logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 4

Sorry
Dinala nila jhon si jeff sa clinic dahil nawalan talaga ito ng malay. Akala ko kanina nagbibiro lang kaya hindi ko na nilapitan, pero nung nakita ko na medyo nagpapanic na sila lean, doon ko napagtanto na malakas nga ata yung tama sa kanya, kaya agad naman akong nakaramdam ng guilt. Pero hindi ko rin maiwasang matawa. Okay ako na masama pasensya naman.
"hoy! jham, puntahan mo yun si jeff mamaya sa clinic" sabi sakin ni elli.
Andito na kami sa classroom ngayon, pinabalik na kami ng teacher namin at may ibinigay na lang na assignment, dahil sumama siya sa pagdala kay jeff sa clinic.
"Bakit?" nakakunot na tanong ko kay elli.
"anong bakit?? sino bang tumira nung bola ng pagkalakas lakas?" singit naman ni eveth.
"eh spike nga eh." sagot ko sakanila.
"kahit na no, nakasakit ka parin" sabi naman ni lovely.
"oo na, oo na!!" sagot ko sa kanila, kasi alam kong hindi ako titigilan ng mga ito.
"dali na!" tulak sakin nila elli, andito kami ngayon sa labas ng clinic, wala kasi yung teacher namin sa last subject kaya naman maaga kaming makakauwi. Sana! kung hindi lang ako kinaladkad ng mga kaibigan ko dito sa clinic para dalawin yung hambog na yun.
"pumasok ka na jham" sabi naman ni lean.
"bakit ako lang?" tanong ko sa kanila.
Kasama din namin yung mga kaibigan ni jeff na si jhon at eugene.
"andito tayong lahat tapos ako lang papasok?" dugtong ko pa.
"eh sino ba nakatama sakanya?" tanong ni lovely.
"yung bola" pilosopong sagot ko naman.
inirapan lang nila ako at sabay sabay pa kong sinabihan ng pilosopo.
"sige na! pumasok ka na." tulak pa ulit ni elli sakin.
"aray! kanina ka pa tulak ng tulak ah! kukunyatan na kita." pagalit na sabi ko sakanya.
"eh kasi ayaw mong pumasok! pumasok ka na kasi." sagot naman niya.
"eh bat di kasi kayo sumama?" tanong ko naman.
"dito na lang muna kami sa labas bawal madaming tao sa loob." sagot naman ni mark.
"eh konti lang naman tayo" sagot ko ulit.
"oo pero ang lalaki nyo, magmumukhang puno yung loob ng clinic." sagot naman ni mark.
agad naman siyang binatukan ni lean.
"anong malalaki ha!" aniya.
"ang ibig kong sabihin, ang tatangkad, tingnan mo, oh! Defensive mo naman." sabi pa ni mark habang natatawang tinuturo sila jhon at eugene pati na rin sila lovely.
"Pumasok ka na jham, ang tagal naman nito, aabutin tayo ng siyam siyam eh! mag sosorry ka lang naman." sabi ni rowie sakin.
"eh bat kasi kailangan ko pang magsorry? hindi naman ako yung tatanga tangang tumawid sa gitna ng court, kita naman niyang may naglalaro." naiinis na sabi ko.
"magsorry ka na lang." sagot ni lean sakin.
tapos sabay sabay na nila ako tinulak papasok.
"ikaw na rin magbigay sakanya." sabi ni jhon sakin sabay about ng bag ni jeff sakin.
"bat di ikaw?" tanong ko.
"andyan ka na rin naman sa loob! sige na." sagot niya tsaka mabilis na sinara yung pinto.
Agad naman akong bumati dun sa nurse na nagbabantay at tinanong kung saang bed nakahiga yung hambog. Tinuro niya yung dulong bed, kaya naglakad na ko papunta dun. Dahan dahan kong hinawi yung nakasarang kurtina para makita siya at nilapag yung bag niya sa table sa gilid ng bed tsaka umupo sa upuan katabi ng kama niya.
Nakapikit siya nang maabutan ko, kaya naman malaya akong natingnan yung mukha niya. Agad na dumako yung mata ko sa namumula niyang noo na may maliit pang bukol dahil sa nangyari kanina. Bahagya akong natawa sa nakita ko at naisip yung mukha niya noong patama pa lang yung bola. Pero Infairness din naman talaga sa hambog na to, pogi din naman, matangos ang ilong, medyo maputi, medyo kulot ang buhok, tapos yung lips niya mapula pula, tsaka medyo manipis, makinis din yung mukha niya parang walang pores tong taong to, medyo mahaba din yung pilik mata niya, ang ganda din ng kilay....
"pogi ba?" agad akong napabalik sa realidad nang marinig ko ang boses niya. Unti unti kong nakita ang pagmulat ng mga mata niya at nangaasar pa siyang ngumiti sakin.
"ha?!" wala sa sariling tanong ko.
Tinaasan niya lang ako ng kilay, kaya napatikhim ako.
"Eh gising ka na pala! hinayaan mo pa ko magmukhang tanga dito." singhal ko sa kanya.
"ano bang ginagawa mo dito? may klase pa ah! nag cutting ka? tsk ikaw naman hindi mo lang ako nakita sa room para ka nang mababaliw, ayan at nag cutting ka pa....."
"Hep!" pagputol ko sakanya. "feeling mo naman masyado! Hindi ako magka cutting noh para ano? para makita ka? kapal mo naman. Hindi ka gwapo para ipagpalit ko yung future ko sayo noh! ang feeling mong hambog ka." dugtong ko pa.
"oh eh, bakit ka nga nandito?" tanong niya ulit.
"dinala ko yung bag mo! maaga tayo nadismissed kasi walang teacher sa last subject at pinayagan na kaming umuwi." sagot ko naman.
Mataman naman siyang nakatingin sa akin.
"eh bakit ikaw ang nagdala ng bag ko?" nang aasar na tanong niya sakin sinamahan pa niya ng nakakabwiset niyang ngiti.
"wag kang feeling! andyan sa labas yung mga kaibigan natin pinauna lang nila akong pumasok at pinadala na sakin yan." mataray na sagot ko.
"eh bakit kailangan mong mauna?" tanong niya ulit.
"ang dami mong tanong." naaasar na sagot ko sa kanya.
Tumigil naman siya pero mataman pa rin siyang nakatingin sakin.
Tumikhim ako. "okay fine! I came here to say sorry." nahihiyang sabi ko at hindi ako makatingin ng diretso sa kanya.
"Ano yun?" tanong niya.
"Sorry." mahinang sagot ko naman habang nakatingin lang sa may dingding.
"ano yun?" tanong niya ulit kaya napatingin na ko ng masama sakanya.
"narinig mo naman, pinapaulit ulit mo pa." asar na sagot ko sakanya.
nakatingin lang siya sakin.
"I'm sorry okay, hindi ko naman sinasadya, bakit ba naman kasi tatanga tanga ka, kita mong may naglalaro, sa gitna ka pa ng court pumunta. Papansin ka masyado. ayan tuloy! nagkabukol ka pang hambog ka" dire diretsong sabi ko.
Tiningnan ko naman siya at nakita ko ang namamanghang mukha niya.
"Ha! ibang klase ka din mag sorry ano? grabe, hindi ko kinaya." sagot niya habang nakahawak na sa batok niya.
Agad naman akong napatayo.
"oy okay ka lang? sumasakit batok mo? teka? bakit? eh sa ulo ka naman tinamaan ah?" sabi ko sakanya tapos inirapan niya lang ako.
"Grabe!" sagot niya tapos marahas niyang tinabig yung kamay kong nakahawak sa braso niya. "bitawan mo nga ako, sumasakit batok ko kasi hindi ko kinakaya yung ugali mo. Para akong na ha highblood sa mga sinabi mo! walanjo ang galing mo mag sorry ah! ramdam na ramdam ko yung sincerity grabe." sarkastikong sabi niya sakin.
"eh bakit ka kasi pumunta sa gitna?" tanong ko.
"tss di mo na kailangang malaman." sagot niya sakin.
"eh bakit nga kasi?" pangugulit ko. " para naman malaman ko kung karapadapat bang mag sorry ako sayo, kasi kung pumunta ka dun dahil lang tatawid ka, dadagdagan ko pa yang bukol mo tamo ka!" dugtong ko pa na ikinasama ng tingin niya lalo.
Magsasalita pa sana siya ngunit napatigil siya dahil narinig namin yung boses ng mga kaibigan namin.
"Oh ano? hindi ka pa tapos mag sorry?" tanong ni lovely nang makalapit sila sa amin.
lahat sila nakatingin na sa amin.
"teka, hindi ka pa nagsosorry?"tanong naman ni rowie.
"tss" rinig kong pag rereact ni jeff kaya napatingin ako sa kanya.
"nag sorry na siya, sobrang sincere nga eh." sarcastic na sabi ni jeff sa mga kaibigan namin. Narinig ko namang mahinang tumawa sila eugene na nakatayo sa likod nila lean.
"okay ka na ba?" tanong naman ni lean.
Tumingin muna siya sa likod ni lean na parang nang aasar bago sagutin si lean.
Lumipat naman sa kabilang side ng bed ni jeff sila jhon.
"eh bakit ka ba kasi pumunta dun sa gitna ng court?" natatawang tanong ni jhon sa kanya.
Masama namang tumingin si jeff sa kaniya tapos inirapan siya. Buti di nahihilo tong taong to kakairap.
Alam kong walang balak sagutin ni jeff yung tanong ni jhon kaso naramdaman kong lahat ng mga kaibigan namin matamang nakatingin sakanya, na para bang sobrang importante ng isasagot niya at nakahanda ang mga tenga nila para marinig iyon. Nakita din yun ni jeff kaya naman narinig kong nagbuntong hininga siya bago nagsalita.
"kung hindi ko ginawa yun bagok ulo ni lean dun kanina." simpleng sagot ni jeff na ikinakunot ng noo namin.
"ako? bakit ako?" takang tanong ni lean.
"eh ikaw yung nasa harapan na dapat magrereceive ng bola di ba?" casual na sabi ni jeff.
teka! may gusto ba to kay lean?
"May gusto ka kay mars?!" sigaw ko.
"ano?!" sabay namang sabi ni lean at eugene.
Yung Hambog naman tumawa lang.
"hindi! ikaw talaga! hindi ka lang pala sadista, chismosa ka pa! gumagawa ka ng issue dyan." dire diretso niyang sabi sakin.
" eh bakit nga?" tanong ko.
"yung towel ni lovely na nakalagay sa likod niya, hindi nyo napansin na nalaglag eh delikado yun kapag may nakaapak, may mababagok talaga kasi madulas, kaya pupulutin ko sana kasi ako naman yung malapit dun tsaka practice game pa lang naman, akala ko mamimiss ng kabilang grupo yung bola kaya pumunta na ko eh malay ko bang sadyang mabigat pala talaga ang kamay ng babaeng yan at talagang ang lakas ng pagkakahampas dun sa bola" dire diretsong paliwanag niya.
"aww thank you" sagot naman ni lean.
Ngumiti naman si jeff pero teka! Nagpanting yung tenga ko dun sa sinabi niya kanina.
"Hoy!!" Sigaw ko kay jeff kaya napatingin naman siya sakin "anong akala mo mamimiss namin yung bola kanina, sinasabi mo bang hindi kami magaling?!" Pagalit na dugtong ko.
"Jham! Hayaan mo na yun." saway naman sakin ni elli.
"Really? Jham?hindi mo talaga palalampasin yun?" Manghang tanong naman ni rowie.
"Eh iniinsulto ako eh!" sagot ko naman sakanila.
"Hindi naman!" Sagot naman ni mark sakin.
"Hoy! Ang sabi ko lang "akala ko" nagkamali ako okay? Ito nga ebidensya oh." sagot niya na nakaturo pa sa bukol niya.
"Eh sana kasi sumigaw ka na lang ng time! Practice pa lang naman." sagot ko sakanya.
"Eh nagpanic na nga ako! Kaibigan ko mababagok edi tumakbo na lang ako para kunin yun" sagot niya naman sakin.
"Sus! Kaibigan ba talaga? Baka naman kasi crush mo talaga to!" pang aasar na sabi ko sakanya at tinuro pa si lean, yung mga kaibigan naman namin tatawa tawa lang.
"hoy! Concern lang talaga ako! Wag kang magbigay ng malisya!" Sagot niya sakin. "umalis ka na nga dito! Pwede na rin ako lumabas dito eh." dugtong pa ni jeff.
"Punta punta ka pa dito di ka naman marunong magsorry ng sincere." mahinang bulong niya pero rinig ko pa rin.
"Ano?!! Bubulong bulong ka pa dyan! Akala mo naman hindi ko naririnig eh ang lapit lapit ko lang sayo tanga tanga ka talaga" singhal ko sakanya.
"Eh narinig mo naman pala! Tatanong ka pa." sagot niya tsaka inirapan ulit ako.
"Aba talagang......"
"Oh wag ka nang lumaban, wala ng sense yang pinag aawayan nyong dalawa" saway naman ni eveth.
"Buti pa halika na, hopeless case na to si jham! Uwi na tayo para makauwi na din si jeff at makapagpahinga ng maayos yan! Tingnan mo namumula pa yung bukol eh." sabi naman ni mark na agad namang sinang ayunan ng lahat, kaya inalalayan na nila jhon si jeff patayo habang yung iba ay naglakad na palabas ng clinic.
Nang makalapit sa attending nurse ay pinauna na ni jeff palabas sila jhon at siya na lang ang nakipag usap. Inaya na rin ako ni lean palabas pero tinanguan ko lang siya kaya nauna na siya.
Lumapit ako sa may likod ni jeff habang busy siya sa pakikipag usap sa nurse. Nang tumayo ang nurse dahil may kukunin ay agad akong nagsalita.
"I'm sorry and I mean it" sabi ko sakanya at tsaka mabilis na tumalikod at naglakad palabas ng clinic.
End of Chapter 4

Comentário do Livro (16)

  • avatar
    Ruzel Jay Arcioga Rogales

    hahha

    25d

      0
  • avatar
    MagtagñobTrisha

    Ang ganda, sana may next chapter na po

    05/07

      0
  • avatar
    Larrybill Tamayo

    maganda itong story

    27/04

      1
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes