logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 22

Kairi's P.O.V
MULA sa pagkatayo ni Tricia napaupo ulit ito. Ang madilim nitong mukha kanina lang ay naging maaliwalas na. Hindi na rin nakataas ang kilay nito at nawala ang pagkasuplada.
May buwanang dalaw yata ang babaeng ito. Kanina lang, parang leon na anumang oras ay lalapain ako ng buhay. Ngayon naman, naging isang maamong tupa. Ani ng aking isipan.
"Sobra mo naman dinibdib besh. Huwag mo masyadong seryosohin. Kasalanan ito nung pinanood ko na movie. Nadala ako masyado sa eksena. Ano besh papasa na ba ako para maging artista mo balang araw?" Napahalakhak ito ng sobra dahilan para maluha-luha pa.
"Ok ka lang?" tanong ko. Sinipat ko ang kaniyang noo baka may dinaramdam ito.
Hinuli niya ang aking kamay na nakahawak sa kaniyang noo. "Ayos na ayos ako besh. Wala akong sakit, baka hangover mayron." Tumawa ulit ito.
Paiba-iba ang mood ng babaeng ito.
"Halika na may klase na ako at gano'n ka rin." Hinawakan ko ang kaniyang kamay at handa na sana akong humakbang ng hilahin niya ako.
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil niyakap ako ni Tricia ng mahigpit. "Besh, ikaw lang mayron ako sana huwag mo akong iwan." Ramdam ko ang lungkot nito.
"Huwag kang mag-alala narito lang ako hindi kita iiwan." Hinagod ko ang kaniyang likuran at may naramdaman akong basa sa aking balikat. Umiiyak siya kahit tahimik lang ito.
Magmula noon kahit may mood swings si Tricia inintindi ko siya. Mas lalo kaming napalapit at kapatid na rin ang turingan. Kami ni mama ang naging pamilya niya habang wala pa ang magulang nito. Ako rin ang tumayong ate niya dahil mas malawak ang pang-unawa ko kaysa kaniya. Tinuro ko ang dapat at hindi dapat para mapabuti siya. Sinantabi ko muna kung ano ang mga naririnig ko ang mahalaga alam ko ang aking ginagawa.
Pinakiusapan ko na rin ang mga taong palaging nanghuhusga sa pagkatao niya. Instead na hilain ito pababa mas maigi kung tulungan ito hilain pataas. Hindi rin nakaligtas sa akin si Drei. Alam kong mainit ang dugo niya kay Tricia pero para sa akin natuto rin niya itong pakisamahan. Kahit papano nagkakaroon na rin ng improvement sa pagitan nilang dalawa.
Lumipas ang ilang taon at hindi ko masasabi kung may kulang pa sa buhay ko. Kahit walang ama na katuwang ng aking ina kontento na ako roon. Masaya na rin akong nakikita sa malaking pagbabago ni Tricia. Kahit papano natuto na itong makisalamuha sa iba at may mga kaibigan na rin maliban sa akin.
Sa tagal ng pagsasama namin ni Drei hindi ko namalayan na matagal na pala kami. Mas lalong naging solid ang aming relasyon. Hindi ko rin masabi na perfect couple kami. Dahil sa mga nakalipas na taon nagkakaroon din kami ng problema which is normal sa magkasintahan. Pero ang maganda sa aming dalawa hindi namin pinapalagpas ang araw na hindi kami nagkakasundo. Sa ngayon hindi pa namin alam kung ano mangyayari in the near future bahala na si tadhana kumbaga.
Ilang buwan na lang at magtatapos na kami. Sa ilang taon naming ginugol sa pag-aaral malapit na naming makamit ang aming pangarap. Pangarap namin ni Drei na magsama para gumawa ng isang obra na pelikula at mapanood sa buong mundo. Pangarap din namin na sabay kaming makakuha ng mga parangal gaya ng sa Oscar Awards.
"Hi babe!" Masiglang pagbati nito. Hinalikan ako sa pisngi at umupo sa tabi ko.
Nasa canteen kami at kasalukuyang break time. Abala ang karamihan sa pag-aayos sa nalalapit naming graduation. Kaya konti na lang ang makikita mo rito sa canteen. Halos karamihan naka-focus sa thesis at ang iba para sa final exam. Mabuti pagdating sa amin tapos na kami sa thesis pinaghahandaan na lang namin ang final exam.
"Babe!" Pasigaw na turan ko. Kaya nabaling sa amin ang tingin ng karamihan. Pero hindi ko sila pinansin at niyakap ko ng mahigpit si Drei.
"Araw-araw tayong magkasama pero na-miss mo ako agad." Humiwalay siya sa pagkakayakap at pinisil nito ang aking pisngi.
Minsan naisip ko, ano kayang magiging buhay ko kung hindi ako nabunggo ni Drei noong unang araw ng pasukan?
"Babe, tulala ka na naman diyan." Ngumiti ako ng tipid sa kaniya at pinatitigan ang gwapong mukha nito.
"Araw-araw kitang mami-miss at hindi ako magsasawa. Naisip ko lang, kung ano kaya magiging buhay ko kapag hindi mo ako nabunggo noon? Malamang hindi natin kilala ang isa't isa." Nginusuan ko siya at niyakap ito kung saan siniksik ko ang ulo sa kaniyang leeg. Amoy na amoy ko ang mabango nitong pabango. Sa tagal ng pagsasama namin kabisado ko na lahat. Kahit malayo pa lang alam kong siya iyon dahil sa pabangong gamit niya.
Hinihimas-himas nito ang aking buhok dahilan para makaramdam ako ng antok. "Pwede ba iyon babe? Malamang makikila pa rin natin ang isa't isa magkaklase kaya tayo." Sa sinabi niya may point naman.
Kahit siguro hindi niya ako nabunggo nung first day of school, makikilala pa rin namin ang isa't isa dahil isang course lang kami.
"Eh, paano pala kung hindi tayo magkaklase? Malamang walang tayo ngayon." Lumungkot bigla boses ko. Ramdam ni Drei iyon kaya hinarap niya ako.
"Si tadhana na ang gumawa para mapalapit tayong dalawa, kaya hindi mo na mababago pa. Huwag ka na lang mag-isip ng iba. Ang mahalaga tayo hanggang sa dulo." Ginulo nito ang aking buhok kaya agad ko naman tinampal ang kaniyang kamay.
Kakasuklay ko pa lang tapos guguluhin niya lang. Nakakuha tuloy siya ng pag-irap galing sa akin.
"After ng graduation maghihiwalay din tayo ng landas. Sa company niyo ikaw mismo magtratrabaho." Nalunggot ako sa parte na iyon. Parang hindi ako sanay na magkahiwalay kami.
"Di ba sabi ko sa'yo doon ka na rin mag-work para magkasama tayo. Ok lang kina dad iyon. Masaya pa nga sila kung dalawa tayo," excited na wika nito.
Maraming beses na akong kinombinsi ni Drei na sa kanilang company nila ako mag-work pero tinanggihan ko. Ayoko rin naman kasi magkaroon ng issue between work and relationship.
"Pakisabi na lang kay tito ok lang. Nag-submit na rin ako ng application ko sa Arnault Entertainment Company. Kakatanggap ko lang ng email galing sa kanila at naprubahan na," magiliw kong saad.
Sa expression ng mukha ni Drei hindi ito galit. Akala ko hindi niya magugustuhan ang aking sinabi. May mga bagay na hindi ko pinapaalam sa kaniya. Tulad ng application ko sa ibang entertainment company. Mabuti na lang at malawak ang pang-unawa niya.
"Ok babe as long as you happy. Basta, kahit magkaiba man ang mundo nating tatahakin, tutuparin natin ng sabay ang nabuo nating pangarap."
Muntik na sana akong maiyak dahil sa sinabi niya pero hindi ko napaghandaan ang ginawa niya at ginulo niya ulit ang aking buhok. Bilang ganti hindi ko naman siya tinigilan na kilitiin ito. Para kaming bata na naglalaro.
"Wow naman! Ang saya natin ah!" Boses iyon ni Tricia na nakapagpatigil sa aming dalawa.
Napapansin kung may awkward pa rin na nangyayari sa pagitan nila ni Drei pero mas ok na ngayon kaysa dati. Hindi ko rin maiwasan na nahuhuli silang nakatingin sa isa't isa. Siyempre, hindi ko maiwasan na makaramdam ng selos pero ang mahalaga may tiwala ako sa lalaking mahal ko. Napag-alaman ko rin ito lang galing kay Tricia na may boyfriend na ito at childhood bestfriend pa ni Drei. Nagkilala raw sila nung sinama siya ni Drei sa isang pagtitipon. That time hindi ako pwede so pinakiusapan ko na lang si Tricia kung pwede siya ang sumama kay Drei. And that time, doon na nagsimula ang love story nila ni Tricia at ng childhood bestfriend nito.
"Nagkakatuwaan lang kami besh. Saan ka galing niyan?" Umupo ito at nilapag ang mga dalang libro.
Sa nakikita ko sa kaniya malaki talaga ang pinagbago nito. Magmula ng nagka-love life naging seryoso na sa buhay. Although nandoon pa rin iyong mood swings niya pero sanay naman na ako.
"Galing ako sa library besh, you know tinatapos ang thesis ko." Kinuha nito ang kinakain kong fries at agad na sinubo.
"Talagang sineryoso mo na ah! Mabuti at this point hindi ka na nag-shift ulit ng course at gra-graduate ka na rin," masaya kong wika.
Masaya ako for her kasi finally nahanap na niya ang para sa future niya. May rason din para maging proud na sa kaniya ang parents niya. Until now, hindi ko pa rin name-meet ang parents niya pero probably graduation baka umuwi raw sila ayon na rin kay Tricia.
"Yes! At iyon ay dahil sa'yo besh. Kung hindi kita nakilala baka hindi na tumuwid ang buhay ko."
"Oh by the way anong balak mo after ng graduation?" tanong ko.
Tumigil ito sa pagkain at pinunasan ang bibig. Tinignan ko rin si Drei na tahimik lang at nakikinig sa pag-uusap namin.
"Magwo-work para hindi na ako umaasa kina mom. Maraming kilalang company si Noah na pwedeng mapasukan ko." Hindi nakaligtas sa akin ang ngiting nakita ko sa mukha niya.
"Naku ah! Ang swerte mo diyan sa boyfriend mo nakapa-supportive. At hindi halatang hindi ka inlove." Pagbibiro ko sa kaniya. Namula ang pisngi nito dahil sa sinabi ko. Hindi rin nakaligtas sa akin ang paglalambing sa akin ni Drei.
"Naku besh hulog na hulog ako kay Noah," kinikilig nitong saad.
"Sa tagal na namin ni Drei hindi pa niya pinapakilala sa akin. Childhood bestfriend pa naman niya. Tapos ikaw na bestfriend ko hindi mo rin siya pinapakilala sa akin." Nagtatampo kong wika.
Napasimangot ako sa kanilang dalawa. Tama naman ako, sa tagal ng panahon na pagsasama namin kahit ipakilala lang hindi magawa. Naramdaman ko namang niyakap ako ni Drei dahil sa pagtatampo ko.
"Sorry babe, busy din kasi iyong tao kaya hindi ko kayo napapakilala pa sa isa't isa. Don't worry baka sa graduation natin pupunta siya. Nandoon kasi girlfriend niya kaya malamang pupunta iyon." Pagpapaliwanag nito sa akin. Nagkatinginan pa sila ni Tricia na nakita ko mismo. Tumango na lang ako at niyakap din siya pabalik.
Nagulat kaming pareho ni Drei ng hinampas ng malakas ni Tricia ang mesa. Tumayo ito at walang pasabing naglakad palayo. Nagkatinginan lang kami, kahit walang lumabas na salita galing sa bibig alam na namin ibig sabihin iyon. Umatake na naman ang mood swings nito. Napapailing na lang kaming pareho.
Mabilis lumipas ang buwan at sumapit ang araw ng pagtatapos namin. Lahat ng guro, estudyante at magulang ay masaya ng araw na iyon. Parehong proud ang magulang namin ni Drei. Naging matiwasay na natapos ang graduation ceremony. May hinandang salo-salo si Drei at doon mismo sa lugar kung saan importante sa aming dalawa. Lugar kung saan saksi sa love story namin. Ang dating ice cream parlor na ngayon ay isang sikat na filipino restaurant. Binago lang ang kabuoan pero iyong kinatatayuan ay doon pa rin mismo. Hindi rin nakaligtas na makita namin si Tricia pero hindi ko nakita na kasama nito ang boyfriend. Nagmamadali nga ito at parang may hinahabol.
"Besh! Saglit lang!" Tawag ko sa kaniya. Lumingon naman ito sa akin.
"Sorry besh kung nagmamadali ako. Hinihintay na kasi ako nina mom. Hindi ko kasi alam na may plano si Noah ng ganitong surpresa." Nahalata ko sa boses nito na parang natataranta. Malamang baka hinihintay na nga siya roon.
"Ok besh, mag-ingat ka and congrats!" Wala siyang sinabi basta niyakap niya ako at nagmadaling umalis.
Pinuntahan na rin ako ni Drei kasi aalis na rin kami. Pagdating namin doon wala halos tao dahil nirentahan pala ni Drei ang buong restaurant. Parents namin, si Kuya Dred, si Ate Drema at mga kaibigan ni Drei na si Marco at Jacob. Napuno ng tawanan at kwentuhan ang gabi na iyon. Nagpaalam sandali sa akin si Drei na may gagawin lang daw. Lumipas ang ilang minuto at nakita namin siyang kumakanta sa harap ng mini stage na naroon. Nakaupo ito habang may hawak na gitara. Nagsimula na siyang nag-strum ng gitara at napaluha na lang ako.
"Grow Old With You"
I wanna make you smile whenever you’re sad
Carry you around when your arthritis is bad
Oh all I wanna do is grow old with you
I’ll get your medicine when your tummy aches
Build you a fire if the furnace breaks
Oh it could be so nice, growing old with you
I’ll miss you
Kiss you
Give you my coat when you are cold
Need you
Feed you
Even let ya hold the remote control
So let me do the dishes in our kitchen sink
Put you to bed when you’ve had too much to drink
I could be the man who grows old with you
I wanna make you smile whenever you’re sad
Carry you around when your arthritis is bad
Oh all I wanna do is grow old with you
I’ll miss you
Kiss you
Give you my coat when you are cold
Need you
Feed you
Even let ya hold the remote control
So let me do the dishes in our kitchen sink
Put you to bed when you’ve had too much to drink
I could be the man who grows old with you
I wanna grow old with you
Napuno ng luha ang aking mata. Pati ang mga malalapit sa amin ay hindi maiwasang mapaluha. Halos lahat ng tao na naroon kaligayan para sa amin ang kanilang hangad. Nang matapos kumanta si Drei dinala niya ako kung saan siya nakapwesto kanina. Bigla na lang siya lumuhod at nilahad sa aking harapan ang isang singsing.
"I want to grow old with you babe, will you marry me?"

Comentário do Livro (129)

  • avatar
    Gina Bernardo

    A HIGHLY RECOMMENDED THIS STORY,,NAPAKAGANDA,,CONGRATS AUTHOR,,ANG DAMI KONG IYAK,,,,I REALLY LOVE IT..IT INSPIRED THE READERS LIKE ME,

    18/02/2022

      3
  • avatar
    Angeline Padilla

    Yong sobrang dami niyo ng pinag daan ni Drie tas ang ending kay Noah pala siya , Sobrang ganda ng story mo Author ♥ I've already read Bachelor 1 and 2 , at sobrang nagandahan ako 🤗 Waiting for Bachelor 3 MWHEHEHE keep it up ✊♥

    26/12/2021

      0
  • avatar
    Josie Anne Daquio Bañares

    collage na siya At pupunta na siya sa skul ng may lalaking nakabangga sa Kanya at nagalit yung babae at minumura ang lalaki at kalaunan nag pa kilala Yung lalaki drei pangalan niya tsaka naman Nag pakilala yung babae at same room pala Sila Kasi yung lalaki fillmaker rin yung kinuha at sabay na silsng pumunta sa room nila

    20/12/2021

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes