logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

I can see your hand

I can see your hand

happyvirus


Chapter 1: Different from others

Chapter 1
KALIA'S POV
"M-miss, okay na ako. I'm cool." nahihiyang sambit ng isang lalaki habang nakatingin sa kamay naming magkahawak.
I tried to look calm as I vision his death. It will be brutal. And I will be there. Pinagtataka ko lang paano ko nakita ang sarili ko sa future niya? It was first time to happen. I never saw someone's face sa mga visions ko.
"Miss." malakas niyang hinatak ang kamay niya dahilan para mawalan ako ng balanse. Muntik na akong matumba sa kanya pero agad din naman akong nakabawi at humakbang papalayo sa kanya.
I'm not sure kung anong gagawin niya but I helped him to stop what on his mind.
Tahimik akong nakaupo sa ilalim ng malaking puno. My usual spot dito sa school. Ilang hakbang lang ay may ilog na matatanaw mula sa pwesto ko. Mag-isa lang ako at tahimik ang paligid. When I looked around, I saw him. I'm not sure kung bakit pero plano niyang tawarin ang ilog na malakas ang agos sa ngayon aabot sa leeg ang taas.
Ayaw ko sana siya pakialaman sa trip niya kaso hindi ko naman masisikmura na panuodin lang siya ng walang ginagawa kaya wala akong choice kung hindi tumakbo papalapit sa kanya at hatakin siya sa kamay dahilan para makita ko ang kamatayan niya.
His death will happen sooner or later.
Imposibleng makita ko kasi ang kamatayan niya if hindi pa mangyayari within three days. Base sa experience ko, three days ang time frame ng future na nakikita ko.
"What the heck do you think your doing?" inis na tanong ko sa kanya.
"I was just trying to ---"
"Hindi mo ba alam na hundreds of people died in that river already?" singhal ko sa kanya.
Napakamot nalang siya sa ulo at inalis ang tingin sa akin. Napansin ko naman na tumingin muli siya sa ilog at narinig ko siyang napamura.
"Paano nakapunta 'yon don?" pagtataka niya.
Kunot noo ko namang sinundan ang tinitingnan niya at napamura din ako sa isip ng makita yung aso sa kabilang parte ng green field. Don't tell me he was trying to save that dog?
"You're new here?" walang emosyong tanong ko sa kanya.
Kasi kung hindi siya bago dito dapat alam niyang mahilig na lumangoy ang aso na 'yan sa rumaragasang ilog. Only that dog is allowed to go sa kabilang parte ng green field. Restricted area kasi ang parteng 'yan sa mga estudyante.
To be honest I saw the dog already even before I saw him. But since alam ko ang trip ng asong 'yan ay hindi na ako nakialam. Pero kung alam ko lang na balak niyang magpakamatay para lang sa asong ul*l na 'yan eh 'di sana hinayaan ko na siya.
Tumingin siya sa akin and smiled awkwardly. Inabot niya ang kamay niya sa akin, "Yes, kakatransfer ko lang yesterday. How did you know?"
Tinignan ko lang ang kamay niya at saka nag-angat ng tingin sa kanya. Why does it looks like he doesn't know what kind of school he entered?
"I'm Ashton." pagpapakilala niya. "And you are?"
"You're clueless." walang emosyong tugon ko.
Tinalikuran ko na siya at bumalik sa spot ko. Kinuha ko ang sketch pad ko at saka nagsimulang lisanin ang green field. Naramdaman ko namang sumusunod siya sa akin.
"I don't know how to go back." kakamot-kamot sa ulo niyang sambit.
Napailang nalang ako. Tahimik akong naglakad at hindi na siya pinansin. Naglilibot siya ng paningin sa green field something like he's not really familiar sa surroundings.
Bahagya ko siyang binigyan ng tingin at muli kong naalala ang nakita ko. In three days, he will die with me.
Pero bakit?
At paano ko nakita ang sarili ko sa vision ko?
Weird. Really weird.
I have an ability that I think na wala ang iba. I can vision someone's death basta mahawakan ko ang kamay nila. But sometimes past nila ang nakikita ko if hindi pa nila time within three days.
I was just six years old when I learned about my ability.
Mula noon hanggang ngayon para sa akin ay isang sumpa ito na hindi na mawawala pa sa akin. It was started when my twin brother and I got involved in a minor car accident. Feeling ko ay naalog sobra ang utak ko kaya ganito ang naging cause. But no, as I grow older, naghanap ako ng sagot sa nangyari sa akin.
Kung paano ko navi-vision ang past at kamatayan ng isang tao. Kung tama nga ba ang hinala ko na dahil ito sa aksidente.
Pero walang scientific explanation. Walang nakasagot ng katanungan ko hanggang ngayon.
I'm in my last year in senior high but I'm still clueless.
"Sa building 1 ako. Ikaw?" inosenteng tanong nang lalaki. Ashton ba kamo name niya?
Hindi ako sumagot at patuloy lang ako sa paglalakad. Wala pa akong balak bumalik sa dorm unit ko. Nakakabagot. Mag-isa lang naman ako. Tinawag niya pa ako pero hindi na talaga ako lumingon pa sa kanya.
Dumiretso ako sa dorm unit ng kaibigan ko kasi alam ko naman hindi nagsstay ang dormmate niya sa unit kapag tirik ang araw. Babalik lang 'yon kapag malapit na ang curfew.
I entered her unit without knocking. I know her passcode so no need na kumatok pa. We're close enough to do that.
Kunot noo akong naglakad papunta sa kama niya dahil wala siya sa loob. Nasaan naman kaya ang babaeng 'yon? Nilapag ko ang sketch pad ko sa study table niya nang mapansin kong naiwan niyang nakabukas ang laptop niya. Titignan ko sana kung ano ang naiwang nakabukas na tab pero 'wag nalang. Tinatamad ako. Binagsak ko ang katawan ko sa kama at saka pumikit.
I took a deep breath at muling inisip si Ashton.
Kahit gusto kong mawala siya sa isip ko ay hindi ko magawa. Like what I've said, this is the first time.
Nakita ko ng malinaw ang future niya. Walang labis, walang kulang. At higit sa lahat, nakita ko ang death ko.
Ang ability ko is to vision the death of someone, yes. Pero hindi lahat nakikita ko. Just clues. Hindi pa malinaw. Kaya hindi mawala sa akin na mapaisip kung bakit buong pangyayari ang na-vision ko? Hindi lang sa kanya, pati na din kamatayan kong matagal ko ng hinihintay.
Napaupo ako dahil sa naisip. Sakto namang bumukas ang pinto at iniluwa si Aisha na may nakasaksak na namang corndog sa bibig at buhat-buhat ang sandamakmak na snacks. Balak na naman ata niyang magpuyat sa series na kinaadikan niya. Well, in three days magstart na ang new school year.
"Ya!!" bungad niya sa akin. "Kanina pa kita hinahanap ah."
Muli akong humiga at tumitig sa puting kisame. Napabuntong hininga ako.
Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko. Dapat ba akong matakot? O dapat akong mag-isip ng paraan para mapigilan ko ang kasalukuyan?
I've been waiting for this to be honest. I hate my ability kasi hindi ko kayang makita ang sarili kong kamatayan. Bakit sa ibang tao ko lang nagagamit ang kakayahan ko? Bakit hindi ko magawa sa sarili ko?
"Heyyy! Kalia on earth!" she snapped in front of my face to get my attention.
Nagulat naman siya sa biglaan kong pag-upo at humarap ako sa kanya. I looked at her like I'm determined to hear the answer from her.
"Aisha." pagtawag ko ng pansin sa kanya.
"Ohh?" naguguluhang tugon niya.
Pero wait...
Si Aisha pala ang kaharap ko ngayon. Kahit anong explanation na gawin ko ay wala siyang maiintindihan.
Eh kung kay Dustin kaya? He's my friend too, Aisha's cousin. Mas matino kausap 'yon kahit papaano.
Pero hindi din. OA naman ang isang 'yon. Baka mag-hysterical lang siya kapag sa kanya ko naman sinabi ang visions ko.
What if...
"May sasabihin ka ba?" sambit niya habang punong-puno ng pagkain ang kanyang bibig.
Kay Sky kaya? He's my twin brother after all.
"Should I tell you?" wala sa sariling sambit ko.
Napabuntong hininga nalang ako at muling humiga. I put my right hand on my forehead at mariing pumikit.
Nagkamali lang naman siguro ang vision ko?
Pero hindi rin eh. My visions never got wrong.
"Waaahhh! Hindi ko alam kung dapat ba akong masaktan or what." hinampas niya ako ng unan pero mahina lang naman.
She keeps on mumbling any words pero wala ako sa mood makinig sa kanya dahil may bagay na dapat akong alalahanin.
Should I tell Sky or no? Kung sasabihin ko naman sa kanya, may magagawa ba siya? Aalalahanin niya kaya ako?
Feeling ko ay hindi. Feeling ko ay wala lang sa kanya.
Napamura nalang ako sa isip dahil sa inis.
Nang dahil sa lintik na asong ul*l na 'yon. Hindi na ako mapakali dahil sa kanya. Pahamak! Nakakainis!
"Ano ba 'yan, Kalia? Ang ligalig mo." muli akong hinampas ng unan ni Aisha but this time mas malakas na. Napatigil ako sa pag-ikot ikot sa kama niya at saka muling umupo.
"Aisha." walang emosyong sambit ko.
"What? What?" inis na sigaw niya. "Kung hindi mo din naman sasabihin, 'wag mo kong tatawagin."
"Nakita mo ba si Sky?" walang pag-aalinlangan kong tanong.
Galing siya sa labas so sure akong nakita niya si Sky. Minsan stalker siya ni Sky eh.
Inirapan lang niya ako muling nagtuon ng pansin sa kanyang pinapanuod. Hindi niya nakita si Sky. Saan ko naman hahanapin 'yon?
"Ano bang nangyari sayo sa green field?" inis niyang sinara ang laptop niya at saka kunot noong tumingin sa akin. Hindi ko ineexpect yun ah "May navision ka na naman ba?"
"Wala." iniwasan ko siya ng tingin. Pinaglaruan ko nalang ang kamay ko dahil hindi ko pwedeng sabihin sa kanya ang nakita ko.
"Meron Kalia." I looked at her. She sound so serious. "Tell me."
"It's nothing serious." agad kong kinuha ang sketch book at saka nagpaalam sa kanya. She called my name multiple times pero tinakbuhan ko na siya papalabas sa unit niya.
I know it's too obvious. I never acted like this before so I'm sure na nakakaramdam na siya. Yes, medyo slow si Aisha pero pagdating sa akin at kay Dustin she's different from her usual self.
Napabuntong hininga nalang ako ng makalabas na ako ng building niya. Babalik nalang ako sa dorm unit ko. Tutal ay hindi naman niya ako masusundan doon dahil hindi sila allowed sa building ko.
By the way, I'm rank 1 over all in this school.
Ewan ko ba kung bakit masyado kong ginagalingan. Wala naman akong mapapala sa ranking na yan.
Maybe because I'm still hoping for my dad's attention?
Hindi din.
All the top students have different building. Mag-isa lang din kami sa unit namin at 'di hamak na mas malaki ang dorm unit namin kesa sa mga regular students.
Our school looks like a normal or typical school because of the image outside of the campus. But inside of the campus, it's different.
You'll know about it once it happens.
The only thing I can say is majority of the students here ay may kanya-kanyang bad record sa labas ng university. Different kind of rebel students. Yes, tumatanggap ng ganoong klaseng estudyante ang school namin. Actually sila ang main focus ng school. The more rebel students they accept, the more money they will get.
But of course ginagawa nilang panakip butas ang mga top students. They're using their brains to cover up all the bad image about the school. How? I don't know how it works pero sure akong direct silang naghahanap ng clients nila. Meron silang kapit na powerful people na nagbibigay suporta sa mga kagaguhan nila sa mga estudyante.
Give and take kumbaga.
St. Simon University
Sounds elite but disgusting to be honest.
I have two reason why I'm here.
First, I'm a top student.
And the most important reason, my dad hates me as if I'm the one who killed mom.
As I entered my unit, paulit-ulit akong napabuntong hininga. Nakakapagod.
Gusto ko nalang matulog at magising kapag oras ko na.
Napansin ko nalang na may mainit na tubig na tumulo sa aking pisngi. Kapag namatay ba ako, someone will cry for me?
Will dad cry like how he cried for mom?

Comentário do Livro (1)

  • avatar
    PaetJan Jethro

    its very good but its hard to win

    16/02/2022

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes