logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Let Me Love You, Again [Tagalog]

Let Me Love You, Again [Tagalog]

Wisdom Sky


Capítulo 1 Simula

This is a Work of Fiction.
Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, and incidents in this book are either the product of the Author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead or actual events is purely coincidental.
Warning: if you happen to read wrong grammars and typographical errors here, I will edit it as soon as I can to provide better grammars for my stories.
This is not affliated with other universities/shools.
Sypnosis
A light story tackles about the teenagers who fell in love at a young age and got their heartbreaks.
Arlene Mariella Apostol, the girl who got forgotten by her loved one, who she didn't expect to leave her behind, left nothing but a heartbreak. The love which changed her, everything about her changed because of love. Her peaceful life wasn't lively like before, her heart was full of darkness.
Although, she have all the things might people want to have... she doesn't feel contented with it because her parents don't love her the way she observe it is, she's a seeker for love from her family and Stewart Rhodic San Jose; the guy who went to a car accident, caused him to have amnesia- attention from them is all she wants to feel.
A seeker for love, Arlene Mariella Apostol, a not-so-kind good girl doesn't deserve all this shits. She deserves to be loved as the person she is.
SIMULA
"Who are you?" isang simpleng tanong ngunit nagpadurog ng puso ko. Nanlamig ang buong katawan ko, habang pinagmamasdan ang lalaking nasa harap ko ngayon.
Pakiramdam ko'y tumigil sa pagtibok ang puso ko, wala nakong marinig na kahit ano. Paulit ulit iyon sa utak ko. Hindi ko matanggap na ang taong mahal ko'y dahil sa isang kurap ko lamang ay hindi na 'ko maalala.
"Why are you here? I don't even know you," iniwas niya ang tingin sa'kin at binawi ang kamay niyang hawak hawak ko na kanina pa. Hindi ako makapagsalita, dahil isang buka lang ng bibig ko'y lalandas na agad ang luha sa pisngi ko.
Gusto kong magmakaawa sa harap mo ngayon, at hayaan akong sabihin sa'yo ang nakaraan natin. Ngunit hindi ko pa kaya, ayokong pilitin ka para lang mahalin mo ulit ako. Gusto kong kusa mo 'yong maramdaman, at maalala. Pagkatapos ay babalik ka sa'kin at sabihing mahal mo ako.
Bakit kailangang maging ganito ang kapalaran naming dalawa?
Bakit kailangang ganito kasakit kung simpleng tanong lamang 'yon?
Bakit kailangang masaktan kung nagmamahal ka lang naman?
Bakit mo 'ko kailangang kalimutan kung ang puso mo'y ako lang ang laman?
We've spent two years together, My love.
I kept and sacrifice my own life just to hide our relationship to others.
But why can you easily forget me in that fucking easy way?
I already did all my best for you to remember me,
but it didn't work.
I failed.
My love wasn't enough for you,
Our memories wasn't enough.
Everything is not enough.
Three years passed.
Akala ko hindi na kita makikita ulit,
but this fucking tadhana let it happen again.
This time,
you don't know me.
You don't love me anymore.
I already signed off in your life but..
You gave me the guts to enter it again.
I Arlene Mariella Soriano Apostol, signing in for being a pest in your life again. . .
**
"Nabalitaan niyo ba guys na may lilipat daw na student ngayon?" si Blair.
"Anong grade? Grade 9 rin ba?" kinikilig na sagot naman ni Riana sa kaniya. Nanatili naman akong nakafocus sa kinakain ko.
"Oo, ang sabi pa nga raw ay puro lalaki sila. Mula raw sa mayayamang pamilya,"
"Woah! Sana kaklase natin, yieee!"
Pagkatapos naming kumain sa Cafeteria ay tumambay na muna silang dalawa sa garden ng school, ako naman umakyat na sa room para magaral.
Bago dumating ang prof. namin ay dumating na agad sila Riana at Blair. Nakakatuwang pagmasdan na ilang taon kaming magkakasama ng section na 'to, ni isa sa'min ay walang nalipat sa ibang section. Tanging kami lang talaga, pero baka pag tungtong namin sa ika-sampung baitang ay magkahiwahiwalay na. Wag naman sana.
Hay, it was a peaceful day. Paguwi sa bahay ay naglaro nalang ako sa PS4 kasama si Riana. Wala ngayon sila Mommy kaya nakakapaglaro kami. Pinagsabihan ko na rin ang mga maids namin, baka kasi magsumbong pa andami pa namang sipsip dito.
"Ma'am Arlene, eto na ho ang hapunan ninyong dalawa ni Ma'am Riana." boses ni Andeng mula sa labas ng kwarto ko. Binitiwan ko na muna ang controller bago tumayo at lumapit sa pinto para buksan 'yon.
"Eto na ho ang ipinaluto niyo kay Manang na Porksteak, Ma'am." tumango nalang ako at iminuwestra sa kaniya ang daan papunta sa coffee table ko.
Nakapause ang nilalaro naming tekken ngayon, kaya nakatutok sa cellphone ang paningin ni Riana. Nang makalabas na si Andeng ay bigla namang tumili si Riana!
Napatakip ako sa tenga ko dahil sa tining ng boses niya. Bigla nalang siyang tumayo at nagtatatalon na parang bata! Bwiset, ano bang nangyayari sa babaeng 'to!
"Ano ba yan, Riana! Tumahimik ka nga't umupo! Nakakarindi 'yang boses mo!" sa halip na matinag ay mas lalo niyang nilakasan at lumapit sa'kin, kinalog kalog ang balikat ko.
Iritadong inalis ko naman ang kamay niya ro'n. "Anong nangyayari sa'yo ha?! Para kang tanga jan!"
"Kasi nakita na raw ni Blair yung mga transferees! Inabangan niya 'yung paguwi nila kanina! Grabe, bes! Pogi raw!" kilig na kilig na aniya. Hinampas hampas pa ang braso ko!
Tibay!
"Sayang nga lang kasi 'di sa section natin sila napunta," tumabi siya sa'kin ng umupo ulit ako sa sofa, iniplay ko na ang laro ngunit nagpatuloy pa rin siya sa pagsasalita!
"Matatangkad rin daw ang mga lalaking 'yon, payat ngunit medyo makisig daw ang katawan."
"Pero may isa daw do'ng lalaki, maliit tas sobrang ingay daw. Sa napansin niya, may pagka isip bata raw 'yon."
Tsk, hindi naman ako interesado. Kung siya 'yan, baka hindi rin.
"Please, let's not talk about the guys. I'm not interested." masungit kong sabi, inirapan ko pa siya. Kita ko naman sa gilid ng mata ko ang pag-pout niya sa sinabi ko.
"Sinasabi ko lang naman eh, para may alam ka."
"Psh, I don't care." nagpatuloy nalang ulit ako sa paglalaro at hindi na siya pinansin.
"Arte nito, hmp!" bulong niya pa.
"Ano ba 'yan! Walang kwentang controller 'to, lagi akong natatalo dahil sa'yo!" pagkausap niya sa controller na hawak niya. Pangatlong beses ko na siyang natalo dito sa mortal kombat na nilalaro namin.
"Yan, napala mo. Hindi ka kasi nagfofocus jan sa laro mo, iba ata nasa isip mo eh," ngumisi ako ng patago, nagkukunwaring seryoso.
"H-hoy, anong hindi. Nagfofocus kaya ako!" depensa niya na pautal utal pa!
"Eh bakit ka nauutal?"
"A-anong? Hindi 'no! Para kang tanga, Arlene!" iniiwas niya ang paningin sa'kin.
"Aminin mo na kasing lalaki 'yang iniisip mo, wala namang mawawala sa'yo." nginisian ko siya.
"Sino naman tinutukoy mo ha? Baka nga ikaw 'yung may iniisip 'jang lalaki eh!"
Inilingan ko nalang siya bago napagpasiyahang kumain na. Baka malamig na yung ipinaluto ko, sayang naman. Balak sanang sumandok ng kanin si Riana, ngunit tinapik ko ng malakas ang kamay niya.
"Aray! Ano ba!?" masamang tingin ang ipinukol niya sa'kin.
"Hindi ka kakain hangga't hindi mo inaamin kung sino iniisip mo kanina!" hinamon ko siya.
Tignan natin ngayon kung hanggang saan 'yang tapang mo.
"Putek 'di ka makamove on do'n ha?"
Sakaniya nga hindi ako makamove on sa'yo pa kaya? Tangeks.
"Antagal, aaminin mo lang-"
"Pucha oo na lalaki na iniisip ko!"
Tsk, masasaktan ka lang dyan.
"Okay," nagsandok na'ko ng kanin at ulam sa plato ko, gano'n rin ang ginawa niya. Hinayaan ko na, nakakaawa eh baka umiyak pa!
Pagkatapos naming kumain ng kanin ay dessert naman ang pinaakyat ko kay Andeng. Icecream at donuts ang inakyat niya, pinabili ko pa 'yon sa mall. Pagkalapag na pagkalapag pa lang ng Icecream sa table ay hinawakan agad 'yon ni Riana! Tinapik ko ulit ang kamay niya, hehe. Mapanakit na ata ako, sorry naman.
"Putek! Ano na naman ba ha?" reklamo agad niya.
Napangiti ako. "May itatanong lang-"
"Eh bakit hindi mo agad tinanong kanina? Pabitin ka ha?" sarkastikong aniya.
Agad kong inilayo sa kaniya ang Icecream. Pinigilan agad niya 'yon, ngunit hindi siya nagtagumpay. "May angal ka?"
"Itanong mo na! Baka matunaw pa 'yang Icecream sa ginagawa mo eh!"
"Easy ka lang, nagmamadali ka ata eh-"
"'Yang Icecream kasi ang inaalala ko!"
"Anong pangalan ng lalaking iniisip mo ha?" tanong ko habang nakalayo sa kaniya ang Icecream. Natahimik naman siya ng ilang saglit, nagiisip kung anong pangalan ang sasabihin. "Anong pangalan ng mga transferee?"
"'Yung natandaan ko lang sa sinabi ni Blair apat eh, apelyido lang." seryosong aniya.
"Hmm?" interesado kong tanong.
"Montenegro, Valejo, Tuazon... Tsaka yung huli, San Jose ata. 'Diko sure eh." napakamot siya sa pisngi.
Hindi ako nakapagsalita kaagad.
Nabitawan ko ang Icecream na hawak ko, sa sobrang gulat. Buti nalang alerto siya at nasalo niya agad 'yon. Nagtataka siyang humarap sa'kin. Nanlamig ang buong katawan ko, hindi ko alam kung bakit masama ang kutob ko. Marami namang San Jose sa mundo 'diba? Hindi siya 'yon.
"Oh anyare sa'yo?" asar niya ngunit ramdam kong may halong pagaalala ro'n.
"Wala," umiwas ako ng tingin sakaniya, binuksan agad niya ang Icecream at nilantakan 'yon. Hindi na nagabalang gumamit ng baso, deretsong kinain niya na 'yon gamit ang kutsara.
Napansin niyang hindi ako kumakain kaya siniko niya ako. "Hoy, kumain kana." dali dali naman akong kumuha ng kutsara at kumain na rin ng Icecream.
Kinabukasan ay hindi ako sumabay kay Riana, baka mahalata niya ang pagiging tahimik ko. Ayokong may maisip siyang masama.
Pagkarating sa School ay nakasabay ko si Riana sa pagpasok. Tuwang tuwa siya ngayon, siguro'y excited makita ang mga transferee.
"Good Morning, World!" bati agad niya ng makapasok kami sa room. Ang ibang babae ay sobrang tuwa ngayon, katulad niya. Mga nakabusangot naman ang mga lalaki.
Anyare sainyo? Jusko!
"Good Morning, Earth!" ganting bati ng mga babae sa kaniya.
Dumeretso na lang ako sa upuan ko't hindi sila pinansin. Inilabas ko ang notebook ko at nagbasa basa nalang. Ayoko ng magisip sa walang kwentang bagay, at nakaraan na.
"Oh My God! Nandyan na sila!"
"I love them na!"
"Alam mo ba yung pangalan nila?"
"Nako, hindi pa! I'll try to ask them, later!"
"Ang popogi niyo!"
Rinig na rinig ko ang sigawan sa labas ng room namin. Nawala tuloy ang atensyon ko sa binabasa! Inis akong tumayo at naglakad papunta sa pinto. Gusto kong sawain ang mga maiingay dahil nakakaistorbo ang tining ng boses nila.
Ibubuka ko pa lang sana ang bibig ko ngunit nagtama na ang paningin namin ng lalaking nakalimutan ako. Ang lalaking hindi manlang gumawa ng paraan para maalala ako. Ang tanga ko para isiping gagawa siya ng paraan para maalala ako eh, sa tuwing makikita nga lang ako nantataboy na.
Mahihirapan na akong kalimutan siya ngayon, dahil kailangan kong tanggapin na sa iisang eskwelahan na ang pinapasukan namin. Hindi na sinabi nila Tita sa kaniya yung tungkol sa'ming dalawa. Kailangan ko ulit tanggapin ang sakit, lungkot at hirap na naranasan ko noon na bigla nalang bumalik ng walang babala.
Gusto ko mang lumapit at lumuhod sa harap mo ngayon, magmakawa katulad ng mga babaeng nagkakandarapa sa'yo mula pa noon. Hindi ko na kayang ulitin pa dahil siya na ang pinili mo, at hindi ako. Gustuhin ko mang magpakadesperada, ay wala na namang mapapala iyon dahil ayaw mo na sa isang tulad ko.
Ayoko ng sayangin ang oras ko sa taong hindi naman ako ang mahal. Kung sinabi mo lang noon na ako pa rin ang mahal mo'y kakayanin ko pang tanggapin ang hirap at sakit para lang manatili sa'yong tabi. Pero alam kong hindi mangyayari 'yon, dahil bago mo pa'ko maalala ay may mahal ka ng iba.
My love for him is too strong and too bright to forget easily.
Nangyari ito sa'min dahil hindi kami pwedeng dalawa at hindi kami para sa isa't isa.
Mahal na mahal kita, pero tama na, Stewart.

Comentário do Livro (10)

  • avatar
    Enrico Belmonte

    shesh

    26/03/2023

      0
  • avatar
    Chirry Mae G. Noval

    ang ganda kabitin lng sana may kasunood pa😘😘😘🥰🥰

    24/03/2023

      0
  • avatar
    Rosemarie Ramirez

    nicee

    18/03/2023

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes