logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Capítulo 5 ANG MISTERYO NG NUMERO 690452

ZACHARIA POV
"Mr. Zachariah! Huwag mong gawing Oras ng pagtulog mo Ang klase ko!" Bulyaw Ng gurong nasa harapan Ng pisara at kasabay nun Ang pagbato nito sa akin ng pambura
"Hay nako, ma'am piya. Hindi ka na nasanay sa Isang yan, alam mo namang mapa-umaga't gabi ay tulog yan" hagikgik ni Jacob
"Mr Zachariah, kung matutulog ka Rin naman sa klase ko... Lumabas ka nalang at wag nang magpakita sa Oras ng klase ko!" Bulyaw muli ng guro sa harap at tinuro ang pintuan
Kaya tumayo nalang ako at dinala Ang bag papalabas
"Sige po, goodnight nalang po ma'am" antok Kong Saad bago makalabas Ng room
"Good-night-in mo yang mukha mo, Loko!" Galit na Saad ni ma'am at malakas na sinara Ang pintuan
"Luh? Di naman inaano kung makaano parang ano" nguso Kong bulong at nagpagala-gala nalang sa buong campus
Habang naglalakad Ako sa buong building Ng campus ay bigla nalang akong may naalala
"S-aabi ko na nga ba...." Ani'ko. "Kailangan ko Yun! Kundi mamàmatay ako Nang Wala sa oras!" Agad Kong takbo patungo sa canteen
"Bat ko bang nakalimutan na di pa ako kumakain?! Tuloy nag-aalboroto na dito Ang tyan ko!" 
__________
"Ate, Tatlo nga pong burger at Isang coke" ani'ko sa nagtitinda rito sa canteen
"Teka? Oras pa Ng klase ngayon ah? Mamaya pa Ang break time nyo, bakit nandito ka na? Wag mong sabihin nag-cutting ka?!" Tila chismosang Ani Ng nagtitinda
"Hindi po.... Pimalabas po Ako, nasawa na yata sa pagmumukha ko si ma'am" ani'ko, pagkatapos ay inabot nya a man sakin Ang binili ko. "Saka isa pa, marami na akong alam. Kaya baka sumabog na'tong utak ko kapag may nalaman na naman akong bago" dagdag ko pa at iniwan na nakaningkit Ang nagtitinda sa canteen
Pagkatapos ay dumiretso Ako sa garden Ng campus
"Fresh air, fresh food, fresh Zachariah! Grabe sa sobrang fresh ko pati ibon gusto na akong iputan" ngiti Kong Saad matapos makaiwas sa ipot Ng ibon
Dumiretso Ako sa isang malaking Puno at dun umupo't kumain
Kinuha ko naman Ang mga libro ko sa bag na hiniram ko sa library bago Ako pumunta sa canteen
"Mukhang kailangan ko na naman mag-aral mag-isa ah.... Kasalanan naman Kasi Yun ng mga teacher! Masyado silang nakakaantok pakinggan pagkatapos di pa maintindihan mga dinidiscuss nila" nguso Kong reklamo at kumagat sa burger pagkatapos ay binuklat Ang isang libro
__________
"Waahh! Nakatulog na naman pala ako!" Gulantang ko matapos magising na madilim na Ang buong paligid dahil Gabi na
"Kailangan Kong magmadali, dahil baka mapagalitan na naman Ako ni Boss pagnagkataon" aligaga ko habang pinupulot Ang mga libro at pinagkainan ko
"Bakit ba Hindi manlang Ako ginising ng gwardya o mga istudyante rito nang madaanan nila Ako rito?" Ngusong tanong ko habang nilalagay sa bag Ang gamit ko
"Ay Teka, baka makalimutan ko na naman Yung number na napanaginipan ko" ani'ko pagkatapos ay kinuha sa bulsa ko Ang ballpen at sinulat sa pala-pulso ko Yung number na napanaginipan ko
"Saglit? Ano nga ulit Yun? Hays! Nalimutan ko na naman!— ah Tama! 690452, Yun nga!" 
Pagkatapos ay binitbit ko na Yung bag ko at Yung bote ng coke at dumiretso na sa gate
"Ikaw na naman? Wag mong sabihin nakatulog ka na naman Hanggang sa maggabi na?" Bungad sakin Ng gwardya
Kamot batok naman akong tumango
"Buti na Lang at Hanggang alas-nuwebe Ako rito Ng Gabi, kung Hindi mag-aala kawatan ka talaga dito para lang makalabas" Ani'ya at binuksan Ang gate
"Salamat manong guard" Ngiting ani'ko ko rito at takbong tinungo Ang paradahan Ng mga jeep
__________
Halos habol hininga akong huminto sa harap ng agency na pinagtratrabahuhan ko
Oo, ito Ang dahilan kaya Ako antukin. Dahil bukod sa pag-aaral mag-isa dahil Hindi ko mapigilan Ang antok ko sa klase ay nagtratrabaho din Ako bilang Isang jack of all trades
"Oh? Zach, bakit ngayon ka lang?" Bungad sakin ni boss kyuta
"E Kasi naman... Nakatulog Ako sa school at di ko namalayan na Gabi na pala" nguso Kong sagot at umupo sa upuan. "Bakit nga pala Ako lang Ang nandito?" Tanong ko
"Dahil may special secret mission akong ipagagawa Sayo" tugon nya na ikinaningkit ko
"Ano namang special secret mission Yan? Ha?" Ningkit Kong tanong
"Batay sa tingin mo sakin, parang Wala Kang tiwala sa misyon na ibibigay ko Sayo ah?" Taas kilay nyang Ani
"Ganun na nga" nguso Kong Saad na ikinahawak nya sa sintido nya
"Ang batang 'to talaga oh" rinig Kong bulong nya. "Sige, didiretsuhin na kita. Ang misyon na ibibigay ko Sayo ay Ang pag-imbestiga sa mga taong bigla bigla nalang nam*matay habang natutulog" Ani'ya
Na ikinatingin ko sakanya
"Huh...?! Imbestigahan ang mga taong bigla nalang namamàtay habang natutulog? Nasisiraan ka na ba boss? E normal lang naman Ang ganoon'g kaso Lalo na kapag Ang isang tao ay-" 
"Hindi, may kakaiba sa kanila. Ang lahat ng may kaso na pagkàmatay habang natutulog ay may numerong nakasulat sa kanilang pala-pulsuhan" Ani'ya at may iniabot sakin envelope
Kinuha ko naman iyon at kinuha Ang laman sa loob
Nakalagay dun Ang mga litrato Ng mga taong Wala ng buhay 
"Tingnan mo Ang nakasulat Banda sa pala-pulsuhan nila" utos ni boss kaya tiningnan ko pa Ang ibang litrato na mas malinaw
"690452?" Mahina Kong bulong. "Teka....!? Ito Yung palagi Kong napapanaginipan na Numero ah!" Gulat Kong saad at agad tiningnan Ang sinulat ko sa pala-pulsuhan
"A-ano 'to? Ako na ba Ang susunod?" Ningkit Kong tanong na ikinalapit sakin ni boss at tingin sa kamay ko
"Saan mo naman nakuha yang numerong Yan Zach!?" Gulat na tanong ni boss
"Palagi ko Kasi yang napapanaginipan, e nakakalimutan ko palagi kaya sinulat ko nalang kanina paggising ko" nguso Kong sagot
"Ah ganun ba?— hoy Zach! Burahin mo na Yan kaagad! Gusto mo na bang matigøk, kagaya ng ipaiimbestiga ko Sayo!?" Singhal nya sakin
Tumango nalang Ako at tumungo sa banyo
"Sino ba Kasi Ang nagbigay Ng misyon nyang satin? Di naman Tayo kulto o pari para makatanggal ng sumpa o para malaman kung ano ba Ang nangyayari sakanila kung bakit sila namamatay pagkatapos nilang isulat Yan sa kamay nila bago matulog" ani'ko habang Nasa labas ng pintuan ng banyo si boss
"Hindi ko Rin alam, nakita ko lang Yan kaninang Umaga sa mailbox ko kasama Ng bayad" sagot nya habang kumikinang Ang mata
"Ahh kaya pala tinanggap mo Rin?" Ningkit Kong tanong
Tumango-tango naman sya kaya napa-buntong hininga nalanga Ako
Matapos Kong mabura Ang sinulat ko sa kamay ay agad akong dumiretso sa laptop 
At sinearch Ang ibig sabihin ng numerong iyon
"Apparently, if you write the numbers 690452 on your wrist before you go to sleep you'll be stuck in your dream or a parralel universe forever. That means if you die in your sleep, well your died in real life too" basa ko sa lumabas na result matapod Kong isearch Ang meaning Ng numerong 690542
"Ibig sabihin? Muntikan na pala akong matigøk? Hahaha buti nalang" mahina Kong tawa
"Kaya nagpasalamat ka sa'king, mokung ka" biglang batok sakin ni boss kyuta
Kamot ulo akong tumayo sa upuan at naglakad papalabas 
"San ka naman pupunta?!" Pasigaw na tanong nito
"Uuwi na'ko, inaantok na kaya Ako" sagot ko sakanya at lumabas na, Hindi ko na sya hinintay na magsalita dahil baka marinig ko lang Ang mga bulyaw nya
Malapit lang ang agency sa apartment na tinutuluyan ko kaya naglakad nalang ako
Habang naglalakad Ako may napansin akong tao na balot na balot Ang katawan
Naka-sumbrero at jacket, di ko nalang Yun pinansin at nagpatuloy nalang sa paglalakad
Baka Kasi Isa syang kulto tapos pag nakita nyang nakita ko sya, edi nagkita kami? Diba, diba? 
Saka problemado Ako kung pano ko malulutas Yung biglaang pagkàmatay Ng mga tao habang natutulog sila at Ang mga Numero na nakitang nakasulat sa kamay nila
May mga sayad yata Yung mga taong Yun pati Yung nagbigay Ng misyon nyon samin e
Habang malalim Ang iniisip ko ay bigla nalang may humila ng damit ko
Kaya agad akong napalingon dun. "Ikaw Ang kinuha para gawin Ang misyon na iyon, Hindi ba?" Bungad sakin Ng mukhang kulto na nakita ko kanina
Kaya napataas Ako Ng Isang kilay. "Oo, Ako nga. Bakit? Crush moko? Senya na pero di kita type, kultong babae-" di natapos Ang sasabihin ko nang bigla nya akong sipain
"At mas Hindi Rin kita type! Abnormal ka!" Singhal nya sakin
Luh? Bat nagagalit?
"Ay saglit... Bakit mo Alam Ang tungkol sa misyon, ha?!" Gulat na tanong ko sakanya
Nakita ko namang napangin Ang labi nya at bigla nyang tinggal Ang hood nya pati Ang sumbrero at ngisi akong tiningnan. "Dahil Ako Ang nagbigay Ng misyon na Yun" ngisi nyang sagot na ikinatameme ko
"I-ikaw? Ikaw— Ikaw Ang nagbigay Ng misyon na Yun, na ngayon ay nagpapasakit Ng ulo ko, ha!?" Pasigaw na ani'ko sakanya habang kwinekwelyuhan
Nang kwelyuhan nya Rin Ako at nakakatakot na nginisihan. "Oo, bakit? Angal ka? Wala ka nang magagawa dahil tinggap na iyon Ng boss mo" ngisi nya habang napakalapit Ng mukha sakin
Napanguso nalang ako."Sabi ko nga"
Nang bigla nya akong hilahin. "Teka! San naman Tayo pupunta!?" 
"To the moon" simple nyang sagot na ikinaningkit ko
"Hoy, babaeng kulto. Tinatanong kita Ng maayos kaya dapat mo Rin akong sagutin nang maayos! Hindi mo ba alam Ang salitang good manners and right conduct?" Ningkit na tanong ko sakanya
"Hindi" aagit nya
"Ano ka, alien?" Ningkit na tanong ko
Na ikinahinto nya at lapit Ng mukha sakin kaya napaatras Ako. "mukha bang alien Ang pagmumukha Kong 'to, ha?! Di mo ba alam na halos lahat Ng mga sikat na lalaki ay hinahangaan Ang mukha Kong 'to?! Ha!?" Galit nyang Ani
"Oh chill lang, masyado kang high-blood" pagpapakalma ko sakanya. "Saka Isa pa, pwede bang tumigil ka na kaka-daydream mo? Ha?" Dagdag ko pa, nang bigla nya'kong kaya napaluhod nalang ako sa sakit
"Hindi Ako nag-da-daydream! Sira!" Singhal nya
Nang bigla nyang hilahin Ang kamay ko at kumuha sa bulsa nya Ng ballpen at may kung anong sinulat sa kamay ko
Nang matapos ay agad Kong binawi Ang kamay ko at tiningnan Ang sinulat nya sa kamay ko. "690452..."
Agad akong napatingala sakanya Ng ma-realize Ang sinulat nya sa kamay ko. "Ikaw...!" Galit long tingin sakanya
"Magkita nalang Tayo sa walang Hanggang panaginip, lalaking abnormal" ngisi nyang Saad at bigla nalang nawala sa paningin ko
Agad Kong linibot Ang paningin ko, ngunit Wala talaga sya
"Di kaya, kasapi talaga Ang babaeng Yun Ng mga kultø?" Ningkit na bulong ko at naglakad nalang papauwi
Pagdating ko sa apartment ko ay agad ko nang binuksan Ang pintuan, sinara iyon at dumirero sa higaan at humilata
"Masyado ko yatang nagamit Ang mga muscle ko" ani'ko habang bahagyang tinatakpan Ang mata. "Hindi naman siguro totoo 'tong numerong 'to, na kapag sinulat mo bago ka matulog ay Matitigok ka na" dagdag ko pa at natulog na
_____________
"Buhay pa ba sya?"
"Gwapo nga pero mukhang dugyot" agad akong napadilat dahil sa narinig kong Sabi Ng Isang Boses babae
"Uh... Buhay pa pala sya e!" Agad akong napalingon sa babaeng nagsalita
At dun ko lang napagtanto na Wala na akong sa'king Kwarto, at nasa... Nasa harap Ng Isang palasyo!?
"Paano ka ba napadpad dito, ginoo?" Tanong Ng isang babae
Apat na babae Ang kabuuan na naka-palibut sakin habang takang nakatingin 
Agad akong tumayo. "Nasan Ako?" Tanong ko habang palinga linga
Sobrang aliwas rito, pagkatapos halos lahat Ng nakatayong bahay ay Ang gagara
Di kaya...? Di kaya nasa langit na ako?! 
Agad akong napatingin sa kamay ko. "T-totoo nga" maputla Kong Saad habang nakatingin sa isinulat Ng babaeng kulto sa kamay ko
Nang biglang may kawal na humawak sa kamay ko. "Pinapatawag ka ni prinsesa " Ani Ng isang kawal
Kaya agad Kong binawi Ang kamay ko sa dalawang kawal na humawak sakin
"Gagawin ko?" Tanong ko. "Wala akong pake kung pinapatawag Ako Ng prinsesa nyo. Mamaya sya pala Yung mapanlinlang na demonyo, edi di na ako tinanggap ni papa god nun" nguso ko pang dagdag
"Pero kayo Ang hinihintay ni prinsesa, at pinag-utos nya na sa Oras na may matagpuan na binata sa labas Ng palasyo ay agad na ipapunta sakanya. Kaya halika na ginoo" paliwanag Ng Isang kawal at hinawakan muli Ako
"Sabing ayoko e!" Inis na ani'ko at hinawi ang kamay nya
"Pero ginoo, Ang prinsesa mism-" di nya napatapos Ang sasabihin nya ng bigla syang luhod na tila nagbibigay pugay, pati na'rin Ang iba at Ang apat na babae ay yumuko
"Magandang araw, Mahal na prinsesa" Sabay nilang bati
Kaya agad akong napalingon sa tinitingnan nila na prinsesa raw kuno
Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko, magugulat ba, maiinis, o maniningkit
"Ikaw? Prinsesa? Diba kulto ka? Ano ka, prinsesa Ng mga kulto?" Ningkit na tanong ko sa babaneg tinawag nilang prinsesa
Nakita Kong nag-iba Ang ekspresyon ng mukha nya at Ang kaninang maaliwalas na aura ay naging madilim
"Pakiulut nyga yang sinabi mo, lalaking abnormal na hampas lupa. Sinong tinawatawag mong prinsesa Ng mga kulto, huh?!" Madilim at Taas kilay nyang Saad
"Syempee Ikaw, sino pa ba?" Tugon ko
Nang biglang mas dumilim pa Ang aura nya't mukha
"A-ah prinsesa, kung gusto nyo'po kami na Ang bahalang mag pahirap sa lalaking ito, dahil sa pangiinsulto nya Sayo" mungkahi Ng Isang kawal
Nang biglang hawakan ni kulto Ang kamay ko at hinila papalayo. "Hindi, Ako nang bahala sa lalaking 'to" Ani'ya habang Hila Hila Ako
Nang tuluyan na kaming makalayo Mula sa mga kawal at apat na babae ay agad akong bumitaw sa pagkakahila nya
"Alam mo Ikaw? Napansin Kong masyado kang pala-hila, close Tayo? Close Tayo?" Ningkit na tanong ko na ikinataas Ng kilay nya. "Saka Isa pa, san mo ba balak akong dalhin ha?" Dagdag ko pa
"Bakit ba tanong ka Ng tanong? Ikaw na nga 'tong tinutulungan na mapabilis Ang pag-iimbestiga mo sa misyong binigay ko sainyo e" Ani'ya
"Tinutulungan? Ha? E pano mo naman Ako matutulungan, e di ko na nga alam kung nasnag lupalop na ako Ng Mundo!" Singhal ko sakanya, masyado yata akong naging magagalitin ah? Siguro kulang Ako sa tulog?. "Saka Isa pa, kasalan mo Rin 'to. Kung bakit Ako nandito, ano ba kasing meron sa mga numerong Yun ha?" Dagdag ko pa
Nang bigla nya na naman akong hawakan. "Kaya nga'ng Sabi ko na sumama ka sakin, at huwag ka ng tanong tanong dyan, sasampigain na talaga kita Makita mo" Ani'ya at marahas akong hinila
"Edi manahimik, basic" nguso Kong Saad habang nakapaningkit
_______
Nakarating kami sa harap Ng napakalaking pintuan
"Ano nmang ginagawa natin dito?" Ningkit na tanong ko
Nang buksan ng babaneg kulto Ang pintuan at bigla akong hinila papasok run kasunod nya
Huli na Ng maramdaman Kong tila lumulutang Ako o nahuhulog, di ko maipaliwanag
Napakadilim kaya Hindi ko Alam Kung ano bang napasok ko, tila isang kawalan
Nang biglang may lumabas na mga imahe sa buong paligid ko
"Ang nakikita mo ay Ang mga panaginip Ng iba't ibang tao" biglang Saad Ng bababneg kulto
"Ano bang ibig mong sabihin dyan?" Takang tanong ko
"Hindi ko pa pala ako nagpapakilala Sayo" ngiti nyang harap sakin. "Ako si zayah, Ang prinsesa Ng Mundo Ng panaginip" ngisi nyang pakilala sakanyang sarili
"Oh tapos? Gagawin ko?" Ningkit na tanong ko. "Saka isa pa, Yung pangalan mo. Ang pangit! Parang pinasosyal lang na pagkakabigkas sa salitang "saya" hahaha" pangangasar ko sakanya
"Manahimik ka nga dyan! Wala Kang karapatang insultuhin Ang prinsesang kagaya ko!" Singhal nya sakin at bigla akong sinipa
Akala ko mahuhulog Ako o ano pero parang walang gravity sa Lugar na kinalalagyang namin ngayon, na ikinamangha ko
"Pero alam mo? Hindi naman talaga Ako Ang prinsesa rito, Hindi naman talaga Ako taga rito" tila humina Ang Boses nya 
Kaya agad akong napatingin sakanya. "Hindi ko 'to ginusto. Ang totoo, Isa lang naman talaga akong ordinaryong ulilang babae sa Isang maliit na baryo sa tunay na Mundo. Ngunit bigla nalang nag-iba Ang pamumuhay ko nang bigla may Isang sasakyan Ang sumagasa sakin" kwento nya
"Oh? Kasalanan mo pala e, bakit ka Kasi nagpasagasa?" Ningkit Kong tanong habang pinupunasan Ang mga luha nyo
Oo, umiiyak na sya. Naawa Ako kaya pinunasan ko nalang. "Saka Isa pa, pwede bang tumahan ka nari'yan? Mas Lalo Kang pumapangit e" dagdag ko pa 
"Manahimik ka dyan" mahina nyang sipa sa Paa ko
"Tapos? Anong nangyari pagkatapos mong masagasaan Ng sasakyan?" Tanong ko
Napa-ayos sya Ng tayo at inayos Ang mukha nya
"Na-comatose Ako" sagot nya. "Dahil dun naging pagala-gala Ako, pagala-galang kaluluwa" dagdag pa nya
Na ikinalaki Ng mata ko. "Nag ibig sabihin... Multo ka na talaga?!" Gulat Kong tanong
"Parang oo, parang Hindi" sagot nya. "Sa loob Ng apat na buwan'g pagiging ligaw na kaluluwa ko ay bigla nalang, sa Isang madilim na Gabi ay lumiwanag Ang buong paligid at matapos mawala Ng liwanag ay natagpuan ko nalang Ang sarili ko sa Isang puti at walang kahit anong tiyakang silid" kwento nya
"Habang hinahanap ko Ang papalabas room ay may mga itim na numerong biglang lumabas sa buong paligid, halos matabunan na ni'yon Ang puting silid, kung Hindi lamang sa mga space sa numeorng iyon" kwneto pa nya
"Ang numerong iyon ba ay Ang misteryosong mga numerong naging dahilan Ng kasawian Ng mga tao?" Tanong ko
Na ikinatango nya, pagkatapos ay tumingin sya sa mga senaryong nakapalibot samin. Tila Ang kinalalagyang namin ay Isang walang gravity-ng silid na Puno ng screen kung San pinapakita Ang iba't ibang senaryo
"Gaya ng sinabi ko kanina, Ang mga iyan Ang mga senaryong nakikita o napapanaginipan Ng mga taong nakulong sa Mundo ng panaginip, sa mundong ito." Saad nya. "At Ako Ang may kasalan kaya nangyari sakanila iyon. Pumasok Ako sa panaginip Ng Isang tao pagkatapos ipinakita sakanya ang silid na nakita ko, silid na may mga numerong 690452" dagdag pa nya
"Pagkatapos? Anong nangyari?" Tanong ko
"Matapos Kong pumasok sa panaginip Ng taong Yun ay Hindi na sya linayuan Ng kuryusidad sa numerong iyon, Hanggang sa habang nag-aaral sya para sa darating nilang exam ay di sinasadyang naisulat nya sa kamay nya Ang numerong iyon at nakatulog dahil sa pagod" kwento nya
"Ang ibig sabihin, Ang taong Yun pala Ang unang nabiktima mo?" Nguso Kong tanong Ng sikmuraan nya na naman Ako
"Loko ka talaga!" Singhal nya. "Pero... palagay ko Tama ka, dahil matapos nyang isulat iyon at Makatulog ay hindi na syang nagising pa. Pagkatapos, nang sinubukang Kong pasukin muli Ang panaginip nya ay bigla nalang akong napadpad rito. At dun nagsimula Ang pag-iimbestiga ko patungkol sa numerong iyon at nang tungkol sa nangyayari sakin" Ani'ya
"Pagkatapos nalaman mo na sa Oras isulat Yun Ng tao bago sila matulog ay makukulong na sila sa Mundo ng panaginip? O mas magandang Sabihin, sa Mundo ng panaginip na ginawa mo" 
"Ganun na nga.... Binalak Kong gawan Ng paraan upang maibalik sa tunay na Mundo Ang mga taong naikulong ko sa mundong ito-"
"Tapos? Anong nangyari!?" Putol kong tanong
"Nagawa ko, nagawa Kong makapabalik Ng taong naikulong rito pabalik sa tunay na Mundo. Ngunit nagkamali pala ako sa desisyon Kong Yun.... Ipinagkalat Ng taong Yun Ang tungkol sa lahat Ng nangyari sakanya at nang sa Numero, ipinost nya sa lahat Ng website Ang numerong iyon at inilagay Ang mangyayari kapag isinulat mo iyon bago ka matulog" Iwas nyang Saad
"Ahh kaya pala!" Komento ko
Nang bigla nyang hawakan at kamay ko at tumingala sakin habang Ang mga mata ay tila nagmamakaawa. "Pakiusap... Tulungan mo Ako, tulungan mo akong tapusin na Ang problemang sinimulan ko. Tulungan mo'kong sirain Ang mundong 'to at tapusin Ang sumpang ito!" Mangiyak-ngiyak nyang pagmamakaawa
"Sige na nga... Total Wala na akong magagawa at misyon ko naman 'to. Sige, tutulungan na kita, Basta tumigil ka na kakaiyak dyan, para kang bingot" kamot batok Kong Saad na ikinasama Ng mukha nya at bigla akong sinikmuraan
Aba't! Sira-ulø 'to ah! Sya na nga tinutulungan sya pa may ganang manikmura
_______________
"Una nating kailangan gawin ay pigilan Ang mga taong balak magpatiwakal gamit Ang mga Numero" Ani zayah habang nasa harap kami Ng isang bahay at nasa sanga Ng Puno na kaharap Ng bahay 
"Ano namang koneksyon ni'yon Ng pagpunta natin dito?" Ningkit Kong tanong
"Sisimulan natin sa dalagang nakatira rito Ang pagpapawalang bisa Ng sumpa, papasok Ako sa panaginip nya habang Ikaw ay magbabantay. Habang Nasa loob Ako Ng panaginip nya ay siguraduhin mong walang kahit sinong papasok sa silid nya, dahil sa Oras na may Makakita Sayo at sa akin ay lagot tayong dalawa" seryosong Ani zayah kaya napatango nalang ako
Nang Makita namin na patay na Ang lahat Ng ilaw sa bahay at Kwarto Ng dalagang puntirya namin ay dahan dahan Kong binuksan Ang bintana Ng Kwarto at pumasok run
Pagkatapos ay dahan dahan kaming lumapit sa dalagang mahimbing na natutulog at dahil sa sinag Ng buwan ay nakita ko Ang mga numerong nakasulat sa kamay nya
Tumingin sakin si zayah at tumango kaya nag-approve sign nalang ako
Nang biglang nawalan ng Malay si zayah na dahilan upang matumba sya, mabuti nalang ay agad ko syang nasalo
"Sira-ulo talaga 'tong kulto na 'to e, di man lang sinabi na mawawalan sya Ng Malay pagkatapos nyang pumasok sa panaginip Ng ibang tao" mahina Kong bulong ay binuhat papahiga sa Isang sofa
Napansin Kong naging malikot gumalaw Ang babae, ngunit bigla nalang ngumiti
"Luh? Ano sya? Baliw?" Ningkit na bulong ko
Di ko nalang Yun pinansin at linibot nalanga Ng paningin sa buong Kwarto
Nang mapansin ko Ang study table nya, at dun ko nakita Ang lahat ng gamit nya
"Kung ganun Isa pala syang journalist? Ngayon alam ko na, kung bakit sa dinami-dami ng taong magpatiwakal gamit Ang numerong iyon ay Ang babaeng 'to ang inuna ni zayah. Di ko akalain na may utak din pala Ang kultong Yun" mahinang bulong ko habang hawak Ang isang notebook
May Isang note akong nakita kaya agad ko Yung kinuha at binasa
"Ngayong Gabi ay mapapatunayan ko nga kung Ang haka-haka tungkol sa numerong 690452 ay totoo nga ba, kung talaga bang nakukulong na sa panaginip Ang taong magsulat nito sa kamay bago matulog" basa ko sa nakasulat, kaya napabuntong hininga nalang ako at binalik muli Ang papel
Ilang saglit lang ay nagkamalay na si zayah
"Oh? Anong nangyari?" Ningkit na tanong ko
Nang ngiti nya akong tiningnan Sabay kindat. "Edi mission accomplished" Ngiting Saad Niya at tumingin sa mahimbing na natutulog habang may matamis na ngiti sakanyang labi
"Tara na Zach, meron pa tayong pupuntahan na tatlumpung katao" ngiti nyang Hila sakin at biglang tumalon sa bintana at tumakbo habang Hila pa Rin Ako
"Teka, Yung bintana Ng babae. Hindi nasara"
"Wag Kang mag-alala, nalimutan mo na bang Isa akong prinsesa?" Ngiti nyang Saad habang Hila Ako at tumatakbo
Kaya liningon ko Ang bahay na pinagmulan namin at Ang Kwarto room, nakita ko na sarado na Ang bintana Ng Kwarto
"Sabi ko nga" nguso Kong Saad
____________
Sa loob Ng halos Isang buwan ay pagpasok sa panaginip Ng tao at pagbabantay Ang Ang ginawa namin
Halos lahat Ng pinupuntahan namin ay tila mga taong nais malaman kung may katotohanan nga ba Ang numero
"Tingnan mo 'to zayah, oh" tawag ko Kay zayah habang nakatuon Ang atensyon sa laptop
Ramdam ko Ang paglapit nya at tingin sa screen Ng laptop
"Sa wakas! Nagawa natin! Zach, Ang haka-haka tungkol sa mapanirang Numero ay natapos na!" Masaya nyang Saad at bigla akong yinakap
"Pero Hindi ibig sabihin nun ay Wala Ng taong pilit susubukang alamin Ng sa sarili nila Ang patungkol sa Numero" ani'ko na ikinasama Ng mukha ni zayah
"Wag ka nga'ng kJ dyan!" Pambabatok nya sakin
Nang biglang pumasok si boss kyuta
"Oh, nandito ka pala Ms zayah. Nabalitaan mo na Rin ba Ang tungkol sa mga numerong pinaiimbestiga mo samin?" Tanong ni boss kyuta
Tumango-tango naman si zayah. "Oo, nabalitaan ko na" Ngiting Saad ni zayah
"Nga pala, Yung mga taong mamatay matapos isulat Yung numero sa kamay nila bago matulog.... Nalaman na Ang tunay na dahilan Ng mga pagkàmatay nila, Yung iba uminom Ng lason, Yung iba inatake sa puso habang natutulog, Yung iba binangongot, Yung ib-"
"Tama na boss kyuta" putol ko sa sinasabi nya
"Oo na, oo na" kamot batok na Saad nito. "Sige maiwan ko na Muna kayo dyan, maninigarilyo Muna Ako sa labas" Ani'ya at lumabas 
"Ano zayah? Ayos na ba Yung results na nakuha natin?" Lingon ko Kay zayah 
Ngunit halos manlaki Ang mata ko Ng makitang unti-unti syang naglalaho
"Oum! Ayos na ayos! Dahil Sayo naayos ko na Ang gulong ginawa ko, at dahil Sayo makakaalis na ako sa mundong ito na walang inaalala" ngiti nyang saad habang unti unting naglalaho 
"Zayah...."
"Pwede bang sa huling pagkakataon ay humiling Ako Sayo? Zach?" Ngiti nyang Saad habang nangingilid na Ang mga luha
"A-ano Yun?" Utal Kong tanong habang pinipigilan Ang mga luha
"Hindi ko na Kasi nadarama Ang katawan ko, pwede bang... Yakapin mo Ako?" Ngiting Ani'ya habang patuloy sa pagtulo Ang kanyang mga luha
"Syempre naman, huling hiking mo na Yan e. Kaya kahit labag sa kalooban ko ay susundin ko" Ngiting Saad ko at yinakap sya Ng mahigpit
"S-sana... Magkita ulit Tayo, Zach. At Sana sa muli nating pagkikita... Ang Mundong kinagagalawan natin ay iisa nalang, walang Mula sa Mundo ng panaginip o mundo Ng mga kaluluwa.... Kundi sa Mundo ng mga buhay lang, mundo kung saan una Tayong nagkita, kahit pa Ang mundong kinagagalawan natin Ng mga oras na iyon ay magkaiba" Ani'ya habang ramdam ko Ang patuloy na pag-agos Ng mga luha nya sa balikat ko
"Oo" sagot ko
"P-paalam, paalam na" kasabay nang pagsambit nyang Yun ay tuluyan nyang paglaho at dinala nang malakas na hangin papalabas sa bintana Ang mga munting liwanag na nagsilbing bakas na nabuhay sya sa mundong ito.....
__________
"S-si zayah ba? P-pano mo nakilala Ang batang iyon? Ha, iho?" Tanong Ng matanda sakin
"Mahabang kwento po, Lola" kamot batok Kong sagot
"Ah ganun ba? Sige... Halika, sumonod ka sakin" Ani'ya at naunang naglakad
Nakarating kami sa dulo Ng mataas na bangin, kung saan sa lilim Ng malaking Puno ay may lapida
"Hindi namin kinaya na ilibing di zayah sa Isang sementeryo, dahil na Rin sa hirap Ng buhay. Kaya nagpagpasyahan namin na dito nalang sya ilibing, dahil sa tuwing malungkot sya ay dito sya palaging pumupunta" kwneto ni Lola
"Ganun po ba?" Komento ko. "Nagiging malungkot pala sya kahit papaano? Hahaha" mahina kong bulong
"Palagi nya kasing sinisisi Ang sarili nya kung bakit daw namatay Ang mga magulang nya, sa isnag car accident. Ako Ang dating katulong Ng pamilya nila zayah, ngunit pagkatapos pumanaw nila sir at ma'am ay nawalan na'rin ko Ng trabaho. At dahil naawa Rin Ako Kay zayah, dinala ko nalang sya sa baryo namin at dito na pinalaki" kwento pa ni Lola
Kung ganun may buhay prinsesa din pala Ang babaeng Yun kahit dito pa sa tunay na Mundo?
"Ngunit Hindi naging madali para sakanya Ang makisalamuha sa mga taga rito, naging tampulan sya ng tukso dahil sa dati nyang naging pamumuhay noon, at palagi syang pinag-chi-chismisan Ng mga tao. Kinailangan nyang ngumiti Ng ngumiti para lang walang maka-pansin na nasasaktan sya, nakayanan nya Yun, ng mga pagkukunwaring Yun. Dahil Minsan na Rin naman syang naging tanyag sa larangan Ng pag-arte" dagdag pa ni Lola
Nakita ko naman sa lapida Ang buong pangalan ni zayah, zayah Zhao. 
Kung ganun sya nga talaga Yun? "Ahahaha di ko akalain na sya pala Ang dati Kong hinahangaan at kinababaliwalang batang artists noong Bata pa lamang Ako" pagak Kong tawa
Kaya napatingin sakin si Lola habang nagtataka Ang mukha
"U-uh... Wag nyo na po akong alalahanin Lola, ayos lang po Ako" Ngiting saad ko
"Sige, Kung ganun. Maiwan na Muna kita ri'yan" Ngiting saad ni Lola at naglakad papalayo sakin
Habang Ako ay ngiting kumakaway sakanya
"Hindi mo naman sinabi na may ganoon ka palang nakaraan, babaneg kulto" mapait Kong Ngiting Saad habang nakatanaw sa asul na langit Sabay ni'yon Ang paghangin Ng malakas
_____________
Nandito Ako ngayon sa rooftop Ng Isang building habang tila nagbabadyang tumalon room
Tiningnan ko Muna Ang baba. "Ahaha napakataas pala nito" kamot batok Kong Saad, nang biglang may tila pulang Tali Ang pumulupot sa kamay ko
Kaya agad akong napatingin sa kaharap na gusali
"Bakit ka naman Ganyan? Sasayangin mo Ang buhay mo para lang sa Isang walang kwentang bagay?" Ani'ya na ikinalaki Ng mata ko
"Ikaw..."
"Hindi mo pa Oras ngayon Zach, di gaya ko. Kaya sa ngayon, maging Masaya kang mamuhay rito sa mundo" ngiti nyang Saad at sa Isang iglap bigla nalang syang nawala gayundin Ang pulang Tali
"Ganun pala ah? Mamuhay Ng Masaya sa mundong 'to?"
___________
"Ahhhhhh magnanakaw!" Sigaw bigla Ng Isang babae gaya agad akong napatingin run, at nakita Ang Isang lalaking hinahabol ng Isang babae 
Hindi ko Alam ngunit bigla nalang kumilos Ang mga paa ko at hinabol Ang lalaking magnanakaw Ng bag
At nang maabutan ko sya ay agad Kong hinila Mula sakanya Ang bag 
Hindi naging madali Ang pag-agaw sakanya Ng bag ngunit nagawa ko parin'g makuha Mula sa magnanakaw Ang bag
Nang sa di ko inaasahang pangyayari ay di ko napansing may hawak Pala syang kutsilyo at isinàksak sakin iyon at bigla nalang syang tumakbo nang mabilis
Nanghihina ko Yung hiniwakan ngunit tila pabilis Ng pabilis Ang pag-agos Ng dugo ko
Unti unti ay nawawalan na Ako Ng pandinig, kasunod ni'yon ay Ang paningin ko. Hanggang sa naramdaman ko nalang na bumagsak Ako
"Katapusan ko na ba talaga 'to?" Mahina Kong bulong habang unti-unting nag-fla-flashback Ang mga ala-ala ko
____________
"Sa panibagong mundo muli tayong nagkita. Ngunit sa mundong ito iisa na Ang ating ginagawalan, at Wala nang kakaiba kahit sino sa'tin.... Ikaw at Ako lamang, rito sa mundo Ng paraiso....."
END

Comentário do Livro (92)

  • avatar
    Ar Jay

    yes goods

    3d

      0
  • avatar
    CastroMarich

    nice story

    18/08

      0
  • avatar
    Kįm Cîê Perez

    verrynice

    10/08

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes