MIXXENE That explained why I had felt something atypical earlier while we were heading to Telly’s humble abode. Sinusundan pala kami ng makulit na kaluluwa na si Earth Sawyer. What on earth was he doing here? Was he here for his proposal on us? That he will apply as the third member of our society, so that our club won’t be dissolved. In return, we shall aid him upon unearthing his sudden demise. Hindi talaga siya susuko, huh? “Mixxene, ano’ng nangyari sa ’yo? B-Bumalik ba? Bumalik ba si Ate Tanya rito sa loob ng kuwartong ’to?” nauutal na sambit ni Harrice. Nabalik ako sa tamang huwisyo nang magsalita si Harrice Ramos. Tila isang alon ang marahas na humampas sa akin at nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Ang mga kilay ni Harrice ay halos magtagpo na talaga. Nang dumapo naman sa katabi niya ang aking mga mata, nag-angat ito ng tingin sa akin at tila nagbato ng katanungan gamit ang mga mata nito. Na agad ko namang naintindihan ang nais nitong iparating. “Yeah, she’s back,” I hastily responded, nodding my head repeatedly. But I didn’t mention that she was with our archenemy. Tumayo ako at bahagyang inayos ang aking sarili. Kinakabahan, nagawa kong humarap sa nakatatandang kapatid ni Telly Nobelia. “Pumapayag ka na ba?” I asked Ate Tanya. Subalit bago siya tumugon sa ibinato kong kuwestiyon ay napatingin muna siya kay Earth na para bang nagpapaalam siya rito. I remained rooted on my spot and my face immediately contorted because of what I had seen and observed to the both of them. Ano naman ang mayro’n kay Earth Sawyer? Ba’t kailangang magpaalam si Ate Tanya sa kaniya, ha? May relasyon ba sila or what? Umoo naman si Earth Sawyer gamit ang kaniyang mga kilay at tila ba binibigyan niya si Ate Tanya ng pahintulot. This was odd. Fricking odd! What’s with these two specters? Ate Tanya nodded her head then cracked a smile at me. “May nagpa-realize kasi sa ’kin na masuwerte raw ako kasi may handang tumulong sa ’kin ngayon.” I knew na si Earth ang tinutukoy niya. “Siya raw kasi ay wala pang taong tumutulong sa kaniya upang malutas ang misteryo sa biglaan niyang pagkamatay,” she explained, still beaming. “Mixxene, pumapayag na ’ko na saniban si Harrice at makipag-usap kay Telly nang mahinahon. I promise na hindi na ’ko magwawala rito sa malamig na kwarto.” Now, I understood. Earth helped her—us. He made our job easier. Well, even though he’s our archenemy, I shall thank him later. I owe him big time. “Harrice,” tawag ko sa pangalawang pangulo ng club namin, “ready yourself!” Alam kong alam na niya kung ano ang ibig kong ipahiwatig kaya kaagad siyang tumindig at nagpakawala siya ng malalim na buntonghininga. Not long after, sinaniban na siya ni Ate Tanya. Panandaliang nanginig ang buo niyang katawan. At hindi naglaon, ang maangas na tindig ng bise presidente ng kapisanang itinatag ko na si Harrice ay biglang lumambot. “Telly,” sambit ni Ate Tanya habang gamit ang katawan ni Harrice. “Telly, gusto ko lang malaman kung mahal mo ba kami ni mommy o hindi? Masaya ka ba na nawala na kami?” maluha-luhang sabi nito sa kapatid. Medyo nao-awkward-an ako sa kanilang dalawa. Tinig kasi ni Harrice ang naririnig ng magkabila kong tainga at katawan kasi ni Harrice ang nakikita ng dalawa kong mata. Tumayo na rin si Telly at nagbatis ang kaniyang mga mata sa luha habang kaharap si Harrice na sinaniban ng kaniyang kapatid. “Ate Tanya, let me explain,” panimula niya at agad naman siyang sinuklian ni Ate Tanya ng sunod-sunod na pagtaas-baba ng kaniyang ulo at maliit na ngiti. Nahagip ng paningin ko si Earth. Nakayuko na ito ngayon at umastang emosyonal. “Ate, kinailangan kong maging matigas dahil kailangan ko. Iyon lang ang tangi kong alam na paraan. Hindi dahil ganoon ang inakto ko ay wala na akong puso, wala na akong pakiramdam, at hindi ko na kayo mahal. Ate, mahal na mahal ko kayo ni mommy. Hindi ko pa kayo dinadalaw kasi hinahanda ko pa ang sarili ko,” mangiyak-ngiyak na wika ni Telly. Naluha na rin ako sa sinambit ni Telly, na dagli ko namang pinahid gamit ang palad ko. “Nanonood ako ng Thai series para libangin ang sarili ko at ilihis ang puso’t isip ko sa sakit na idinulot ng biglaang pagpanaw n’yo ni mommy,” she went on, tears were cascading down her cheeks. But she didn’t bother to wipe it off. “Pero hindi ibig sabihin n’on ay hindi ko na kayo pinahalagahan o wala na akong pakialam sa inyong dalawa. Sinusubukan ko namang tanggapin ang lahat, eh. Ang kailangan ko lang ay oras. Oras para maghilom ang mga sugat sa puso ko at oras para matanggap ko na wala na kayo,” mahaba-habang salaysay niya. After that, dahan-dahan niyang nilapitan ang kaniyang nakatatandang kapatid at dagling ipinalupot ang kaniyang mga braso sa katawan ni Harrice. Ako ’yong naiilang sa ginawa ni Telly. Hindi ko talaga ’to ikukuwento kay Harrice. “I’m sorry, Telly, kung hinusgahan kita agad,” Ate Tanya said between her sobs. “Sorry kung tinakot kita gabi-gabi. Sorry kung napuyat ka dahil sa pangamba. Ngayong okay na ang lahat, gusto ko lang sabihin na mahal na mahal ka namin ni mommy. Masaya na siya at ako. Kung gusto mo ng oras, sige, ibibigay namin sa ’yo ’yon. Hihintayin namin ang paghilom ng sugat mo at hihintayin ka namin hanggang sa maging ready ka nang pumunta sa puntod naming dalawa ni mommy.” “Oo, ate,” tugon ni Telly sa pagitan ng paghagulgol saka tumango-tango. “Magpakatatag ka, bunso,” habilin ng kaniyang ate. “Lagi mong pakatandaan na nandiyan pa naman si daddy. Alam kong naging malungkot din ’yon hindi lang dahil sa pagkawala namin ni mommy, pati na rin sa inasal mo. Hindi ka na kasi kumakain sa tamang oras at babad ka na sa television. Nanno na kha!” biro pa ni Ate Tanya. Tumawa silang dalawa nang marahan. “Roger that, Ate Tanya. Khob khun kha!” Kumalas si Ate Tanya sa pagkakayakap sa kapatid. “By the way, ate, bakit parang galit ka no’n na inilipat ko sa ibang channel ang television?” Telly inquired and her inquisitive eyes narrowed into slits. “Natakot talaga ako no’n sa ’yo, Ate Tanya. I suspected that it had something to do with the channel that’s why you became enraged, but I hastily dispelled that thought.” “Uh, wala ’yon,” tugon niya sabay kumpas ng kaniyang kamay. “Gusto lang kasi kitang kausapin no’n kaya nilaglag ko ang ilang gamit mo at nagwala. And I’m very sorry about that. Tapos no’ng inilipat mo naman sa paborito kong channel, siyempre, tumahimik na ’ko at nanood na lang. Sorry sa inasal ko, bunso,” siwalat ni Ate Tanya saka alanganing ngumiti. “Ahhh,” she uttered and nodded her head understandingly. ‘Elvis has left the building,’ I told myself then heaved a sigh of relief. Oh, wait, hindi pa pala kami uuwi. Kakain pa pala kami rito sa mansion nila Telly Nobelia. Well, nangako siya sa ’min at hindi na niya puwedeng bawiin iyong promise niya. Pagkatapos niyon ay humiwalay na si Ate Tanya sa katawan ni Harrice. The latter threw us a lot of questions if what had happened. Hindi naman ako nag-abalang sumagot sa kaniya. Aside kasi sa pagod na ako, nagugutom na rin ako kaya nag-request na ’ko kay Telly. Kinapalan ko na ang mukha ko. Nag-promise naman siya kanina, eh, na libre ang dinner namin dito sa mansion nila. Sinabi ni Ate Tanya sa ’kin na sasama na raw siya sa Grim Reaper dahil naging maayos naman daw ang lahat. Okay naman na ang kaniyang nakababatang kapatid. Although, kailangan pa nito ng kaunting panahon para ihanda raw ang kaniyang sarili sa pagbisita. As of Earth Sawyer, I didn’t know where he was. I didn’t see him after everything had been resolved. Kasabay ng pagkaresolba ng lahat ay ang pagkawala niya na parang bula. Gusto ko siyang pasalamatan sa paghimok niya kay Ate Tanya na makipag-usap kay Telly Nobelia nang mahinahon. I could say that he’s benevolent. I wanted to thank him for that but he was nowhere to be found. Habang kumakain kami, biglang dumating ang daddy ni Telly galing sa trabaho. Harrice and I greeted him a “good evening, tito!” while plastering a smile on our faces. Sinabi nito na magbibihis muna siya at pagkatapos ay sasabay na siya sa amin sa dining table. Subalit bago pa man tuluyang pumanhik sa hagdan ang daddy ni Telly, hinigit niya ang palapulsuhan nito sabay sabing, “Daddy, let’s visit Ate Tanya and mommy tomorrow.” Saka pumaskil sa kaniyang mukha ang isang ngiti. Rumehistro naman ang pinaghalong gulat, pagtataka, at saya sa mukha ng kaniyang ama sabay sagot na, “Okay, darling. Let’s visit them tomorrow. Glad to know that you’re now back to your old self.” Ang sweet naman ng tawag sa kaniya ng daddy niya. Darling. Nakangiting nagtungo ang daddy ni Telly sa kuwarto nito upang magbihis. Pagbalik niya ay sumalo na rin siya sa hapag-kainan. Bale magkatabi kami ni Harrice at nasa tapat naman namin sina Telly at ang daddy niya. “By the way, daddy, ito nga pala ang mga bago kong kaibigan.” Bumaling siya kay Harrice. “Iyan po si Harrison Denice Ramos from ICT 11-C. You can call him Harrice po.” Dumapo naman ang mga mata niya sa gawi ko. “Iyan naman po si Mixxene Moore from ABM 11-A. Sila po ang CQAE Society and they helped me earlier to communicate with Ate Tanya,” pahayag ni Telly habang nakangiti. Her dad’s eyes quickly grew bigger. “Really? You guys helped her? That’s why you two are here?” he then threw a lot of questions to us while plastering a grin on his face. Kumurba sa ’king labi ang isang ngiti. “Yes po,” I simply replied. “How was she?” her dad asked again, seeming engrossed. “She’s alright naman, dad. Everything’s okay now. No need to fret,” tugon ni Telly then gave her dad a reassuring look. “Oh, I see,” he uttered, nodding his head understandingly. “Anyway, siguro marami kang alam about computer, Harrice,” her dad questioned, shifting the topic. Maingat na ibinaba ni Harrice ang kubyertos sa platter saka napakamot sa likuran ng kaniyang ulo na animo’y may nagparamdam na kuto rito. “Hindi po, eh,” may pag-iling na turan niya. “Truth be told, ICT lang talaga ang pinili ko kasi may air conditioner doon,” bunyag niya saka alanganing ngumiti. “Ahhh,” Telly and her dad uttered then let out a soft chuckles. “Kasi naman po, nagbayad naman ako sa school fees tapos mapupunta lang ako sa room na may pipitsuging ceiling fan, ’di ba? Siyempre, doon ako sa may aircon,” dagdag pa niya sa naunang sinabi saka humagalpak ng tawa. We then laughed too. Harrice buang! Nagpatuloy na kami sa pagkain hanggang sa biglang tumunog ang doorbell. Naantala na naman kami sa pagkain, pero nag-insist si Telly na siya na ang magbukas ng gate kaya wala na kaming nagawa pa’t umoo na lang. Tila kinabahan ako sa pagbalik niya. Parang may bitbit siyang hindi magandang balita. “Mixxene, may naghahanap sa ’yo,” anunsyo ni Telly. Biglang bumilis ang pintig ng aking puso sa kaba. “Guwapo siya at singkit ang kaniyang mga mata. The chairman of the student inspectors is looking for you . . .” Dang it! Si Horace Horatio na naman? “Sino ’yon? Manliligaw mo, ’no? Uy, pumapag-ibig na si Mixxene,” kantiyaw ni Harrice, umaastang hindi niya ito kilala. “Manliligaw mo si Horace?” hindi makapaniwalang saad ni Telly. Ang kaniyang mga mata ay halos lumuwa na. Marahas akong umiling. “Hindi! ’Wag na ’wag kang magpapaniwala riyan kay Harrice. Puro lang ’yan kalokohan!” I scowled at him. Maya-maya pa ay humagalpak ito ng tawa. Dali-dali akong nagtungo sa gate at pagbukas ko’y bumungad sa ’kin ang chairman ng student inspectors. His usual neutral expression greeted me. Sinalubong ko ang mga tingin ng binatilyo. Walang katiting na kaligayahan sa mukha nito. That was his usual demeanor. Ano pa ba ang aasahan ko sa kaniya? Just seeing him made my blood boil. What on earth was he doing here? Uh-huh! Tungkol na naman ’to sa club namin. Ano pa ba’ng ine-expect ko? “Did you find one already? If not yet, then we’ll dissolve your club tomorrow,” banta ni Horace. He folded his arms in front of his chest then the corner of his lips rose. “You can’t do that,” I retorted, sounding adamant. “And why not?” he queried, the smug on his face did not falter. Slowly, a smirk curved across my lips. “It’s because I already found a benevolent bogy to take part of our society,” I quipped.
Obrigado
Apoie o autor para lhe trazer histórias maravilhosas
ganda
19/04/2025
0subrang ganda Ng kwento!!
16/09/2024
0so niceeeeee!!🥹❤️
06/09/2024
0Ver Todos