logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

CHAPTER 66

❤️Aaliyah's POV ❤️
BUO ang desisyon kong maglakad papasok ng mansion. Habang saulo ang magiging kalalabasan ng pag-uusap na gagawin. Maging ang ideyang nasa isip ko na gusto kong isuhestiyon...alam kong marami ang tututol roon.
Ganun paman ay wala akong naging alinlangan at tuloy-tuloy na naglakad patungong living room,gaya ng inaasahan ko ay naroon na silang lahat. Tutok na tutok at talagang hihintayin ang pagdating ko.
"I'm glad you're safe"si Aryillah ang lumapit sakin at ngumiti ako bilang ganti.
"Nakausap namin si Mom kanina and—"
"Balak ko siyang kausapin matapos ang misyong ito, hangga't maari wala akong karapatang humarap sa kaniya hangga't hindi natatapos ang misyong ito"seryosong pagputol ko sa sasabihin ni Avra. Mabilis silang nagkatitigan.
"Don't blame yourself Aaliyah,wala kang kasalanan"
"Maaring sa inyo Oo"diresto akong tumingin kay Argyros"Pero hindi matatahimik ang kalooban ko..."patuloy ko na nag-iwas ng tingin. Hindi na siya nagsalita pa at maging si Aryillah ay walang nagawa kung hindi ang titigan ako.
"Let's start our discussion then,I know you only have limited time"singit ni Arison at tumango naman ako.
Napatingin pa muna ako kay Grandma na nakatingin lang sakin...yung mga ganung mata na walang magawa...dahil alam niyang hindi niya'ko mapipigilan. Alam kong sa pagkakataong ito,hindi ko paman sinasabi ang binabalak ko ay alam kong alam na niya kung ano iyon.Tipid nalang akong ngumiti at tumingin sa kanilang lahat.
"Kanina...kinompronta ako ni Verra...sa mga sinabi niya ay masasabi kong alam na niya ang tungkol sa inyo"inilibot ko ang paningin ko sa kanila.
"At nagdududa narin siya sakin...kaya para mapatunayan ko ulit ang sarili ko sa kaniya...tinanggap ko ang panibagong misyon..."tumingin ako kay Argyros.
"Yun ang patayin ka"seryosong saad ko na ikinalunok niya.
"I would be fine,there's no more reason to hide it"sagot niya.
"Pero mukhang alam na niya ang tungkol kay H-herra"nag-aalinlangan pa'kong bigkasin iyon... pakiramdam ko hindi ako sana'y na tawagin siyang Mommy kahit siya naman talaga ang totoo kong Ina.
Nagugulat silang nagkatitigan.
"How?"
"Paano?"sunod-sunod nilang tanong.
Natahimik ako at hindi agad nakapagsalita. Bumuntong-hininga muna ako bago tumingin sa kanila. "Wala naman sigurong ibang naka alam na gising na siya hindi ba?"mariing tanong ko.
"Of course,tayo-tayo lang ang nakakaalam nito"si Sky ang sumagot.
Ayoko mang isipin to pero ganun ang lumalabas.
'May traydor din'
Tumingin nalang ako sa kanila isa-isa...imposibleng may magtraydor sa isa sa kanila...marami na silang pinagdaanan para maabot ang puntong ito.
"Napansin ko...marami na agad silang alam sa inyo...at sa mga nangyayari...binabantayan ko rin si Verra pero wala akong nakikitang ikinikilos niya para alamin ang mga bagay na'to... nagtataka din ako kung bakit halos lahat ng mga nalalaman niya ay mga detalyado... ayoko mang sabihin to pero...mukhang alam naman talaga niya ang mga ginagawa ko pero hindi parin siya kumikilos...sa tingin ko alam na niya ang lahat...hindi lang niya sinasabi"mahabang sabi ko at nagkatitigan naman sila.
Yun ang tantiya ko,may pakiramdam akong alam na ni Verra ang lahat pero sinasakyan na lamang niya ang mga pangyayari,maging sa ugnayan namin ni Argyros,kaya niya binigay sakin ang misyon na patayin si Argyros para mas lalo akong mahirapan at nang hindi makalusot ay mapapalabas niyang isa nga akong traydor.
"Kung ganun may binabalak talaga si Verra?"si Arnold.
"Sa ngayon hindi ko pa alam ang buong detalye pero...may isa tayong problema"bumuntong-hininga ako.
"Ano yun?"si Argyros.
"Ikakasal si Verra ngayong Biyernes sa isang Sannin"dumiretso ako ng tingin sila. Nagulat sila pero pakiramdam ko may mali.
"Alam niyo na ang bagay na'to?"Tanong ko,tumango naman sila.
"Tss"
"Pero paano mo nalaman na ikakasal siya sa isang Sannin,alam mo ba kung kanino?"si Argyros ang nagtanong kaya napatingin ako sa kaniya.
"Sinabi sakin nila Mirai,ang kaklase ko noon sa Ninja Academy,sila ang mga nakalaban namin nung sinubukan kong puntahan ang bago nilang hideout, ayun sa kanila narito sila para protektahan si Verra at ang Sannin na narito pala sa Pilipinas hanggang sa mailipat sila sa Namikage at maidaos ang kasal nila roon"hindi sila nakapagsalita.
"Narinig ko na ang tungkol sa mga Sannin nung nag-aaral pa lamang ako sa Academy,ayun sa nalaman ko tatlo ang hinihirang na Sannin ng isang buong bansa,sila ang tinataguriang mga ma-alamat at mga pinakamagagaling na Ninja na siyang hahalili sa uupong Kage sa oras na magretiro ito...pero kailanman ay hindi ko pa sila nakaharap sa personal"tumango naman siya matapos kong magsalita na tila nakahinga ng maluwag.
"Bakit?ikaw?nakilala mo na ba sila?"naitanong ko.
"Huh?h-hindi pa...kagaya mo hindi pa"nagigitla at mabilis siyang umiling. Tumango na lamang ako.
"Ayun pa sa nalaman ko...mula sa tatlong Sannin ay isa na lamang ang natira,at bihag na din ni Verra ang Sannin na iyon...nasulyapan naraw nila Mikashita iyon ngunit hindi rin nakilala,masyadong iniingatan ni Verra ang taong yun"tahimik na naman sila.
Gusto ko ng magtaka dahil ang inaasahan ko ay patuloy silang magtatanong at hindi titigil. Naisip ko pa na baka mag-alala sila pero mukhang pinanatili nila ang pagiging kalmado.
"Nalaman mo ba kung bakit gagawin ang kasal,kung bakit si Verra pa?"napalingon ako kay Grandma at hindi agad nakapagsalita.
"Sa bagay na yan...hindi ako sigurado sa totoong dahilan niya...ang nakikita ko palang na dahilan ay...ang importante ay maupo siya sa trono bilang Kage"sagot ko at hindi ko inaasahang mapapailing siya."Narinig ko din na iboluntaryo niya ang mahalal bilang Kage kaya nais niyang pakasalan ang natitirang Sannin"
"Kailanman ay hindi hinangad ni Verra ang maging Kage...o ang maging pinakamagagaling at makapangyarihan sa lahat...hindi ako naniniwalang ganun ang dahilan"umiling-iling na naupo si Grandma. Napaawang ang labi ko dahil hindi ko inaasahan ang sasabihin niya.
Muli kong naalala ang sinabi ni Manang Rosie kanina.
"Kahit kelan hindi yan nag-aaway...para sakin si Madaam Verra ang pinakamabait na tao na nakilala ko...yung kapatid niya kasi madalas tahimik lang...mabait din yun pero mas mabait naman ang Mommy mo...Ewan ko lang kung ano ang matinding dahilan para maging ganito kalungkot ang buhay niya ngayon"
Napakunot-noo ako ng maalala iyon.
Totoo nga kayang mabait si Verra noon?magkaiba ba talaga ang pagkakakilala ko sa kaniya kesa noong hindi pa kami nabubuhay?
Totoo man o hindi...ganun parin naman...kung ano siya ngayon at kung ano ang mga ginagawa niya.
Kung totoo mang mabuti siyang tao noon, siguro maiintindihan kong napakasakit ang mga pinagdaanan niya para mauwi sa ganito ang buhay niya. Sa ngayon,hindi ko maiwasang mag-isip at magtanong.
Gusto kong malaman kung ano man iyon.
"Grandma...kung ano man ang pagkakakilala niyo kay Verra noon,ibang-iba na ang sitwasyon ngayon... marami na ang mga nangyari at marami na siyang naging kasalanan,alam kong nalulungkot kayo para sa kaniya kaya nakakapanghinayang din na nauwi lang sa ganito ang buhay niya ngayon"napatingin ako kay Argyros na seryoso nang sabihin iyon.
May nararamdaman akong kakaiba...
Hindi naman nagsalita pa si Grandma na nilapitan ni Aryillah at niyakap.
Mapupungay ang mga mata kong tiningnan nalang sila. Kahit gaano pa ako katapang,wala akong lakas ng loob na gawin ang gingawa ni Aryillah...ang pagaanin ang kalooban ng mga malalapit sakin... pakiramdam ko kasi,hindi ako yun...
Napabuntong-hininga nalang ako saka nag-iwas ng tingin.
"Magiging busy ako ngayong linggo...tutulong ako sa pagprepare sa gaganaping kasal,kaya kung may balak pa talaga kayong makuha ang Zeus nayun, kailangan maisagawa na natin ang plano...yun ay kung wala kayong balak na pigilan ang kasal"suhestiyon ko at muli silang natahimik at nagkatitigan.
"Hindi ka pwedeng tumulong sa preparation Aaliyah... kailangang pigilan ang kasal"napalingon ako kay Avra.
"Bakit naman?"inosenteng tanong ko.
"Hindi pwedeng maikasal si Verra sa Sannin"hindi ako nakasagot.
"M-may problema ba dun?anong kaso naman kung ikasal si Verra dun?sa akin ayos lang...mas isipin natin ang pagtakas ni Zues,mas magandang tiyempo ngayong Biyernes dahil mawawala silang lahat,magiging abala sila at tutok sa kasal kaya maganda itong pagkakataon"mariing sabi ko pero nangunot-noo pako ng magkakasabay silang umiling.
Maging si Grandma at Aryillah ay nagbaba lang ng tingin.
"Hindi pwedeng maikasal ang Tatay mo kay Verra"natigilan ako sa sinabi ni Avra.
Nararamdaman ko ang nginig nung tingnan siya.
"A-anong sabi mo?"pag-uulit ko. Kitang-kita ko sa mukha niya ang pag-aalinlangang sumagot. Hindi ko inalis ang paningin ko sa kaniya.
"S-si Zeus...ang hinahanap natin...siya ang natitirang Sannin...at ang Tatay mo Aaliyah"tuluyan akong natigilan at napaawang nalang ang labing tumingin sa kaniya.
Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanila isa-isa,sa pagkakataong ito lahat sila ay nakababa na ng tingin,hindi makatingin sakin ng diresto.
Nakaawang parin ang labi ko. Dalawang hakbang ang ginawa ko paatras,hindi nagsalita at nakaawang ang bibig. Nararamdaman ko na ang pangingilid ng luha ko...nagbabadyang tumulo. Tinikom ko ang aking bibig at muling napaawang...hindi alam kung ano ang magiging reaksyon. Kahit ang pagsasalita ay hindi ko magawa. Kahit na ang itanong kung bakit hindi nila sinabi sakin ay nanatiling sa isip ko na lamang... nararamdaman kong...kung ano man ang maiisasagot nila alam kong hindi lang yun matatanggap ng utak ko...na maaring maging dahilan para tuluyan akong sumabog sa damdaming kanina ko pa pinipigilan.
"Sinubukan kong sabihin...pero..."tumiim ang bagang ko at hindi na naituloy ni Argyros ang sasabihin. Mas lalong tumahimik ang buong silid. Walang nagbabadyang magsalita...at patagal ng patagal... pakiramdam ko mas lalo akong nabibinge.
Tumalikod ako sa kanila, nanatiling nakatayo.
"Ate...wag ka sanang magalit kay Kuya Argyros...sana maging masaya nalang tayo na alam na natin kung nasaan si Dad"hindi ko inaasahang maririnig ko ang boses ni Aryillah sa gano'ong sitwasyon.
"At sana...naitama niya ang akala kong patay na ang Tatay ko dahil sa sarili kong kagagawan..."
"Aaliyah..."
"Mahirap bang gawin yun?"nanatiling nakatalikod kong tanong.
Bumuntong-hininga ako bago muling nagsalita.
"Kung ano pa ang hindi ko alam... pakiusap...sabihin niyo na...ngayon palang..."hindi sila nagsalita.
"Kinakamusta ka ng iyong Ina"si Grandma ang nagsalita.
Nanatili akong tahimik.Matinding pagpipigil ang ginagawa ko para hindi mamasa ang pisnge.
"Ikaw ang unang tinanong niya nung magising siya...at ang una niyang nasabi...ang pangalan niyo ni Aryillah..."pagpapatuloy niya. Hindi ko napagilan ang pagdaloy ng luha ko. Bakit pagdating sa kanila nagiging emosiyonal ako.
"Wag mo sanang isipin na kasalanan mo ang lahat...dahil wala kang naging kasalanan Aaliyah...maniwala ka..."
Suminghap ako,malalim at napakahabang bumuntong-hininga, nanatiling nakatalikod sa kanila.
"Simula nung bata ako... naririnig ko na ang palaging sinasabi ni Verra sakin...'mag-ensayo ka Aaliyah...pag-igihan mo...dahil kailangan mong malampasan at mahigitan ang iyong Ina...' lagi niyang sinasabi yun...akala ko gusto niya lang akong maging mas malakas kesa sa kaniya para maging proud siya sakin...bilang isang inosenteng bata ganun ang naiisip kong dahilan...ngayon ko lang naisip ang ibig-sabihin ng mga katagang yun... pinipilit niya akong mag-ensayo at maging mas malakas kesa sa Nanay ko...dahil hindi pala siya ang nagluwal sakin"huminga ulit ako ng malalim. "Araw-araw...mag-isa akong babangon...mag-isang mag-aagahan...mag-isang mag-eensayo...mag-isa na namang magtatanghalian...mag-isa na namang mag-eensayo...mag-isang maghahapunan...at mag-isang magbabasa ng libro hanggang sa makatulugan ko nalang...lumalaki ako...puro pag-eensayo ang nasa isip...dahil kailangan kong maging malakas...dahil kailangan kong protektahan si Verra...dahil sa gano'ong paraan ko lang makikita...ang ngiti niya at tipid pang papuri..."
"Dumating yung 15th birthday ko...masaya dahil nandun siya...kahit tipid ngumiti parin siya sakin...Masaya naman... dahil nakatanggap ako ng ilang papuri mula sa kaniya...sa murang edad ay ginawa nila akong Jounin matapos mag-aral sa Academy...pero yung kakaibang kaba ng araw nayun... hinding-hindi ko makakalimutan'... biglang nagkagulo ang lahat...may mga putok ng baril... sunod-sunod...naalala ko pa ang isang babae...nakaputing maskara at tinututukan si Verra ng baril...sa mga sandaling yun...hindi ko na namalayang may hawak nakong baril...at tatlong beses na pinaputukan ang babaeng yun...hindi ko alam...pero...tuwing pagkasa na ginagawa ko...tutulo ng sabay ang mga luha ko...yun ang unang beses kong makapatay..."Doon ako tumingin sa kanila. Kay Grandma nakadiresto ang tingin.
"Huli na nung malaman kong...ang babaeng yun...
Ang babaeng yun....yun pala ang totoo kong Ina..."suminghap ulit ako at hindi na napigilan ang sariling umiyak sa harapan nila.
"Na nandun lang para bawiin ako sana..."patuloy ko sa garalgal na tinig...
"Ate..."sinubukan akong lapitan ni Aryillah pero magkakasunod akong umatras.
"Kaya hindi niyo ko masisisi... kong wala akong mukhang maihaharap sa kaniya...at hindi ako titigil hangga't hindi nababawi si Zeus kay Verra"seryosong dugtong ko na tuluyang tumalikod na naglakad at lumabas.
To be continued...

Comentário do Livro (52)

  • avatar
    Eloisa Lejas Godio

    The introduction was really interesting that's why I'm looking forward to read it until the end❤️

    23/12/2021

      3
  • avatar
    Andee Quirap

    it's so beautiful , inspiring yet cool story ... astig ang bida , I love her for being strong kahit sobrang sakit Ng pinagdadaanan nya , a smart one loving and caring friend / partner/daughter ... I also love each characters in the story .. I relate most of the scenes so im enjoying reading it , luv you Miss Azumikoo <3 keep up the good work<33:)

    23/12/2021

      3
  • avatar
    DarkCrypticx

    I haven't finished the story yet but I love it, great job author!

    22/12/2021

      3
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes