logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 6

INIHILAMOS ko ang palad dahil sa sinabi niya sa akin kagabi. Nagpapakuwento ako sa kaniya, pero ang tanging sinabi lang niya ay paggising niya nandoon na siya at magpunta raw ako sa shop na pinagbilhan ko sa kaniya.
Seriously? Nakakagigigil siya. Sinasabi-sabi pa niyang kakaunti lang ang alam ko pero hindi ko inaakalang napakakaunti nga talaga ang alam niya. Wala siyang maalala, pero ang galing mag-ingles. Hindi ba dapat kung walang maalala, pati pagkamatalino niya sa pagiging best in English kung saang lupalop man siya ng mundo ay makakalimutan niya.
Nakipagtitigan siya sa akin buong gabi matapos niyang sabihin iyon dahilan para mairita ako at habulin siya ng walis tambo.
Namaywang ako sa tapat ng pet shop na pinagbilhan ko. Walang nagbago mula sa unang nakita ko. Ang tamad na matandang owner ay wala talagang balak magtipid ng kuryente.
Humugot ako ng maraming lakas ng loob mula sa hanging dumaan sandali. Naubo ako bigla sa nalanghap ko galing sa imbornal sa tapat ng kinakatayuan ko.
Malalaki ang hakbang kong lumapit. Itinulak ko ang pinto subalit nauntog lang ang noo ko dahil mali ang ginawa ko. Pull pala, hindi push. Hindi sana ako nakita ng may-ari o kung sino. Kinamot ko ang sentido ko sabay hinga nang malalim. Nalilito pa rin ako sa push at pull, hindi ba puwedeng both na lang? Ang arte ng nagpauso ng salitang ganito sa pagbukas ng pinto.
Madilim ang paligid at tanging sikat ng araw galing sa butas ng bubong ang nagsisilbing ilaw. Napakatipid naman ng kuryente sa loob, pero sa labas, halos napakaliwanag kahit hindi madilim. Baligtad ang utak ng may-ari.
Hinanap ng mata ko ang matandang lalaking nakausap ko sa dilim. Huminto ako sa paghahanap, na para namang mahahanap ko siya sa napakadilim na paligid. Ano na ngang kulay ng balat n'on?
Kung maitim siya gaya ng ex-boyfriend ni Dana, lalong hindi ko siya mahahanap. Lumingon ako sa likuran ko, hinahanap ang switch on ng ilaw.
Kinapa ko ang dingding at naramdaman ko ang tila pulbos at lagkit. Humarap ako pagkababa ko ng kamay dahil sa narinig kong pagpitik ng kung sino at mukhang nasa harap ko lang siya, kanina pa nakatingin.
Sa isang iglap ay sumundi ang ilaw sa paligid lamang namin. Inaasahan niya yata ang pagdating ko rito dahil sa paraan ng ngiti nitong napakalawak. Nakasandal siya sa hindi ko makitang bagay dahil napakadilim doon sa likuran niya. Hawak-hawak niya ang baston niyang tila ngayon ko lang napansin dahil wala akong maalalang may baston siya noong nagpunta ako rito.
Naalala ko pa kung paano ako hindi makatingin nang diretso sa kaniya noong unang punta ko rito, pero maganda ang nakain ko at lakas ng loob ang idinulot sa buong katawan ko.
There’s still the weird feeling which complements the ambiance of the entire pet shop, but the tons of weird feeling I’ve felt last time became curiosity this time and he sets the whole place like a mystery.
It feels like there's something I should know and shouldn't that will make my life change in one snap.
Hinihintay niya ang pagbukas ng labi ko habang titig na titig siya sa akin. Base sa mukha niya ay mukhang lalabas sa bibig ko ang katagang inaasahan niyang marinig. Kumunot ang noo ko. Ano ba ang mayroon? Nalilito akong na-e-excite madiskubre ang sekreto niya kung mayroon man.
Pasimple akong umiling—iwinawaksi sa isip ko ang ibang naiisip. Bahagyang tumaas pa ang kaliwang kilay ko. “Ibabalik ko na iyong binili kong hamster,” walang paligoy-ligoy kong bitiw ng sadya ko.
Siya naman ang nagtaas ng dalawang kilay nang may ngisi sa labi. Tama nga ako dahil narinig niya ang inaasahan niyang marinig.
“Ano'ng mayroon at ibabalik mo?” patay-malisyang sabi niya, pati ang ngisi ay ganoon ang sinasabi.
His smile is giving me a mysterious vibe, but it makes him like a creepy Joker in suicide squad from the way he looks at me and his whole built as I scanned him. The difference is his hair color which he has an ash gray based on the reflection of the light from where he's standing.
“Iyong himalang sinasabi mo, nagkatotoo. Himala o hiwaga iyong sinabi mo? Basta iyong sinabi mo sa akin,” banggit ko sa naalalang sinabi niya, sinamahan ko pa ng pagtaas ng balikat.
“May problema ba?”
Hindi ako nagpaniwala sa pagpapanggap niyang wala siyang alam. Siya ang may-ari ng pet shop na ito, saka may alam ng lahat. Hindi niya ako maloloko.
“Hamster siya at bakit nagiging tao?”
Mas lalo akong nagkaroon ng lakas ng loob kaya napahalukipkip din ako sa kaniya. Ipinapangalandakan ko ang awtoridad kong sabihin niya sa akin ang totoo sa kabila ng pakikipagtigasan ko ng kalmadong titig sa kaniya.
Umawang nang maliit ang bibig niya. “That’s a miracle!” mulagat niyang puri.
Umikot ang mga mata ko, tumawa ako at nag-echo sa buong paligid kahit napakahinang tawa ang ginawa ko. “Mahiwagang hindi ko—”
“Hiwagang magugustuhan mo.” Malapad siyang ngumiti. Kitang-kita ko pa ang pagkislap ng mga mata nito.
Umiling-iling ako. “Ibabalik ko na siya. Gusto ko ng alagang hayop, hindi iyong mag-aalaga ako ng kalahating hayop at kalahating tao,” pabalang kong bitiw ng katotohanang nasaksihan.
Siya naman ang umiling nang todo. “Hindi puwede.”
Dalawang kilay ko ang tumaas. “At bakit?”
Tumutuktok nang mahina ang baston niya sa sahig, gumagawa ng isang kakaibang beat na para bang nanonood ako ng vlog ng hindi nagsasalita kundi tanging beat lang na nakakaaliw ang pinapagtugtog. What’s with him?
“He chooses you as his owner and you choose him to be your pet. Hindi mo puwedeng basta ibalik na lang ng ganoon kadali.”
He's weirder than I thought or maybe not because he's insane. Mukha siyang matandang baliw at naglalaho siya nang kaunti habang ilang hakbang na lang ang distansya namin. Ang maputi niyang balat ay unti-unting nagkukulay brown.
“Pinili mo kaya panindigan mo.”
“Hindi naman lahat kailangang panindigan,” katwiran ko.
Umiling siya bilang pagsulungat. Tama naman ako. Most of the time we choose to be responsible for what we've done, but on the other way around, responsibility chooses us to be responsible for the choice we didn't choose because no one will take responsibility for it.
Kumalma ang ekspresyon niya, parang nabasa ang malalim kong opinyon. “Be with him. Enjoy his company while you experience these things.”
Tinawanan ko siya. Hindi masayang i-enjoy ang panaginip kasi nakakalungkot lang kapag gigising akong hindi pala totoo.
“Pakigising ako sa panaginip. Ayaw kong maiwan sa ganitong sitwasyon. Masaya na ako kung ano ang buhay ko ngayon,” pakiusap ko. Ipinagdikit ko ang dalawang palad kong nasa ibaba.
Tinuldukan niya ng pag-iling. “Malalaman mo ang dahilan kung bakit mo nararanasan ito balang araw. Huwag mong pagsisihang pinili mo siya.”
Kulang na lang ay magmarka ng permanente ang mga guhit sa noo ko. Nalilito akong nahihiwagaan sa mga lumalabas na salita sa kaniyang bibig dahil pakiramdam ko nasa pelikula ako.
“May magic ka?” natatawa kong tanong at bilang paghahanap ng ibang paraan para ipitin siya sa sitwasyong magsasabi siya ng totoo.
“I have mo magic.”
“Eh, ano ito? Ano'ng tawag mo dito?” tukoy ko sa hamster na galing sa kaniya.
“Finding purpose and love,” sagot niya agad sa chill na paraan.
“Matchmaker?” kunot-noong tanong, nagbabanggaan ang dalawa kong kilay.
Tiningnan lang niya ako. Magaling, magaling, walang sagot. Ginagawa niya akong manghuhula.
“Find the answer to your questions. If you couldn’t find anymore, you can always come here to ask and I'm going to answer some of it.”
Kinamot ko ang buhok ko gamit ang dalawang kamay. “Ang hina mo naman magpick-up, manong. Kaya nga ako nagpunta rito kasi kailangan ko ng sagot at saan ko naman mahahanap ang sagot na kailangan ko?” naiinis kong tanong sa paraang nanghahamon ng isang magandang paliwanag.
“Sinagot ko na ang mga nauna mong tanong.”
Sumimangot ako. “Ang damot ng sagot!”
“Bibigyan na nga kita ng isang malaking sekreto,” pagsuko niya. Mas pinapatindi niya ang curiosity na kanina pa nanalaytay sa dugo ko dahil sa mas lalo ring paglawak ng ngisi nito.
“Hindi lang ito simpleng pet shop. I am the master here, the one who knows everything but I wouldn’t give you any details. Mga taong nakapasok at naranasan ang ganito ang tanging nakakaalam.”
Mapang-asar akong natawa, ipinaramdam ko sa kaniyang hindi ako natutuwa sa kalokohan niya. “Sekretong malupit, bawal ipagsabi?”
Tumango siya, sinakyan ang binubuo kong biro. “Visible itong pet shop na ito sa lahat, pero iilan lang ang gustong makaranas ng ganito nang bukal sa puso. Congratulations dahil isa ka sa mga nakitaan ng ganoon.” Itinaas niya sa ere ang dalawang kamay, pinapakita ang pekeng excitement.
May sasabihin pa sana ako para sumalungat sa sinasabi niya, ngunit hindi natuloy nang lamunin nang liwanag ang buong paligid.
***
I've been staying at the park every after my work for three days. Walang nagbago. Tao siya sa gabi at mas nagiging malinaw sa akin na hindi talaga ako nananaginip.
It's peculiar. I couldn’t explain what should I feel whenever I see him every night, doing all human stuff like he's a lost boy who doesn’t know anything.
Ang hindi ko lang kayang tanggapin ay iyong paglaho bigla ng pet shop pagkatapos sumabog noong liwanag na kung ano noong araw na iyon. Parang may nag-madyik na ewan.
Paulit-ulit akong nagpakawala ng buntonghininga bago ko buksan ang pinto. Magkikita na naman kami. Gustuhin ko mang matulog na lang para hindi siya makita ay wala akong magawa kundi ang magmukmok nang magdamag sa kuwarto ko hanggang sa yakapin ako ng antok.
Kung papaalisin ko naman siya ay delikado para sa kaniya. Hindi ko pa siya nakikitang nagtra-transform bilang hamster pagkatapos niyang magkatawang-tao, pero madalas ko siyang naabutan na sa kulungan niya, natutulog nang mahimbing pagkagising ko.
Marami akong tanong sa kaniya, pero ipinapakita ng mukha niyang wala rin siyang alam sa nangyayari kaya hinayaan ko siyang gawin ang gusto niya at hindi magpansinan kahit nasa iisa lang kaming apartment.
Maliwanag ang buong paligid. Kinunutan ko ng noo ang ilaw sa sala. Matagal ng pundido ang ilaw doon sa sala at wala na akong balak lagyan pa dahil masyadong maaksaya sa kuryente. Pati ang ayos ng upuan ko ay naiba.
Ang dating magkakatabing maliit na couch ay magkahiwalay na dahil inilagay niya sa pagitan ng upuan ang mesa bilang bagong dekorasyon.
Ang flower vase na nasa dating naka-display sa tabi ng TV, sa ibaba ng TV stand ay nasa mesa. Iyong wall clock na nasa itaas ng pinto ko dati ay nasa itaas nang TV, kaya kitang-kita agad pagkapasok.
Nasa kalagitnaan ako ng pagpansin ko sa kaunting pagbabago ng bahay ko ay kinakalabit ng mabangong pagkain ang atensyon ko. Liningon ko ang kusina at akmang hahawiin ko ang ikinabit kong kurtina nang binungaran niya ako ng ngiti.
“You’re home,” masigla at halata ang pagkatuwa niyang makita ako.
“Anong klaseng nilalang ka?” tanong ko. Napako ang mata ko sa umuusok na pagkaing nasa kawali.
“You—”
Malalaki ang ginawa kong hakbang. “Wow! Marunong magluto ang hamster?” manghang tanong ko, nakatingin sa hindi sunog na hotdog at ang mainit-init pang sabaw na iniluluto niya.
Nilanghap ko ang maasim-asim niyong sabaw pagkabukas ko ng takip. Mapapakindat ako sa asim nito maya-maya.
“Hamsters can’t cook, Yuna, but I can do what humans do every night,” pagtatama niya.
Ibinalik ko ang takip at hininaan ang sindi ng apoy. “Hamster ka ba talaga?” nagdududa kong tanong.
“I am in the morning.”
Kumibot ang labi ko. “Hindi ako sanay na iyong alaga ko ay tao pala kapag gabi. Super weird.”
“Masasanay ka rin.” Lumapit siya sa iniluluto niya.
Kinuha nito ang bagong hugas na kangkong, inihulog niya sa iniluluto at ibinalik ang takip. Paluto na pala ang sinigang niya.
“Ibalik na lang kaya kita?” walang kaabog-abog kong bitiw ng tanong dahilan para lingunin niya ako bigla.
“Ayaw mo sa akin?”
Ngumisi ako sa malungkot niyang boses. Malungkot siya? Masyadong mapagpanggap ang nilalang na ito. Iwinaglit ko ang pagkukunwari niya sa pagpansin ko sa kaniyang paulit-ulit na kulay ng kaniyang suot.
“Wala akong ganiyang damit. Nagnanakaw ka ba ng damit?”
“This is my fur.”
Umawang ang labi ko. As in balahibo niya? Napakarami naman niyang dalang hiwaga.
“Ibabalik mo na ako?” basag niya sa pananahimik ko bigla.
“You’ll stay here for one week.”
Gusto ko pang malaman kung ano pa ang mabubunyag sa isang linggo niya rito. Siguraduhin lang niyang mayroon dahil kung hindi, hahayaan ko siya sa labas.
“Ayaw mo nang forever?” paghingi niya ng palugit.
Nginiwian ko lang siya. Forever is just a word but non-existent in reality.
“Gusto kita kahit ayaw mo sa akin,” banat niyang ikinailing ko sabay tulak sa kaniya palayo dahil medyo malapit ang mukha niya sa akin.
Humakbang ako palayo. “Yuna, sana magbago ang isip mo. Palagi kitang lulutuan ng pagkain kapag pinatuloy mo ako rito,” pahabol niyang sabi.
Iwinagayway ko lang ang palad nang hindi lumilingon. Kaya kong lutuan ang sarili ko. I don't need him. Hindi ko gustong ako pa ang gagastos sa pagkain namin at pagluluto lang ang ambag niya. Gusto ko ng mayaman na guwapo.
“Yuna, I can make you happy even I have no mon—”
“Make me change my mind, then,” hamon ko sa kaniya bago ko isara ang pinto para makapagbihis ako ng pambahay.

Comentário do Livro (49)

  • avatar
    AjfaidheDkfksjf

    thank you

    14/06

      0
  • avatar
    AbdalJonan

    jonan

    22/04

      0
  • avatar
    RavinaAngelbert

    good

    03/01

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes