logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 17

Kairi's P.O.V
"PARA magkaroon ka na ng rason para sagutin mo ako."
Binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti. Kahit masakit 'yong parte kung saan sinampal ni espasol, nginitian ko pa rin siya. At saka ko dahan-dahan nilapit ang aking mukha para halikan siya sa pisngi.
Nagulat siya dahil sa ginawa ko. "Ibig mo ba ipahiwatig sa akin heartbeat na sinasagot mo na ako?" tanong niya. Todo ngiti at pati bughaw niyang mata ay pawang kumikislap.
"Syunga, may narinig ka ba galing sa akin ng isang matamis na oo?" Balik na tanong ko.
Umiling siya. "Wala, pero hinalikan mo ako." Hinawakan niya ang kaniyang pisngi kung saan ko siya hinalikan.
"Bakit porket hinalikan ibig sabihin gano'n na 'yon? Hindi ba pwede na masaya lang ako?" Pinagmasdan ko kabuoan ng kaniyang mukha. Kung kanina todo ang ngiti ngayon biglang napawi.
"Akala ko kasi 'yon na," malungkot na wika niya. Yumuko siya at pinaglaruan ang aking kamay.
"Napapagod ka na ba? Hindi mo na kayang maghintay?" sunod-sunod na tanong ko. Bigla niya inangat ang kaniyang mukha. Iyong tipo na biglang nagulantang.
"Sino nagsabi na pagod na ako? Sino nagsabi na hindi ko kayang maghintay? Sino heartbeat? Ipakita mo siya sa akin." Palinga-linga siya sa paligid parang may hinahanap.
Kinurot ko ang kaniyang ilong. "Over acting ka masyado, huwag ka na nga mag-director mag-artista ka na lang. Ang dami mong sinasabi." Tinawanan ko lang siya.
Bigla siyang sumeryoso at hinawakan niya magkabilang pisngi ko. "Usapang seryoso, hindi ako mapapagod at maghihintay ako kahit gaano pa katagal." Iyong kulay bughaw niyang mata parang nasa dagat na kumikislap. Sa lahat ng parte ng kaniyang katawan mata niya ang pinakagusto ko.
Napaisip ako bigla, paano kaya kung lokohin ko siya?
"Talaga? Kahit gaano katagal, Champ?" tanong ko na nakakaloko.
"Oo naman, alam ko naman sasagutin mo ako," lakas loob na sabi niya.
"Aba! Confident masyado ah! Paano kung sabihin ko sa'yo na, kapag thirty years old na ako saka kita balak sagutin, mahihintay mo pa ba?" Pinipigilan kong hindi matawa dahil lumaki ang butas ng ilong niya. Pero kahit gano'n g'wapo pa rin ang hudas.
"Seryoso ka? Huwag naman heartbeat baka hindi na natin maabutan ang mga magiging apo natin." Kung kanina lumaki butas ng ilong niya, ako naman lumaki ang aking mata.
"Walang hiya ka! Napaka-advance mo talaga. Hindi pa nga tayo, wala pang kasalan, hindi pa nga ako nabubuntis apo agad. At take note mga apo talaga, so aanakan mo ako na parang baboy?" tanong ko. Bigla niya pinagdikit ang aming noo.
"Una pa lang kitang nakita, hindi slow motion ang nakita ko kung hindi fast forward. Ang makasama ka habang-buhay, magkaroon ng isang masayang pamilya, maraming anak at mga apo. Mas marami, mas masaya." Nakapikit ako habang sinasabi niya ang mga 'yon. Dahil bawat sambit niya natural na galing sa puso. Naramdaman ko na lang ang pagdampi ng malambot niyang labi sa tungki ng aking ilong.
"Kaya, huwag mo ako pag-isipan ng iba. Dahil nakahanda akong maghintay. Kung sagutin mo man ako o hindi, sa bandang huli hindi ko pagsisisihan mapatunayan ko lang sa'yo na totoong minamahal kita." Niyakap na lang niya ako.
"Bumalik ka na sa meeting mo, babalik na rin ako sa booth natin." Naghiwalay kami sa pagyayakapan at pinasingkitan niya ako ng mata.
"No, iuwi na lang kita sa bahay niyo. Baka mapano ka na naman, wala ako sa tabi mo." Nag-aalalang sabi niya.
"Huwag na, kaya ko sarili ko," malambing na sabi ko. Hinaplos ko ang kaniyang makinis na mukha. Wala man lang pores.
"Oh, sige pero kiss muna." Tinuro niya ang kaniyang lips. Napangiti kami pareho, nakita ko tuloy ang malalalim niyang dimples.
Perfect boyfriend material, hay naku! Drei just wait malapit na.
"Tara na, marami pa tayong gagawin." Tumayo na ako at hinila na siya palabas sa clinic. Pinagsaklop niya ang aming kamay at sabay naglakad.
Hinatid niya ako hanggang sa booth namin. "See you later, heartbeat." Hinalikan niya ako sa pisngi at saka siya umalis.
Pinagtitinginan kami ng aming mga blockmates, pero sanay na sila sa amin.
"Ang sweet naman, nakakakilig kayo. Sana makahanap din ako ng kagaya niya." Nilingon ko kung sino ang nagsalita.
"Hi! Trish," maikli kong sabi.
"Hello besh, hindi kayo magkasama ni masungit." Umupo siya sa may bakanteng upuan.
"Bumalik siya sa meeting nila." Nginitian ko siya ng tipid.
Tumango lang siya. "Marami ka ba gagawin? Samahan mo naman ako." Tinignan siya tuloy ng mga kaklase ko.
"Bulag ba siya? Nakikita naman niyang may ginagawa 'yong tao." Bulong ng mga classmates ko. Humarap siya at tinignan ng masama. Hindi naman nagpatalo ang mga kaklase ko lalo na si beks. Tinaasan pa niya ng kilay.
"Mga pakialamiro," sambit ni Trish. Tinaasan pa niya ng kilay ang mga ito. Susugod na sana si beks ng pigilan ko.
Katatapos lang nang rambulan kanina, magkakaroon ba ulit ng world war jusmiyo!
"Ok lang beks, kaya ko na 'to." Tinapik ko lang siya sa balikat.
Hinarap ko si Trish. "Saan ba tayo pupunta?" tanong ko.
Puro gulo ba ang dala ng babaeng 'to? Napapailing na lang ako.
"Samahan mo lang ako sa canteen, malungkot kasing kumain mag-isa." Pilit na ngiti ang pinakita niya sa akin. Ako naman bagsak ang balikat na nakatingin sa kaniya. Napabuntong hininga na lang ako.
"Oh sige, pero mabilis lang tayo ah. Madami pa kasi kaming gagawin," wika ko. Agad niya akong niyakap.
"Salamat besh." Abot hanggang tainga ang ngiti niya.
"KSP ang malandi!" malakas na sabi ni beks.
"Anong sabi mo bakla ka?!" Inis na sambit ni Trish.
"Oh, cease fire na. Beks saglit lang ako." Tumango lang siya sa akin. Pero pinandilatan niya si Trish. Inirapan naman niya ito.
Hay! Araw yata ngayon ng maiinit ang ulo.
..........
Naglalakad pa lang papunta sa canteen, pinagtitinginan na kami. Panay bulungan pa. Sakit na talaga ng mga pinoy ang ganyan ugali tsk.
"Gosh! Ba't kasama ni Kairi ang babae na 'yan certified na malandi."
"Mang-aagaw daw 'yan ng boyfriend ng may boyfriend."
"Tignan mo nga, ayos pa lang niya parang pokpok."
Mga ilang bulungan na naririnig namin. Susugurin ko sana sila ng hawakan niya ako sa kamay.
"Huwag mo na sila pansinin, sanay na ako," mahinang sabi niya. Pinapakita niya na ok siya pero ang totoo hindi. Hinila na niya ako at patuloy kami sa paglalakad.
Alam ko ang pakiramdam ni Trish dahil minsan na rin akong hinusgahan. Naaawa ako sa kaniya, sana lang matatag siya kagaya ko. Kung hindi madali siyang bibigay.
Pagdating namin sa canteen. Pinagtitinginan ulit kami pagkaupo namin. Dukutin ko na lang kaya mga mata nila kainis eh!
"Huwag ka ng tumingin, mapapagod ka lang sa kanila." Parang masaya pa siya sa nangyayari.
"Seriously Trish? Gusto mo batukan kita para matauhan ka? Lumaban ka naman!" galit na sabi ko. Pero tinawanan lang ako.
"Sa palagay mo, kapag ginawa ko 'yan maiiba ang tingin nila sa akin? Nakatatak na sa isipin nila na ganito ako." Tinuro niya ang kaniyang sarili.
"Puwes, ipakita mo sa kanila na hindi ka ganyan. Ipakita mo na mali ang iniisip nila tungkol sa'yo. Minsan huwag ka magagalit sa akin kung babatukan kita!" malakas na pagkasabi ko.
"Sige, willing naman ako magpabatok." Tawang-tawa pa siya.
"May sayad ka rin sa utak noh! Tignan mo nga 'yan sarili mo kung kumilos ka parang balahura," diretsahan kong sabi.
"Whatever besh, sanay na ako. At least hindi pa kita nahahawaan ng kabaliwan." Panay ang tawa ng sira ulo.
"Dapat lang, kasi wala ako balak na mahawaan ang pagkakaroon mo ng saltik sa utak! Halika ka nga rito." Utos ko na agad naman niya sinunod. Binatukan ko baka sakaling tumino.
"Aray! Pucha naman besh oh!" Angal niya sa ginawa ko. Inirapan ko lang siya.
"Ano natauhan ka na ba kahit konti?" tanong ko.
"Hindi" Humagikhik siya ng tawa.
"Sira ulo ka nga kung gano'n." Tinaasan ko siya ng kilay.
"Matagal na besh." Sumandal siya sa upuan at nagtipa ng kaniyang cellphone.
Pinatitigan ko siya, baka may pinagdadaanan sa buhay kaya siya ganyan.
"Trish, may pinagdadaanan ka ba? Gusto mo sabihin sa akin? Magbesh naman na tayo 'di ba?" Inangat niya ang kaniyang mukha at nginitian ko.
"Alam mo besh, hindi naman ako ganito dati. May mga magulang nga ako pero wala sila palagi. Naiiwan ako sa mga maids, sa tuwing may problema ako wala ako mapagsabihan." Lumungkot ang kaniyang mukha.
"Kaya ka ba nagrerebelde?" tanong ko. Pero hindi niya sinagot tahimik lang siya nakatingin sa akin.
"Alam mo, kahit palaging wala ang parents mo at least alam mo kompleto kayo. May mga magulang ka hindi tulad ko na putol ang isang pakpak, lucky ka pa rin kahit papano. Don't worry habang wala sila ako ang tatayo bilang magulang mo at the same time besh or sister." Hinawakan ko kamay niya.
Sumilay ang ngiti sa labi niya. "Salamat besh, dumating ka sa buhay ko." Tinapik-tapik ko kamay niya.
"Wala 'yon, tutulungan kita hanggat kaya ko. Halika ka nga rito." Pumunta siya sa pwesto ko at niyakap ko siya. Nagyakapan kaming dalawa. Matagal na rin bago ko naranasan ulit na yumakap sa isang kaibigan.
"Tara na, bumili na tayo na nang makakain." Anyaya ko sa kaniya.
Pagdating namin sa upuan dala ang inorder na pagkain, sinimulan na rin namin na kumain. Marami pa kaming napagkwentuhan at nakilala namin ang isa't isa. Iyong sinabi ko na sandali lang, napatagal dahil panay kwento ni Trish hindi nauubusan. Panay tawa pa namin kasi ang dami niyang ginawang kalokohan no'n. Napahinto ako dahil may dalawang lalaki na huminto sa pwesto namin at titig na titig si Trish do'n sa isa.
"Hi girls! Pwede ba maki-join sa inyo?" tanong ng lalaki na parang James Reid ang look. Kaya pala lumalandi na naman ang babaeng 'to.
"Yes...No!" sabay naming sabi ni Trish.
Nagkatinginan ang dalawang lalaki.
"Ah, yes pwede kayo maki-join. Pagpasensyahan niyo na ang besh ko may LQ kasi sila ng jowa niya," malanding sabi ni Trish do'n sa dalawa. Pinandilatan ko siya ng mata, pero ang gaga pangiti-ngiti pa.
"Kilala ko 'yong famous heartthrob sa campus, kayo na pala." Ngumisi sa akin 'yong isang lalaki na hawig naman ni Jericho Rosales. Inikutan ko siya ng mata.
"Alam mo pala eh, pwede ka naman maki-join basta huwag ka tumabi sa akin. Tumabi ka diyan sa kasama mo," supladang sabi ko. Inirapan ko pa siya.
"Suplada talaga, matagal ko pa naman siyang crush hanggang ngayon." Bulong na sabi niya. Nagkatinginan kaming tatlo pero dinedma ko na lang.
"Ikain mo na lang 'yan bro." Nakakalokong sabi ng kasama niya. Tinapik lang niya ito sa balikat. Nakangisi na tumingin sa akin si hawig ni Jericho at inumpisahan ng kumain.
Silang tatlo ang magkakatabi at sa pwesto ko ako lang mag-isa, pero magkatapat kami. Busy 'yong dalawa sa paglalampungan. Masarap hilahin sa buhok at pagsasabunutan. Hindi man lang magpakipot kahit konti.
Hindi ko kaya mga tingin na pinapakita sa akin ng lalaking katapat ko. Panay iwas ang ginagawa ko, kung nakakamatay lang ang tingin kanina pa siya bumulagta. Kinuha ko na lang cellphone ko baka may message si Drei. Wala naman, so ibig sabihin busy talaga siya. Natapos na rin kaming kumain, pero 'yong dalawa walang tigil pa rin sa lampungan. Nagyayaan sa isang booth kung saan may videoke.
"No, kayo na lang. Baka hinahanap na ako sa booth din namin!" may diin na pagkasabi ko.
"Sige na besh, last na 'to promise." Pagkukumbinsi sa akin ni Trish. Tinignan ko siya and she mounted please.
"Oh sige na, last na 'to talaga ah!" Niyakap na lang niya ako.
Akala ko kakanta sila, 'yon pala naglalaplapan sila mga bastos!
Humanda ka sa akin mamayang babae ka!
Kumanta na lang ako para sa kanta mabaling ang attention ko at hindi sa paghahalikan nila. Natapos na akong kumanta hindi pa rin sila tapos. Dahil sa inis ko tinampal ko sa balikat ang hawig ni Jericho. Hindi ko na inalam pangalan nilang dalawa dahil hindi ako interesado.
"What?" Gulat na tanong niya. Busy kasi sa pagtitipa ng kaniyang cellphone.
"Pagsabihan mo 'yan kaibigan mo ah! Bastos walang modo!" malakas na sabi ko para matigil 'yong dalawa, pero parang wala silang narinig.
"Hayaan mo sila, gusto naman ng kaibigan mo." Walang ganang sabi niya. Napapailing na lang.
"Aba! Bastos ka rin ah!" Inis na sabi ko.
"Sa iba oo, pero pagdating sa'yo hindi." Nagawa pa niyang kumindat.
Feeling bwisit!
Dahil sa inis ko at hindi man lang ako tinulungan ng demonyong 'to. Binato ko sila ng bote ng mineral water. Salamat naman at napansin nila.
"Awat na!" Pinanlinsikan ko sila ng mata. Ang babaeng kaibigan ko nagpeace sign siya sa akin, tapos 'yong kahalikan niya yumuko.
Makakapal ang mukha. Hindi man lang sila nahiya kahit konti tsk.
Maggagabi na kaya minessage ko si Drei na magkita na lang kami sa parking lot. Habang naglalakad kami kinausap ko ng mahinahon ang babaeng malandi na 'to.
"Ano ba kayo ng lalaking 'yan?" Turo ko do'n sa hawig ni James Reid.
"Wala, bagong kakilala lang." Kinikilig na sabi niya.
"Aray! Naman besh!" Binatukan ko na lang naman at kinurot sa tagiliran. Napalingon sa amin 'yong dalawang lalaki na nasa unahan namin. Sinenyasan ko sila na ipagpatuloy ang paglalakad.
"Tanga ka ba? O talagang malandi ka? Hindi kayo at kakakilala mo pa lang nakikipaghalikan ka na!" Inis na sabi ko. Piningot ko pati tenga niya.
"Tama na besh, ouch!" Hinimas niya 'yong part na piningot ko.
"Ano sasagot ka ba sa akin o dadagdagan ko pa sakit ng katawan mo? Grabe ka! Hindi ka man lang nagpakipot kahit konti." Pailing-iling na sabi ko.
"Pasensya na besh, hindi ko napigilan g'wapo eh!" Kinikilig ulit na sabi niya.
Manhid talaga ata 'tong babae na 'to tsk.
"Sige, dahil sa salitang g'wapo na 'yan diyan ka mapapahamak. Hindi mo man lang kinilala, baka mamaya may girlfriend pala 'yan. Tapos susugurin ka na naman at bandang huli iiyak ka. Ulitin mo 'yan Trish hindi lang 'yan gagawin ko sa'yo kakalbuhin talaga kita!" Mataray na sabi ko.
"Oo na besh, sorry na." Paglalambing niya sa akin. Tinignan ko lang at binabasa ko ang takbo ng iniisip niya.
"Siguraduhin mo lang, kasi hindi ako nagbibiro." Tumango lang siya.
Dumating na kami sa parking lot at sinabi nung kamukha ni James Reid na siya ang maghahatid kay Trish sa bahay nila.
Paalis na sana 'yong kamukha ni Jericho Rosales ng pinigilan ko.
"Hey! Wait lang, magtabi nga kayong dalawa." Utos ko do'n sa dalawang lalaki. Agad naman silang nagdikit. Kinuha ko ang aking cellphone at pinicturehan silang dalawa.
"Wow! Kairi hindi ko alam na may pagtingin ka rin pala sa akin." Napahawak sa batok bigla si kamukha ni Jericho.
"Ulol, asa ka! Kung may pagtingin ako sa'yo dapat ikaw lang kinuhanan ko ugok ka rin eh! Kinuhanan ko kayo ng picture para just in case may ginawa kayong masama sa kaibigan ko kayo agad ang suspect." Napanganga silang tatlo.
"Grabe! Matindi talaga, mauna na ako sa inyo!" Parang inis na sabi ng kamukha ni Jericho.
"Bye" Pang-iinis na sabi ko pa sa kaniya.
"At ikaw, nakalagay na mukha mo rito sa cellphone ko. Kapag may ginawa ka sa kaibigan ko patay ka! Diretso uwi ah baka kung saan pa kayo pumunta." Pagbibilin ko sa lalaking hawig ni James Reid. Tumango lang sa akin ang kupal. Hinalikan ako sa pisngi ni Trish at saka na sila umalis. Sakto rin ang pagdating ni Drei. Hinapit niya ako sa aking baywang, hinila palapit sa kaniya at niyakap ng mahigpit.
"I really damn miss you." Bulong niya sa aking tainga. Napangiti ako nang palihim. Kung titignan kami parang kami na hindi pa naman.
"I miss you too." Bulong ko rin sa tainga niya. Humiwalay kami sa pagkakayakap at hinarap niya ako.
"Sabi ng blockmates natin, kasama mo raw buong araw 'yong Trish na 'yon." Nakakunot ang noo niya. Hindi naman siya galit.
"Oo, sinamahan ko lang ang gaga. Huwag kang mag-alala wala siyang ginawang masama sa akin. At hindi ko nakakalimutan ang mga bilin mo." Inayos ko ang pagkakunot ng noo niya.
"Basta, mag-ingat ka hindi mo alam kung ano pagkatao niya." Tinapik ko siya ng mahina sa dibdib.
"Parang concern na boyfriend ah!" Pang-aasar ko sa kaniya.
"Oh bakit? Hindi pa ba?" Nakakalokong tumingin siya sa akin.
"Tara na nga." Hindi ko na lang ginatungan ang sinabi niya baka humaba pa.
..........
Pagdating namin sa bahay wala pa si mama. Ako na lang magluto para pagdating niya kakain na lang.
"Champ, dito ka na mag-dinner ipagluluto kita," wika ko. Biglang lumaki ang ngiti sa kaniyang mukha.
"Sweet naman ng girlfriend ko, talagang ipagluluto pa ako." Niyakap niya ako patalikod.
"Ulol, namiss lang kita. Peace offering kasi nagalit ka kanina dahil magkasama kami ni Trish." Kinikiliti niya ako sa batok ko.
"Huwag mo na isipin 'yon, kinalimutan ko na." Naramdaman ko ang init ng kaniyang hininga na dumampi sa aking tainga.
"Punta na ako sa kitchen." Humiwalay ako sa pagkayakap niya, binigyan ko siya ng isang flying kiss at naglakad na. Umarte na parang sinalo ang flying kiss ko sa kaniya at sumunod na rin.
Habang nagluluto ako nakapalumbaba siya sa may counter.
Pinapanood lang niya ako. Nang matapos ako saktong dumating na rin si mama. Sabay-sabay na kaming kumain.
"Champ, malapit na birthday mo. Ano plano mo?" tanong ko. Pati si mama napatingin sa kaniya.
Pinunasan muna niya ang kaniyang bibig bago nagsalita. "Celebrate sa bahay kasama pamilya ko, si tita, mga kaibigan ko at siyempre ikaw." Kumindat pa siya sa akin. Natawa lang sa amin si mama.
Naging masaya lang ang hapunan namin hanggang nagpaalam na siyang umuwi.
..........
Sumapit ang araw ng birthday ni Drei. Ika-21 birthday niya kumbaga debut para sa mga lalaki.
Gano'n pa rin hindi pa sila masyado magkasundo ni Trish. Pinapasama ko nga kasi may celebration pero may date raw siya. Pagkatapos ng klase namin, naisipan ko na dumaan muna sa ice cream parlor, kasi ang init ng panahon gusto ko magrefresh muna.
"Champ, daan muna tayo sa ice cream parlor gusto ko kumain ng ice cream. Mamaya pa naman 'yong birthday celebration mo hindi tayo malalate." Tumingin lang siya sa akin at tinap ang ulo ko.
Pagkaupo namin alam na nila kung ano palagi namin inoorder. Kilala na kasi kami rito lalo na 'yong manager.
Pagkalapag ng order namin na mango ice cream with oreo on top inumpisahan na namin kainin. Tumingin ako kay Drei na busy lang sa pagsubo.
"Champ, pwede mo na ako tawagan," mahina na sabi ko, pero sapat lang para marinig niya.
"Ah? Nandito naman ako ba't kailangan pa kitang tawagan?" Naguguluhan na tanong niya. May ice cream pa sa gilid ng kaniyang labi.
"Dahil may rason na ako para sagutin kita ng-"
"Oo"

Comentário do Livro (129)

  • avatar
    Gina Bernardo

    A HIGHLY RECOMMENDED THIS STORY,,NAPAKAGANDA,,CONGRATS AUTHOR,,ANG DAMI KONG IYAK,,,,I REALLY LOVE IT..IT INSPIRED THE READERS LIKE ME,

    18/02/2022

      3
  • avatar
    Angeline Padilla

    Yong sobrang dami niyo ng pinag daan ni Drie tas ang ending kay Noah pala siya , Sobrang ganda ng story mo Author ♥ I've already read Bachelor 1 and 2 , at sobrang nagandahan ako 🤗 Waiting for Bachelor 3 MWHEHEHE keep it up ✊♥

    26/12/2021

      0
  • avatar
    Josie Anne Daquio Bañares

    collage na siya At pupunta na siya sa skul ng may lalaking nakabangga sa Kanya at nagalit yung babae at minumura ang lalaki at kalaunan nag pa kilala Yung lalaki drei pangalan niya tsaka naman Nag pakilala yung babae at same room pala Sila Kasi yung lalaki fillmaker rin yung kinuha at sabay na silsng pumunta sa room nila

    20/12/2021

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes