logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

CHAPTER: 2

Chapter: Two
RAMDAM ko ang lamig ng bawat butil na tubig na tumatama sa aking katawan naliligo ako ngayon para maalis narin 'yong makeup sa mukha ko. Hay buti na lang at tapos na rin ang paghihirap ko.
Nandito ako ngayon sa dati kong condo, hindi muna ako sumama kila kuya sa bahay dahil lilinisin ko pa ito at marami pa akong dapat gawin.
Naiinis nga ako kay kuya clark at claire dahil sa walang tigil nilang pang aasar sa akin tungkol do'n sa nangyari sa kasal, kesyo daw ako na ang next na ikakasal tapos dinagdag pa ni claire 'yong tungkol do'n sa lalaking 'yon kaya gano'n na lang ang pangaasar sa'kin ni kuya na baka daw paggising ko babae na ako.
Kahit ipaharap pa nila sa'kin 'yong pinaka magwapong lalaki dito sa mundo hinding hindi ko 'yon papatulan noh! Neknek nila, Anong tingin nila sa'kin mababang uri ng babae.
Ng matapos na akong magshower kaagad akong umupo sa upuan kung saan nakaharap sa salamin, kinuha ko 'yong blower at itinapat sa aking basang buhok.
Hinahawakan ko ang bawat hibla ng aking buhok at biglang pumasok sa aking alaala ang sinabi ni mommy sa akin noon. "Clarity," sabay hawak nito sa aking dalawang pisngi upang deretsyo ang aking tingin sa kanya. "Tandaan mo na kahit anong mangyari nandito lang si mama laging nasa tabi mo..." sabi niya sabay suklay sa aking maikling buhok. "Ang babae ay maituturing na maganda kung ang buhok nito ay pinapahalagahan kaya ingatan mo ang iyong buhok, okay ba anak?" tumango naman ako bilang sagot.
Simula nung nawala si mommy hindi ko na ito pinagupitan dahil kapag nakikita ko ito bumabalik ang alaala ni mama sa'kin. Kahit hindi ako buong babae hindi ko tinangkang gupitan ito para lang maging mukhang lalake.
Ng matapos ko ng mapatuyo ang aking buhok kaagad akong sumalampak sa higaan. Nakasuot ako ngayon ng ternong pajama na itim.
Ganito na lang ba ang buhay ko? Pakiramdam ko may kulang sa puso ko, pero ano naman kaya 'yon?
Maya maya pa'y nakaramdam na rin ako ng antok kaya dahan dahan ko ng ipinikit ang aking mata.
Ilang linggo na rin ang nakalipas ng kasal ni jessi at ngayon nandito na ako sa probinsya. Bago ako lumuwas pa-punta dito sa probinsya pumunta muna ako kila dad upang bisitahin ang dalawa kong cute na pamangkin.
Gusto pa sana ni dad na do'n muna ako ng ilang buwan pero sabi ko may kailangan akong asikasuhin dito sa probinsya at wala rin kasing kasama ngayon si lolo dahil umalis si ate rachel, pinsan ko din siya kami 'yong palaging kasama ni lolo dito.
Dahan dahan kong pinitas 'yong mga mangga at nilagay sa basket, ilang basket na rin ang napuno ko ngayon naghaharvest kasi kami ngayon para maideliver na sa mga client namin.
Nakasuot ako ng white t shirt, maong at checkered na pula, nakasuot rin ako ng sombrero na gawa sa dahon ng niyog.
Ilang sandali pa'y biglang lumapit si manang beth sa'kin at dali dali inabot ang aking telepono na kanina pa pala nag-riring.
'Sino naman kaya ito' tanong ko sa aking isip.
In-answer ko ito at nilagay sa aking tenga. "Clarity..." tawag sakin ng na sa kabilang linya.
"Sino 'to?"
"Ako 'to si kuya Clark mo."
Akala ko pa naman wrong no.
"Ba't napatawag ka kuya?" tanong ko sa kanya.
"Hinahanap ka ni dad."
Nakakunot noo naman ako. "Bakit naman?" ani ko habang nagpipitas ng mangga.
"Kailangan ka niya ngayon clarity, ikaw palagi niyang bukang bibig."
"Ano bang nangyari kay dad?" nag-aalala na tanong ko sa kanya.
Narinig ko naman 'lang pag buntong hininga niya. "May sakit si dad–" napatigil naman ako sa pagpitas.
"What?–Paano? Ba't hindi niya sinabi o mabanggit manlang sa'kin?"
Ba't hindi sinabi ni dad sa akin?
"Pati nga sa'min inilihim niya..." Nanlaki naman ang mata ko sa gulat.
"B-bakit?"
"Please clar pumunta ka na dito, hinahanap ka na ni dad."
"Pero–"
"Kahit ngayon lang... Si dad naman ang unahin mo," wika niya.
"Sige pupunta na ako." Binabaan ko siya ng telepono at mabilis na nagtungo sa loob ng mansyon.
Nandito ako ngayon sa loob ng library ni lolo habang naka-upo sa single na sofa. Si lolo naman ay nakaupo sa kanyang pang-upuan na yari sa kahoy. Kahit 64 years old na ngayon si lolo malinaw pa rin ang kanyang mga mata at kaya pa niyang sumayaw ng cha cha noh.
"Mag-ingat ka sa pagmamaneho at kamustahin mo ako sa dad mo," wika ni lolo.
"Opo lo."
"Kung may mangyaring masama sa'yo lagot ako sa mommy mo," wika niya kaya napatawa naman ako ng mahina.
"Opo lo mag-iingat ako para hindi ka pagalitan ni mommy," saad ko sa kanya
Napangiti naman siya. "Pareho talaga kayo ng mommy," aniya na siyang ikinangiti ko. "Oh siya pumunta ka na baka matagalan ka pa sa byahe mo."
Tumango naman ako. Hahakbang na sana ako paalis ng magsalita siya, "May ibibigay pala ako sa'yo apo..." ani niya kaya humarap ako sa kan'ya.
Ipinakita naman niya sakin ang hawak ng kwintas na may pendant na susi. "Sa mommy mo 'yan noon pero nawala niya."
"Paano nyo po ito nahanap lo?"
"Sa dati niyang silid," ani niya kaya tumango tango naman ako. "Mahahanap mo rin ang kulang sa pagkatao mo kung palaging nakabukas 'yang puso mo..."
Bigla siyang humakbang papalapit sa'kin at hinawakan ang kanan kong kamay at nilagay iyon. "Hiling ko ang iyong kasiyahan, nawa'y mahanap mo na ito."
Nakatitig lang ako sa pendant na susi. "Lo ba't susi 'yong pendant nito?" nagtatakang tanong ko kay lolo.
"Dahil ang susi ang dahilan kung ba't nabubuksan ang isang nakakandadong bagay... Kagaya ng puso, kung gagamitin mong susi ang pag-ibig magbubukas ito."
"Mahahanap mo rin ang para sa iyo alam kong malapit mo na itong mahanap, kaya't kapag nararamdaman mong andiyan na ito huwag mong hayaang nakakandado parin ang puso mo."
"Bakit naman lo?"
"Dahil ikaw lang ang mahihirapan sa huli..."
Ako? Ba't ako ang mahihirapan?
Natigil naman ako sa pag-iisip ng magsalita si lolo, "Pumunta ka na baka ma-traffic ka pa sa daan."
Tumango naman ako at dali daling umalis doon. Bakit kaya sinasabi ni lolo sa'kin 'yon? Ni hindi nga ako fan ng pag-ibig eh.
Nakasuot ako ng leather jacket at maong na pantalon habang ang aking buhok ay naka-ipit. Kaagad akong pumasok sa sasakyan ko at binuhay ang makina.
Napahinto naman ako ng biglang nag sihintuan 'yung mga sasakyang na nasa harap ko.
Napasinghal naman ako. "Hayst, traffic na naman..."
Ilang minuto pay gumalaw na rin 'yung mga sasakyan na nasa harap ko kaya dali dali kong pinaandar ang sasakyan ko.
Apat oras ang biyahe ko papunta dito sa manila. Grabe ang sakit ng balikat ko, ng naramdaman kong nagugutom na ako kaagad kong pinarada ang kotse ko sa gilid ng isang restaurant. Kaagad naman akong bumaba at pumasok roon.
Ng makapasok na ako kaagad akong kumuha ng pwesto at tinignan 'yong menu na binigay sakin.
Nakapag order na ako, maya maya pa'y nakarating na rin 'yung inorder kong pasta. Habang kumakain ako nahagip ng mata ko si marx na papunta sa direksyon ko kaya nag-iwas tingin ako.
'Wag kang pumunta sa akin please!
Mariin naman akong napapikit ng maramdaman ko 'yong presence niya sa harap. "Hi Clarity..." bati niya sa'kin ngunit hindi ko ito pinansin at itinuon na lang sa kinakain ko.
"Ang sungit mo naman..." bulong nito kaya tinignan ko siyang masama. "Umalis ka na nga!"
Napangiti naman siya. Aba may gana pang ngumiti.
"Oh ngiti ngiti mo diyan." irritado kong saad sa kanya.
Ngiti ng ngiti, sinungitan na nga may gana pang ngumiti.
Bigla naman siyang umupo sa harap ng lamesa ko at mahinang tumawa. "Ang cute mo kapag naiinis," aniya sa'kin.
Tinaasan ko naman siya ng isang kilay. "So?"
Napatigil ako sa pagsubo ng mahuli kong nakatitig siya sa'kin kaya walang gana kong ibinaba ang hawak kong tinidor at tumingin sa kanya.
"Wala ka bang ibang magawa kundi bwisitin ako?" naiinis na tanong ko sa kanya at napasandal sa inuupuan ko habang naka cross arm
Nakakainis sa dinami dami ng taong kinaiinisan ko ito pa 'yong nakita ko ngayon.
"Sorry..." paumanhin nito sa'kin.
"Grabe nakakawalang ganang kumain." reklamo ko.
Ilang sandali pa ang nakalipas ng kinapa niya 'yong bulsa ng jacket niya at inilabas 'yong hershey at inabot sa'kin.
"Here chocolate... For you," aniya ngunit hindi ko parin ito tinatanggap.
Naglalaway ako sa chocolate ngayon pero hindi ko kukunin 'yan noh.
Ng hindi ko tinanggap ito kaagad niyang ibinaba sa lamesa. "I know you like it," aniya.
"Paano mo na sabi?"
"Because every girl wants it," aniya.
I tsked. "I'm not a girl."
"Then a woman."
"I'm not a woman either," ani ko na siyang ikinataka niya, napatawa naman ako sa mukha niya.
"What?" natatawa na ani ko.
"Mas maganda ka pala kapag nakangiti." kaagad naman nawala ang ngiti ko.
Hindi ako makapagsalita dahil sa titig niya sa'kin. Adik na ata 'to.
"'Wag mo nga akong titigan." Saway ko sa kanya.
"Sorry."
Bigla naman nag ring ang telepono niya, tinignan naman niya ako na parang nanghihingi ng permisong sagutin 'yon.
Tumango naman ako.
Kaagad naman itong lumabas upang sagutin ito. Maya maya pa'y bumalik na rin siya.
"I'm sorry kailangan ko ng umalis," aniya na parang nagmamadali.
Tumango naman ako.
Ngunit hindi pa rin siya umaalis sa harap ko kaya tinignan ko siya. "Kala ko ba aalis ka na?" tanong ko sa kanya.
"Wala bang goodbye diyan?"
Napaka demanding naman nito. Mariin naman akong napapikit dahil sa inis.
"Oo na..." Huminga naman ako ng malalim at nagsalita, "Goodbye," walang gana kong paalam sa kanya.
Ngumiti naman siya at nagsalita, "Goodbye Miss ganda..." ani nito sabay hakbang paalis.
Nakakainis talaga 'tong lalaking 'to, kaagad namang nawala ang inis ko ng makita ko 'yong chocolate na binigay niya sa'kin. Mabilis ko itong kinuha at binulsa.
Kaagad kong ipinarada ang sasakyan ko sa garahe ng bahay namin. Ng magarahe ko na ito kaagad akong pumasok sa loob, naabutan ko sila kuya clark at kuya cleo na nakaimprentang nakaupo sa mahabang sofa.
Ng mapansin nila ang presensya ko kaagad nila akong nilapitan upang buhatin 'yong mga dala kong gamit. "Kamusta ka na clarity?" tanong ni kuya clio sa'kin.
"Okay lang kuya."
"Kamusta buhay probinsya?" tanong niya sa'kin.
"Masaya..."
"Buti naman, kamusta na pala si lolo?"
"Ayon malakas pa rin kagaya ng dati," ani ko.
"Tita..." Tawag ng cute kong pamangkin si feyya, 3 years old na siya anak ni kuya clio.
Kaagad ko naman siyang nilapitan at binuhat. "Kamusta ka na baby feyya?" ngiting tanong ko sa kanya.
Ngunit halakhak lang ang sagot niya kaya napatawa ako.
Bigla naman akong tinawag ni kuya clark kaya kaagad kong ibinaba ko si feyya. Sinundan ko naman si kuya papunta kung nasaan si dad.
Ng makapasok na kami sa study room ni dad kaagad niya akong iniwan kasama si dad. Nakaupo si dad sa single sofa habang sumisimsim ng tsaa.
"Kamusta ka na clarity?" tanong niya sa'kin at ibinaba ang kan'yang iniinom na tsaa.
"Okay lang po dad."
Kaagad nama siyang tumingin sa'kin at ngumiti. "Anak, gusto ko dito ka muna," aniya.
Naalala ko naman 'yung sinabi nila kuya sakin na may sakit si dad.
"Dad ba't hindi nyo sinabi sa'kin na may sakit pala kayo." Kita ko naman sa mga mata niya ang lungkot.
"Ayaw ko lang na mag-alala kayo sa'kin," mahinahong aniya.
"Pero dad–"
"Okay lang ako."
"Nagpacheck-up na ba kayo?" tanong ko sa kanya.
Huminga naman siyang malalim at nagsalita, "Oo..."
"Anong sabi ng doctor dad?"
Napatigil naman siya sandali. "Okay lang daw." Nag-iwas tingin naman siya sa'kin.
Alam kong nagsisinungaling lang siya.
"Dad." Pagtawag ko sa kanya.
"Dad magsabi nga kayo ng totoo." Nagmamakaawa ko sa kanya.
Ilang sandali pa'y nagsalita na ito, "I have a bone cancer," he started. Napatakip naman ako sa aking bibig. "Stage 3 na..." aniya.
"H-Hindi 'yan totoo! Ang lakas lakas mo nga dad eh, sabihin mong biro lang 'yan dad..." mangiyak ngiyak na wika ko.
Kita ko naman ang pagdaloy ng luha sa kanyang mga mata. "T-Totoo ito anak," aniya na siyang ikinaiyak ko.
"Dad naman... Bat ngayon mo lang sinabi sa'kin."
"Dahil ayaw kong mag-alala ka... Ngayong alam ko ng hindi na ako magtatagal pina-uwi kita agad para makasama ka."
"Dad 'wag mong sabihin 'yan labanan natin ang sakit mo–"
"'Wag na clarity... Isa lang naman ang gusto ko bago ako mawala."
"Ano 'yon dad? Gagawin ko po para sa'yo."
"Bago ako mawala gusto kong makita kitang masaya kasama ang lalaking mahal mo." Napaawang naman ang labi ko sa sinabi ni dad.
"Pero dad–"
"Alam kong hindi mo 'to kayang gawin... I expected it."
"Okay lang clarity, okay na sa'kin na andito ka lang sa tabi ko."
Para naman akong na gu-guilty dahil wala man lang akong magawa para kay dad. Kung ito ang gusto niya sige gagawin ko.
"S-Sige dad ipapakilala ko po siya sa'yo."
Hindi ko alam kung ba't ko nasabi ito basta ang alam ko lang gusto kong mabawasan 'yong lungkot na nararamdaman ni dad ngayon.

Comentário do Livro (42)

  • avatar
    Radine Felipe

    I want to read untill the end

    20d

      0
  • avatar
    BanugonRyan

    thank you

    26d

      0
  • avatar
    delorazomark

    Good story

    17/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes