logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 2

It was almost four pm nang umalis kami sa Guidance Office. Dahil sa kagustuhang mag-imbestiga sa kasong hindi naman namin dapat pinapakialaman ay hindi na namin namalayan ang oras ni hindi nga kami nakapag tanghalian ni Tristan.
"Cheng?!" pagtawag sa akin ni Tristan nang makarating kami sa parking lot. Tinaasan ko ito ng kilay. 
"Sa bahay kana kaya matulog?" natigilan ako dahil sa tanong ni Tristan, at sandaling nag-isip.
Wala naman sigurong ibang ibig-sabihin ang pagyayaya niya diba? Siguro nag-aalala lang siya sa akin dahil sa mga nangyayari nitong mga nakaraang araw sa apartment ko. Isa pa, isang araw lang naman akong makikitulog sa kanila hindi naman siguro masama iyon, kaso may isang problema.
"Alam mo namang wala akong pwedeng masuot na damit sa bahay niyo dahil wala ka namang kapatid na babae," lalaki ang kaisa-isang kapatid ni Tristan. Si Reid Valle ang tinaguriang party boy ng kanilang pamilya. Makikita mo kasi siya sa halos lahat ng party dito sa Manila. Mas matanda ito ng dalawang taon sa kanya at masyadong magkaiba sila ng hilig kaya hindi sila nagkakasundo. 
"E 'di kukuha tayo sa apartment mo," sound's great! Agad akong sumakay sa kotse ko at pinaharurot ito papunta sa apartment ko. Sumunod naman si Tristan. 
___________
"Cheng, anong gusto mong kainin?"
Nandito kami ngayon sa condo ni Tristan, kararating lang namin, sandali lang naman kami sa apartment ko, kumuha lang ako ng mga mahahalagang gamit tulad ng damit, toothbrush at iba pa pagkatapos ay umalis na kami. Nagtaka ako kung bakit ibang daan ang dinaanan namin, nakapunta na kasi ako sa bahay nina Tristan kaya alam ko kung saan dadaan. I asked Tristan kung saan kami pupunta at sabi niya sa condo niya raw kami matutulog since nasa bahay nila ang kuya niya kasama ang mga kaibigan nito. 
"Samahan na kita magluto," prisinta ko.
Agad kaming pumunta sa kitchen at naghanap ng pwedeng lutuin, "Teka, kailan mo pa pala nabili to?" Tanong ko sabay bukas ng ref, hindi niya kasi nabanggit sa akin na may nabili pala siyang condo. 
"Nung nakaraang buwan lang," noong nakaraang buwan pa pala? Pero bakit hindi ko alam? Siguro hindi niya sinabi sa akin dahil hindi niya ako girlfriend, ganun?
"Ah. Siguro dinala mo na si Shane dito no! Ano? May nangyari ba?" Sabay wink ko sa kanya. Bahagya naman itong natawa dahil sa sinabi ko. 
"Ano kaba, ikaw palang ang unang nakapunta rito. Well, maliban sa akin." Tumawa ito,"Ang totoo, si Shane talaga dapat ang unang dadalhin ko rito pero dahil nag-alala ako sa bestfriend ko kaya ayan. Di bale pumasok ka nalang sa kwarto may bakanteng cabinet doon, puwede mong ilagay ang mga gamit mo, ako na ang magluluto." I nodded then kinuha ko na ang bag ko at naglakad papunta sa sinasabi niyang kwarto ngunit agad rin akong napatigil at napalingon ulit sa kaniya. 
"Wait? Nasaan pala 'yung kwarto ko?"
He smirked at me. "Oh! Hindi ko pala nasasabi sayong isa lang ang kwarto dito," he said and chuckled. Sana naman nagbibiro lang siya.
"Sabihin mong nagbibiro ka lang!" Singhal ko sa kanya. Kahit bestfriend ko ang lalaking ito, lalaki parin siya, paano nalang kapag, kapag hay! Huwag ka ngang mag-isip ng kung ano-ano Trisha! Nakakahiya ka! 
"Seryoso ako," Nagkibit balikat na lang ako at agad na pumasok sa kwarto na itinuro ni Tristan. Pagkapasok ko sobrang namangha ako sa nakita ko. 
Grabe! Mas malinis pa yata itong kwartong ito kaysa sa kwarto ko.
Parang totoong buwan ang larawan sa sahig, para kang naglalakad sa buwan dahil sa 3D effect nito tapos napuno nang kumikinang na bituin ang dingding. Para kang nasa galaxy. Napanganga ako habang pinagmamasdan ang buong silid. Parang ayaw ko nang umuwi.
Pagkatapos kong pagsawaan ang kwarto ni Tristan ay agad na akong lumabas, nakaamoy kasi ako ng something delicious kaya biglang nagparamdam ang mga alaga ko. 
"Kain kana." Pagyayaya ni Tristan sabay lapag ng niluto niyang adobo sa mesa. Ngumiti lang ako at naupo na. 
"Nice room, delicious food. Naku! Parang ayaw ko nang umuwi." Pabiro kong sabi sabay tawa. 
Ang totoo, hindi ko maiwasang mainggit kay Shane. She's very lucky. Ang daming nagkakagusto kay Tristan sa Beaufort, maliban kasi sa matalino, basketball player at pagiging pogi niya ay magaling rin siyang magluto iyon nga lang minsan masungit siya sa mga taong hindi niya kilala specially doon sa mga babae na nahihimatay kapag nginingitian niya. 
"You can stay here hangga't gusto mo." Tristan said sabay subo ng pagkain. Hindi na ako sumagot sa halip ay kumuha na lang ako ng pagkain saka nag-umpisa na ring kumain.
Hindi ito ang unang beses na nakakain ako ng luto ni Tristan, pero masasabi kong wala pa ring pinagbago ang mga luto niya, masarap pa rin. Minsan nga napapaisip ako kung saan nagmana si Tristan, parang hindi naman magaling magluto si Tito Stanley.
Pagkatapos naming kumain ay nagpresinta akong ako na ang maghuhugas ng pinagkainan namin. Habang naghuhugas ako si tristan naman ay naka-upo sa sofa habang nanonood ng tv.
Few minutes later, around eight in the evening, nakaupo kami sa couch habang nakaharap sa isang maliit na mesa kung saan nakalagay ang isang maliit na notebook. Binuksan ko ang cellphone ko at agad na hinanap ang mga litrato na kinuhanan ko kanina.
"Look!" Sabay pakita ko ng mga litrato kay Tristan, "Napansin mo ba, ang iba, isa lang ang nakalagay na litrato meron namang iba na dalawa at tatlong litrato ang nakalagay sa isang box. Tingin mo magma-matter kaya ang mga numero kapag bibilangin natin kung ilang litrato ang nakalagay sa bawat kahon?" 
"Anong ibig mong sabihin?" Nakakunot noo niyang tanong sa akin.
"Are you familiar with the game 4 pics One Word? Halimbawa itong unang picture, isang lalaking may hawak na bata. Kung hindi ako nagkakamali ang unang litrato ay nangangahulugang Father." Agad kong kinuha ang maliit na notebook at isinulat ang salitang Father, pagkatapos ay saka ako nagpatuloy sa pagsasalita, "At dahil isang litrato lang ng lalaki ang nakalagay kaya isa lang ang bilang nito. Isusulat natin siya ng ganito,"
1 Father 
"Ibig mo bang sabihin na ang pangalawang kahon kung saan naglalaman ng apat na litrato ng tinapay ay isusulat natin ng ganito?" Tanong ni Tristan sabay sulat sa maliit na notebook.
4 Breads 
"Tama! All we need to do is to repeat the same process hanggang sa maubos ang lahat ng litratong nakalagay sa wallpaper."
Inulit namin ang parehong proseso hanggang sa kahuli-hulihang litrato at ito ang nabuo naming mga salita. 
1 Father
4 breads
2 balls 
4  Moons
1  clock
3  whites
3  pinks 
2  Deads 
"Ano na ang sunod nating gagawin?" tanong ko kay Tristan na ngayon ay nakakunot ang noo at halatang nag-iisip kung anong pwedeng gawin sa mga nabuo naming mga salita.  
"Sobrang haba niyan kapag ginawang password kaya sigurado akong may ibang paraan para mapaikli ang mga salitang iyan," usal niya.
Sandali akong natigilan nang marinig ang sinabi ni Tristan. Mapaikli?
"Bingo! 'Yun nga! Grabe, Tristan ang talino mo!" Masigla kong sambit. Agad kong kinuha sa kanya ang maliit na notebook saka nagsulat.
"Isa lang ang pwedeng paraan para mapaikli ang mga salitang ito. We have to take the corresponding letter of the number of each word. Kuha mo?" Umiling-iling siya, napangiti na lang ako. Kahit ako nalito sa sinabi ko.
"Look, ang unang word ay 1 Father. If we take the corresponding letter of the number 1 to the word Father that is F.  Pangalawang salita ay 4 Breads ibig sabihin ang corresponding letter ng number 4 sa word na breads ay A since pang-apat na litra ito. And So on," paliwanag ko. Tumango si Tristan na parang nakuha niya ang ibig kong sabihin kaya sinimulan na namin ang pagsusulat.
Katulad sa ginawa namin sa unang step ay inulit lang namin ang parehong proseso hanggang sa huling salita and finally we cracked the password. 
"The password is FRANCINE!" malakas na wika ni Tristan.
"Kailangan itong malaman ni Tito! Kailangan natin mabuksan ang laptop ni miss Elizabeth dahil sigurado akong may makukuha tayong lead doon." Tatawagan ko na sana si Tito Stanley nang biglang hablutin ni Tristan ang phone ko.
"Cheng! May oras pa tayo bukas, hindi mo ba napapansin." Lumingon ito sa gawing kaliwa at may tiningnan kaya tiningnan ko rin ito. He's looking at the clock!
"Oh?! Maghahating gabi na?!" mangha kong tanong matapos makita ang oras.
Tumayo si Tristan at saka naglakad papasok ng kwarto ngunit bago paman siya tuluyang makapasok ay nagsalita muli ito, "Siguro dahil nag e-enjoy tayo sa pagiging college detectives kaya hindi natin namalayan ang oras. Oo nga pala, sa couch ako matutulog ikaw na sa kama ko, kukuha lang ako ng kumot," wika niya. Tumango ako pagkatapos ay sumunod na ako sa kanya. 
Tristan was so good to me since we're kids hanggang ngayon. Minsan nga naiisip ko na hindi ko deserve iyong lahat ng ipinapakita niyang kabaitan sa akin. The way he treats me, sobrang bait niya. Caring, gentleman, understanding tapos ako hindi ko man lang siya magawang bigyan ng gift tapos minsan nasisigawan ko pa siya kapag may dalaw ako at mainit ang ulo ko. Kahit ganun nanatili parin siya sa tabi ko kahit nandiyan na si Shane. I guess ito na ang tamang panahon para ipangako ko sa sarili ko na kahit anong mangyari mananatili ako sa tabi ni Tristan at hinding-hindi ko siya pababayaan katulad ng ginagawa niya sa akin. 

Comentário do Livro (26)

  • avatar
    Dar Win

    thanks

    12d

      0
  • avatar
    BanzonMatthew

    5d6dufufuf

    08/08

      0
  • avatar
    Mo'hd Nadjer Asnie

    hhhgyywywywyw wgevegegehbwywywuwgwgwywywhwg6whwvwgwyey3gegeyeyeyeyyeyeyeyey3y3y3y3y3636y3g3tiwbwgw ok 3b3y3y

    24/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes