MIXXENE I didn’t forget what happened yesterday. First, Harrice teased me about the chairman of the student inspectors, Horace Horatio. Pero sa totoo lang, I didn’t have feelings towards him. Kailanma’y hindi ko maiibigan ang kagaya niya. Hindi ko magugustuhan ang taong walang emosyon o interes. He was an epitome of lackluster. Second, about Pete’s soul. Truth be told, I did not see that coming. Buong akala ko’y wala na siya rito sa lupa. I thought he already ascended to heaven the moment he left his body at the deserted and antiquated house. But it turned out that I was erroneous. And you know what? I wanted to thank him for saving me and Harrice yesterday. If it wasn’t for him, malamang nakatapak na kami sa loob ng office ng discipline teacher kahapon. That fricking chairman! He was getting on my nerves. When will he stop bugging us? Last year pa niyang pinag-iinitan ang club namin na para bang ilegal ang mga ginagawa namin sa loob ng campus. We were not doing something deleterious for goodness’ sake! We were just helping and hearing the ghosts out. May espesyal akong kakayahan na kung saan kaya kong makakita ng mga kaluluwa, na hindi magawa ng iba kaya ginamit ko itong special ability ko upang makatulong. Hindi ko lubos maisip kung bakit mainit ang mga mata ng student inspectors sa amin. Darn it! Napapitlag ako nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa niyon ang pangalawang pangulo ng organisasyong itinatag ko. It was Harrison Denice Ramos. Harrice was his monicker. Suot pa rin nito ang nakalolokong ngiti at ang kaniyang paboritong bag ay nakasukbit sa kaniyang kaliwang balikat. ’Yan parati ang porma niya sa tuwing nakikita ko siya. “Ms. Prexy, may client na ba tayo?” bungad niya sa ’kin habang nakahalukipkip. “You startled me, moron!” I snorted. “Kahit vice president ka pa ng club na ito, dapat kumatok ka pa rin. Got it?” I then heaved an exasperated sigh. D’yos ko! Muntik ko nang mabuhat ang isang upuan at maihampas sa kaniya. Buti na lang nakapagpigil ako. “Okay, okay!” He raised both of his hands as if he surrendered himself to a policeman. “Pero, Ms. Prexy, hindi mo pa sinasagot ang tanong ko sa ’yo earlier. May client na ba tayo?” “Do you see someone else—except me, of course—inside our humble abode?” I threw a question at him, arching a brow. Sinuyod ng mga mata niya ang kabuuan ng kuwarto. Nang wala siyang makita ay kaagad niyang ibinalik ang titig sa ’kin. “Wala.” “That means wala tayong client this day. Simple as that,” I quipped, grinning. Tila nayayamot siya dahil sa sinabi ko. “Ang labo naman n’on, eh,” reklamo niya. Padabog siyang umupo sa isang silya na parang batang hindi pinagbigyan sa kung ano ang nais niya. “Siyempre, wala akong makikita kasi wala naman akong espesyal na abilidad kagaya ng kung ano’ng mayro’n ka. Malay ko ba kung mayroong sumasayaw na multo ngayon sa harapan ko na ikaw lang ang nakakikita.” He then rolled his eyes. I let out a chuckle. “Wala nga tayong client. Ano ba? I’m telling the truth here!” I replied curtly. Pumaskil sa mukha niya ang isang ngiti. “Alright. Sabi mo, eh,” he said in a light tone. Para siyang napipilitan lang. Jackass! Pagkatapos niyon ay katahimikan ang bumalot sa amin sa loob ng aming clubroom. Itinuon ni Harrice ang atensyon niya sa kaniyang notebook. Marahil ay assignment niya ’yon at ngayon lang niya gagawin. Ganiyan talaga ’yang si Harrice. He believed that he worked better under pressure. He’s a crisis-maker type of procrastinator. Ako naman ay iniisip ko pa rin hanggang ngayon ang kaluluwa ni Pete Sawyer. Akala ko talaga ay nasa langit na siya. What was he doing at the swimming pool? Ba’t nandito pa rin siya sa lupa? Ano’ng kailangan niya? “Siya nga pala, sino pala ’yong multo na tumulong sa atin? Kilala mo ba ’yon?” kuwestiyon ng kasama ko na nangahas na bumasag sa katahimikan. “Nandito ba siya? I-invite mo, Ms. Prexy. Gusto ko lang magpasalamat. S-in-ave niya kasi tayo kahapon.” He turned his head at me. Tapos nagtaas-baa ’yong dalawang kilay niya. “I know him,” I simply said. “What?” gulat na sambit ni Harrice. “Sino naman ’yon? Friend mo dati na namatay?” sunod-sunod na tanong niya. His brows were inquiring. Umiling ako. “He’s our archenemy’s twin brother. He’s Jupiter Jan Sawyer,” I hastily responded. His eyes quickly grew bigger. “What? Si Pete? Kakambal ni Earth?” bulalas niya at may nakita pa ’kong laway na tumilapon galing sa bibig niya. Kadiri. “Nandito pa siya? Ano’ng kailangan niya? Tinanong mo na ba?” “Ba’t ang dami mong tanong?” I scoffed. He heaved a sigh. “Gusto ko lang malaman. Curious lang ako kung bakit nanatili pa rin siya rito sa lupa. May unfinish business pa siya, gano’n?” I pushed my lower lip forward then nodded my head repeatedly. “Something like that.” “So, hindi mo nga siya kinausap kahapon?” usisa niya habang naniningkit ang kaniyang matanong na mga mata. I shook my head. “Hindi, eh. Pinaalis din kasi tayo kaagad n’ong hayop na chairman na ’yon. Si Pete naman ay nanatili lang siyang nakatayo roon. Parang may gusto siyang sabihin sa ’kin pero nanatiling tikom ’yong bibig niya. Ewan.” I shrugged my shoulders. Tumango-tango lang si Harrice sa sinabi ko. After that, we went to our respective classrooms kasi may klase pa kami. At pagpatak ng alas-dose ng tanghali, muli kaming nagtagpo sa cafeteria at pumuwesto sa pinakadulo para mananghalian. “Alam mo, kanina pa tingin nang tingin sa direksyon mo si Horace. May gusto talaga ’yan sa ’yo, Ms. Prexy,” said Harrice. Nasa unahan nakapuwesto ang student inspectors pero gaya ng sabi ni Harrice, nakatuon ang atensyon nila sa amin. Na para bang may gagawin kaming hindi maganda ano mang oras. I clenched my jaw. That chowderhead! He’s getting on my nerves. Kalma, Mixxene. I had to collect myself bago pa man ako makagawa ng hindi maganda sa loob ng cafeteria. “Sino ang tinitingnan mo?” asked Harrice. Ininguso ko ’yong katabi ni Horace Horatio. “That girl sitting next to Horace. Sino siya?” tanong ko pabalik at halos magtagpo na ang dalawa kong kilay dahil sa pagtataka. Sumibol ang nakalolokong ngiti sa kaniyang mga labi. Masama ito. “Uy, nagseselos siya,” tukso niya. Just what I thought. Akmang susundutin niya ang tagiliran ko gamit ang kaniyang hintuturo nang magsalita ako dahilan upang siya’y mapahinto. “Harrice,” sambit ko sa pangalan niya, na puno ng pagtitimpi. “We are in the cafeteria, right? Kaya umayos ka, ha. I don’t wanna make a scene here.” “Joke lang! ’Di ka talaga mabiro, Ms. Prexy,” he retracted then cracked a smile. “Anyway, to answer your question, that’s Randalice Remington. She’s the new member of the student inspectors. Parami sila nang parami, ’no? Pero tayo, dalawa pa rin.” Bumuntonghininga siya. Muli kong tinapunan ng tingin ang katabi ni Horace, na Randalice Remington pala ang pangalan. Her name screamed authority. Inaamin ko na maganda naman siya, maputi, bet ko rin ang buhok niyang naka-perm, at agaw-pansin talaga ang badge sa kaniyang dibdib na nagsasabing kabilang siya sa student inspectors—na mga pakialamero. Ang mga kasamahan ni Horace ay nagbabantay sa linya ta’s nagpapanatili sa ‘clean as you go policy’, samantalang silang dalawa naman ni Randalice ay kanina pa nakatingin sa gawi namin. Para bang kami ang pinag-uusapan nila. Umugong ang bulungan nang biglang pumasok sa cafeteria ang dalawang news writers ng Gareth Gospel—sina Caldane Richurt at Flavia Flores. Ang Gareth Gospel ay ang official student publication ng Gareth High School. It served as the source of news and ‘teas’ in the school. We got the copies of the school papers every Friday. And one more thing, kasama ’yan sa babayaran namin kaya nararapat lang na makatatanggap kami niyan. “Seacut yarn?” bulalas ng katabi ko sa pagitan ng pagnguya. Tiningnan ko si Caldane Richurt. Nakasuot ito ng bilog na salamin, bagsak na bagsak ang kulay uling nitong buhok, and what caught my attention was the ID card hanging around his neck. Nakalakip doon ang kaniyang 2x2 picture at ang salitang “GOSPEL” na naka-bold ang mga letter. Bumaling ako kay Flavia Flores. Siya ay ubod ng puti, mahaba ang blonde niyang buhok, at kasabay ng pagkurba ng kaniyang kulay rosas na mga labi ay ang pagsibol ng kaniyang mga dimple. May naka-hang din sa kaniyang leeg gaya n’ong kay Caldane. “Tsaa please,” anas ni Harrice. Kaagad ko siyang binatukan. “Stop it, ninnyhammer!” I then rolled my eyes. “Sasali kaya sila sa pa-contest ni mayor—este, ng school director?” he spoke in a whisper. And tapos na pala siyang kumain. Umirap ako. “Tanungin mo kaya?” “Ba’t ang sungit-sungit mo, Ms. Prexy? Pangit ba ’ko? Kapalit—” Natigilan siya at biglang namilog ang kaniyang mga mata na parang mga barya. Tila nagkaroon ng light bulb sa itaas ng kaniyang ulo. “Alam ko na,” anunsyo niya. “Kaya ka galit kasi nakita mo si Flavia Flores, na girlfriend ng mortal nating kaaway. Naaalala mo na naman si Earth Sawyer sa kaniya, ’no?” “Exactly!” I said, plastering a smirk on my face. “You know what? Ang slow mo.” “Ba’t hindi sila magkasama ni Earth?” ani Harrice habang hinihimas ang kaniyang baba na animo’y nag-iisip. “Ba’t hindi mo tanungin?” I urged him. “P’wede rin,” nakangiting wika niya. Akmang tatayo na siya nang may biglang huminto sa harapan namin at inilapag nito ang dala niyang tray. Hindi ko siya kilala pero palagi ko siyang nakikita. “Hi, my name is Delevingne Hedges from HUMSS 11-A. P’wede bang makisabay sa inyo? Wala na kasing vacant, eh. Kasalanan talaga ’to ng teacher namin sa last period. Ang tagal niya kaming d-in-ismiss.” Nagkatinginan muna kami ni Harrice bago ibinalik ang titig sa dalaga sabay sabing, “Sure, no problem.” Hindi ko alam pero masama ang kutob ko sa kaniya. Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na kami sa kaniya-kaniyang classroom. Nagkasabay pa kami ni Delevingne at nagulat na lang ako nang malaman kong magkatabi lang pala ang room namin. “What a coincidence,” sabi niya kanina at lumitaw ang isang ngiti sa kaniyang mukha. Nang sumapit ang alas-singko ay dagli akong nagtungo sa clubroom namin na katabi lang ng Embroidery Club. Nanlaki naman ang mga mata ko nang masilayan ko si Delevingne na papasok doon sa clubroom ng Embroidery Club. Crap! “Oh, hi, Mixx,” magiliw na bati niya sa ’kin. Did she just call me by my monicker? Sinuklian ko lang siya ng maliit na ngiti bago pumasok sa clubroom namin. May hindi talaga tama. “Napa-paranoid ka lang. Don’t mind her, Mixxene,” I told myself, covering all the doubts and worries I had in mind. Napapitlag ako nang marinig ng dalawa kong tainga ang tatlong magkakasunod na katok mula sa pintuan. Bahagya kong inayos ang sarili. It wasn’t Harrice, fo sure. Hindi naman ’yon kumakatok, eh. Then who would it be? “Pasok!” sigaw ko. The door swung open and that someone entered. My eyes immediately went wide while looking at the lad standing before me. His neutral expression greeted me. “Horace . . .” I mumbled, his name sounding bitter against my tongue. “Good to know that you’re here,” panimula niya habang nakapamulsa. “I went here to inform you that you have to append one member to your organization according to Mr. Presper Terron, the school director. Or else, it’ll be dissolved permanently,” he said and was actually accentuated the word permanently. Hindi ako nakaimik dahil sa mga salitang binitawan ng chairman ng student inspectors. No. Hindi nila ’to p’wedeng gawin sa ’min. “Bibigyan ka namin ng dalawang araw. If you fail to do so, then say goodbye to your humble abode,” he firmly said. Ikinuyom ko ang aking mga palad sa poot. I then clenched my jaw. I didn’t see it coming. * * * Tahimik kong tinatahak ang daan patungo sa dormitory. Nagpaalam na ang haring-araw saka bumati sa ’kin sa madilim na kalangitan ang bilog at dilaw na buwan kasama ang mga kampon nitong kumukutitap na bituin. Hindi sumipot si Harrice kaya napagpasyahan ko na lang na umuwi. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ’yong sinabi sa ’kin ni Horace Horatio. We have to recruit one member as soon as possible. Hindi nila puwedeng ipasara ang club na itinatag ko. Hindi nila kami puwedeng palayasin sa tahanan namin ni Harrice. Nabalik ako sa tamang huwisyo nang makaramdam ako na parang may sumusunod sa akin. May nagmamanman sa bawat galaw ko. I then felt a wave of chills crawling all over my nape down to my arms. Crap! Napalingon ako sa likuran ko ngunit wala akong mahagilap na tao. Ang sunod kong ginawa ay mas binilisan ko pa ang paglalakad. Kaunti na lang at makararating na rin ako sa female’s dorm. Hanggang sa ang lakad ko’y unti-unting naging takbo. Nang marating ng aking mga paa ang pinto ay dali-dali ko itong binuksan. Pagpasok ko naman ay mabilis ko itong isinara at nakalikha ng hindi kanais-nais na ingay. I heaved a long sigh of relief. Not long after, my heart almost jumped out of its cage nang sunod-sunod na bumagsak sa makintab na sahig ang mga libro ko na naka-pile kanina sa aking study table. Napalunok ako ng laway sanhi ng takot at pangamba. Pagkatapos niyon ay dahan-dahan kong ipinikit ang aking mga mata. D’yos ko, sana naman wala siyang gagawing masama sa ’kin. Kung nais niyang tulungan ko siya, gagawin ko naman, eh. For a split second, I remembered someone who was acting strange since we’ve met inside the cafeteria. Delevingne Hedges. Siguro multo na ’yon. Pero parang hindi, eh. Nakikita kasi siya ni Harrice. Ewan. “Delevingne!” I cried, ang mga mata ko’y nanatiling nakasara. “Kung ikaw man ’yan, magpakita ka na lang. Pag-usapan natin ang problema mo. I promise that I’ll help you.” “Hindi ako si Delevingne.” Biglang bumalik sa dati ang lahat pagkatapos sambitin iyon ng isang lalaki, base sa boses nito. Mali na naman ako. Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata at bumungad sa ’kin ang kaluluwa ni Jupiter Jan Sawyer o mas kilala sa tawag na Pete no’ng buhay pa siya, na kalalabas lang galing sa ilalim ng mesa. My lips parted. “Pete,” I uttered. Marahan siyang umiling. “Hindi rin ako si Pete Sawyer,” he answered in a light tone. What? If he’s not Pete, then who is he? “Kung gano’n, sino ka?” takang tanong ko sa kaniya. Ang puso ko ay patuloy pa rin sa paghaharumentado. Napatingin siya sa makintab na sahig na animo’y may script na nakatala roon. “I’m Earth Zion Sawyer. I’m the real Earth.” He made an emphasis to the word real. Tila isang alon ang marahas na humampas sa akin pagkatapos niyang sambitin iyon. “What? Are you serious?” paninigurado ko at bahagyang tumaas ang boses ko sa gulat. Tumango lang siya bilang tugon. Nakagat ko ang ibabang labi ko. So, he’s Earth Zion Sawyer? He’s my archenemy. He loathed our club to death ever since I created it. And I never forgot what he did yesteryear. He used us to be his subject back then and took comical photos of us while doing our job. He’s fricking evil. “And what are you doing here, moron?” I queried, raising one of my brows. Parang umakyat sa mukha ang lahat ng dugo ko. Nag-aalangan, ibinuka niya ang kaniyang bibig at sinabing, “Hihingi sana ako ng pabor.” Napangiti ako nang mapakla. “My archenemy is asking for a favor? How ironic!” “Please, Mixxene—” “And you even called me by my first name,” I scoffed. “Anyway, ano naman ang pabor na hihingin mo? I just want to hear. Hindi ko sinabing gagawin ko, ah. Are we clear?” I asked, crossing my arms in front of my chest and shooting daggers at the frigging ghost standing before me. “Tulungan mo ’kong mag-imbestiga tungkol sa pagkamatay ko. Hindi ako nag-suicide. May pumatay sa ’kin,” pagsusumamo niya. “At bakit ko naman gagawin ’yon?” sagot ko sa walang interes na boses. “Narinig ko ang usapan ninyo ni Horace Horatio kanina sa clubroom n’yo. Gusto nilang i-dissolve ang club n’yo kapag wala pa kayong ma-recruit na isang miyembro hanggang sa susunod na araw,” wika niya sa mahinang tinig. While my forehead creased, I asked, “And then? What is it to you? Mag-a-apply ka?” He nodded his head as a response. What the heck? Baliw ba siya? Well, in his case, baliw na kaluluwa! “Mag-a-apply ako as a member of CQAE Society para hindi na ma-dissolve ang club n’yo at upang hindi n’yo na kailangan pang lumisan sa inyong tahanan. In return, you should help me upon unearthing my abrupt death. It’s a win-win situation, don’t you think?” he said then cracked a grin at me.
Obrigado
Apoie o autor para lhe trazer histórias maravilhosas
ganda
19/04/2025
0subrang ganda Ng kwento!!
16/09/2024
0so niceeeeee!!🥹❤️
06/09/2024
0Ver Todos