logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 4: The Ferocious Spirit

MIXXENE
The moment Pete Sawyer came out of the blue, urged me to believe that he’s the real Earth Sawyer, and then asked for a quizzical favor, I was like a fish out of water.
I mean, hindi naman bago sa ’kin na may lumapit sa ’kin na isang multo. Naninibago lang talaga ako na hihingi ng tulong sa ’kin ang kaaway ko, na kinamumuhian ako pati na rin ang organisasyon namin. At isa pa, nako-confuse rin ako sa inanunsyo niyang siya ang totoong Earth.
So, ’yong buhay na Earth, si Pete talaga ’yon? Why did he lie? Did he do it? Did he murder his twin brother? For what? What benefit that he would get if he really did it?
Oh, crap! I was bombarded with so much questions already.
“You must have gone out of your mind,” I commented then scowled at him defiantly.
Ipinagkrus ko ang aking mga braso saka sinalubong ang tingin niya. Hindi ako nagpatinag. Ngayon pa na multo na lang siya?
“Pakiusap ko sa ’yo, Mixxene. Pumayag ka na,” pagsusumamo niya habang nakatiklop ang kaniyang mga palad na para bang nananalangin. “This is not just for me. Para din ’to sa kapisanan n’yo,” giit niya.
Umiling-iling ako. “No!” I shrieked, determined to not aid him. “Hindi ko alam kung paniniwalaan ba kita o hindi. You’re my enemy after all. Baka may binabalak ka riyan at ipapahamak mo pa ako o ipapahiya mo pa kami like what you’ve done on us back then.”
“I promise na hindi ko kayo ipapahiya gaya no’ng ginawa ko sa inyo last year,” he assured me. His two hands were trembling. “May mga bagay lang talaga akong hindi maintindihan tungkol sa biglaang pagkamatay ko. Like, si Pete nga ba ang kumitil sa buhay ko? Bakit nilinlang niya kayo at sinabing siya ay ako?” paliwanag niya sa garalgal na boses.
“So, you’re accusing your twin brother for doing such crime?” Ngumiti ako nang mapait. “Napakasama mo talaga, Earth.”
“Sino pa ba? Inangkin nga niya ang pagkatao ko,” kagyat niyang tugon. “Kaya tulungan mo ’ko, Mixxene,” he pleaded. May namumuong luha sa kaniyang mga mata.
Marahas akong umiling. “Hindi,” mariin kong wika. “Kaya umalis ka na rito sa kuwarto ko! Kailangan ma’y hindi ko tutulungan ang kaaway ko. Lumabas ka na!” pagtaboy ko sa kaniya.
Itinungo niya ang kaniyang ulo. “I’m sorry, Mixxene. Sorry sa abala.” May bahid na lungkot sa mga katagang binitawan niya.
Ngunit sa halip na mayamot gaya ng inaasahan ko, lungkot ang namutawi sa mukha ko nang humarap ako sa salamin.
Bumaling ako sa kaniya. Pagkatapos niyang tumagos sa pinto at naglaho na parang bula, nag-init ang sulok ng aking mga mata. Dumaosdos ang hindi inaasahang likido pababa sa pisngi ko.
For some reason, I was beginning to feel guilty about what I had done onto him.
“What’s wrong with you, Mixxene?” I questioned myself. “You don’t have to pity your archenemy. ’Wag mong kalilimutan ang ginawa niya sa inyo noon. You did the right thing. Tama lang sa kaniya ’yon.”
“What was that?”
My heart almost jumped out of its cage when someone spoke out of the blue. I also flinched because of an absolute shock.
“Hey, roommie, quit creating such a ruckus. Kailangan ko ng eksaktong tulog. I need to wake up at six o’clock tomorrow. I have to sleep now, so that my growth hormone won’t stop working,” mahaba-haba niyang sabi. Halos hindi niya maimulat ang kaniyang inaantok na mga mata.
My lips parted and my jaw nearly dropped soon as I recognized who it was.
Shoot!
It was Delevingne Hedges.
Na naman?
What on earth was she doing here? I mean, wala naman akong roommate simula noong tumapak ako rito sa Gareth High School. There’s something off with that damsel. She was acting peculiar earlier. And all of a sudden, she became my fricking roommate.
* * *
Tomorrow morning, sabay na kaming umalis ng roommate kong si Delevingne sa female’s dormitory at kaagad na tumungo sa cafeteria upang mag-breakfast. Pagdating naman namin doon ni Delevingne ay naroon na ang bise presidente ng kapisanang itinatag ko na si Harrice Ramos kasi t-in-ext ko siya kanina habang nakipagsiksikan kami sa mataong pasilyo.
I didn’t see Earth Sawyer loitering around or tailing me. He gave up already, I surmised.
“Ano? Idi-dissolve nila ang club natin kapag hindi pa tayo nakahanap ng pangatlong miyembro?” ani Harrice at bahagyang tumaas ang boses niya. “Malas naman, oh!” Hinilamos niya ang mga palad sa mukha.
I quickly shushed him. Bumaling tuloy sa gawi namin ang ilang estudyanteng nag-aagahan din. Buwisit talaga ’tong si Harrice!
“Mixx,” Delevingne called me by my monicker once again. “I just wanna apologize.” She then cracked an awkward smile while staring at me as if she had done something wrong with me.
Kunot-noong napatingin ako kay Harrice, na lukot din ang hitsura, bago ibinalik ang titig sa kaharap ko na kahihingi lang ng paumanhin.
“For what?” I asked, a little confused.
“Oo nga,” segunda ni Harrice. He then eyed her, seeming engrossed.
“Kasi hindi ako p’wedeng mag-apply sa club n’yo. I wanted to help you guys with your dilemma, pero kailangan din kasi ako sa Embroidery Club, eh. Ako kasi ang inaasahan ng president ng organisasyon namin na mamahala sa nalalapit na fashion show. Ayaw ko naman siyang biguin. Sorry talaga, ah,” she explained then pushed her bottom lip forward.
Tumango-tango kami ng kasama ko.
“Ano ka ba? Okay lang ’yon. Siguro naman may panahon pa kami para mag-recruit,” nakangiting sabi ni Harrice na tila ba madali lang solusyunan ang suliranin namin.
I turned my gaze at him. “Harrice, student inspectors only gave us two days to recruit one learner.”
“Ano?” gulat niyang sambit. Sa pagkakataong ito, sobrang lakas na talaga ng tinig niya.
Hinigit ko ang palapulsuhan niya. “Harrice, ’pag sinigawan mo ’ko ulit, pepektusan talaga kita sa apdo,” I threatened him, gritting my teeth.
“Alam mo, Ms. Prexy, no’ng umulan ng kabaitan, hindi ka pa siguro isinilang,” he replied with a forced smile on his face.
I rolled my eyes.
Narinig ko ang pagtawa ni Delevingne.
“Anyway,” bulalas niya. Tinabig niya ang kamay ko saka umayos siya sa pagkakaupo. “Hindi pa pala tayo nagpakilala kay Delevingne.” Inilipat niya ang tingin sa babaeng katabi niya. “Delevingne, ako nga pala si Harrison Denice Ramos from ICT 11-C. You can call me Harrice for short.”
They shook their hands.
“Nice meeting you again, Harrice,” Delevingne replied, plastering a smile on her face.
Sabay silang lumingon sa ’kin, na tila ba may utang ako sa kanila na matagal ko nang hindi nababayaran.
“Well, Delevingne seems to know me already. There’s no point for introducing myself,” I said, shrugging my shoulders.
“She’s right,” pangsang-ayon niya. Ang kaniyang ngiti sa kaniyang mukha ay hindi pa rin naglalaho. “Kilala ko na siya. Not to mention that she’s my new roommate.”
Namilog ang mga mata ni Harrice na parang mga barya. “Talaga?” hindi makapaniwalang bulalas niya.
Tutugon na sana si Delevingne nang may biglang lumapit sa mesa naming tatlo. Lahat ng atensyon namin ay nakatuon sa kaniya. Isang dalagang nangangatog na animo’y kaaahon lang nito sa malamig na swimming pool. But what caught my eye was the dark circles under her eyes. Thai series siguro pinapanood nito.
“Ano’ng kailangan mo?” pagbato ni Harrice ng katanungan sa dalagita saka lumitaw sa kaniyang mukha ang alanganing ngiti.
“Kayo ba ang CQAE Society?” pabulong na kuwestiyon niya. Napalinga-linga siya sa paligid na animo’y isang kriminal na sinusuri ang lugar kung may mga pulis bang umaaligid.
Tumango kami ni Harrice bilang sagot.
Delevingne cracked a smile at her then uttered, “Have a seat!”
I remained silent while looking at her.
Sa CQAE Society, dalawang uri ng client ang lalapit sa amin upang humingi ng tulong; tao at multo.
Umupo naman ang babaeng waring walang tulog. Klinaro niya ang kaniyang lalamunan bago magsalita. “A-Ako nga pala si Telly Nobelia. Ano kasi . . . hindi kasi ako masyadong nakatulog kagabi dahil sa isang m-multo,” nauutal niyang sabi. Huminto siya sa pagsasalita saka kinagat ang kuko niya.
Harrice leaned closer. “And then?” he queried, seeming engrossed.
“What happened?” It was Delevingne.
Telly gulped. “G-Ganito kasi ’yan, bigla na lang kasi siyang nagagalit kapag ilipat ko sa ibang channel ang television sa kuwarto ko,” pahayag niya. “Please, tulungan n’yo ’ko, please. Natatakot na ’ko sa kaniya,” she pleaded.
“Baka naman ’di niya bet ang channel kaya nagalit siya?” hinuha ni Harrice habang hinihimas niya ang kaniyang baba.
“P’wede rin,” segunda ni Delevingne habang tumango-tango dahil sa sinabi ng bise presidente ng kapisanang itinatag ko.
“Pa’no ba siya magalit?” I questioned.
“Ibabato niya ang mga gamit ko sa sahig. Tapos ’yong iba nabasag pa. Tulungan n’yo ’ko, please. Hindi na ako masyadong nakatulog dahil sa pangamba. Hindi ko alam kung sino siya o kung ano ang pakay niya sa akin,” maluha-luhang pakiusap ni Telly.
I breathed out some air from my mouth then said, “Okay, we’ll help you. Magkita tayo sa labas ng Gareth High mamayang hapon.”
Pagkatapos naming mag-usap at magpakilala sa kaniya, dumiretso na kami sa kaniya-kaniyang klase.
Gaya ng aming napag-usapan, nagkita kami sa labas ng Gareth High pagkatapos ng klase.
“Nasa’n ’yong isa ninyong kasama?” pag-usisa ni Telly. Hindi siya nakatingin sa ’min no’ng sinabi niya ’yon. Napalingon-lingon lang siya sa paligid na parang nababaliw na.
“She’s not part of our club,” I simply replied.
“Ano ka ba, Telly? ’Wag kang ma-paranoid. Chill ka lang. Kami bahala sa ’yo,” sambit ni Harrice. He then gave her a reassuring look. Pansin din niya ang kakaibang kilos ng aming kasama.
“Kung kailan natin kailangan ng taxi, saka pa tayo walang mahagilap,” Harrice muttered in irritation.
I nudged him with my elbow at kaagad naman siyang napatingin sa ’kin, suot ang nakalamukos na mukha.
“Harrice, maglalakad lang tayo,” I said with a forced smile on my face.
Napakamot siya sa likuran ng kaniyang ulo. “Gano’n ba?” asked Harrice.
I nodded my head as a response.
“Oo,” kagyat na tugon ni Telly. “Malapit lang naman kasi ang bahay namin. ’Wag kayong mag-alala, libre ko ang hapunan n’yo. But first, let’s shoo away the ferocious ghost muna.”
“Nice!” bulalas ni Harrice. “Gusto ko ’yan!”
Tahimik lang kaming naglalakad patungo sa bahay nila Telly Nobelia. Her name kinda funny but I liked it. I found it cute. Dumidilim na ang paligid kasi may mga store na na nagsara. Nang marating ng aming mga paa ang tarangkahan ng bahay nila ay napabuga ako nang malalim na hininga.
This is it!
But you know what? Parang may sumusunod sa ’min, kanina pa. Was it the furious spirit?
Lumingon ako sa aking likuran ngunit walang kaluluwang nahagip ang aking mga mata. Siguro gutom lang ’to.
“Mixxene, let’s go!” tawag sa ’kin ni Harrice. Weird. Miss Prexy kasi ang palaging tawag niya sa akin, eh.
Binuksan ni Telly ang gate saka pumasok kaming tatlo. Then the moment we entered their house—their mansion to be exact, napawi lahat ng pagod ko. Para akong prinsesang kapapasok lang sa kastilyo.
Mula sa marmol na sahig, kumikinang na chandelier, at aesthetic na painting na nakasabit sa maputlang pader. Sa kabilang banda naman ay napapalamutian iyon ng mga litrato ng pamilya nila, sangkaterbang medal, sandamakmak na certificate, at sangkatutak na sash.
Dumiretso kami sa kuwarto ni Telly at sumalubong sa amin ang napakalamig na hangin. Napayakap ako sa sarili ko. Ang ginaw. Sana all may air conditioner, ’no?
The moment we stepped our feet inside the room, biglang nagpatay-sindi ang ilaw sa loob na ikinatayo ng mga balahibo ko sa braso. And there the ghost in orange dress pacing back and forth as if she was waiting for someone to get inside.
And you know what? She looked familiar.
Naalarma ang mga kasama ko. Parehong dumapo sa akin ang matanong nilang mga mata.
“Mixxene,” Telly called me. Nahimigan ko ang pangamba sa tinig niya. “May nakikita ka ba?”
“Oo nga, Mixx,” segunda ni Harrice. Mixx? What’s with this lad this night? Hindi ako sanay sa kaniya ngayon. Panay kasi ang tawag niya sa ’kin ng ‘Ms. Prexy’ noon, eh. “Kita mo ba?”
I nodded as a response. Doon na napahawak si Telly sa kaniyang dibdib at napamura si Harrice sa mahinang boses. Iginala nila ang kanilang mata sa loob ng kuwarto. Ngunit kahit ano pa ang gawin nila, wala silang masisilayan.
“Who are you?” I threw a question at the furious ghost—as what Telly had said to us earlier. “And what are you doing here at Telly’s abode?” I finished, sounding adamant.
Natigilan siya nang mapagtantong nakikita ko siya. Rumehistro ang pagkagulat sa kaniyang mukha. She didn’t she this coming, I guess?
Patakbo niyang nilapitan ang sandamakmak na librong naka-pile sa mini library ni Telly at isa-isang nilaglag ang mga iyon sa sahig.
“Tigilan mo na ’yan, please,” I pleaded in a low voice, still staring at her. “Sino ka ba talaga at ano ang kailangan mo kay Telly?”
Bigla siyang huminto sa kaniyang ginagawa at nakipag-staring contest sa akin. Tila panandalian siyang napipi dahil sa lubos na sorpresa.
“M-Mixxene, pakitanong naman kung ano ang name niya,” nauutal na pakiusap ni Telly.
Tumango ako bilang tugon.
“What’s your name, by the way?” I asked.
Inilipat niya ang kaniyang tingin sa sahig na wari’y may script na nakatala roon. Narinig ng dalawa kong tainga ang pagtikhim niya. “Ako si Tanya Nobelia at kapatid ko ’yang si Telly. Hindi ko inaasahang magdadala pala siya ngayon ng paranormal sleuths para kausapin ako,” wika niya, na Tanya pala ang pangalan, at nag-angat ng tingin sa amin.
Crap! Kaya pala pamilyar ang mukha niya. Isa pala siya sa nakita ko kanina roon sa mga nakasabit na larawan. Ba’t ang slow ko?
I prodded Telly in the ribs to get her attention. “She’s your sister,” I spoke in a whisper. Harrice leaned closer to us. “Ba’t hindi mo binanggit ang tungkol sa kaniya?” My curious eyes narrowed into slits.
“Sana sinabi mo,” gatong pa ni Harrice.
Tuluyan nang bumagsak ang magkabila niyang balikat kasabay ng pagbuga niya nang malalim na hininga nang marinig ako.
“Just what I thought,” anas niya. “May hinala na talaga ako na ang multong gumambala sa ’kin tuwing nanonood ako ng paborito kong Thai series ay ang kapatid kong yumao. Sa katunayan, sabay silang namatay ni mommy dahil sa aksidente,” siwalat niya sa amin.
May lungkot sa mga salitang binitawan niya subalit wala akong natanaw na likidong tumulo galing sa kaniyang mga mata.
Napapitlag kami nang biglang tumilapon sa gawi namin ang mga gamit sa kuwarto ni Telly at ang ilaw ay muling nagpatay-sindi. Nagwawala na naman siya. Ramdam namin ang galit niya.
“Hayan na naman siya,” mahinang turan ng bise presidente.
“Mabuti’t naalala mo pa kami!” bulyaw ni Tanya sa kapatid niya pero ako lang ang nakaririnig sa mga pinagsasabi niya. “Alam mo ba kung bakit nandito pa ako sa lupa? Para ipaalala sa ’yo na dalawin mo naman kami ni mommy sa puntod namin kahit minsan lang!”
“Itigil mo na ’to, Ate Tanya!” Telly cried.
Hindi niya batid kung ano ang sinisigaw ng kaniyang kapatid pero ramdam niya ang poot nito dahil sa mga lumilipad na gamit na papunta sa direksyon namin. Todo ilag kaming tatlo upang hindi matamaan.
“No’ng mawala kami, wala ka nang ibang inatupag kundi ang lintik na series na ’yan! Pa’no naman kami, Telly? Siguro hindi mo kami mahal. Marahil masaya ka na nawala kami!” sigaw ni Tanya.
Pagkatapos niyang sambitin iyon ay biglang nag-uunahan ang kaniyang mga luha patungo sa kaniyang pisngi at baba.
“Stop this bullshit, ate!” Telly swore in a high voice.
I gulped.
“Ate Tanya, pag-usapan ninyo ito ni Telly nang mahinahon upang magkalinawan kayong dalawa. Just set aside the anger that you had in your heart,” I proposed, uncertain if she’ll consider this idea of mine or not.
Bahala na si batman.
Tinapunan niya ako ng tingin. Nagngitngit siya. “No!” she then exclaimed.
I flinched a little. “P-Puwede mong saniban itong kasama kong si Harrice,” saad ko at saka bumaling sa pangalawang pangulo sa club namin bago ibinalik ang titig sa kaniya. “That way, you two can talk about it calmly and understand each other.” I then cracked an awkward smile.
Batid kong hindi angkop ang ngiti sa sitwasyong ito subalit ’yan kasi ang isa sa mga paraan ko upang manghimok.
Harrice nudged me through his elbow. “Ms. Prexy, sigurado ka ba riyan? Parang hindi ko gusto ang suhestiyon mo. Muntik na nga niya tayong masaktan kahit kaluluwa lang siya, paano kung mahahawakan na niya ang isa sa atin?” aniya sa mahinang boses. Mahihimigan sa kaniyang tinig ang pagkabahala.
“Kaya nga I suggest na pag-usapan nila ito nang matiwasay, ’di ba?” I told him. “Pilit ko nga siyang pinapakalma, ’di ba? Didn’t you see that?”
He raised his hands in surrender. “Okay! Na-trauma lang kasi ako sa gaya niya. Gan’yan na gan’yan kasi si mama sa tuwing nag-aaway sila ni papa. Parating may lumilipad na remote o ’di kaya’y plorera. Shuta lang!” Harrice muttered in irritation.
“Sige na, Harrice. Sabihan mo na siya na puwede ka niyang saniban. Just spit it already!” udyok ko sa kaniya.
Kinakabahan, tumango siya bilang hudyat na pumapayag na siya saka tumikhim. “Ate Tanya, oo, puwede mo akong saniban. Puwede mo akong gawing instrumento upang magkausap kayo ng kapatid mo,” deklara niya at hindi niya alam kung saan banda siya titingin.
“NO!” Ate Tanya shrieked then run briskly out of the room. Tumagos siya sa pinto at nawala na parang bula.
Bumalik na sa dati ang lahat. Wala nang lumilipad na bagay patungo sa direksyon naming tatlo at naging maliwanag na ang buong silid.
“Wala na si Ate Tanya,” I announced, disappointed with myself. “Umalis na siya.”
I did my best to cajole her. But I guess, it wasn’t enough.
Tuluyan nang napaluhod si Telly sa maginaw na sahig at hinilamos niya ang mga palad sa mukha. Pagkatapos niyon, isang mahinang hikbi ang pumasok sa dalawang tainga ko.
Kaagad na napaupo at lumapit si Harrice kay Telly saka nagsimulang magtaas-baba ang kanang kamay niya sa likuran nito na para bang ang isang batang nawala sa piling ng kaniyang magulang ay kaniyang pinapatahan.
“Telly, nanatili pa raw siya rito sa lupa para ipaalala sa ’yo na dalawin mo naman daw sila ng mommy n’yo sa puntod nila kahit minsan lang. Nang mawala raw sila, wala ka na raw ibang inatupag kundi ang panonood ng series. She then conjectured that you don’t love them and you’re now glad that they’re gone,” pagbibigay-alam ko sa kaniya sa mga pinagsasabi ni Ate Tanya kanina.
“That’s not true,” she mumbled between her sobs.
“I know,” kagyat kong tugon. “That’s why I proposed na gawing instrumento si Harrice upang makapag-usap kayo nang maayos. But she dissented with my idea then run briskly.”
Rinig pa rin namin ang mahihina niyang paghikbi.
“Shh! Tahan na, Telly,” Harrice quelled her, still caressing her back.
Nanatili kaming gano’n. Umiiyak si Telly, patuloy naman siyang pinapatahan ng kasama ko, at ako naman ay umupo sa kulay tsokolateng silya saka nag-iisip.
Subalit unti-unting namilog ang mga mata ko na parang mga barya at dagling naghagis ng isang kamay patungo sa aking bunganga buhat ng labis na pagkagitla.
Ate Tanya was back, but she was with the last soul I wanted to see this night.
Earth Sawyer.

Comentário do Livro (63)

  • avatar
    navarroaryan

    ganda

    19/04/2025

      0
  • avatar
    Ash Torrelino

    subrang ganda Ng kwento!!

    16/09/2024

      0
  • avatar
    Norhan Dndlt

    so niceeeeee!!🥹❤️

    06/09/2024

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes