logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

SWIM - 10

SWIM - 10
Napasinghap si Hanelle nang marinig niya ang boses ni Ethan sa likod niya habang nakatagilid ng higa kaya siya'y humarap dito.
"A-anong ginagawa mo dito?!"
Kung hindi ko lang kaibigan itong si Eth ay iisipin ko nang pervert to. Pero hindi sya ganung klaseng lalaki.
Agad na napabangon ang binata sa pagkakahiga.
"Dito muna ako pinatulog ni Lolo Tonio. Yung kaibigan kasi nya ay sa salas matutulog." pagpapaliwanag nito.
Bakit dito pa? Hindi naman ako lalaki katulad nya ah. Porket ba magkaibigan kami, pwede na kaming magtabi sa pagtulog? Babae ako. Kailangan ko rin ng privacy noh!
"G-ganun ba?"
"Mmm,"
"Sige, di ka matulog. Duon na ako sa tabi ni Inay matutulog."
Akmang aalis na sya ng pigilan siya nito sa kamay. "Naiilang ka ba dahil sa sinabi ko?"
Hindi makapaniwalang tumingin si Hanelle kay Eth.
"Hindi ako naiilang sa pag amin mo kanina, Eth. Lalaki ka at babae ako. Hindi tayo pwedeng magtabi sa pagtulog. Mag asawa lang ang pwede gawin yon."
Matapos sabihin iyon, umalis siya sa maliit niyang kwarto at nagtungo sa silid ng kanyang Inay at Itay. Habang si Ethan naman ay naiwang nakatulala at maya-maya'y binatukan ang sarili.
"Tanga mo naman, Eth. May point sya dun. Tsk. Wala na. Turn off na agad sya sa akin."
Surang-sura siya sa sarili saka bumalik sa pagkakahiga. Ngunit nang akmang hihiga na siya'y nakaramdam sya ng sakit sa may tagiliran.
Hinimas himas niya iyon hanggang sa mawala. Iniisip niyang baka sumakit iyon nang dahil sa bagong kain ay humiga kaagad siya.
TINGKAYAD na lumakad si Hanelle papasok sa silid ng kanyang Inay at Itay na parehas nang masarap ang tulog. Ayaw niyang magising ang mga ito kaya hindi siya gumawa ng kahit anong ingay.
Dahan-dahan siyang tumabi sa Inay niya na katabi rin sa kaliwa ay ang kanyang Itay saka humiga. Nasa gilid siya kaya hindi masyado ramdam ang kanyang presensya.
Hindi siya makaramdam ng antok at nawala na ito gawa ni Ethan. Pumikit na lamang siya at nagbilang sa isip para kahit papaano ay dalawin na sya ng antok.
NAGISING siya kinabukasan nang marinig ang mga yabag ng Inay at Itay niya na parang nagpapabalik-balik sa loob ng kanilang bahay.
Kusot-mata siyang bumangon.
"Bakit ang ingay?" antok niyang sabi sabay hikab.
"Elle! Bumangon ka na dyan at tumulong ka dine!" malakas na utos ng kanyang Inay na ikinagulat niya.
Dali-dali siyang tumayo at tinignan ang nangyayari.
Nakita niyang nasa kwarto niya ang Itay niya habang ang kanyang Inay naman ay papunta di don at may dala-dalang palanggana.
Patakbo niyang tinungo ang kanyang silid para tignan kung anong nangyayari. Napako siya sa kinatatayuan ng makita si Ethan na balot na balot ng kumot at tila nanginginig sa lamig.
Nilapatan ng Inay niya ito ng bimpo sa nuo. Kumuha naman uli ng extrang kumot ang Itay niya para ibalot uli sa katawan ni Ethan.
"Ano pong nangyayari?" tanong niya.
"Nag-aapoy sa lagnat itong si Ethan. Nagising kami nang Inay mo ng may marinig kaming ingay mula rito. Tapos ito, naabutan namin siyang nanginginig na parang lamig na lamig." sagot sa kanya ng kanyang Itay.
NAGPRESINTA siyang ipagluto ng mainit na sopas si Ethan. Iyon lang ang maitutulong niya since ang dalawang matanda ay parehas na asikaso si Ethan.
Nauna nilang pinakain ang binata bago sila kumain ng umagahan. Kamote ang kanilang almusal at sopas naman ang kay Ethan. Hindi gaano karami ang sopas para paghatian pa nila. Sakto lang ito sa pang isahang tao.
ISANG araw, pagkagaling na pagkagaling sa eskwelahan ni Hanelle, nagpaalam siya sa coach Vic niya na hindi muna makakapag ensayo si Ethan dahil nga isang linggo na itong nilalagnat. Pati sa papasok sa paaralan, ipinagpaalam nya na rin ang binata.
Siya na rin ang gumagawa ng mga project o takdang aralin ni Ethan dahil wala pa itong lakas para mag aral. Ni pagbangon hirapan ito kaya sa kanya nakasalalay ang grado ni Ethan kahit mas matanda ng dalawang taon ang pagitan ng pag aaral nila ni Ethan ay pilit pa rin niyang iniintindi ang mga lessons nito sa lahat ng subjects.
Grade eleven siya at first year college naman si Ethan kaya maraming sakripisyo ang kanyang ginagawa para rito.
"Tumaas ng ilang segundo ang time mo sa 100 backstroke, Hanelle. May problema ba?"
Meron po...
"Wala po, coach. Pagod lang po siguro. Pasensya na po... gagalingan ko next time." tipid siyang ngumiti sa coach saka nagpaalam na uuwi na matapos ang kanilang training.
Ibinaba niya ang gamit sa labas ng kanilang maliit na bahay. Umupo siya sa natumbang puno na nagsisilbing upuan nila sa labas at nakahalumbabang tumitig sa madilim na karagatan.
"Pwede bang magpahinga muna?" wala sa sariling tanong niya sa hangin.
Pinapanuod niya ang mga hampas ng mga alon at umaabot iyon sa paanan niya. Pumulot siya ng maliliit na bato at isa-isang pinagtatapon iyon sa dagat.
Nang makaramdam siya ng lamig sa simoy ng hangin, saka lang siya pumasok sa loob ng kanilang munting tahanan.
Nagtungo siya sa kanyang silid at ganun pa rin ang kanyang naabutan. Nakahiga pa rin si Ethan at tulog. Hindi na ito balot na balot ng kumot kagaya ng dati.
Naawa siya sa kalagayan ng kaibigan. Kahit anong gusto nilang dalhin ito sa ospital, wala naman silang pera para tustusan ang mga gastusin kaya siguro tumagal ang lagnat ni Ethan. Mabuti na lang at may kilalang manggagamot ang Inay niya kaya kahit papaano ay na wala-wala ang init nito. At sana, magtuloy-tuloy iyon hanggang sa gumaling sya.
"SIGURADO ka bang ayos ka na?"
"Syempre naman. Ako pa ba." pagmamalaki ni Ethan habang papasok sila sa eskwelahan.
Nawala na ang lagnat ni Ethan makalipas ang isa't kalahating linggo.
"Namiss ko na ring mag aral noh." dagdag nito.
"Sus, tamad ka nga mag aral." banat ni Hanelle.
"Hindi ah, simula ngayon, magsisipag na ako. Kawawa naman kasi yung gumawa ng mga homeworks at projects ko eh."
"Wew, dapat lang."
NASA kalagitnaan ng klase nang mag anunsyo ang guro ni Hanelle na magdala ng larawan ng sarili kasama ang ina.
Tahimik lang siyang nakinig sa instructions na binibigay. Kailangan daw ng paliwanag kung ano raw ang katangian ng kanya-kanyang ina sa kanila at kung gaano sila nito kamahal at tanggap bilang isang anak.
Nagbaba siya ng tingin nang magsihiyawan sa kaexcitedan ang kanyang mga kaklase. Hindi nya alam kung pwede bang ang Inay na lang niya ang kasama sa larawan. Tutal ito naman ang itinuturing niyang Ina sa buong buhay niya. Ni hindi nga niya kilala kung sino ang nagluwal sa kanya.
NANG makalabas ang guro, hindi na niya hinintay ang bell na signal para sa kanilang paglabas tuwing hapon. Nauna na siyang lumabas ng classroom at nagmamadaling makauwi dahil may gusto pa siyang puntahan o dalawin.
Pagdating niya sa bahay, ang kanyang Inay lang ang naabutan niya. Nangingisda na naman siguro ang kanyang Itay kaya wala.
Nagmano muna siya sa kanyang Inay bago kausapin. "Nay?"
"Mmm?" tugon nito ng hindi tumitingin sa kanya.
Nag gagantsilyo ito kaya duon nakatutok ang atensyon nito. Ngunit agad ring napatigil sa tanong galing sa kanyang ng apo.
"Gusto ko pong makilala ang Ina ko."
Huminga siya ng malalim ng hindi ito nagsalita.
"Di ba po ang sabi nyo, namatay na sya kaya, gusto ko lang po dalawin ang puntod niya at para makilala sya."
Kinagat niya ang pang ibabang labi nang hindi pa rin sumasagot ang Inay niya. Nakatulala lang ito sa kung saan.
Hinawakan niya ang kamay nito.
"Nay, please po, hayaan nyo naman po akong makilala ang Ina ko."
May nagmamalabis na luha sa kanyang mga mata.
At sa wakas, nagsalita na rin ang kanyang Inay.
"Oo naman, apo." hinaplos nito ang kanyang buhok. "Pasensya na ha, ngayon mo lang makikilala ang nanay mo. Hindi ka namin magdala ng Itay mo sa puntod niya dahil nuong unang labas mo dito sa mundo, kinamuhian ka niya. Hindi ka nya matanggap-tanggap hanggang sa huli niyang hininga. Ang sabi niya, isa kang pagkakamali."
Bumuhos ang kanyang mga luha sa narinig sa kanyang Inay. Hindi niya inaakala na ganon siya kadisgusto ng kanyang sariling Ina.
Pinahid ng kanyang Inay ang mga luha niya. "Pero hindi ako naniniwalang isa kang pagkakamali, apo. Para sa amin ng Itay mo, ikaw ang pinakamagandang nangyari sa amin."
"S-salamat po, 'Nay." humihikbi niyang sabi.
"Tahan na, dadalhin rin kita sa kanya ngayon din."
Tumango-tango siya at pinatahan ang sarili.
Nagtungo siya sa sariling silid at nagpalit ng damit. Naka uniporme pa sya kaya kailangan talagang magpalit. Bigla niyang naaalala si Ethan. Kagagaling pa lang nito sa sakit. Baka kung mapaano ito sa daan pauwi.
Kaya na nya yun. Sya pa ba? Ika nga.
MALAYO-layo rin kahit papaano ang binyahe nila kasama ang kanyang Inay patungo sa libingan ng Ina niya.
Dalawang beses na sakay sa jeep at isang beses sa tricycle. Diretso na yun sa sementeryo na hindi gaano kalakihan. Tama lang para sa mga walang pambili ng kabaong. Tamang kumot lang ang balot sa bangkay at libing na agad.
Sumusunod lang siya ng lakad sa Inay niya hanggang sa napatigil ito sa isang puntod. Binasa niya ang nakapangalan.
'Marielle Corpuz Villena'
"Anak, may bisita ka nga pala oh,"
Lumingon siya sa Inay niyang nagsalita na parang kinakausap ang anak nito na siyang Ina niya.
"H-hello po. Magandang hapon po. Ako nga po pala si Hanelle. Ang... ang a-an-nak nyo." hirapan niyang bigkasin ang ikalawa niyang nabanggit na salita.
Napansin iyon ng Inay niya kaya hinawakan siya nito sa kamay.
"Anak, nandito si Hanelle oh, ang napakaganda at nag iisa mong anak. Ang laki laki na nya di ba? Dalaga na. Napakabilis talaga ng panahon,"
Ngumiti siya sa sinabi ng Inay niya. Kahit papaano, nabawasan ang kaba niyang harapin ang ina niyang kinamumuhian siya. Pero kahit gaano pa siya kinamumuhian nito, mahal na mahal pa rin ni Hanelle ang sariling Ina. Hindi man niya ito nakasama o nakita man lang sa personal kahit isang beses, alam niyang mabuti itong tao lalong lalo na sa kanyang Inay at Itay.
Lumuhod siya at hinaplos ang lapida na halos matakluban na ang pangalan ng kanyang Ina saka niya itinabi ang isang bouquet na bulaklak na kaya lang nilang bilhin.
"Masaya po akong makilala kayo... Mama."
|©amph1trite|

Comentário do Livro (22)

  • avatar
    Joerelyn Valdez III

    saan ba nagpunta su ethan at bakit hindi niya kasama happy ending sana may story pa kayo author sobra ganda may aral ka pa mapupulot sa story ni hanelle

    16/01/2022

      0
  • avatar
    Rayza Angelo Manumbas

    why

    28/04

      0
  • avatar
    Melody Valle - Ochinang

    ang gansa ng story. mas una kung natapos ang series 2. hahaha. sana matapos na ng series 3. keep it up. 👏👏👏👏 done reading.. 12/29/2022 @ 10:07pm

    29/12/2022

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes