logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 3: D-day

KALIA'S POV
"What? Are you crazy?" sabay nilang sigaw sa akin at sabay din silang napatayo dahil sa narinig. Napapalo pa sa table si Dustin, halatang nagalit dahil sa sinabi ko.
"Waaahhh!" napabuga ng hangin si Aisha at nagpamewang habang masama ang tingin sa akin. "You're just joking, right? Tell me. That's only a joke, right?"
Nagkibit balikat lang ako at nagpatuloy na sa pagd-drawing. I will use this sketch later as a proof to Ashton. Sana maniwala siya kahit ganito lang ang proof ko.
"She's crazyyy!" inis na sigaw ni Dustin at saka napasabunot sa sarili niya.
Nandito kami ngayon sa unit ni Aisha. Pinaalis muna namin ang dormmate niya tutal maaga pa naman. Wala pa namang curfew kaya safe pa siya sa labas. Wala din naman siyang magagawa kung hindi sumunod sa amin kasi kakaladkarin daw siya ni Aisha kapag hindi siya sumunod eh.
Sinabi ko na sa kanila ang plano kong pag-puslit mamaya once the curfew started. Supremo told me that they will start a clan war sa low ranking clans para makakuha ng mga magiging batuta niya this coming new sem. I think it will be a right timing na sumabay sa clan war para walang makapansin na lumabas ako ng university.
And of course wala akong isasama. This is just my business! Kung sakaling magkaproblema, ako lang ang mapapahamak at hindi sila kasama. Ayoko silang mapahamak ng dahil sa akin.
Kaya ayan, nagagalit sila kasi ako lang ang lalabas. Not because they want to come to hang out but because they are worried that something might happen outside.
Ilang months na din since lumabas kami. Mainit kasi ang mata sa amin ng clan ni Uno kaya hindi kami makadiskarteng lumabas. Buong summer vacation ay nandito lang kami sa labas.
"If we're not com---" Nahinto si Aisha sa sasabihin niya ng samaan ko na siya tingin.
"Do I have to repeat myself?" walang emosyong tanong ko sa kanilang dalawa.
They know I hate it! But I understand them. Nag-aalala sila para sa akin and nag-aalala din ako para sa kanila kung ipipilit nilang sumama sa akin. Hindi ko sila itataya lang para lang mapanatag ang kalooban ko.
Aisha, Dustin and I are childhood friends. Alam na namin ang takbo ng isip ng isa't-isa. Actually Sky is part of the circle pero nagbago siya sa hindi malamang dahilan.
Maybe because he's afraid to dad?
That's why he betrayed me.
Siya ang reason kung bakit ako tuluyang pinapasok dito sa St. Simon. Lahat ng ginagawa ko sa unang school ko ay nakakarating kay daddy. Hindi naman nagrereport ang dati kong school since maski sila ay walang alam sa nangyayari. Bukod kay Aisha at Dustin, siya lang naman ang nakakaalam ng lahat.
Ako ang kauna-unahang pumasok dito sa St. Simon. After a few months, sumunod sila Dustin and Aisha. Ang nakakatawa pa doon eh dumating sila dito ng basag ang mukha at pilay ang kamay at paa. Gumawa talaga sila ng reason para sumunod sa akin. Hindi naman sila matatanggap diro if about sa grades nila. Ubod ng tamad kasi nilang mag-aral. Then after a year, nagulantang nalang kaming tatlo ng makakita kami ng familiar na mukha. It was Sky Jung, my twin brother, he got accepted because of his grades. Malamang hindi naman siya gumagawa ng kalokohan unlike me eh.
He's too good to be true...
"That's the plan and no buts anymore!" seryosong pag-papaalala ko sa kanilang dalawa.
Nakakainis na eh! Paulit-ulit nalang. Nakakapagod magpaliwanag sa kanila.
"I told you! There's something wrong." bulong ni Aisha kay Dustin. Akala naman niya hindi ko narinig. Nakita niya akong masama ang tingin sa kanya kaya napayuko nalang siya at napakamot sa batok.
Napabuntong hininga si Dustin, "I will contact them to guide you. No buts!"
Hindi naman na ako nakaangal. Yes, I need help from the outside since hindi ko alam ang mangyayari.
"Eight o'clock sharp.". pagpapaalala ko sa kanila. Tumayo na ako at lalabas na sana ng may maalala ako.
Tinignan ko sila ng seryoso. Napaisip ako bigla.
What if magbago ang fate nila? What if may mangyari na hindi maganda while nasa labas ako?
"Hand." utos ko sa kanila. Nilahad ko ang kamay ko sa harapan nila at taka naman silang tumingin sa akin. Kunot noo kong sinuklian ang pagtataka nila kaya agad-agad na pinatong ni Aisha ang kamay niya sa kamay ko.
"Diba kakatingin mo lang kahapon?" pagtataka niya. "Walang magbabago dyan sure ako."
Nangunot ang noo ko dahil sa nakita pero syempre guminhawa ang pakiramdam ko ng past lang niya ang nakita ko. Sumunod naman si Dustin. Ganoon din, past lang din ang nakita ko.
"Aisha, just stay here once na makalabas na ako. Kumain ka ng kumain hanggang sa gusto mo." kunot noo akong tumingin kay Dustin, "Pagkatapos mo kong ihatid, bumalik ka agad sa dorm unit mo. 'Wag ka ng mangstalk dahil delikado ngayong gabi."
Napakamot nalang silang dalawa sa batok dahil sa sinabi ko.
"Hindi na talaga ako hahawak sayo." nakabusangot na sambit ni Dustin.
Nagpaalam na ako sa kanilang dalawa upang makabalik na sa dorm unit ko. Kailangan kong maghanda para sa pagpuslit ko.
----
I saw Aisha and Dustin waiting for me sa labas ng star building, the dorm of top students, agad silang tumakbo papalapit sa akin at chineck ang kabuuan ko.
Mabilis akong niyakap ni Aisha ng masiguradong okay na okay akong nakabalik.
"Anong balita?" tanong ni Dustin habang naglilibot ng paningin sa paligid. Baka kasi may makarinig.
Kakauwi ko lang galing labas ng school. Sinabi ko naman sa kanila na 7pm ako uuwi dahil kailangan kong masiguradong safe si nana. Nung una gusto nilang bumalik agad ako pero pinaliwanag ko sa kanila hindi ganoon kadali makatakas kay daddy. And tama nga ako, nagpadala ng bodyguards si daddy para bantayan si nana.
Hindi ako makapaniwalang nagpapanggap siyang nag-aalala siya para kay nana.
"The squad helped me to find a house for nana." walang ganang sambit ko.
Pagod na ako at gusto ko ng magpahinga. Akala ko hindi na nila ako hihintayin at ipagpapabukas nalang ang lahat pero hindi pala.
"Yeah, Seb called me. He actually updated me kung anong nangyayari." sambit ni Dustin at saka napabuntong hininga.
"Nagstart na ba ang investigation?" tanong naman ni Aisha.
"No formal investigation. Ayaw ni nana pero they will do a private investigation with her lawyers." paliwanag ko naman.
"May suspect na ba? Bakit ayaw nila makipagcooperate sa pulis?" kunot-noo kong tinignan si Aisha. Kahit kailan talaga!
Nana is a successful businesswoman. Marami siyang business hindi lang sa loob ng bansa pati na din sa ibang bansa. Since matanda na siya at akala ng mga tao ay wala siyang mapag-iiwanan ng mga wealth niya, I think that's one of the reason kung bakit may nagtatangka sa buhay niya.
"Alam mo bang kapag namatay si nana, hindi sila Kalia ang makikinabang? Ang makikinabang sa kayamanan niya eh 'yung mga business partners niya." inis na paliwanag ni Dustin.
"Eh bakit? Pwede naman siyang gumawa ng letter of inheritance para sa kambal." pangangatwiran naman ni Aisha.
"Shunga ka pala eh! Kahit merong ganon, hindi pa din nila mapapakinabangan nga kasi 'yung ibang business ni nana meron siyang kahati. Oo, makakakuha sila ng parte nila but non sense since they will not have any power." ani Dustin.
Ayan na naman silang dalawa. Nagsisimula na namang mag-away.
Hindi na ako nakinig sa pinag-uusapan nila. Balak ko ma sanang pumasok sa building ng may mapansin akong lalaking nakatayo mula sa hindi kalayuan.
Napahilig ako ng ulo sa pagtataka. Anong ginagawa niya doon?
"Kanina pa 'yan. Baka hinihintay ka." napatingin ako kay Dustin na nakatabi na pala sa akin. So tapos na silang magtalo?
"Oo nga. Alam ba niyang lalabas ka?" tanong ni Aisha.
Nagkibit balikat lang ako at saka nagpaalam na sa kanila. Parehas pa silang humarang sa pinto pero tinadyakan ko silang dalawa para umalis sa daraanan ko. Ayaw pa nila akong papasukin kasi magdi-dinner pa daw kami pero wala akong gana. Gusto ko ng matulog.
"Ano ba yan! Hinintay ka pa namin. Hindi ka naman pala sasabay kumain." angal ni Aisha.
Wala na silang nagawa ng buksan ko na ang pinto. Muli akong nagpaalam sa kanila at pinaalalahanan silang maaga gumising kasi pupunta kami sa auditorium para sa opening ceremony ng new sem. Yes, start na ng new sem tomorrow. And tomorrow will be my d-day.
Bago ako tuluyang pumasok, sinilip ko ulit si Sky kung saan ko siya nakita pero wala na siya doon.
Ang weird niya! Kambal ko nga siya.
Nang makapasok ako sa unit ko, agad kong binato ang sinuot kong jacket sa swivel chair at hinabad ang sapatos. Bukas ko na liligpitin yan, ang sakit na talaga ng katawan ko. Binagsak ko ang katawan ko sa kama habang nakaspread ang dalawang braso sa buong kama at nakalaglag naman ang kalahating kong katawan mula sa kama.
Napabuntong hininga ako ng maalala ko ang hitsura ni nana.
Nang makita niya ako sa hospital ay agad siyang umiyak. Hinanap niya si Sky, nagbabakasakaling magkasama kami pero sabi ko ay sa susunod bibisita ito dahil busy pa siya. Sa totoo lang ay hindi alam ni nana na magkalayo na ang loob namin ni Sky. Dahil hindi naman siya nakakabisita sa amin ay hindi naging mahirap para sa amin ang magpanggap na okay lang kaming dalawa.
Hindi ko din naman mapigilang maiyak ng makita ko siya. Halos sampung taon ko siyang hindi nahagkan. Matagal kaming magkayakap at halos hindi ko na siya bitawan. Ang makinis niyang mga balat noon ay ngayon kulobot-kulobot na at mahirap na din para sa kanya ang magsalita ng matagal.
Siya mismo ang humawak sa kamay ko at tinanong sa akin kung ano ba ang nakikita ko.
Mas naiyak ako nang makita ko kung ano ba ang nangyari sa kanila nila manang. Sa dami ng pwede kong makita, bakit iyong pag-atake pa sa kanya?
Wala siyang kalaban-laban. Lahat ng sipa, suntok at maski pagsaksak ay malugod niyang tinanggap.
Hindi tulad noon, aktibo pa siyang tinuturuan ako ng martial arts.
Inilayo ko si nana sa city at dinala siya sa kalapit na probinsya. Hindi siya pwe-pwedeng magstay sa city dahil delikado ang buhay niya. Pinasama ko si manang at butler Bert upang alagaan siya. Nakiusap din ako sa mga kaibigan ko mula sa labas na bantayan sila at siguraduhing ligtas sila sa anumang oras.
Nagpapasalamat ako at kahit nahirapan kaming tumakas ay hindi kami pinayabaan ng the squad. Tinulungan nila akong magplano mula sa pagpasok sa hospital room ni nana ng hindi napapansin ng mga bodyguards na pinadala ni daddy, sa pagtakas kay nana at sa paghahanap ng matitirhan nila nana pansamantala.
The squad is our friends. The three of us found comfort from them. Sila 'yung mga taong hindi kami pinabayaan noong panahon na palubog na kami.
Masyado kasing mas mahal ng mga magulang namin ang business nila kaysa sa amin. Mas maraming oras sila doon. Upang makahanap ng atensyon ay gumagawa kami ng gulo paminsan-minsan.
Pero nasobrahan kami. At niligtas kami ng the squad sa kapahamakan.
Nakulong sila para sa amin.
---
"Oh yes, bukas na ang mall at mga billiard room." excited na sambit ni Dustin. Nagkakandirit pa siya na parang bata sa harapan namin at saka humarap sa amin pero nagpapatuloy pa ding maglakad patalikod. "Mamaya after classes."
"Oo ba. Magkano bet mo this time?" nakangising sambit naman ni Aisha.
Panigurado namang hindi nila ako isasali sa pustahan nila kasi alam nilang wala silang laban sa akin. Noong nasa labas pa kami, imbes na pumasok sa eskwelahan ay palagi lang kaming nakatambay sa billiard room kasama ang the squad pero kahit ganoon ang ginagawa namin ay hindi naman kami nagkakaroon ng bagsak na grades. Tinutulungan ko silang dalawa para mapanatili ang pasadong grades kahit na hindi kami pumapasok.
"One month free whole day meal basta hindi kasali si Kalia." pag-nguso niya sa akin.
Since first day of school, wala pa kaming gaanong gagawin. Puro assembly lang sa kanya-kanyang clubs at ceremonies para sa kanya-kanyang clans.
Ewan ko ba kung bakit tuwing may pasok nila binubuksan ang mall sa loob ng school at mga billiard room eh mas gusto nga nilang focus ang lahat sa pag-aaral.
At tuwing bakasyon naman, sarado ang lahat na pwedeng pag-gimikan ng mga estudyante sa loob ng campus. Yes, may mga establishments sa loob ng school namin. Enough reason para hindi maudyok ang mga estudyante na tumakas sa school.
Gustuhin ko mang sumali sa usapan nila ay hindi ko magawa. Nawawala ako sa focus lalo na hanggang ngayon ay hindi ko pa din nakikita si Ashton.
Saan ba naglulusot ang isang 'yon? Wala naman siyang gaanong mapupuntahan dito dahil ngayong araw palang naman bubuksan ang mga establishments.
Hindi ako nakatulog kagabi sa kakaisip kung ano ba ang magandang plano.
Kung paano ko siya mapapalabas ng dorm unit niya once the curfew started. To be honest sa dorm unit niya mangyayari ang lahat. And I think once he leaves his room, everything will be changed.
But until now, I really don't have any idea kung bakit ako magpupunta sa unit niya at mangyayari ang lahat nang iyon. Wala naman akong rason para magpunta doon. Nihindi ko nga alam ang unit number niya eh.
"Kalia, let's go." tawag pansin sa akin ni Dustin.
Nakatayo lang ako sa bandang pinto ng auditorium kasi nililibot ko ang paningin ko. Baka sakaling makita ko siya dito kahit halos lahat na ng mga estudyante ay nandito.
Nanliit ang mata ko ng may pamilyar na lalaki ang kumakaway sa akin habang malaki ang ngiti nito. Tinuro niya pa ang katabing upuan niya na para bang doon ako pinapaupo.
"Mauna na kayo. May pupuntahan lang ako." sabi ko sa mga kaibigan ko. Sinabi nalang nila sa akin kung saan sila banda uupo upang mabilis ko sila mahanap mamaya.
Mabilis akong naglakad papunta kay Ashton. Oo, siya 'yung lalaking wagas kung makangiti ng magtagpo ang mga mata namin.
Hinatak ko siya sa kwelyo papatayo at kinaladkad papalabas. Pinagtitinginan na kami kasi gumawa siya ng ingay. Para bang humihingi ng tulong.
"Uyyy. Bakita ba? Pinapatabi lang naman kita sa tabi ko eh." pagtataka niyang tanong sa akin.
Hinawakan ko siya sa braso at hinatak sa parte na wala gaanong tao.
Nang makarating kami, inayos niya ang sarili niyang damit at kakamot-kamot sa ulo na tumingin sa akin.
"Kung ayaw mo naman pwede mo namang sabihin doon." Nakangusong sambit nito.
Parang bata.
"You." Seryosong panimula ko. Nagulat naman siya at nagtatakang tinuro ang sarili. "You listen and don't talk back."
Kinuha ko ang sketch pad ko sa back pack ko at inalagay ito sa pahina na iginuhit ko noong isang araw upang ipakita sa kanya.
Pagtingin ko sa kanya ay nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin at saka nagpamewang. "Bakit ko naman gagawin 'yon?"
"Kasi para sayo 'to." seryosong mariing sambit ko.
Bahagya naman siyang umatras papataikod at ngumiti ng nakakaloko. "Para sa akin?"
Ano bang iniisip niya?
"Wait." humawak pa siya sa dibdib niya na parang gulat na gulat. "Don't tell me, you like me?"
Speechless...
Naiwang bahagyang nakaawang ang bibig ko dahil sa sinabi niya.
Sabi na eh! Iba ang takbo ng isip ng isang 'to.
Dustin 2.0
Natawa naman siya dahilan para samaan ko siya ng tingin. Hindi naman siya nadala sa talim ng tingin ko sa kanya na tila ba eh sanay na sa tingin ko.
"You know what, I thought your different. Napakalamig mong magsalita pero romantic ka din pala." natatawang sambit niya habang nagpupunas ng luha dahil sa kakatawa.
Tama ba 'tong ginagawa ko?
Parang kinakain ako ng lupa ngayon, hindi dahil sa hiya kung hindi dahil sa pagpatay ko sa kanya sa isip ko. Sa puntong ito ay sa impyerno na ako mapupunta.
Relax, Kalia.
"I'm really different." seryosong sambit ko habang walang emosyong tumingin sa kanya. This time seryosong seryoso na ako.
To be honest I can save myself only. I don't even need to save him! He can die on his own! But I remember my mom said the last time I had a chance to hear from her that she belived in me all this time.
I can leave him behind and save myself. Pero hindi ako ganoong tao. Kahit cold person ako, kahit madalas akong magpakita ng walang pakialam sa mundo eh hindi ko naman masisikmurang may mamatay na tao nang dahil sa pinabayaan ko siya.
That's why I'm here!
Tinitiis ang katangahan ng taong nasa harapan ko ngayon.
Nahinto siya sa pagtawa. Bahagya siyang naubo at tumayo ng maayos.
"It's your D-day." walang emosyong sambit ko.
D-day ang tawag ko sa araw ng death day ng isang tao. It's like death day and dooms day of that person.
Sa unang pagkakataon, kahit hindi ko nagawa para kay mommy at sa iba. Susubukan kong iligtas siya dahil sa kanya lang ako may pagkakataon na gawin iyon.
At isa pa, I need answers.
"D-day?" napakamot siya sa ulo niya at saka tumingin sa akin ng may halong pagtataka.
Muli akong tumingin sa paligid kung may makakarinig ba ng mga sasabihin ko. Kailangan ko siyang mapaniwala sa mga sasabihin ko. Dahil kung hindi, kailangan kong gumawa ng paraan para makaiwas siya sa d-day niya.
"Your death day."
Nakita ko namang napalunok siya ng ilang beses at muling napahakbang patalikod.
"You're going to die today." mariing sambit ko. Inabot ko ang sketch pad ko kung saan nakabukas ang pahinang iginuhit ko, "Here with me. We will die together."

Comentário do Livro (1)

  • avatar
    PaetJan Jethro

    its very good but its hard to win

    16/02/2022

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes