin siya na kahit ganoon ang pakikitungo sa kanya ng ina at mga kapatid ay mayroon naman siyang kaibigan na nagmamahal sa kanya. Idagdag pa ang kanyang ama na parating nakasuporta sa kanya.
Totoo ang sinabi niya sa kaibigan na hindi na siya umaasang may lalaki pang magmamahal sa kanya. Sapat na ang nakikita niyang disgusto sa mata ng mga lalaking nakakasalubong niya para itatak sa puso’t isip niya na walang makakatanggap sa kanya.
Mayroon mang pumapansin sa kanya pero nababastusan siya sa paraan ng pagsasalita ng mga ito. Katulad na lang ng nangyari nang hapong iyon habang palabas sila ni Amy sa gate ng campus.
“Hi, Amy!” bati ng isang grupo ng kalalakihan sa kanyang kaibigan. Nakatambay ang mga ito sa gilid ng gate. Nasa limang katao ang mga ito at sila 'yong tipo ng mga estudyante na mahilig tumambay kung saan-saang parte ng university at mahilig mag cat-call.
Hindi pinansin o tiningnan man lang ni Amy ang mga ito hanggang sa makalabas sila ng gate. Nakatayo silang magkaibigan sa waiting shed na nasa gilid ng gate nang lumapit ang limang lalaki sa kanila.
“Amy, pansinin mo naman kami. Kahit kailan talaga napakasungit mo,” malambing na sabi ng isang lalaki na puro hikaw ang kaliwang tenga. Bawal iyon sa loob ng campus pero dahil likas na matitigas ang ulo ay ginagawa pa rin ng mga ito.
Hinila ni Amy si Dorothy sa gilid ng waiting shed para makalayo sa mga kalalakihan pero sabay silang napatingin sa mga ito nang humagalpak ng tawa ang lalaking kumausap kay Amy. Nang matigil sa pagtawa ay masamang tingin ang ipinukol nito kay Amy.
“Napakasama naman ng ugali mo, Amy. Kinakausap ka lang ay akala mo kung sino ka ng maganda kung makaiwas. Magsama kayo ng baboy mong kaibigan! Pwe!” sabi nito na dumura pa sa harap nila bago nagmartsa paalis habang patuloy sa pagsasalita. “Akala mo kung sino’ng maganda. Ipinagmamalaki yata ang kaibigan niyang si Majin Buu,” dugtong pa nito habang papalayo na malakas na ikinatawa ng mga kasama nito.
Nasasaktang napatungo si Dorothy. Hindi lang dahil sa sinabi ng lalalaking iyon na baboy siya at Majin Buu, nasasaktan siya dahil hindi niya magawang ipagtanggol ang kaibigan sa tulad ng ganoong lalaki. Dahil maski siya ay takot. Takot na mapagsalitaan ng masakit at takot na mahusgahan.
Wala siyang lakas ng loob na magsalita. Wala siyang tapang para harapin ang ganoong klase ng tao. Para siyang tuta na nakatago sa likod ng kaibigan gayong mas malaki pa siya rito. Ilang ulit nang itinanong ni Dorothy sa sarili ang bagay na ito. Pero ito siya at muli niya iyong itatanong sa sarili,
Kailan ba siya magiging matapang?

Comentário do Livro (45)

  • avatar
    Reynald Bernardo

    excellence

    12d

      0
  • avatar
    Hailey Warain

    uyww

    15/08

      0
  • avatar
    ۦۦ ۦۦ

    thanks ulit

    05/08

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes