logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 03

Kairi's P.O.V
"THANK you dahil dumating ka sa buhay ko."
"Thank you dahil dumating ka sa buhay ko."
"Thank you dahil dumating ka sa buhay ko."
"Argh! Tantanan mo na ako kahit kailan Drei sakit ka talaga sa ulo bwisit ka!" Napasabunot ako sa aking buhok, mukha na tuloy akong mangkukulam dahil ang gulo ng buhok ko.
Paano pagkasabi ni Drei ang katagang 'yon palaging sumasagi sa isip ko ayaw ako tantanan magmula school, pagsakay ko ng dyip hanggang pagdating ko sa bahay.
"Humanda ka sa akin bukas hudas ka grrr!" Pabulong na sabi ko sinipa ko pa ang lata na humarang sa dinadaanan ko.
Pagbukas ko ng aming pintuan wala ako nadatnan na tao una ko hinanap si mama.
"Ma, I'm home!" nilakasan ko ang pagkasabi para marinig niya baka nasa itaas at may ginagawa.
Ilang minuto pa ang lumipas wala ako narinig na sagot niya, kinabahan ako baka bumalik na naman siya sa dati.
Nagpunta ako sa taas kung saan ang kwarto niya pero wala siya ro'n pati cr sa kwarto niya.
Tinignan ko sa balkonahe baka nagpapahangin wala pa rin.
Naisip ko ang hardin kaya nagmadali ako bumaba, mapapangiti na sana ako pero naudlot dahil walang bakas na nagpunta siya ro'n.
Bagsak balikat ako pumasok sa loob ng bahay nag-aalala kay mama baka napano na siya, para akong naglalakad na tulog walang kabuhay-buhay nang bigla ako napalingon, may narinig kasi akong kumalabog sa may kusina.
Ang daming pumasok sa utak ko baka may magnanakaw, oh rapist tapos gagahasain ako what the heck ba't ko naisip 'yon? Kasalanan 'to ni hudas tsk!
Dinampot ko ang pepper spray para may protection ako kung masamang tao man ang nakapasok, dahan-dahan ako naglakad papunta sa aming kusina nag-iingat na hindi makagawa ng ingay.
Palapit na palapit na ako pero patuloy pa rin ang ingay, nang nakapasok na ako sa mismong kusina gagamitin ko na sana ang pepper spray nang lumabas si mama.
"Mama!" gulat na sabi ko. Napahawak ako bigla sa aking dibdib.
"Oh Kairi! Nandiyan ka na pala bakit ganyan ang itsura mo?" Tinignan ako ni mama mula ulo hanggang paa sabay alis ng kaniyang apron.
"Ma, nagsabi ako kaso wala ako nadatnan na tao akala ko nasa taas ka nagpunta pa nga ako ro'n pati sa hardin. Nag-alala ako baka bumalik ka naman sa dati tapos may narinig ako kalabog galing dito, akala ko may masamang tao na nakapasok kaya dala-dala ko itong pepper spray." Napakamot ako sa ulo dahil napahiya ako false alarm lang pala tsk.
"Sorry anak kung pinag-alala kita hindi ko narinig ang tawag mo busy kasi ako sa pagluluto." Tinuro niya 'yong nakasalang sa kalan sa amoy pa lang alam kong paborito kong ulam.
"Ok lang ma, nag-alala lang ako akala ko umiiyak na naman kayo." Ngumuso ako at kumilos na parang bata.
Umiling siya. "Nangako na ako sa'yo na hindi ko na gagawin." Hinahaplos haplos niya ang aking buhok.
"Kairi, bakit ang gulo ng buhok mo wala ka bang dala na suklay?" Sinuklay niya ang aking buhok gamit ang kaniyang kamay.
"Aray! Ma masakit may dala po ako suklay mahangin kasi sa dyip kaya nagkabuhol-buhol ang buhok ko." Palusot ko kay mama at tinignan nang palihim kung naniwala sa kasinungalingan ko.
"Oh sige, umakyat ka na sa kwarto mo magbihis at magsuklay para kang ni-rape." Pinalo niya ako sa pwet nang mahina pagbibiro lang niya.
Habang naglalakad ako papunta sa aking kwarto pumasok na naman sa isip ko 'yong sinabi ni hudas, for the nth time napasabunot na naman ako argh!
Nang makarating na ako sa aking kwarto binagsak ko ang aking katawan sa malambot na kama at tumingala sa kisame.
Sinariwa ko lahat nang nangyari buong araw wala naman masyado nangyari, maliban sa sumakit ang ulo ko magmula nung nakilala ko si Drei. Bakit gano'n na lang ang kinikilos niya lalo na ang mga binibitawan niyang salita?
Seryoso ba siya o pinaglalaruan lang niya ako? Dapat hindi ko iniisip ang mga ganitong bagay pero bakit hindi maalis sa isip ko? Dapat ba ako kiligin lalo na sa mga binibitwan niya salita para sa akin? Argh! I hate you Drei!
Nagpagulong-gulong ako sa aking kama baka sakali mawala sa isip ko at matauhan ako, pero in the end wala rin nangyari nahilo lang ako tsk.
Nagbihis na lang ako at sinuklay ang aking buhok gaya nang utos sa akin ni mama, napatingin ako sa salamin tinignan ko ang reflection ng aking sarili. Bakit ako nagkaganito? This is my first time na maramdaman ko ito, pero hindi pwede kung ano man 'to kailangan ko gumising, sinampal ko ang aking mukha aray ang sakit pala!
Nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni mama bumaba na ako, naglalakad ako papuntang dining area na parang lantang gulay, umupo ako sa mesa at nagpakumbaba.
Nagulat na lang ako nang alisin ni mama ang aking siko na nakapatong sa mesa.
"Kairi! Alam mo naman masama ang nakalumbaba lalo sa hapag kainan!" galit na sabi ni mama at nakakunot ang noo.
"Sorry po mama," paghingi ko ng sorry at nilagay ang table napkin sa aking hita.
"Lead the prayer," maikling utos niya at hindi na gano'n galit ang makikita mo sa kaniyang mukha.
Tumango ako kay mama kasabay ng maliit na ngiti sumilay sa aking labi at dahan-dahan pinikit ang mata.
"Lord, salamat po sa pagkain na nasa harapan namin ngayon, palagi niyo po kaming gabayan ni mama, bigyan ng malakas na pangangatawan at huwag niyo po kami pababayaan, Amen."
Inabot sa akin ni mama ang kanin pati ang paborito kong ulam na adobo. Bakit ganito parang wala ako ganang kumain?
"Anak kumusta ang unang araw mo sa school?" Tumingin muna siya sa akin bago nagsandok ng kanin.
"Ok lang ma hindi pa kami nagsimulang mag-lecture bukas pa sisimulan," walang ganang sabi ko sabay subo ng kapiranggot na kanin.
"Ok ka lang ba may masakit sa'yo?" Pinasingkitan ako ng mata ni mama.
"Ok lang ako ma napagod lang po." Walang masakit sa akin ma 'yong ulo ko ang masakit kanina pa bwisit kasi 'yong Drei! Gusto ko sana idugtong pero huwag na lang, kaya yumuko ako baka makahalata pa.
"May gumugulo sa isip mo lalaki 'yan panigurado." Humahagikgik na sabi ni mama kaya napaligon ako di oras.
"Mama!" Napalakas na tawag ko. Nabasa ba niya nasa isip ko? Nagmaktol ako at napasandal sa upuan.
"Kita mo na kung hindi totoo hindi ganyan magiging reaction mo, Kairi anak papunta ka pa lang pabalik na ako." Tinaasan ako ng kilay ni mama.
"Mama," malambing na tawag ko na parang humihingi nang tulong.
"Sige ikwento mo anak makikinig si mama." Binaba niya ang kutsara't tinidor saka siya tumingin sa akin.
Sa una nahihiya pa akong magsalita pero nung pinandilatan na niya ako ng mata gosh nakakatakot.
"Ma, ganito kasi 'yan may nakilala ako actually classmate ko then hindi na niya ako tinatantanan, palaging epal, palagi niya ako kinukulit, bipolar siya tapos sumasakit ulo ko sa kaniya hindi ko kasi maintindihan 'yong mga kinikilos niya lalo na-" hindi ko natuloy kasi inunahan ako ni mama na pinalakihan ko ng mata.
"Lalo na 'yong mga mabulaklak na salita niya sa'yo." Napabuntong hininga pagkasabi niya.
"Ma, paano niyo po nalaman?" Sinundan ng aking mata kung saan pupunta si mama tumabi lang pala sa akin.
"Alam mo Kairi naranasan ko na ang mga 'yan sa papa mo, isa lang ibig sabihin may natatanging pagtingin ang isang lalaki kapag gano'n ang kinikilos niya," lumungkot bigla mukha ni mama kaya hinawakan ko siya sa kamay.
"Sorry ma, naalala niyo tuloy si papa dahil sa akin." Yumuko ako dahil kasalanan ko.
Inangat ni mama ang mukha ko. "Hindi mo kasalanan nararapat lang na magopen ka sa akin dahil ina mo ako at dapat lang din na gabayan kita lalo na dalaga ka na. Pero ito maipapayo ko sa'yo Kairi kilalanin mo muna siya maigi lalo na ako dapat makilala ko pagkatao niya. Huwag niyo madaliin ang lahat step by step 'yan alam mo ba palagi sinasabi sa akin ng lola mo no'n?" Huminto siya sa pagsasalita naglakad papuntang bintana at tumingin sa labas.
"Palaging sinasabi sa akin na mas maganda makatuluyan mo habang buhay ay isang kaibigan, dahil ang pagmamahal nawawala pero ang pagkakaibigan mananatiling nandiyan, mas mabuting sa pagkakaibigan muna kayo magsimula at mag-aral muna maigi, maaasahan ko ba 'yan sa'yo anak? Tumayo ako pinuntahan ko ang kinaroroonan ni mama at niyakap ko siya ng mahigpit.
"Opo mama makakaasa ka at salamat po." Magkayakap pa rin kami parang ayaw ko bumitaw kasi nawawala lahat ng pangamba rito sa puso ko.
"Oh siya kumain na ulit tayo para matapos na." Magkayakap kaming dalawa na bumalik sa upuan.
Nakahiga na ako sa aking kama at nagmumuni-muni. Tama si mama dapat huwag madaliin ang lahat. Mas ok kung hindi ko bibigyan ng kahulugan ang mga pinapakita niya sa akin.
..........
Kinaumagahan sakto lang ang dating ko sa school may oras pa para magpahinga. Putek kasi maaga na nga ako umalis ng bahay naabutan pa nang traffic kahit kailan wala ng pag-asa. Pailing-iling akong naglalakad sa corridor ng aming school papunta sa room ko.
Papasok na sana ako ng nakita kong nakatayo si Drei sa may pintuan.
"Good morning!" Hinarangan niya ako gamit ng kaniyang kamay.
"Walang good sa umaga kung mukha mo ang una kong makikita." Inirapan ko siya at tinaasan ng kilay.
"Umagang umaga nagtataray ka na naman, chill lang ang ganda mo pa naman ngayon." Hahawakan sana niya ang aking mukha na agad ko naman iniwas.
"Umayos ka Drei kung hindi makakatikim ka sa akin!" Pinakita ko sa kaniya ang aking kamao, kahit maliit lang 'yan masakit naman kung makasapak.
"Heto na oh umaayos na hindi ka naman mabiro, pero 'yong maganda ka hindi 'yon biro kasi totoo." Kumindat na naman sana maging kirat mata mo tsk.
"Bakit kasi nandito ka sa pintuan?" Nakapameywang na sabi ko.
"Hinihintay kita," maikling sagot niya. Seryoso siya nakatitig sa akin.
"Bakit sinabi ko ba hintayin mo ako?" Tinaasan ko siya ng kilay. Nagulat na lang ako nang kunin niya kanang kamay ko at nilagay sa bandang puso niya, ramdam ko ang lakas ng tibok.
"Hindi, pero sabi ng puso ko hihintayin ka kahit gaano pa katagal."

Comentário do Livro (129)

  • avatar
    Gina Bernardo

    A HIGHLY RECOMMENDED THIS STORY,,NAPAKAGANDA,,CONGRATS AUTHOR,,ANG DAMI KONG IYAK,,,,I REALLY LOVE IT..IT INSPIRED THE READERS LIKE ME,

    18/02/2022

      3
  • avatar
    Angeline Padilla

    Yong sobrang dami niyo ng pinag daan ni Drie tas ang ending kay Noah pala siya , Sobrang ganda ng story mo Author ♥ I've already read Bachelor 1 and 2 , at sobrang nagandahan ako 🤗 Waiting for Bachelor 3 MWHEHEHE keep it up ✊♥

    26/12/2021

      0
  • avatar
    Josie Anne Daquio Bañares

    collage na siya At pupunta na siya sa skul ng may lalaking nakabangga sa Kanya at nagalit yung babae at minumura ang lalaki at kalaunan nag pa kilala Yung lalaki drei pangalan niya tsaka naman Nag pakilala yung babae at same room pala Sila Kasi yung lalaki fillmaker rin yung kinuha at sabay na silsng pumunta sa room nila

    20/12/2021

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes