logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 7:

Kalhira’s POV
“Hey, woman! What’s your fucking problem?!” galit na tanong ni Silas sa babae. Nanlilisik ang mata niyang nakatingin dito.
Tumingin ang babae sa kaniya. “So ang malanding si Karen pala ay may asawa? Sabi sa asawa ko ay single siya!” Hindi makapaniwalang binalik ng babae ang tingin sa akin. “Niloloko mo ang asawa mo para lang sa pera? Patol ka nang patol kahit kasal na ang inaahas mo? Napakawalanghiya at napakalandi mo naman!”
Hindi ako yumuko. Nakakunot ang noo ko dahil hindi ko maintindihan ang kaniyang sinasabi. Si Karen iyon hindi ako kaya bakit ako mahihiya?
Napansin ko ring pinagtitinginan na kami ng karamihan. Nasa gitna pa naman kami ng dance floor ni Silas. Nakatingin sa akin si Silas na seryoso lang ang mukha.
“Hindi ka umattend sa birthday ni Maia? Are you cheating on me, Karen?” tanong ni Silas. Galit nang nakatingin sa akin.
“I attended!” depensa ko.
“Really?” Nakapamaywang na nilabas ng babae ang cellphone niya. Hinarap niya sa akin ang video. Nakita ko si Karen at isang lalaking nagtatalik. Kitang-kita ang mukha ng kakambal ko. “Why don’t you check her chest, Silas?! I’m sure na nandiyadiyan pa ang halik ng asawa ko sa asawa mo! Don’t be blind! Don’t be stupid!”
Matagal na bumuntong-hininga si Silas. Naubos na ang pasensya niya.
“Leave,” utos niya sa babae pero hindi pa rin ito umaalis kaya tinulak niya. “Leave before I’ll kill yo—”
“She is a fucking bitch!”
Sa sigaw ng babaeng ’yon ay hinatak niya ang gown ko kaya napunit ang strap. Muntik nang bumagsak, mabuti na lang ay hindi pa rin inaalis ni Silas ang hawak sa baywang ko. Tumamba ang cleavage ko sa lahat nang nakakakita.
Tumingin silang lahat sa chest ko upang makasigurado. Walang nakitang kahit anong marka roon. Walang hickey sa katawan ko.
“This. . .” hindi makapaniwalang sabi ng babae. “This is insane! It’s you, Karen! A whore!” Taas niya sa video.
Nagbulungan ang mga tao.
“Edited.”
“Kakahiya ’yan.”
“Pasikat e.”
“Baliw na ’yan dahil sa asawa. Lagi iyang ganiyan, nag-eeskandalosa. Kahit sino pinapatulan.”
Nahihiyang tumalikod ang babae. Kinuha ang bag sa lamesa at umiiyak na lumabas ng venue. Bigla akong naaawa, kasalanan ng kakambal ko kung bakit may babaeng umiiyak dahil sa kaniya. Kung bakit may babaeng nasasaktan.
“Stop staring at my wife!” malakas na sigaw ni Silas upang magsiiwas ng tingin ang mga lalaki. “Let’s go, honey.”
Hinubad ni Silas ang kaniyang coat at sinuot sa akin, longsleeve polo na lang ang suot-suot niya. Inakay niya na ako palabas ng venue. Bago ako makalabas, may tiningnan akong isang lalaking nakatingin sa akin dahil siya iyong kanina pa nakaw nang nakaw ng tingin.
Inalalayan ako ni Silas sumakay sa sasakyan. Nang makasakay siya, hindi muna siya nagmaneho. Sinandal niya ang ulo sa manibela. Pinabayaan ko lang siya. Ilang minuto rin kaming tahimik hanggang sa magtanong ito.
“Tell me that you’re not the girl in the video,” magkasalubong ang kaniyang dalawang kilay. Hinihintay na tumanggi ako.
“I’m not,” totoo kong sagot. “Pumunta ako sa birthday ni Maia, hindi ako ’yon. Kilala mo ako, hon. Marami akong kaaway kaya gumagawa sila ng paraan para masira ako,” pagpapaliwanag ko. “Naniniwala ka naman sa akin, ’di ba? I can never cheated on you, hon.”
“Do you know why you have so many enemies?” I was stunned because of his question. “Dahil inahas mo raw ang asawa nila hindi dahil gusto ka lang nila masira, Karen.”
Hindi ko na alam ang isasagot ko dahil hindi ko alam ang tungkol na ’yon sa kakambal ko.
“I thought it was fine. I thought our family was fine.” Tumingin siya sa ibang direksyon. Nakita kong nagbabadya ang luha sa kaniyang mga mata. “Kasi akala ko nagbago ka na. Ramdam ko na ’yong care at love mo sa akin at sa anak natin. And now, K-Karen. . .” Pumiyok siya nang sabihin ang Karen. “I want a good and happy family. I don’t want to keep secrets from each other. Change yourself, Karen. Just please. . .” Napayuko muli siya sa kaniyang manibela.
Natahimik ako at hindi alam ang sasabihin. Bigla akong naawa sa kaniya. May ganito pa palang lalaki. Sinasayang ng kakambal ko ang kaniyang asawa.
Umuwi kaming walang kibuan ni Silas hanggang makauwi sa bahay. Pumunta na ’yong guwardiya sa tulugan niya. Nagpasalamat ako sa kaniya habang sinusundan si Silas na dire-diretsong umakyat sa kaniyang kwarto. Mukhang kailangan ko muna siyang hayaan.
Pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig. Pagkatapos ay umupo para tawagan si mama. Sigurado akong gising pa si mama pero si Karis ay alam kong tulog na.
“Ma,” bungad ko.
“Oh, anak? Kumusta ka riyan? Sayang, tulog na ang anak mo. Sinasaktan ka ba riyan? Hindi pinapakain? Kinakawawa?”
“Pasensya na, ma. Hindi ako makatawag kapag umaga. Nag-iingat po kasi ako rito baka mahuli,” sabi ko. “Hindi po, ma. Hindi naman po masama ang ugali ng mag-ama. Ayos lang po ako rito. Bukas po ay susubukan kong tumawag. Miss na miss ko na po ang anak ko.”
“Osige, huwag mong pabayaan ang sarili mo, huh? Mabuti nga itong anak mo ay hindi nagtatampo. Kapag pinaliwanag ko ang tungkol sa ’yo, naiintindihan agad.”
“Opo, ma. Pakisabi mahal na mahal ko po siya.”
Matapos kong makipag-usap, umakyat na ako sa taas. Naghalf bath muna ako bago mahiga sa kama. Akala ko ay gising pa ang lalaking ’to pero hindi na. Natalikod ito mula sa akin at may unan sa mukha.
Halatang nagtatampo.
Napabuntong-hininga muna ako bago mahiga sa kama. Gusto kong suyuin ang lalaking ’to kahit alam ko naman sa sarili kong hindi ko siya asawa at hindi ko ginawa iyon. Pero dahil sa pagpapanggap, ako ang nakararamdam ng konsensya. Gusto ko siyang yakapin mula sa kaniyang likod pero naiilang akong gawin kaya mas pinili ko na lang matulog.
Pagkagising ko, nag-ayos ako ng sarili bago bumaba. Sakto ay gising na si Chloe.
“Baby,” tawag ko sa kaniya.
“Yes, momm—” Natigilan siya. “Yes po, mommy?”
“Anong paboritong ulam ni daddy?” usisa ko.
Bata pa naman ito, baka hindi pa siya nakahahalata ng mga bagay-bagay.
“Ginisang ampalaya po. By the way, good morning po!”
“Good morning! Tara, lutuan natin si daddy ng favorite niya!” Hinawakan ko siya sa kamay.
“Really, mommy? Tuturuan mo po ako?!”
“Of course, baby.”
Ito na lang ang gagawin kong paraan sa panunuyo. Hindi ko magawa ang yakap at halik kagabi.

Comentário do Livro (209)

  • avatar
    DiazJanberdiaz

    wow nice story

    1d

      0
  • avatar
    GadonRose

    magandaaaa syaaa at kawili²

    2d

      0
  • avatar
    TapicAshley

    🥹🥹🥹

    12d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes